TL;DR
Ang SKALE ay binubuo ng posibleng walang limitasyong dami ng mga blockchain, na tinatawag na mga SKALE Chain. Gumagana ito sa naka-integrate na paraan sa Ethereum blockchain. Puwedeng sulitin ng mga developer ang seguridad sa pamamagitan ng paglilipat ng kanilang mga DApp sa sarili nilang SKALE chain para magkaroon ng mataas na throughput na walang bayarin sa gas.
Panimula
Kadalasan, ang mga sikat na blockchain na nakakaranas ng laging dumaraming aktibidad ng user at developer ay umaabot sa mga limitasyon sa bilis at kapasidad. Gayundin, napakahalaga ng walang aberyang karanasan ng user para makagawa ang komunidad ng blockchain ng hinaharap na naka-integrate sa Web3 . Isa ang SKALE sa mga proyektong binuo para sumuporta sa matinding pagdami ng mga decentralized application (DApp) sa Ethereum network.
Ano ang SKALE?
Ang SKALE ay isang modular na layer 1 at layer 2 na hybrid network na binubuo ng mga blockchain na puwedeng i-scale at magkakakonekta. Nagbibigay-daan ito sa mga developer na ilipat ang kanilang mga proyekto mula sa Ethereum network papunta sa isa sa mga blockchain na pinapangasiwaan ng SKALE para magkaroon ng mataas na throughput na walang bayarin sa gas.
Ang SKALE, na itinatag noong 2018 ni Jack O’Holleran at Stan Kladko, ay idinisenyo para mapaganda ang pangkalahatang karanasan ng user sa mundo ng blockchain. Layunin nitong gawing mabilis, madali, at libre sa lahat ng user ang mga blockchain application.
Sa pamamagitan ng mga blockchain nito na compatible sa Ethereum Virtual Machine (EVM), gumagawa ang SKALE ng ecosystem na mabilis at walang gas para masuportahan ang pag-develop ng mga NFT, laro, DApp, at higit pa.
Paano gumagana ang SKALE?
Gumagana ang SKALE sa naka-integrate na paraan sa Ethereum blockchain habang nagpapatakbo ng sarili nitong mekanismo ng consensus. Sinusulit ng disenyong ito ang proof-of-stake (PoS) network ng ETH at isinasama nito ito sa PoS network ng SKALE para makapagbigay ng mga transaksyong mabilis, secure, at walang bayarin sa gas. Nakikinabang din dito ang mga Web3 at DeFi application pagdating sa gastos at performance, na nakakaambag sa kakayahan ng Ethereum na mag-scale para sa paggamit ng nakararami.
Multi-chain functionality
Ang SKALE ay isang multi-chain network. Posibleng may walang limitasyong dami ng mga SKALE chain na puwedeng gumana bilang magkakahiwalay na blockchain na interoperable at compatible sa EVM. Ibig sabihin, puwedeng i-deploy ng mga user ang mga dati na nilang Ethereum-based na smart contract nang direkta sa mga SKALE chain at puwede silang magkaroon ng mataas na throughput at mababang latency. Puwede ring gumamit ng mga SKALE chain ang mga developer para magpatakbo ng mga smart contract, gawing desentralisado ang storage, magpatupad ng mga rollup contract, at marami pang iba.
Binago rin ng SKALE ang kasalukuyang functionality ng EVM para magbigay-daan sa mas maraming mapaggagamitan ng smart contract. Halimbawa, ang mga user ay puwedeng mag-deploy ng mga SKALE chain gamit ang FileStorage smart contract para mag-store ng mas malalaking file, kasama na ang mga website, sa mga node ng network. Sa pamamagitan ng kakayahan sa interchain messaging, nagiging posible ring maglipat ng mga token at NFT sa iba't ibang SKALE chain.
Sa SKALE, puwedeng-puwedeng i-configure ang bawat blockchain. Mapipili ng mga user na magkaroon ng sarili nilang SKALE chain, consensus protocol, virtual machine, at mga karagdagang hakbang sa seguridad ayon sa kanilang mga pangangailangan. Puwede rin silang sumali sa chain ng komunidad sa halip na magkaroon ng sarili nilang SKALE chain. Inaasahang lumago ang network para masuportahan ang mga blockchain maliban sa Ethereum sa hinaharap.
Para makagamit ng SKALE chain, kailangang magbayad ang mga developer ng bayad sa subskripsyon sa network, na inihahatid sa pamamagitan ng smart contract sa Ethereum. Ibabahagi ang bayarin sa mga validator at sa komunidad ng SKALE; sa pamamagitan ng arkitekturang ito, walang bayarin sa gas ang SKALE para sa mga end user.
Ang SKALE network
Gumagamit ang SKALE ng network ng mga desentralisadong node para gumawa ng naka-pool na sistema ng seguridad. Ang bawat node ay nagbibigay ng mga resource sa maraming SKALE chain, kasama na ang storage, sumusubaybay sa uptime at latency, at nagbibigay sa mga may-ari ng node ng interface kung saan nila puwedeng i-withdraw, ideposito, i-stake, o i-claim ang native utility token, ang SKL. Bawat SKALE chain na idinaragdag sa network ay puwedeng gumawa ng dagdag na kapasidad habang nagpu-pool ng mga panseguridad na resource sa iba pang sidechain.
