TL;DR
Habang lumalago ang ecosystem ng DeFi, sumisikat ang mga NFT. Kapag nagte-trade o humahawak ng mga NFT o iba pang crypto asset, may opsyong gumamit ng mga serbisyong custodial o mga serbisyong non-custodial. Pagmamay-ari ng isang serbisyong custodial ang pribadong key sa iyong wallet at hinahawakan nito ang mga asset mo sa kustodiya nito. Ang Marketplace ng Binance NFT ay isang halilmbawa ng custodial na platform ng NFT kung saan ka makakapag-log in gamit ang nakarehistrong account.
Nagbibigay ang isang serbisyong non-custodial sa mga user ng kumpletong kontrol sa kanilang mga wallet at digital asset. Puwedeng direktang i-trade ng mga user ang kanilang mga NFT mula sa mga wallet nila. Gumagawa ito ng merkadong hindi nangangailangan ng mga tagapamagitan. Iyon ang makikita mo sa Featured By Binance, ang non-custodial na platform ng NFT ng Binance. Sa pamamagitan ng pag-mint ng mga NFT sa blockchain, bumubuo ang mga creator ng direktang ugnayan sa kanilang mga fan nang walang anumang panganib sa platform.
Panimula
Mataas ang demand ng mga non-fungible token (NFT) sa lahat ng ecosystem ng blockchain at DeFi. Marami nang impormasyon tungkol sa paksa ng NFT, pero hindi natin kadalasang tinatalakay ang custodianship. Sino nga ba ang may ganap na kontrol sa NFT na kakagawa o kakabili mo lang? Posibleng wala ka masyadong kustodiya sa iyong NFT gaya ng inaakala mo.
Baka pamilyar sa iyo ang konseptong ito kung napag-aralan mo na ang mga wallet at cryptocurrency. Sa katunayan, parehong wastong opsyon ang pagkakaroon ng kustodiya sa iyong NFT o ang pagpapahawak nito sa iba. Nakadepende itong lahat sa hinahanap mo at sa uri ng responsibilidad na gusto mong magkaroon.
Ang mga pangunahing paraan na makakakita ka ng mga custodial at non-custodial NFT ay kapag pumipili ka ng wallet at mga platform na gagamitin mo sa pag-trade o paggawa ng mga NFT.
Ano ang crypto wallet?
Ang crypto wallet ay isang mahalagang tool para sa paghawak ng mga cryptocurrency at paggamit ng mga blockchain. Kung gusto mong magsagawa ng mga transaksyon at gumamit ng mga desentralisadong application (DApp), mangangailangan ka ng wallet. May dalawang pangunahing aspekto ang bawat wallet: isang pampublikong key at isang pribadong key.
Ginagamit ang pampublikong key ng iyong wallet para bumuo ng mga address na mapapadalhan mo o ng iba ng crypto. Ang iyong pribadong key, na dapat mong ituring na kumpidensyal na password, ay nagsa-sign ng mga transaksyon at nagbibigay ng access sa mga pondo mo. Maraming iba't ibang opsyong mapagpipilian pagdating sa crypto wallet. Ang mga key ay puwedeng i-print sa isang pirasong papel, i-access sa pamamagitan ng desktop wallet software, o nasa mga hardware wallet device.
Hindi lang din mga cryptocurrency ang kailangang i-store ng mga crypto wallet. Depende sa wallet mo, puwede ka ring mag-store ng mga NFT. Malamang na nakagamit ka na ng crypto wallet para magpadala o makatanggap ng mga digital asset gaya ng Bitcoin (BTC), Ether (ETH), o mga stablecoin. Pero ang ilang crypto wallet ay puwede ring mag-store at maglipat ng mga NFT, na mga token na ibinibigay sa isang blockchain.
Ano ang custodial crypto wallet?
Ang custodial crypto wallet ay hindi nagbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa mga pribadong key mo. Isang third party (gaya ng palitan o tagapagbigay ng serbisyo ng custodial wallet) ang magso-store ng mga asset mo para sa iyo. Hindi mo maa-access ang iyong pribadong key nang mag-isa, pero hindi naman ito masama. Depende itong lahat sa mga pangangailangan mo.
Dahil sa desentralisasyon ng teknolohiya ng blockchain, puwede kang permanenteng mawalan ng access sa iyong wallet kung mawawala mo ang iyong pribadong key. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng custodian para sa iyong pribadong key, maipapasa mo sa kanila ang responsibilidad. Kahit na makalimutan mo ang iyong password sa palitan, malamang na makakabalik ka sa account mo sa tulong ng suporta sa customer.
Gayunpaman, huwag kalimutan na sa ganitong sitwasyon, isang third party ang may kustodiya sa iyong mga pondo. Magiging ligtas lang ang iyong crypto batay sa pagpapanatili rito ng custodian. Kaya naman mahalagang pumili ng maaasahang palitan o tagapagbigay ng serbisyo.
Ano ang non-custodial crypto wallet?
