TL;DR
Ang Biswap ay isang decentralized exchange (DEX) na nagbibigay-daan sa mga user na mag-swap ng mga token sa BNB Smart Chain. Bukod sa pagkakaroon ng bagong sistema ng referral at mababang bayarin sa pag-trade, nag-aalok din ang Biswap ng iba't ibang produkto at serbisyo, kasama na ang platform ng pag-trade, mga farm, mga launchpool, isang marketplace ng NFT, mga kumpetisyon sa pag-trade, at isang NFT game.
Panimula
Sa mahigit 1,000 token sa BNB Smart Chain, may demand ng user para sa solusyon para makapag-swap ng mga token nang mabilis at mura. Orihinal na idinisenyo ang Biswap para matugunan ang demand na ito at mula noon, nagbago na ito para maging platform na naghahatid ng isang hanay ng mga serbisyo at pagkakataon para sa mga may hawak ng token.
Paano gumagana ang Biswap?
Hindi tulad ng mga centralized exchange, hindi napupunta sa kustodiya ng Biswap ang mga pondo ng mga user, kaya naman isa itong magandang alternatibo para sa mga may hawak ng crypto na nagpapahalaga sa mga sistemang hindi nangangailangan ng tiwala. Sa Biswap, nakakapagpalitan ang mga user ng mga token ng BNB chain token nang may mababang bayarin, habang nakakakuha ng mga reward sa isang programa ng referral. Makakapagbigay rin ng liquidity ang mga user para magkaroon ng passive na kita, makapag-stake ng mga token sa mga farm at launchpool, makabili ng mga NFT sa Marketplace ng NFT ng Biswap, at ma-stake ang mga iyon sa Pool ng Pag-stake ng NFT.
Ano ang BSW?
BSW ang native coin ng Biswap. 700 milyon ang max na supply ng BSW, na may kasalukuyang emission rate ng BSW na 16 na BSW kada block.
Ang BSW ay isang utility token na sumusuporta sa ecosystem ng Biswap at nangangasiwa sa mga aktibidad na iniaalok sa platform. Pinapagana ng BSW token ang modelo ng pagbibigay ng insentibo ng Biswap at nagsisilbi itong reward para sa paglahok sa network.
Bakit natatangi ang Biswap?
DEX ng Biswap na may bayad sa pag-trade na 0.1%
Mga reward sa bayad
Pag-farm at Pag-stake
Lottery
Mga Launchpool
Marketplace ng NFT
Launchpad ng NFT
Tool ng Pag-stake ng NFT
Programa ng Referral ng Biswap
Mga Kumpetisyon sa Pag-trade
Decentralized Exchange (DEX) ng Biswap
Puwedeng gamitin ng mga liquidity provider ang mga LP token para makakuha ng isang parte ng bayarin sa pag-trade o i-stake ang mga iyon sa mga farm ng Biswap. Puwede nilang alisin ang liquidity at bawiin ang parte nila sa pool anumang oras.
Mga reward sa bayad
Para mahikayat ang mga pag-swap sa platform nito, nire-reimburse ng Biswap sa mga user ang bayarin sa transaksyon sa anyo ng BSW. Kapag nag-swap ka sa Biswap, may bayad sa pag-trade na 0.1%. Hanggang 70% ng bayad sa pag-trade ang ipapadala sa iyong balanse ng “Return sa Bayad” sa anyo ng mga BSW token.
Pag-farm at Pag-stake
BNB - BSW LP
BNB - BUSD LP
BNB - USDT LP
BUSD - USDT LP
ETH - BTCB LP
Lottery
Marketplace ng NFT
Mababang bayad sa komisyon: Sa 1%, ang bayad sa komisyon ang kasalukuyang pinakamababa sa BNB Chain.
Mga Eksklusibong Auction ng NFT: Ang mga kalahok sa auction ay puwedeng makakuha ng 5% mula sa pinagkaiba sa presyo ng kanilang bid at ng susunod na pinakamalapit na bid.
Natatanging Koleksyon ng NFT ng Biswap: Kung makakabili ka ng mga NFT mula sa Koleksyon ng NFT ng Biswap, puwede mong i-stake ang mga iyon sa Pool ng Pag-stake ng NFT.
