Ano ang BNB Auto-Burn?
Home
Mga Artikulo
Ano ang BNB Auto-Burn?

Ano ang BNB Auto-Burn?

Baguhan
Na-publish Jan 12, 2022Na-update Apr 18, 2023
12m

TL;DR

Ang pag-burn ng coin ay mekanismo para mag-alis ng coin sa sirkulasyon, na permanenteng makakabawas sa kabuuang supply. Maraming cryptocurrency project ang pana-panahong nagbu-burn ng coin para gumawa ng epektong deflationary.

Gumagamit ang BNB ng dalawang mekanismo ng pag-burn ng coin, na makakabawas ng 50% sa kabuuang supply nito sa katagalan. Ang unang mekanismo ay binubuo ng pag-burn ng isang bahagi ng BNB na ginastos bilang bayarin sa gas sa Binance Smart Chain (BSC) (ipinakilala sa BEP-95). Ang pangalawa ay binubuo ng mga event ng pag-burn ng BNB bawat quarter.

Dati, ang mga pag-burn ng BNB bawat quarter ay nakabatay sa dami ng pag-trade ng BNB sa palitan ng Binance. Pero noong Disyembre 2021, inanunsyo ng Binance na ang Pag-burn Bawat Quarter ay papalitan ng bagong BNB Auto-Burn.

Awtomatikong ia-adjust ng mekanismo ng BNB Auto-Burn ang halaga ng BNB na ibu-burn batay sa presyo ng BNB at sa dami ng block na nabuo sa BSC noong nasabing quarter. Nagbibigay ito ng mas matinding transparency at predictability sa komunidad ng BNB.


Ano ang pag-burn ng coin?

Tumutukoy ang pag-burn ng coin sa proseso ng permanenteng pag-aalis ng mga cryptocurrency mula sa sirkulasyon para mabawasan ang kabuuang supply ng coin. Sa madaling salita, sinisira ang mga coin at hindi na magagamit ang mga ito sa pag-trade o kahit ano pa. 

Sa paggawang mas madalang ang coin, layunin ng pag-burn ng coin na gumawa ng epektong deflationary at posibleng mapataas ang valuation ng crypto para makinabang ang mga may-hawak nito. Para sa BNB, ang layunin ng mga event ng pag-burn ng coin ay dahan-dahang bawasan ang kabuuang supply nito hanggang sa maging mas mababa ito kaysa sa 100 milyong BNB.

Bagama't maraming paraan para mag-burn ng cryptocurrency, ang ilang proyekto ay nagpapatupad ng partikular na feature ng pag-burn bilang bahagi ng protocol ng mga ito. Halimbawa, nagsama ang BNB ng function na pag-burn ng smart contract noong una itong inilunsad.
Sa pagsikat ng mga protocol ng Decentralized Finance (DeFi), naging mas pangkaraniwan ang pag-burn ng coin sa mundo ng blockchain. Sinimulang i-burn ng Ethereum (ETH) ang batayang bayad sa ETH ng lahat ng transaksyon sa blockchain pagkatapos ipatupad ang upgrade na London hard fork noong 2021.
Para makapag-burn ng mga coin, isang partikular na halaga ng crypto ang ipinapadala sa isang smart contract o address ng wallet na hindi magagamit sa pakikipagtransaksyon at walang pribadong key. Ibig sabihin nito, kapag umabot na ang mga coin sa address, mawawala na ang mga ito habambuhay at samakatuwid ay maaalis na ang mga ito sa available na supply.

Para sa higit pang detalye kung paano gumagana ang pag-burn ng coin, tingnan ang


Paano binu-burn ang BNB?

BNB ang utility token na nagpapagana sa ecosystem ng BNB at BSC. 200,000,000 BNB ang inisyal na kabuuang supply, pero unti-unti itong nababawasan sa pamamagitan ng mga pag-burn ng coin. Mangyayari ang mga event ng pag-burn hanggang sa masira ang 50% ng kabuuang supply, kung saan magiging mas mababa ito kaysa sa 100,000,000 BNB. 
May dalawang paraan ng pag-burn ng BNB. Ang una ay binubuo ng mga event ng pag-burn ng BNB bawat quarter. Ang pangalawa ay ipinakilala sa BEP-95 at kinasasangkutan ng pag-burn ng isang bahagi ng BNB na ginastos bilang bayarin sa gas sa Binance Smart Chain (BSC).

Dati, ang mga pag-burn ng BNB bawat quarter ay nakabatay sa dami ng pag-trade ng BNB sa palitan ng Binance. Pero noong Disyembre 2021, inanunsyo ng Binance ang bagong BNB Auto-Burn. Awtomatikong ia-adjust ng mekanismo ng BNB Auto-Burn ang halaga ng BNB na ibu-burn batay sa presyo ng BNB at sa dami ng block na nabuo sa BSC noong nasabing quarter. Nagbibigay ito ng mas matinding transparency at predictability sa komunidad ng BNB.


Quarterly Burn ng BNB

Hanggang Enero 2022, nagkaroon na ng 17 event ng pag-burn ng BNB. 33,199,679 BNB ang na-burn sa kabuuan, na kumakatawan sa 16.59% ng kabuuang supply.

