Ano ang XRP Ledger (XRPL)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang XRP Ledger (XRPL)?

Ano ang XRP Ledger (XRPL)?

Intermediya
Na-publish May 24, 2022Na-update Dec 16, 2022
5m

TL;DR

Ang XRP Ledger (XRPL) ay isang open-source na platform na may mabilis na throughput ng transaksyon na 1,500 transaksyon kada segundo at mababang bayarin sa transaksyon. Sa kinokonsumo nitong enerhiya kada transaksyon, isa ito sa mga mas sustainable na proyekto sa industriya ng blockchain. Nag-aalok ang XRPL ng maraming iba't ibang serbisyo at paggagamitan na nauugnay sa mga pagbabayad at pinansyal na transaksyon.


Panimula

Ang XRP Ledger (XRPL) ay isang desentralisado at pampublikong blockchain na binuo ng tatlong developer na naghahanap ng mas mabilis na blockchain na tipid sa enerhiya. Simula nang ma-deploy ito noong 2012, nagbibigay na ito ng suporta sa mga developer at user sa loob ng mahigit isang dekada, at may malawak na aplikasyon na sa kasalukuyan ang ecosystem ng XRPL, kabilang ang mga micropayment, DeFi, at, hindi magtatagal, mga NFT.



Paano gumagana ang XRPL?

Hindi gaya ng Bitcoin o Ethereum, gumagamit ang XRPL ng natatanging Federated Consensus na mekanismo bilang paraan nito ng pag-validate ng mga transaksyon. 

Kinukumpirma ang mga transaksyon sa XRPL sa pamamagitan ng isang consensus protocol, kung saan pinagkakasunduan ng mga itinalagang independent na server na tinatawag na mga validator ang pagkakasunod-sunod at resulta ng mga transaksyon sa XRP. Pinoproseso ng lahat ng server sa network ang bawat transaksyon ayon sa parehong mga panuntunan, at kinukumpirma agad ang anumang transaksyong sumusunod sa protocol. Pampubliko at transparent ang lahat ng transaksyon, at puwedeng magpatakbo ng validator ang sinuman. Sa kasalukuyan ay may mahigit 150 validator sa ledger, na pinapatakbo ng mga unibersidad, palitan, negosyo, at indibidwal sa buong mundo. Tuloy-tuloy na tumakbo ang XRPL simula Enero 2013, at bilyon-bilyong transaksyon na ang nakumpleto.

Sa pamamagitan ng Federated Consensus na mekanismo, nakakasuporta ang XRPL ng mahigit 1,500 transaksyon kada segundo (Transactions Per Second o TPS) na may bilis ng kumpirmasyon mula 3 hanggang 5 segundo. Makakatipid din ang mga user dahil sa mababang bayarin sa transaksyon (kadalasan ay wala pang isang sentimo) at mapapakinabangan nila ang pagkapatas, ibig sabihin, walang iisang kalahok ang magdedesisyon kung aling mga transaksyon ang uunahin. Puwedeng maproseso ang lahat ng na-verify na transaksyon nang walang single point of failure dahil walang iisang kalahok ang makakapagdesisyon nang siya lang.


XRPL para sa Mga Developer

Sa pamamagitan ng ledger, nabibigyan ang mga developer ng isang kapaki-pakinabang na utility at flexibility, kung saan puwede silang mag-code sa Python, Java, at JavaScript language. Bagay ang XRPL sa anumang independent na developer o negosyong may iba't ibang pinaggagamitan. Sa website ng XRPL, maa-access ng mga developer ang iba't ibang tutorial para tulungan silang makapagsimula sa paggamit ng iba't ibang coding languages, pagbuo ng mga app, pamamahala ng mga account, at higit pa. 

Kasabay ng native coin nito na XRP, ginagamit ng mga developer ang XRP Ledger para gumawa ng mga solusyong lumulutas sa kawalan ng efficiency, kabilang ang remittance at tokenization ng asset. Sa kasalukuyan, ang limang pangunahing aplikasyon ng XRP Ledger ay mga pagbabayad, tokenization, DeFi, mga CBDC, at mga stablecoin.

Mga Pagbabayad

Gamit ang XRP Ledger, puwedeng ilipat ang mga asset sa iba't ibang panig ng mundo, na nagbibigay-daan sa mga mabilisang paglilipat ng pera para sa mga remittance, pagbabayad sa treasury, payroll, at iba pang cross-border na pagbabayad. Halimbawa, pinapagana ng RippleNet ang mga cross-border na pagbabayad sa pamamagitan ng isang desentralisadong network ng mga bangko at provider ng pagbabayad na gumagamit ng XRP Ledger. Puwede ring mag-set up ng XRP wallet ang mga user gaya ng Xumm para makipagtransaksyon gamit ang XRP, isang neutral bridge asset na naka-optimize para sa mga pandaigdigang pagbabayad na may mababang bayarin.