Ang SKALE network ay binubuo ng SKALE Manager at mga SKALE Node. Nasa Ethereum mainnet ang SKALE Manager bilang pasukan sa lahat ng iba pang smart contract sa SKALE ecosystem, na sumusuporta sa paggawa at pagsira sa mga SKALE chain.
Ang mga SKALE Node ay pinapagana ng mga validator na nagse-stake ng natukoy nang dami ng mga SKL token sa Ethereum at nakakatugon sa mga kinakailangan sa hardware ng network. Kapag nakapasok na ito sa network, masusuportahan ng mga ito ang isa o higit pang SKALE chain. Random na itatalaga ng SKALE Manager ang bawat node sa isang grupo ng 16 na peer validator para matiyak ang desentralisasyon. Pagkatapos, io-audit ng mga peer ang up-time at latency ng node. Batay sa performance nila sa katapusan ng bawat epoch ng network, bibigyan sila ng reward na mga SKL token.
Gumagamit ang mga SKALE Node ng virtualized sub-node architecture para magbigay-daan sa bawat node na magpatakbo ng maraming SKALE chain nang sabay-sabay. Idinisenyo ang mga Virtualized Subnode na maging dynamic pagdating sa laki para mapangasiwaan ang elasticity ng network, at responsable rin ang mga ito sa pagpapatakbo sa SKALE EVM, SKALE consensus, at inter-chain na komunikasyon.
Ano ang SKL?
SKL ang native cryptocurrency at utility token ng SKALE. Mayroon itong kabuuang supply na 4.27 bilyong token. Ang SKL ay isang ERC-777 token na backward-compatible sa ERC-20 standard. Sinusuportahan nito ang delegasyon sa antas ng token, na isang secure na paraan ng non-custodial na pag-stake. Sa halip na mag-lock ng mga pondo sa isang smart contract, puwedeng mag-stake ng SKL ang mga user gamit ang isang delegation key mula sa kanilang mga wallet.
Ginagamit ang SKL para sa mga pagbabayad sa network, kasama na ang mga subskripsyon sa SKALE chain. Puwedeng mag-stake ng SKL ang mga may hawak ng token bilang mga validator o delegator at puwede silang makakuha ng mga reward. Bilang mga validator, puwede silang magpatakbo ng mga node para mag-validate ng mga transaksyon, magpatupad ng mga smart contract, at i-secure ang SKALE network. Dahil dito, makakakuha sila ng mga reward na SKL na hinango sa mga subskripsyon sa SKALE chain. Kung magpapasya ang mga may hawak ng SKL na mag-stake bilang mga delegator, isang bahagi lang ng mga reward ng validator ang makukuha nila.
Dagdag pa rito, nagbibigay ang SKL sa mga may hawak ng token ng karapatang lumahok sa pamamahala sa SKALE network. Sa pamamagitan ng pagboto sa chain, matutukoy nila ang mga economic parameter ng SKALE at ang direksyon ng pag-develop nito sa hinaharap.
Paano nakikinabang ang network sa pag-stake ng SKL
Ang pag-stake ng mga SKL token ay isang sentral na aspekto ng functionality ng SKALE network.
Para makapag-deploy ng bagong SKALE chain, kailangan ng mga developer na mag-stake ng SKL sa Ethereum mainnet, na magde-deploy ng bagong SKALE chain kung saan puwedeng gumana ang DApp. Ang SKL ng DApp na naka-stake sa mainnet ay ibibigay sa mga validator bilang reward para magkumpirma ng mga transaksyon sa chain na iyon at babayaran ang mga validator buwan-buwan.
Dahil binabayaran nang maaga ang mga validator para bumuo ng mga block, hindi sila kailangang bayaran ng mga end-user, kaya walang bayarin sa gas ang mga end-user.
Dagdag pa rito, ang mga may hawak ng SKL token ay puwedeng mag-stake at mag-delegate ng SKL sa mga validator na nagpapatakbo ng mga node na nakakatulong sa SKALE Network na gumana sa pamamagitan ng pag-validate ng mga block, pagpapatupad ng mga smart contract, at pag-secure sa network.
Paano bumili ng SKL sa Binance?
Puwede mong bilhin ang SKALE token (SKL) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] - [Spot].
2. Hanapin ang “SKL” para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang SKL/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahon ng [Spot] at ilagay ang halaga ng SKL na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng market order. I-click ang [Bumili ng SKL] at ike-credit ang mga nabiling token sa iyong Spot Wallet.
Mga pangwakas na pananaw
Habang dumarami ang mga gumagamit ng DApp, may potensyal ang SKALE na magkaroon ng matinding paglago sa pamamagitan ng dynamic nitong multi-chain network. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na throughput, walang bayarin sa gas, at mababang latency ng transaksyon, ang SKALE ay puwedeng maging angkop na solusyon sa pag-scale sa Ethereum blockchain.