Pag-burn ng Coin

Na-burn na BNB

Humigit-kumulang na Presyo ng BNB

Humigit-kumulang na Halaga sa USD

% ng Kabuuang Supply

#1 (Okt 2017)

986,000

$1.52

$1,500,000

0.49%

#2 (Ene 2018)

1,821,586

$21.96

$40,000,000

0.91%

#3 (Abr 2018)

2,220,314

$13.52

$30,000,000

1.11%

#4 (Hul 2018)

2,528,767

$12.93

$32,700,000

1.26%

#5 (Okt 2018)

1,643,986

$10.34

$17,000,000

0.82%

1,623,818

$5.83

$9,400,000

0.81%

#7 (Abr 2019)

829,888

$18.79

$15,600,000

0.41%

#8 (Hulyo 2019)

808,888

$29.47

$23,800,000

0.40%

#9 (Okt 2019)

2,061,888

$17.80

$36,700,000

1.03%

#10 (Ene 2020)

2,216,888

$17.50

$38,800,000

1.11%

#11 (Abr 2020)

3,373,988

$15.55

$52,466,000

1.69%

#12 (Hulyo 2020)

3,477,388

$17.40

$60,500,000

1.74%

#13 (Okt 2020)

2,253,888

$30.17

$68,000,000

1.13%

#14 (Ene 2021)

3,619,888

$45.80

$165,791,000

1.81%

#15 (Abr 2021)

1,099,888

$541.25

$595,314,380

0.55%

#16 (Hul 2021)

1,296,728

$303.59

$393,673,653

0.65%

#17 (Okt 2021)

1,335,888

$478.68

$639,462,868

0.66%

KABUUAN

33,199,679

-

$2,220,707,902

16.59%

Kasaysayan ng Pag-burn ng BNB (Pag-burn ng Coin Bawat Quarter).
Noong quarter #18 (Enero 2022), nakumpleto ng BNB ang una nitong quarterly na BNB Auto-Burn. 1,684,387.11 BNB sa kabuuan ang inalis sa sirkulasyon, kasama na ang 6296.305493 BNB na na-burn sa Pioneer Burn Program. 

Ang mekanismo ng pag-burn ng BEP-95

Noong umpisa ng 2021, ibinahagi ng CEO ng Binance na si CZ ang plano niyang pabilisin ang mga pag-burn ng BNB dahil mas mabagal ang pangkalahatang rate ng pag-burn kaysa sa orihinal niyang inaasahan. Para mapabilis ang proseso, nagpakilala ang Binance ng bagong mekanismo ng pag-burn sa pamamagitan ng BEP-95 noong Nobyembre 2021.
Ang BEP-95 ay isang Binance Evolution Proposal na nagdaragdag ng real-time na mekanismo ng pag-burn sa Binance Smart Chain (BSC). Ang BSC ay awtomatikong nagbu-burn ng isang bahagi ng bayarin sa gas na nakolekta ng mga taga-validate mula sa bawat block. Habang mas maraming tao ang gumagamit sa Binance Smart Chain, mas maraming BNB ang ibu-burn, na matagumpay na makakapagpabilis sa proseso ng pag-burn.
Hanggang Enero 2022, nagbu-burn ang BSC ng humigit-kumulang 860 BNB araw-araw, at masusubaybayan ang pag-usad sa Twitter. Dahil sa BSC network lang nakasalalay ang BEP-95, patuloy itong magbu-burn ng BNB kahit pagkatapos maabot ang 100 milyong target sa pag-burn. 


Ano ang BNB Auto-Burn?

Gaya ng nabanggit, awtomatikong ia-adjust ng BNB Auto-Burn ang halagang ibu-burn batay sa presyo at dynamics ng supply at demand ng BNB. Ibig sabihin, kung babagsak ang presyo ng BNB, darami ang BNB na ibu-burn.

Parehong walang kinikilingan at mave-verify ang BNB Auto-Burn. Layunin nitong magbigay ng mas matinding transparency at predictability sa transaksyon. Hindi tulad ng Pag-burn Bawat Quarter, hiwalay ang BNB Auto-Burn sa dami ng pag-trade ng BNB sa palitan ng Binance. Sa halip, gumagamit ito ng impormasyon sa chain mula sa BSC para kalkulahin ang ibu-burn na halaga.

Kapag naging mas mababa na kaysa sa 100 milyon ang kabuuang supply ng BNB na nasa sirkulasyon, titigil ang BNB Auto-Burn. Gayunpaman, patuloy na magbu-burn ng BNB ang mekanismo ng BEP-95. Sumusunod ang BNB Auto-Burn sa isang formula para sa awtomatikong pag-burn ng BNB, na nakabatay sa data sa chain ng BSC tungkol sa kabuuang mga block na nabuo at average na presyo ng BNB:

Kinakatawan ng B ang BNB na ibu-burn. N ang kabuuang dami ng mga block sa BSC na nabuo sa loob ng quarter. P ang average na presyo ng BNB, at ang K ay isang hindi nagbabagong anchor ng presyo (nakatakda sa 1000 sa umpisa). Para sa higit pang detalye kung paano gumagana ang formula na ito, puwede mong tingnan itong artikulo sa blog


Paano tingnan ang kasaysayan ng BNB Auto-Burn?

Bawat event ng pag-burn ay maa-access ng publiko sa blockchain at sa website ng Binance. Puwede mo ring subaybayan ang mga pag-burn sa BNBBurn.info, isang platform na binuo ng komunidad ng BSC.


Mga pangwakas na pananaw

Mula noong inilunsad ito noong 2017, nagbago ang BNB sa maraming paraan bilang utility token. Mabilis na lumalaki ang mundo ng blockchain, at ganoon din ang ecosystem ng BNB at BSC. Mas mapapahusay pa ng bagong BNB Auto-Burn ang mga mekanismo ng pag-burn ng BNB, na magpapahusay sa mga katangian nitong deflationary at magbibigay ng mas matinding transparency sa komunidad.