Ano ang QuickSwap at Paano Ito Gumagana?
Table of Contents
Panimula
Ano ang QuickSwap?
Ano ang Polygon (MATIC)?
Bakit QuickSwap ang dapat gamitin at hindi Uniswap?
Paano gumagana ang QuickSwap?
Ano ang pansamantalang pagkalugi?
Paano kumikita ang QuickSwap?
Paano gamitin ang QuickSwap
Ang QuickSwap (QUICK) token 
Paano bumili ng QUICK sa Binance
Paano magbenta ng QUICK sa Binance
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang QuickSwap at Paano Ito Gumagana?
HomeArticles
Ano ang QuickSwap at Paano Ito Gumagana?

Ano ang QuickSwap at Paano Ito Gumagana?

Intermediya
Published Aug 11, 2021Updated Sep 23, 2021
8m

TL;DR

Ang QuickSwap ay isang Automated Market Maker sa Polygon Network. Isa itong kopya ng Uniswap at iniaalok nito ang parehong modelo ng liquidity pool. Nagdaragdag ang mga user ng mga pares ng mga token sa mga liquidity pool at kumikita sila ng bayarin sa transaksyon mula sa ibang magsa-swap ng kanilang mga token gamit ang mga pool.

Sumikat ang QuickSwap dahil sa bilis at mababang bayaring iniaalok ng Polygon Network. Compatible din ito sa blockchain ng Ethereum, na nagbibigay-daan sa iyong mag-swap ng mga ERC-20 token. Gayunpaman, laging may panganib ng impermanent loss o pansamantalang pagkalugi.

Ang cryptocurrency ng QuickSwap ay tinatawag na QUICK. Madali mo itong mabibili at maibebenta sa Binance. Puwede ka ring magpapalit ng ibang token para sa QUICK gamit ang mga liquidity pool ng QuickSwap.


Panimula

Napakasikat ng Mga Automated Market Maker (AMM) gaya ng QuickSwap sa Decentralized Finance (DeFi). Naging pamantayan na ang modelo ng Uniswap sa iba't ibang blockchain at Layer 2 platform. Katulad ng Uniswap ang functionality na ibinibigay ng QuickSwap, pero nakabatay ito sa network ng Polygon sa halip na sa Ethereum. Bagama't isang fork ng Uniswap ang QuickSwap, mas pinapaboran ito ng ilang user dahil sa mga pangunahing pinagkaiba ng dalawa.


Ano ang QuickSwap?

Ang QuickSwap ay isang fork ng Uniswap na binuo nina Nick Mudge at Sameep Singhania sa platform ng blockchain ng Polygon. Nag-aalok ito ng karanasan sa Decentralized Exchange (DEX) gamit ang isang modelo ng Automated Market Maker (AMM) para makapagpapalit ng mga token ang mga user. Walang order book ang QuickSwap, dahil nagte-trade ang mga user mula sa mga pool ng mga token na kilala bilang mga liquidity pool.
Puwedeng mag-bridge ang mga user ng mga ERC-20 token mula sa Ethereum papunta sa Polygon at puwede silang mag-trade ng anumang pares sa pamamagitan ng QuickSwap, hangga't may liquidity pool para dito. Puwedeng magsimula ng bagong liquidity pool ang kahit sino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pares ng token para kumita ng bayarin sa transaksyon mula sa iba pang user.
Halos kapareho ng Uniswap ang hitsura, dating, at karanasan ng QuickSwap. Puwedeng i-trade ng mga user ang mga coin nila nang hindi nagsa-sign up o kumukumpleto ng anumang proseso ng KYC (Know Your Customer). Ang kailangan mo lang ay isang wallet para makakonekta sa platform at MATIC para mabayaran ang iyong bayarin sa transaksyon. Open-source din ang QuickSwap at gumagamit ito ng na-audit na code mula sa Uniswap para maibigay ito nang may partikular na antas ng tiwala at seguridad.


Ano ang Polygon (MATIC)?

Ang Polygon (na dating tinatawag na MATIC) ay isang imprastraktura para sa paggawa ng mga network na compatible sa Ethereum. Puwede ring makipag-interact sa isa't isa ang mga blockchain na ito, na nakakagawa ng  layer 2 na ecosystem ng mga magkakakonektang blockchain. Ang Polygon Network ay ang opisyal na sidechain ng proyekto na gumagana sa isang Proof of Stake na mekanismo ng consensus.
Sikat ang Polygon Network dahil sa bilis nito bilang isang solusyon sa pag-scale at murang bayarin sa gas. Binabayaran ang bayarin sa transaksyon gamit ang mga MATIC token. Dahil compatible ang network sa Ethereum Virtual Machine, puwedeng i-fork ng mga developer ang mga dati nang DApp (Decentralized Application) gaya ng Uniswap papunta sa side chain.


Bakit QuickSwap ang dapat gamitin at hindi Uniswap?

