Crypto vs Stocks: Ano ang Pinagkaiba?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
 
Ano ang cryptocurrency? 
Ano ang stock?
Ano ang mga pangunahing pagkakaiba ng mga cryptocurrency at stocks?
Dapat ba akong mamuhunan sa cryptocurrency o sa stocks?
Mga bentahe at kahinaan ng pamumuhunan sa cryptocurrency
Mga bentahe at kahinaan ng pamumuhunan sa stocks
Mga pangwakas na pananaw 
Crypto vs Stocks: Ano ang Pinagkaiba?
Home
Mga Artikulo
Crypto vs Stocks: Ano ang Pinagkaiba?

Crypto vs Stocks: Ano ang Pinagkaiba?

Baguhan
Na-publish May 28, 2022Na-update Dec 28, 2022
6m

TL;DR

Ang mga cryptocurrency ay mga digital asset na gumagamit sa mga ipinapamahaging network na sine-secure gamit ang cryptography. Magagamit ang mga ito bilang paraan ng palitan at store of value. Kumakatawan ang stocks sa fractional na pagmamay-ari ng mga share sa isang kumpanya. Bagama't may iba't ibang klase ng asset, parehong puwedeng i-trade ang crypto at stocks at puwedeng ituring ang mga ito bilang mga paraan ng pamumuhunan. 

 

Panimula

Ang stocks ay isang matagal nang klase ng asset na puwedeng makakuha ng mga pangmatagalan at panandaliang return. Ang crypto ay isang mas bagong instrumentong pampinansyal na madaling maapektuhan ng mas mataas na volatility ng presyo at panganib. Bagama't nakakahimok ng mga trader at namumuhunan ang dalawang instrumento, ang mga cryptocurrency ay kadalasang itinuturing na alternatibo sa mga mas tradisyonal na asset. Sa kabila nito, puwedeng magkaroon ng mga mapagkakakitaang diskarte sa dalawang merkado. Iisa-isahin ng artikulong ito ang mga pangunahing pagkakaiba ng dalawang asset pati na rin ang mga bentahe at kahinaan ng mga ito. 

 

Ano ang cryptocurrency? 

Sa madaling salita, ang mga cryptocurrency ay mga digital currency na pinapagana ng teknolohiya ng blockchain. Umaasa ang mga ito sa mga diskarte sa cryptography para mag-secure at mag-verify ng mga transaksyon at karaniwang ginagamit ang mga ito bilang paraan ng palitan at store of value. Gumagana ang karamihan ng mga cryptocurrency sa mga desentralisadong network, at itinutulak ng supply at demand ang market value ng mga ito.

Ano ang stock?

Kumakatawan ang stocks sa hindi buong pagmamay-ari ng equity sa isang negosyo, at ipinapakita ng mga ito ang value ng isang gumaganang kumpanya. Kung minsan, ang may-ari ng isang stock ay may karapatan din sa isang bahagi ng mga kita ng kumpanya sa anyo ng dividend. Puwedeng gumalaw ang value ng isang stock ayon sa performance ng kumpanya at iba pang salik gaya ng mga kaugnay na anunsyo ng balita. 

 

Ano ang mga pangunahing pagkakaiba ng mga cryptocurrency at stocks?

Parehong puwedeng gamitin ng mga namumuhunan ang mga cryptocurrency at stocks para magpayaman. Gayunpaman, iba ang pamumuhunan sa stocks kaysa sa pamumuhunan sa crypto. 

Hindi tulad ng stocks, sa pamumuhunan sa crypto, hindi ibig sabihin nito ay may pagmamay-ari ding share sa isang kumpanya. Ang mga namumuhunan sa crypto ay hindi rin nakakatanggap ng mga dividend sa tradisyonal na paraan. Sa halip, puwedeng ipahiram o i-stake ang mga crypto token para sa passive na kita. 

Mayroon ding malalaking pagkakaiba sa kung paano tine-trade ang crypto at stocks. Puwede kang bumili ng crypto sa anumang palitan ng digital currency anumang oras sa umaga o gabi, dahil tumatakbo ang mga palitan ng stock sa mga limitadong oras ng pagbubukas kapag Lunes hanggang Biyernes. 

 

Dapat ba akong mamuhunan sa cryptocurrency o sa stocks?

May mga bentahe at limitasyon ang dalawang klase ng asset. Nakadepende ang desisyon sa iyong tolerance sa panganib at iba pang kagustuhan. Sa huli, ang magdadala ng tagumpay ng iyong pamumuhunan ay ang kakayahan mong tantyahin ang mga panganib at reward at hindi ang mga paraan ng pamumuhunan na ginagamit mo. Maraming sanay nang namumuhunan ang nagpapalawak ng kanilang mga portfolio, at nakakakuha ng exposure sa cryptocurrency at stocks.

 

Mga bentahe at kahinaan ng pamumuhunan sa cryptocurrency

Mga Bentahe 

Accessible: Walang hangganan ang crypto, at magagamit ito ng kahit sinong may koneksyon sa internet. 

Desentralisado: Karamihan ng mga sistema ng cryptocurrency ay hindi umaasa sa sentral na awtoridad, kaya naman hindi naaapektuhan ng censorship at sentralisadong kontrol ang crypto .

Inflation-resistant: Ang mga cryptocurrency ay hindi direktang naiimpluwensyahan ng mga patakaran sa pera ng mga bangko sentral, kaya hindi masyadong apektado ng inflation ang mga presyo ng mga ito. Gayunpaman, hindi pare-pareho ang mga cryptocurrency, kaya mahalagang pag-isipan ang rate ng pag-isyu at supply ng bawat asset na crypto.