Ang non-custodial crypto wallet ay isang wallet kung saan ang may-ari lang ang may hawak at may kontrol sa mga pribadong key. Para sa mga user na gusto ng higit pang kontrol sa kanilang mga pondo, ang mga non-custodial wallet ang pinakamahusay na opsyon.
Pero, gaya ng naunang nabanggit, nasa mga kamay ng may-ari ng wallet ang responsibilidad na panatilihing ligtas ang key. Kung mawawala niya ang mga key at hindi niya maalala ang kanyang backup na seed phrase, mawawala ang wallet at ang mga pondo nito. May ilang non-custodial wallet na available bilang mga app, executable, at browser extension. Kasama sa mga sikat na halimbawa ang Trust Wallet at MetaMask. Makakakita ka rin ng mga serbisyo ng wallet, gaya ng Tor.us, na nagbibigay-daan sa mga user na gumamit ng mga pag-log in sa social para i-secure ang mga key nila, kaya naman nagiging mas secure at maginhawa ang proseso.
Aling mga wallet ang magagamit ko sa mga NFT?
Pareho mong puwedeng gamitin ang mga custodial at non-custodial wallet para i-store ang iyong crypto art o iba pang NFT. Gayunpaman, siguraduhin na sinusuportahan ng gagamitin mong wallet ang uri ng NFT na gusto mong itabi. Puwedeng magkaroon ng mga NFT sa iba't ibang blockchain, at kahit sa indibidwal na blockchain, puwedeng magkaroon ng iba't ibang uri ng mga pamantayan sa token. Ang bawat pamantayan ay may iba't ibang katangian at panuntunan na tumutukoy kung paano ginagawa at ginagamit ang mga token.
Ang mga pinakakaraniwang pamantayan sa token ay:
Kung plano mong mag-store ng NFT sa custodial wallet (halimbawa, sa isang palitan ng cryptocurrency) o non-custodial wallet, tingnan muna ang pamantayan sa token ng NFT. Gamit ang impormasyong ito, siguraduhing sinusuportahan ng iyong wallet ang blockchain at pamantayan sa token ng iyong digital art.
Ang MetaMask, Trust Wallet, at MathWallet ay mga non-custodial wallet na tumatanggap ng mga pinakakaraniwang NFT na malamang na makikita mo. Pero kapag gumagamit ka ng sentralisadong palitan, custodial wallet ang gagamitin mo. Ang pinakamainam mong opsyon ay tingnan ang FAQ o website ng iyong palitan para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga tinatanggap nilang NFT.
Paano ako bibili ng NFT gamit ang wallet?
Nakadepende ang iyong paraan ng pagbili ng mga NFT collectible sa dalawang bagay: ang uri ng wallet at ang marketplace na gusto mong gamitin. Kung gusto mo ng kumpletong kontrol sa iyong pagbili ng NFT at gusto mo itong i-store sa non-custodial wallet, kakailanganin mong gumamit ng desentralisadong platform, gaya ng Featured by Binance.
Mga desentralisadong platform (non-custodial)
Kung nakagamit ka na ng Binance DEX dati o iba pang desentralisadong palitan, baka pamilyar ka na sa non-custodial na sistema. Sa desentralisadong palitan, hindi mo kinakailangang gumawa ng account o mag-sign up. Kadalasan ding direktang nasa pagitan ng mga wallet ng bawat partido ang mga pakikipag-trade.
Mga marketplace ng NFT (custodial)
Nagsisilbi ang marketplace ng NFT bilang custodian sa proseso ng pagbili. Kung gusto mong mag-bid sa isang auction, kakailanganin mong ipadala sa platform ang iyong mga pondo para mahawakan ang mga iyon sa escrow. Kapag nabili mo na ang iyong NFT, puwede mo itong panatilihin sa custodial wallet nito o puwede mo itong i-withdraw papunta sa ibang wallet.
Sa Marketplace ng Binance NFT, kinakailangan mo ring maglipat ng mga pondo sa custodial spot wallet nito para makabili at makapag-bid sa mga NFT. Dapat na may "lamang" crypto ang iyong account sa Binance dahil hindi direktang makikipag-ugnayan sa mga external wallet ang website.
Paano ako magmi-mint o magbebenta ng NFT gamit ang wallet ko?
Mga desentralisadong platform (non-custodial)
Tinatawag na pag-mint ang proseso ng paggawa ng NFT. Para makapag-mint ng NFT, kailangan mong ikonekta ang iyong wallet at i-upload ang mga digital asset mo sa isang platform ng NFT, gaya ng Featured by Binance. Doon, makakapag-upload ka ng mga larawan, audio, o video file kasama ng ilang metadata (para ilarawan ang iyong mga NFT). Puwede kang gumawa ng mga indibidwal na NFT o isang Koleksyon, na binubuo ng isang grupo ng mga NFT.
Pagkatapos mag-mint, iso-store sa chain at hindi mababago ang iyong mga asset. Kung gusto mo, puwede mong ibenta ang iyong mga NFT. Sa kasalukuyan, dalawang paraan ng pagbebenta ang sinusuportahan ng Featured by Binance para sa pangalawang marketplace nito: ang mga pagbebentang fixed price at auction sa English.