Mas gusto ng maraming user ang Polygon dahil sa mas mabibilis na transaksyon at  napakababang bayarin nito. Nasisiyahan ang mga liquidity provider at swapper sa paggamit sa na-audit na code ng Uniswap na may mga bentahe ng Polygon Network na sumusuporta sa ERC-20. Isang malaking benepisyo ang kakayahang mag-trade ng mga ERC-20 token sa isang simpleng bridge, para makaiwas sa mas matataas na bayarin ng Ethereum. Samakatwid, nagbibigay ang QuickSwap ng magandang balanse sa pagitan ng compatibility, dali ng paggamit, at pagiging abot-kaya ng Ethereum.


Paano gumagana ang QuickSwap?

Ginagamit ng QuickSwap ang modelo ng AMM para gumawa ng mga liquidity pool ng mga token na maa-access ng mga user para makapag-swap. Hindi nagte-trade ang mga user bilang mga maker o taker pero sa halip ay nakikipag-interact sila gamit ang smart contract. Kahit sino ay puwedeng magsimulang magbigay ng liquidity sa pamamagitan ng pagdeposito ng isang pares ng mga coin na magkatumbas ng halaga.

Bilang kapalit, ang mga liquidity provider ay makakatanggap ng mga LP (liquidity pool) token na magsisilbing resibo para sa parte nila sa pool. Binu-burn ang mga LP token na ito kapag na-claim mo ulit ang iyong mga token. Puwede mo ring ibigay ang mga iyon sa isang third party para magamit sa pag-farm ng yield, kung saan laging muling ipinupuhunan sa pool ang iyong bayarin para ma-compound ang interes mo.

Sa modelo ng AMM ng QuickSwap, nabibigyan ang mga liquidity provider ng 0.3% bayad na pinaghahatian nang naaayon batay sa ibinigay na liquidity. Hindi tinutukoy ang mga presyo ng mga token gamit ang order book pero tinutukoy ito sa pamamagitan ng formula na kilala bilang Constant Product Market Maker.
Gamitin natin ang liquidity pool ng ETH/DAI bilang halimbawa. Tutukuyin namin ang ETH bilang x at ang DAI bilang y. Sa formula ng Constant Product Market Maker, imu-multiply ang x at y sa isa't isa para makagawa ng constant na k na hindi puwedeng magbago.
x * y = k
Mag-aalok sa iyo ang liquidity pool ng rate ng conversion, na sa sitwasyon natin ay 3,000 DAI (y) para sa 1 ETH (x). Kapag ibinigay mo ang 3,000 DAI sa pool at inalis mo ang 1 ETH, magkakaroon ito ng mas mataas na supply ng DAI at mas maliit na supply ng ETH. Dahil sa pagkilos na ito, tataas ang presyo ng ETH dahil constant ang k. Sa madaling salita, ginagamit mo ang iyong DAI para bumili ng ETH. Habang mas maraming ETH na umaalis sa pool, tumataas naman ang presyo nito kumpara sa DAI. Ipinapakita ng graph sa ibaba ang ugnayan ng mga dami ng dalawang token.


Ano ang pansamantalang pagkalugi?

Ang pansamantalang pagkalugi ay isang panganib na posibleng mangyari para sa sinumang magbibigay ng liquidity sa isang liquidity pool. Kung magbabago ang presyo ng mga token kaugnay ng oras na idagdag mo ang mga iyon, mas maliit ang magiging halaga ng iyong dolyar kapag nag-withdraw ka. Tandaan na nangyayari ito kung tumaas o bumaba ang mga presyo. Pansamantala ang pagkalugi dahil nangyayari lang ito kapag inalis mo ang iyong mga pondo sa liquidity pool.

Kung babalik ang mga presyo sa mga orihinal na antas ng mga ito, mababaliktad ang pansamantalang pagkalugi. Posibleng umabot ka rin sa punto kung saan mauungusan ng matatanggap na bayarin ang iyong pansamantalang pagkalugi. Para sa mas detalyadong paliwanag at talakayan tungkol sa matematika sa likod ng hindi permanenteng pagkalugi, tingnan ang aming gabay na Pagpapaliwanag sa Impermanent Loss o Pansamantalang Pagkalugi.


Paano kumikita ang QuickSwap?

Hindi tulad ng sentralisadong palitan, hindi kumikita ang QuickSwap sa pamamagitan ng paniningil ng bayarin sa mga user. Sa totoo lang, ang mga liquidity provider ang kumikita ng bayarin sa transaksyon. Tulad na lang ng Uniswap, may 0.3% bayarin sa anupamang pag-swap na ginawa gamit ang isang liquidity pool. Puwede mong i-claim ang kinitang bayarin sa transaksyon anumang oras at puwede mo pa ngang ipuhunan ulit ang mga iyon. Makakatanggap ka ng bayaring katumbas ng iyong hati sa pangkalahatang liquidity.