Makatanggap ng mga Robi Boost kapag bumili o nagbenta ka sa Marketplace ng NFT ng Biswap: Gamit ang mga Robi Boost, mas malaki ang kikitain ng mga user sa Pool ng Pag-stake ng NFT. Kapag nakumpleto ang isang transaksyon sa NFT, makakatanggap ang mamimili at nagbebenta ng pantay na parte ng bayad sa komisyon sa mga Robi Boost.
Launchpad ng NFT
Tool ng Pag-stake ng NFT
Programa ng Referral ng Biswap
Puwede ring makakuha ng mga reward na BSW ang mga user na tumutulong na mapalago ang komunidad ng Biswap. Gamit ang natatanging programa ng referral na may 3 uri, puwede kang mag-imbita ng mga kaibigan para magrehistro at sumali para sa mga reward sa referral. Makakuha ng BSW kapag lumahok sila sa:
Palitan: Puwede kang makakuha ng hanggang 20% na mga reward sa referral sa tuwing magsa-swap ang ni-refer mo sa Biswap Exchange.
Mga Farm at Launchpool: Puwede mong makuha ang 5% ng mga kita ng iyong ni-refer mula sa mga farm at launchpool. Magiging handa nang i-withdraw ang iyong mga reward sa referral kapag nag-withdraw ng mga BSW token ang ni-refer mo sa wallet niya.
Lottery: Kung bibili ng lottery ticket ang ni-refer mo, matatanggap mo, bilang nag-refer, ang 2% ng halagang ginastos bilang reward sa referral.
Paano gamitin ang Biswap?
Paano ikonekta ang MetaMask sa Biswap?
Paano magdagdag ng liquidity sa Biswap?
- Pumunta sa page ng Biswap Exchange at i-click ang “Liquidity.”
I-click ang “Magdagdag ng Liquidity.”
Pumili ng pares ng token, at ilagay ang halagang gusto mong ideposito.
Paano lumahok sa mga farm ng Biswap
Kapag nakapag-ambag ka na sa mga liquidity pool at natanggap mo na ang iyong mga LP token, puwede mong i-stake ang mga iyon sa mga farm para makakuha ng mga BSW token. Sundin ang mga tagubiling ito:
- Pumunta sa page na Mga Farm.
Piliin ang naaangkop na pares sa pag-farm kung nasaan ang iyong mga LP token.
I-click ang “I-stake” at ilagay ang halagang gusto mong i-stake.
Aprubahan ang transaksyon sa iyong wallet.
Kapag nakumpleto mo na ang proseso ng pag-stake, puwede mo itong subaybayan sa parehong page para tingnan ang iyong mga reward sa BSW. Kung gusto mong i-withdraw ang iyong mga reward, mag-click lang sa “I-harvest” at kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet.
Paano mag-stake sa Biswap
Para i-stake ang iyong mga BSW token sa Mga Launchpool,
- I-click ang Mga Launchpool, at pumili ng launchpool na gusto mo. Puwede kang mag-stake ng mga BSW token at makakuha ng iba pang token sa pamamagitan ng Mga Launchpool.
Aprubahan ang pag-withdraw ng token.
Ilagay ang halaga ng BSW na gusto mong i-stake at pindutin ang “Kumpirmahin.”
Aprubahan ang transaksyon sa iyong wallet.
Flexible ang pag-withdraw at puwede mong i-cash out ang mga kinita mo at/o ang mga na-stake mong token anumang oras.
Paano bumili ng BSW sa Binance
Makakabili ka ng BSW sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
Mga pangwakas na pananaw
Bukod pa sa pag-trade, nag-aalok ang Biswap ng mga makabagong pagkakataon para mapalawak ang portfolio ng isang tao sa pamamagitan ng DeFi, GameFi, at Pag-stake ng NFT. Dahil sa nakakahikayat nitong hanay ng mga aktibidad, hindi na nakakagulat na sa kasalukuyan, isa ang Biswap sa mga pinakasikat na proyekto sa BNB Chain.