Kapag nakumpleto na ang mga pagbebenta, ipapamahagi sa mga mamimili ang iyong mga NFT. Ililipat ang mga napagbentahan mula sa mga wallet ng mga mamimili papunta sa wallet mo. Ang proseso ay naka-automate at ginagawang secure ng mga panuntunan ng mga smart contract.
Mga marketplace ng NFT (custodial)
Para ibenta ang iyong NFT sa isang custodial marketplace, kakailanganin mo itong ideposito sa ginagamit mong platform. Siguraduhing tinatanggap ng platform ang uri ng NFT na gusto mong ibenta. Kung hindi ka maingat dito, madali mong mawawala ang iyong mga NFT sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ito sa hindi tugmang platform. Magkakaroon ng iba't ibang opsyon para sa pagbebenta ang bawat marketplace, gaya ng mga pagbebentang fixed price o mga auction.
Kapag matagumpay mo nang naibenta ang iyong NFT, awtomatiko itong ililipat ng marketplace sa bagong may-ari. Direktang ipapadala ang iyong mga pondo sa external wallet mo o iiwanan ito sa platform para ma-withdraw mo ito.
Mga bentahe at kahinaan ng custodial na serbisyo sa NFT
Nagbibigay ang serbisyong custodial ng simpleng paraan para itugma ang mga mamimili at nagbebenta ng NFT na madaling gamitin para sa mga baguhan. Hindi kailangang mag-alala na baka mawala ang iyong key, na nakakaginhawa kahit para sa mga user na mas marami nang karanasan. Sa pangkalahatan, user-friendly ang mga interface, at mas maluwag ang buong proseso pagdating sa pagkakamali. Kung magkakaproblema, dapat ay may nakatakdang suporta ang platform para makatulong.
Pero para sa maraming mahilig sa crypto na nagpapahalaga sa desentralisasyon, malaking kahinaan ang hindi pagkontrol sa iyong mga asset nang direkta. Karaniwan din ang mga pagsusuring KYC sa ilang custodial na serbisyo sa NFT na nangangailangan ng iyong pangalan, address, at ID. Kapag naka-store na ang iyong data, laging may panganib na baka manakaw o makuha ito nang hindi dapat. Hindi rin lingid sa kaalaman na naha-hack ang mga serbisyong custodial.
Mga bentahe at kahinaan ng non-custodial na serbisyo sa NFT
Mas malaking kontrol ang ibinibigay ng mga non-custodial na platform ng NFT sa buong proseso ng transaksyon. Sa direktang pag-trade ng mga NFT mula sa iyong wallet nang walang tagapamagitan, mas mura ang bayarin at may karagdagang privacy. Gayunpaman, mas nakadepende ang mga salik na ito sa ginagamit mong network. Kung mahalaga sa iyo ang privacy, hindi kailangan ng mga pagsusuring KYC para makapag-trade ka sa anonymous na paraan. Kailangan mo lang ng wallet para makapagsimula.
May ilang kahinaan ang non-custodial na kontrol. Para sa mga bagong user na hindi masyadong pamilyar sa mga wallet, posibleng hindi masyadong user-friendly at maginhawa ang mga non-custodial na opsyon kaysa sa mga custodial na opsyon. Gayunpaman, sa kabutihang-palad, mas pinapadali ng mga tagapagbigay ng serbisyo gaya ng Tor.us ang paggamit ng mga dapp.
Mula Hulyo 2021, malamang na magkaroon ng mas mababang liquidity at dami ang mga non-custodial na palitan kaysa sa mga custodial na palitan - maliban sa malalaking kumpanya gaya ng Uniswap. Pero pagdating sa mga NFT, nag-uumpisa pa lang ang industriya, kaya mahirap itong sukatin. Gayunpaman, nakadepende ang liquidity sa user base at dami ng pag-trade, at malaki ang tsansa na malalampasan ng mga serbisyong non-custodial ang mga serbisyong custodial sa nalalapit na hinaharap. Mayroon ding mga proyektong gumagawa ng mga cross-platform at non-custodial na marketplace na malamang na pumigil sa mga isyu sa liquidity.
Mga custodial vs. non-custodial NFT sa isang sulyap
Mga pangwakas na pananaw
Depende kung ano ang hinahanap mo, parehong may mga bentahe ang mga opsyong custodial at non-custodial. Napakagandang opsyon ng non-custodial na platform ng NFT gaya ng Featured By Binance para sa sinumang nagpapahalaga sa kalayaan at seguridad.
Para sa mga user na wala masyadong karanasan, baka mas makabuluhang gumamit ng custodial na marketplace ng NFT at wallet. Sa mga serbisyong custodial, mas maraming oras ang magugugol mo sa paggamit at mas kaunting oras sa pag-alam kung paano mag-navigate sa mga wallet. Sa ganitong sitwasyon, napakagandang opsyong dapat pag-isipan ang Marketplace ng Binance NFT.