Paano gamitin ang QuickSwap

Puwede mong i-access ang QuickSwap gamit ang internet browser sa desktop o ang iyong mobile device. Laging siguraduhin na ang sumusunod na link ang gagamitin mo: quickswap.exchange. Madali mong maipapapalit ang iyong mga coin nang may bayad sa isa sa mga liquidity pool.
1. Pumunta sa quickswap.exchange sa iyong desktop o mobile browser.
2. Ikonekta ang iyong wallet. Kakailanganin mong gumamit ng desktop browser extension wallet o mobile wallet app. Parehong angkop na opsyon ang MetaMask at Trust Wallet. Sinusuportahan din dapat ng iyong wallet ang Polygon Network.

3. Siguraduhing nasa tab na [Mag-swap] ka para makapagsimula kang magpapalit ng mga token.

4. Piliin ang token na gusto mong i-swap at ang token na gusto mong matanggap. Sa halimbawang ito, isa-swap natin ang MATIC sa PBNB.

5. I-click ang [Mag-swap].

6. I-preview ang transaksyon sa pop-up na window at kumpirmahin ang kahilingan sa iyong wallet.


Ang QuickSwap (QUICK) token 

Ang QUICK ay isang ERC-20 token na inilunsad noong Pebrero 2021 at nagsisilbing governance token ng QuickSwap. Ipapamahagi ang 90% ng kabuuang supply ng token bilang mga reward sa sinumang nagmimina ng liquidity, kaya magiging mga stakeholder sa platform ang mga liquidity provider. Pangkaraniwan ang modelo ng pamamahala ng QuickSwap sa iba pang proyekto ng DeFi, kasama na ang Uniswap at PancakeSwap. Ang mga may-hawak ng QUICK ay puwedeng gumawa ng mga mungkahi at bumoto sa mga iyon para magdagdag ng mga bagong feature o pagbabago sa platform.


Paano bumili ng QUICK sa Binance

Ang QUICK ay isang nakalistang token sa palitan ng Binance. Sa kasalukuyan, hindi ka makakabili ng QUICK gamit ang credit o debit card, pero puwede kang magpapalit ng cryptocurrency para makuha ang token. Iniaalok ng Binance ang mga sumusunod na pares: BNB, BTC, BUSD, at USDT.


Kung wala ka pang anumang crypto na ite-trade para sa QUICK, puwede mong gamitin ang serbisyo ng [Credit/Debit Card] sa tab na [Bumili ng Crypto] sa homepage ng Binance. Sundin ang aming gabay na Paano Bumili ng Bitcoin gamit ang Credit o Debit Card sa Binance para sa higit pang impormasyon.


Kapag may BUSD, BNB, o BTC ka na, pumunta sa page ng palitan na [Classic] at piliin ang pares na gusto mong i-trade sa kaliwang sulok sa itaas. Puwede mong gamitin ang feature na paghahanap para limitahan ito.


Sa ating halimbawa, QUICK/BUSD ang gagamitin natin. Sa kanang bahagi ng screen, ilagay ang kabuuang halaga na gusto mong bilhin sa BUSD. Ang pinakamabilis na paraan para makabili ng QUICK ay gamit ang isang market order sa spot market. Sa ganitong paraan, makakabili ka ng QUICK sa kasalukuyang market price.

Bilang pangwakas, i-click ang [Bumili ng QUICK] para ilagay ang iyong order at kumpirmahin ang mga detalye.


Paano magbenta ng QUICK sa Binance

Sa pagbebenta ng QUICK, marami sa mga hakbang na nasa tutorial sa itaas ang siya ring sinusunod. Kailangang nasa Binance Spot Wallet mo ang iyong mga QUICK token, kaya siguraduhing ililipat mo ang mga iyon kung nasa external wallet ang mga iyon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa tab na [Fiat at Spot] at pag-click sa [Magdeposito] sa tabi ng QUICK sa seksyong [Balanse sa Crypto].
Para sa mas detalyadong mga tagubilin, tingnan ang aming gabay na Paano Magdeposito sa Binance para sa karagdagang tulong.


Pumunta sa page ng palitan na [Classic] at piliin ang pares na gusto mong i-trade sa kaliwang sulok sa itaas. Puwede mong gamitin ang feature na paghahanap para limitahan ito. Sa aming halimbawa, QUICK/BUSD ang hahanapin natin.


Ang pinakamabilis na opsyon ay ibenta ang iyong QUICK sa kasalukuyang market price gamit ang isang market order. Sa kanang bahagi ng screen, siguraduhing nasa tab na [Spot] ka at napili mo ang [Market] para sa uri ng iyong order. Ilagay ang halaga ng QUICK na gusto mong ibenta at pindutin ang button na [Magbenta ng Quick].


Mga pangwakas na pananaw

Nagbibigay ang QuickSwap ng isa pang opsyon para sa pag-trade ng mga token sa desentralisadong paraan. Gamit ang Polygon address at ilang MATIC token, makakapag-trade ka ng mga ERC-20 token nang mura at mabilis kumpara sa Uniswap o isa pang AMM ng network ng Ethereum. Gayunpaman, baka limitado ang panahon ng nakakahikayat na feature na ito. Sa nalalapit na release ng Ethereum 2.0, baka hindi na masyadong makasabay sa kakumpitensya ang QuickSwap pagdating sa bayarin at bilis.