Ano ang CryptoPunks?
Home
Mga Artikulo
Ano ang CryptoPunks?

Ano ang CryptoPunks?

Baguhan
Na-publish May 10, 2021Na-update Dec 28, 2022
4m


TL;DR

Ang CryptoPunks ay mga collectible na obra ng crypto art, na kinakatawan ng mga NFT sa Ethereum blockchain. Mayroong 10,000 maliliit na 8-bit-style na punk, at lahat sila ay may mga natatanging feature. Bilang isa sa mga unang sumikat na proyekto ng NFT, naging inspirasyon ang mga ito sa napakaraming crypto artist at maging sa pagbuo ng ERC-721 na pamantayan ng token para sa mga digital collectible. Mas naging sikat ang proyekto noong 2021 pagkatapos maibenta ang ilang CryptoPunks sa halagang milyon-milyong dolyar, kaya naman ang mga ito ang ilan sa pinakamahal na NFT.




Panimula 

Sa unang tingin, mukhang hindi naman talaga espesyal ang maliliit at pixelated na mukhang ito sa mga katiting na parisukat. Ang ilan ay nagtatabako. Ang iba naman ay nakasumbrero. Alien pa nga ang iba. Pero, mapanlinlang ang hitsura pagdating sa mga NFT.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kahit isa lang sa mga nakakatawang tingnang punk na ito, puwede kang makabili ng kahit na ano mula sa isang maliit na apartment hanggang sa isang malawak na mansyon. Ang mga 8-bit-style na CryptoPunks na ito ay isang koleksyon ng mga NFT na kasalukuyang mataas ang demand, at limitado ito sa 10,000. Hindi sila lumalaban, sine-stake, o gumagawa ng kahit na ano bukod sa pagiging mga cute na punk. CryptoPunks din ang isa sa mga unang sumulpot na proyekto ng NFT.


Sino ang gumawa ng CryptoPunks?

Ang nakaisip ng CryptoPunks ay ang Larva Labs na nakabase sa New York at itinatag nina Matt Hall at John Watkinson. Nagsimula ang proyekto noong 2017 bilang isang eksperimento tungkol sa value ng mga NFT at art, na sa huli ay nakatulong para sumikat ang crypto art na kilala natin ngayon.
Isang uri ang mga ito ng cryptocurrency pero medyo naiiba sa Bitcoin o BNB. Ang lahat ng 10,000 punk ay mga natatanging NFT sa Ethereum blockchain. 3840 ang babae, 6039 ang lalaki. May ilan din tayong ape, alien, at zombie sa hanay.

Ang kumbinasyon ng iba't ibang attribute na pinagsama-sama ang nagtitiyak na talagang natatangi ang bawat isa sa 10,000.


Noong una, available at ipinapamahagi nang libre ang mga punk. Ang kailangan mo lang gawin ay ibigay ang nauugnay na bayad sa transaksyon sa Ethereum.

Simula noon, talagang naging napakasikat ng mga artwork na ito, pati na ang mga NFT sa pangkalahatan. Nakakapag-auction pa nga ang Christie’s auction house ng mga koleksyong tinatayang aabot sa milyon-milyon ang halaga.
Sa kasalukuyan, ang maputlang alien punk na ito na nakasuot ng headband ang may rekord ng pinakamataas na benta ng CryptoPunk sa halagang 4200 ETH, humigit-kumulang $7.58 milyon noong ibinenta ito noong Marso 2021. Pumapangalawa naman ang CryptoPunk #7804, na naibenta sa parehong halaga ng ETH (humigit-kumulang $7.57 milyon sa panahon ng pagbenta rito). Ang pagkakaiba ay resulta ng pagtaas ng mga presyo ng ETH. 
Pagdating sa mga NFT sa pangkalahatan, ang dalawang ito ang pangalawa at pangatlong pinakamahal na non-fungible token na naibenta sa kasalukuyan. Ang EVERYDAYS: THE FIRST 5000 DAYS ni Beeple ang kasalukuyang nangunguna, na naibenta sa halagang $69,346,250.


Paano ginagamit ang CryptoPunks?

Noong panahong inilunsad ang proyekto, wala pang ERC-721 na token protocol na ginagamit ngayon para sa mga NFT. Kinailangang gamitin ng Larva Labs kung ano ang mayroon sila: ERC-20.

Gaya ng isang punk, nagawa ng team na baguhin ang ERC-20 code, sapat lang para mabuo nila ang mga non-fungible na item, at ito ang nagsilbing inspirasyon para buuin ang ERC-721 pagkalipas ng maikling panahon.

Kung titingnan natin ang token sa Etherscan, makikita natin ang Max na Kabuuang Supply na 10,000. Bagama't lumalabas na ERC-20 ang mga punk, hindi ito magkakatulad na token.


Puwede mong malaman ang pagiging tunay ng bawat CryptoPunk sa pamamagitan ng pag-hash sa reference na larawan nito at pagkukumpara nito sa isang partikular na hash ng larawan sa kontrata ng token. 
Dahil masyadong malaki ang mga larawan para maitago sa blockchain, gumawa ang Larva Labs ng composite na larawang naglalaman ng lahat ng 10,000 punk. Ang isang hash nito ay nasa kontrata ng token ng CryptoPunks.

Paano mo malalaman kung alin ang hawak mo? Ganito, ang bawat token ng punk ay naglalaman ng metadata na tumutukoy sa posisyon nito sa composite na larawan. Halimbawa, si CryptoPunk #7804 ay ang ika-7804 na punk sa malaking composite na larawan.


Saan ako makakabili ng CryptoPunks?

Kasabay ng pagdidisenyo ng mismong CryptoPunks, gumawa rin ang Larva Labs ng sarili nitong pamilihan sa website ng CryptoPunks. Doon nagbi-bid, bumibili, at nagbebenta ng CryptoPunks ang mga user. Puwede kang sumali sa pamilihan sa pamamagitan ng pag-install at pagkonekta ng iyong MetaMask.


Makikita na rin ang CryptoPunks sa OpenSea, isang nangungunang pamilihan ng NFT sa Ethereum. Medyo iba nga lang ang mga pixel punk na ito. Na-wrap ang mga ito sa mga ERC-721 token para puwedeng ma-trade ang mga ito sa mga pamilihan ng NFT.
Ang isang ERC-721 na CryptoPunk ay mabilis ma-convert pabalik sa orihinal nitong ERC-20 na anyo. Nagaganap ang pag-wrap at pag-unwrap sa Wrapped PUNKS at puwedeng isagawa gamit ang isang MetaMask wallet na naglalaman ng CryptoPunk.


Mga pangwakas na pananaw

Bagama’t hindi na lang sila ang nag-iisa pagdating sa mga NFT ngayon, CryptoPunks ang nagpasimula ng purong artistic na value sa blockchain. Hindi gaya ng CryptoKitties na may mga elemento ng gamification, ang bawat indibidwal na punk ay simpleng larawan lang at hindi na hihigit pa roon. Mapapansin mo pa rin ang matinding kasikatan ng mga ito sa ilang proyektong direktang hango sa CryptoPunks.