TL;DR
Mabibili ang mga NFT mystery box mula sa mga marketplace ng NFT gaya ng Marketplace ng Binance NFT. Puwede mong buksan ang mystery box kahit kailan mo gusto o puwede mo itong ibenta nang hindi binubuksan at nang may tubo.
Ano ang NFT mystery box?
Ang mystery box ay isang box na naglalaman ng isang espesyal na random na produkto. Handang magbayad ang mga mamimili ng nakatakdang presyo nang hindi nalalaman ang laman hangga't hindi nila binubuksan ang box.
Baka iniisip mo kung bakit may bibili ng ganoong produkto nang hindi nila alam ang makukuha nila. Katulad na lang ng Russian roulette, “sumusugal” sila para sa tsansang makatanggap ng mga espesyal o rare na produkto sa maliit-liit na halaga. Sa pag-asam at kagustuhang malaman, nahihimok ang mga mamimili anuman ang edad nila.
Puwede mo ring isipin na ang mga mystery box ay isang na-upgrade na bersyon ng mga surprise chocolate egg, isang nakakatuwang treat na malamang na nagkaroon ka noong kabataan mo. Kadalasan, ang mga chocolate egg na ito ay may lamang laruan o iba pang sorpresa sa isang plastic na capsule. Bago mo ito buksan, wala kang ideya kung ano ang makukuha mo. Posibleng magustuhan mo ang laruan o hindi, pero ang elemento ng sorpresa ang kinakapanabikan natin dito. Katulad nito ang mga mystery box, bukod sa wala kang makukuhang masarap na chocolate shell, at karaniwang limitado ang dami ng mga box.
Nakalikha ng ingay ang mga mystery box sa larangan ng cryptocurrency sa kalagitnaan ng paglago ng merkado ng NFT noong umpisa ng 2021. Maraming kumpanya ang nag-iisyu na ngayon ng mga limited edition na mystery box na may mga lamang NFT na may iba't ibang antas ng rarity para sorpresahin ang mga mamimili.
Sa kasalukuyan, may libo-libong series ng mga NFT mystery box sa merkado. Kapag bumili ka ng mystery box mula sa isang koleksyon, puwede kang magkaroon ng ideya kung ano ang posible mong makuha sa pamamagitan ng pagbabasa sa paglalarawan ng box. Sa ilang sitwasyon, makikita mo rin ang posibilidad na makuha ang bawat uri ng NFT.
Posibleng masorpresa ka sa NFT sa loob ng box sa dalawang paraan. Bagama't posibleng mabilis na mawalan ng halaga ang mga common na NFT pagkatapos ng unang pagbebenta, puwedeng lumampas nang sobra-sobra sa orihinal na presyo ang halaga ng mga rare na NFT, hangga't may demand. Kung masuwerte kang makakita ng mga pinag-aagawang mystery box NFT, puwede mong ipagbili ang mga iyon sa mga marketplace ng NFT o auction house.
Mula Nobyembre 2021, ang pinakamahal na NFT sa buong mundo ay ang artwork na “Everydays: The First 5,000 Days” na gawa ni Beeple. Ang NFT ay isang collage ng 5,000 larawang ginawa araw-araw mula noong 2007. Naibenta ito sa Christie's nang lampas $69.3 milyon, na nagtakda ng bagong milestone para sa ecosystem ng NFT.
Saan ako makakakuha ng NFT mystery box?
Para makabili ng NFT mystery box sa Binance, mangangailangan ka ng account. Kung may account ka na, magagamit mo ito para bumili ng mga NFT mystery box nang hindi kinakailangang gumawa ng bago.
Paano bumili ng NFT mystery box sa Binance
1. Pumunta sa Marketplace ng Binance NFT at mag-log in sa iyong account. Kung wala kang account sa Binance, mag-click sa [Magrehistro] para gumawa nito.


3. Piliin ang filter na [Hindi pa Nabubuksan] para mahanap ang mga hindi pa nabubuksang NFT mystery box na gusto mo.

4. Gagamitin natin ang [VOGUE SG MYSTERY BOX] bilang halimbawa. Mag-click sa pangalan nito para pumasok sa page ng produkto.

5. Dito, makakakita ka ng higit pang detalye tungkol sa NFT mystery box, kasama na ang paglalarawan, presyo, petsa ng pag-expire, at iba pang impormasyon.