Flexible: Kumpara sa stocks, mas maraming paraan para mapalago ng mga namumuhunan ang hawak nilang crypto maliban sa pag-trade. Puwedeng kumita ang mga namumuhunan sa crypto mula sa pag-farm ng yieldpag-stake, at pagbibigay ng liquidity. Ang mga produktong tulad ng Binance Earn ay napakagandang halimbawa kung paano mo mapaparami ang mga hawak mong crypto. 

Iba't iba: Hindi lang pera ang halaga ng maraming token. Una sa lahat, ang Mga Fan Token ay nakakapagbigay sa mga may hawak ng token ng mga eksklusibong benepisyo at pribilehiyo sa kanilang mga paboritong koponan o brand sa sports. Ang ilang cryptocurrency ay mga governance token, na nagbibigay sa mga may hawak ng karapatang lumahok sa pag-develop ng kaukulang proyekto o protocol.

Mga Kahinaan

Volatility ng presyo: Kilala ang merkado ng crypto sa madalas na pagkakaroon ng malalaking pagbabago-bago sa presyo. Posibleng talagang nakakahikayat ang potensyal para sa mga mabilisang kita para sa mga bagong namumuhunan. Gayunpaman, dapat nilang tandaan na ang kabaliktaran nito ay ang potensyal na magkaroon ng malalaki ring pagkalugi.

Hindi perpektong regulasyon: Legal ang mga cryptocurrency sa maraming bansa, pero hindi ito kinokontrol nang buo at sa buong mundo. Dapat alamin ng mga namumuhunan ang mga potensyal na isyu sa pagsunod at dapat silang magsaliksik tungkol sa batas ayon sa kanilang lokasyon. 

Mga panganib sa kustodiya: Ang mga cryptocurrency gaya ng Bitcoin ay nangangailangan ng pribadong key para ma-access ang mga token na naka-store sa isang digital na crypto wallet. Kung makakalimutan mo ang isang seed phrase o mawawala mo ang isang pisikal na crypto wallet, puwede kang mawalan ng access sa iyong crypto habambuhay.

Hindi garantisado ang mga return: Tulad ng anumang pampinansyal na merkado, walang garantisadong return sa crypto. Bagama't maganda ang naging performance ng Bitcoin at iba pang altcoin sa pangmatagalan, walang garantiya na patuloy na tataas ang mga ito sa hinaharap, at laging may tsansang hindi maganda ang maging performance ng mga ito sa mas maikling yugto ng pamumuhunan. 

 

Mga bentahe at kahinaan ng pamumuhunan sa stocks

Mga Bentahe

Unti-unting nagiging mas accessible: Nagiging mas madali nang mamuhunan sa stocks, sa dami ng mga online platform at mobile app na lumalabas sa merkado. Maraming ganitong alok ang may mga madaling gamiting interface at naka-integrate sa iba pang mga pampinansyal na serbisyo.

Kontrolado: Maraming pamahalaan ang may malawakang kontrol sa stock market. Halimbawa, sa US, ang mga publicly traded na kumpanya ay dapat maghayag ng impormasyong puwedeng makaapekto sa kanilang stock value sa Securities and Exchange Commission (SEC) — isang ahensya sa pangangasiwa ng pamahalaan na responsable sa proteksyon ng namumuhunan. 

(May pagka-) inflation-resistant: Ang ilang partikular na uri ng stocks, gaya ng Treasury inflation-protected securities (TIPS), ay puwedeng magsilbing hedge laban sa inflation.

Pagkakaiba-iba: Maraming mapagpipiliang stocks sa iba't ibang industriya at sektor na available sa mga retail na namumuhunan. Puwedeng pumili ng equity ang mga trader batay sa maraming pamantayan, mula sa modelo ng negosyo at lokasyon ng kumpanya hanggang sa kung nagbabayad ba ang mga ito ng mga dividend o hindi.

Mga Kahinaan

Volatility: Hindi rin immune ang stock market sa mga biglaang pagbabago sa mga presyo sa panandalian. Kung maganda ang performance ng isang kumpanya, malamang na tumaas ang mga presyo ng stock nito. Gayundin, kung mag-uulat ng mga pagkalugi ang isang kumpanya o may mababalitang hindi maganda tungkol dito, malamang na bumaba ang stock value. Higit pa rito, posibleng mas volatile ang ilang stock kaysa sa iba. Halimbawa, malamang na mas madalas na magbago-bago ang halaga ng growth stocks kaysa sa blue-chip stocks na kumakatawan sa mga share sa mga kilalang kumpanya na walang bahid ang reputasyon.

Mas matataas na bayarin: Kadalasan, may kataasan ang bayaring nauugnay sa mga transaksyon sa stock exchange, at mas marami ang mga ito kumpara sa pag-trade ng cryptocurrency. Bukod pa sa bayarin sa brokerage at mga komisyon, mayroon ding iba pang singil kapag bumili o nagbenta ka ng iyong stocks.

Hindi garantisado ang mga return: Tulad ng anumang pampinansyal na merkado, walang garantisadong return sa stocks. Bagama't may stocks na kadalasang mas maganda ang performance kaysa sa mga alternatibong pamumuhunan sa pangmatagalan, may tsansang hindi maging maganda ang performance ng mga ito sa mas maikling panahon ng pamumuhunan.


Mga pangwakas na pananaw 

Bagama't may malinaw na pagkakaiba-iba sa pagitan ng crypto at stocks, may pagkakatulad din ang mga ito. Parehong valid na opsyon sa pamumuhunan ang crypto at stocks, at puwedeng magkaroon ang mga ito ng magkaibang layunin sa iyong portfolio. Alinman ang pipiliin mo, laging siguraduhing alam mo ang mga nauugnay na panganib at mag-DYOR.