Tokenization

Puwedeng i-tokenize sa XRP Ledger ang anumang uri ng asset, kabilang ang mga fungible token, stablecoin, at Central Bank Digital Currency (CBDC). Simula Mayo 2022, lampas 5,400 currency na ang naisyu at na-trade sa XRPL.

DeFi

Maa-access ang mga pinansyal na produkto at serbisyo sa decentralized exchange (DEX) ng XRP Ledger. Ang DEX ay native sa protocol at gumagamit ito ng central limit order book na modelo para mag-trade ng mga digital na asset. Puwedeng i-access ng mga user ang DEX sa pamamagitan ng iba't ibang interface ng order book, gaya ng Sologenic, para direktang mag-trade sa XRP Ledger.

Mga CBDC

Sinusuportahan ng XRP Ledger ang tokenization ng mga CBDC. Sa feature na ito, magagawa ng mga bangko sentral na makipag-interaksyon sa iba pang system ng pagbabayad sa paraang sustainable at secure.

Mga Stablecoin

Puwedeng mag-isyu ang mga pinansyal na institusyon ng mga stablecoin sa XRP Ledger. 


Bakit natatangi ang XRPL?

Bukod sa pagiging mabilis, mura, at maaasahan, tipid sa enerhiya ang XRPL. Ang bawat transaksyon ng native coin nito na XRP ay kumokonsumo lang ng 0.0079kWh kada transaksyon, kaya lubos itong mas tipid kumpara sa iba pang network.


Ano ang XRP?

Ang XRP ay isang digital asset na native sa XRP Ledger. Ang sinumang may digital wallet at koneksyon sa internet ay puwedeng makatanggap, humawak, at magpadala ng mga XRP token. Puwedeng gamitin ng mga user ang XRP para magpadala ng mga bayad sa iba't ibang bahagi ng mundo, makipagtransaksyon sa decentralized exchange (DEX) ng XRPL, at bumili ng mga NFT.

Mga Micropayment

Puwedeng mag-set up ng XRP wallet ang sinumang user mula sa iba't ibang provider ng wallet para makipagtransaksyon. Puwede kang magpadala at makatanggap ng XRP saanman sa mundo sa ilang segundo lang. Nagbabayad ang mga nagpapadala ng XRP ng napakaliit na bayad sa transaksyon na wala pang isang sentimo, kaya naman abot-kaya ito para sa mga user.

Mga DeFi na transaksyon

Ang XRPL ay may native decentralized exchange (DEX) na nagbibigay-daan sa mga user na magsagawa ng mga DeFi na transaksyon. Ang isang sikat na aplikasyon ng DEX ay pag-trade, kung saan puwedeng makipagpalit ang sinuman ng isang digital asset kapalit ng iba. Gumawa ang mga developer (gaya ng Sologenic at Gatehub) ng mga interface ng order book kung saan maikokonekta ng mga user ang kanilang mga XRP wallet para magsimulang mag-trade. Marami ring asset na native sa XRPL at mga naka-wrap na asset na puwedeng i-trade ng mga user.

Mga NFT

Kasunod ng pagpapatupad sa panukala sa XLS-20 mainnet, mga NFT ang magiging pinakabagong dagdag sa ecosystem ng XRPL. Sa pamamagitan ng pagpapatupad, bibigyang-daan ang lahat ng mahalagang functionality sa NFT, kabilang ang pag-mint, pag-trade, at pag-burn, pati na mga advanced na feature gaya ng mga awtomatikong royalty para sa mga creator at co-ownership ng mga asset. Ibig sabihin, magagawa ng mga user na gumawa, bumili, magbenta, at mag-trade ng mga NFT sa iba't ibang marketplace habang sinusulit ang mga benepisyo ng blockchain ng XRPL.


Paano bumili ng XRP sa Binance?

Makakabili ka ng XRP sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance. 

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]-> [Spot].

2. I-type ang “XRP” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang XRP/BUSD bilang halimbawa.


3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng XRP na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng XRP] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling XRP.



Mga pangwakas na pananaw

Dahil sa protocol nito na tipid sa enerhiya at environment na madaling gamitin ng mga developer, patuloy na nakakahikayat ang XRPL ng mga transaksyon at aplikasyon sa platform nito. Puwede nating ikonsidera ang XRPL bilang pintuan ng mga resource na makakatulong sa paglutas sa mga kasalukuyang isyu tungkol sa mga cross-border na pagbabayad para sa mga bangko, institusyon, at negosyo.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.