6. Halimbawa, puwede mong i-click ang [Content ng Series] para tingnan ang ranking ng rarity ng NFT, ibig sabihin, ang posibilidad na makakuha ng “super super rare” na NFT mula sa box.

7. I-click ang [Bumili Ngayon] para bilhin ang mystery box. Dapat may lumabas na pop-up na naglalaman ng mga detalye ng order. I-click ang [Kumpirmahin] para i-finalize ang iyong pagbili.

Pagbebenta sa auction ng NFT mystery box
Kung isang pagbebenta sa auction ang NFT mystery box na gusto mong bilhin, kakailanganin mong mag-bid, at ang user na may pinakamataas na bid sa katapusan ng auction ang makakakuha sa box. Puwede mong tingnan ang oras ng pagtatapos ng auction sa tabi ng bid price.
1. Para mag-bid, i-click ang [Mag-bid]. Sa ilang sitwasyon, puwede ka ring makakita ng [Buyout price], na nangangahulugang puwede mong bayaran ang presyong ito para bilhin agad ang mystery box.

2. Susunod, puwede ka nang mag-bid. Mas mataas dapat nang kahit man lang minimum na markup ang iyong bid kaysa sa naunang bid. Kapag masaya ka na sa halaga, i-click ang [Mag-bid] para kumpirmahin.

Paano magbukas ng NFT mystery box
Pagkatapos mong bilhin ang NFT mystery box, maso-store ito sa [Koleksyon] - [Mga Mystery Box].
1. Mag-click sa mystery box para pumunta sa page ng produkto.

2. Susunod, mag-click sa [I-click para ipakita] para buksan ito.

3. I-click ang [Buksan ang box] sa pop-up.

4. Makikita mo na ang NFT artwork. Maso-store ito sa iyong [Koleksyon] - [Mga Mystery Box].

Paano magbenta ng NFT mystery box sa Binance
Mapipili mong ibenta ang mga NFT mystery box nang hindi nabubuksan o ang mga NFT na nakuha mo sa mga iyon sa Marketplace ng Binance NFT.
1. I-click ang [Maglista ng NFT] sa page ng produkto.

2. Mare-redirect ka sa page ng listing. Para sa pagbebenta sa pamamagitan ng Auction, piliin ang [Pinakamataas na Bid]. Sa field na [Minimum na Bid], puwede mong ilagay ang panimulang presyo para sa iyong listing. Puwede ka ring magsama ng [Buy-out Price] para sa direktang pagbili. Kung gusto mo ng agarang pagbebenta nang walang pag-bid, piliin ang [Itakda ang Presyo].
3. Pagkatapos, may makikita kang field na [Presyo] para piliin kung magkano mo gustong ibenta ang NFT. Mapipili mong makatanggap ng ETH, BNB, o BUSD bilang bayad.
4. Pagkatapos, pumili ng petsa ng pagtatapos para sa iyong pagbebenta. Ang petsang ito ay puwedeng 12 oras hanggang 7 araw mula sa oras ng paglilista. Kapag masaya ka na sa mga tuntunin ng iyong listing, i-click ang [Isumite].

Paano mag-withdraw ng NFT mula sa Binance
Sa kasalukuyan, hindi sinusuportahan ng Marketplace ng Binance NFT ang pag-withdraw ng mga NFT mystery box. Sa halip, kailangan mo munang buksan ang mystery box, at pagkatapos ay puwede mo nang i-withdraw ang NFT.
1. Pagkatapos buksan ang mystery box, pumunta sa [Koleksyon] - [Mga Mystery Box] at mag-click sa NFT na gusto mong i-withdraw. Pagkatapos i-click ang [I-withdraw] sa page ng NFT.

2. Piliin ang network ng wallet kung saan ka magwi-withdraw, at i-paste ang [Destinasyong Address ng Wallet]. Kung hindi ka pa nakakapagkonekta ng anumang wallet, i-click ang [Magdagdag ng Wallet]. Mare-redirect ka sa page na [Magkonekta ng Wallet].
3. Kumpirmahin kung compatible ang blockchain kung saan ka maglilipat, kung hindi, posibleng mawala ang NFT.

Mga pangwakas na pananaw
Dahil patuloy na nadaragdagan ang dami ng pag-trade ng NFT, puwedeng maging napakagandang paraan ng mga NFT mystery box para magsimula sa mga NFT. Ang elemento ng sorpresa, at ang tsansang makakuha ng mga rare na NFT artwork sa mas mababang halaga, ang nagpapatuloy ng hype sa mga NFT mystery box.