TL;DR
Sa pamamagitan ng Polygon Bridge, mabilis na nakakapaglipat ang mga user ng mga ERC token at NFT sa Polygon sidechain. May dalawang pangunahing bridge sa Polygon, ang Proof of Stake (PoS) Bridge at ang Plasma Bridge. Parehong puwedeng itawid ng dalawa ang mga asset mula sa Ethereum papuntang Polygon (at vice versa), pero gumagamit ang mga ito ng magkaibang paraan sa seguridad.
Gumagamit ang PoS Bridge ng Proof of Stake (PoS) consensus algorithm para i-secure ang network nito. Sinusuportahan nito ang paglipat ng Ether (ETH) at karamihan sa mga ERC token. Ito ang inirerekomendang opsyon para sa karamihan ng mga user.
Ang Plasma Bridge ay para sa mga dev na kailangan ng mas pinaigting na seguridad. Ginagamit nito ang scaling solution ng Ethereum Plasma at sinusuportahan nito ang paglilipat ng mga MATIC, ETH, ERC-20, at ERC-721 token.
Panimula
Sa dami ng blockchain na nagsusulputan sa mundo ng crypto, mahirap ang pagbabahagi ng mga data at token sa pagitan ng magkakaibang network. Hinaharap ng ilang proyekto ang ganitong problema sa pamamagitan ng pagbuo ng mga bridge o ugnayan sa pagitan ng mga network para pangasiwaan ang mga paglilipat ng asset.
Idinisenyo ang Polygon Bridge para mapataas ang interoperability sa pagitan ng Polygon at Ethereum blockchain. Gamit ang isang compatible na cryptocurrency wallet, mabilis na makakapagpalipat-lipat ng mga token ang mga user.
Ano ang Polygon Bridge?
Para makipag-interaksyon sa mga DApp at tool sa Polygon, kailangan mong ilipat ang iyong mga asset sa Polygon network. Dito na papasok ang Polygon Bridge. Ang Polygon Bridge ay isang cross-chain na channel ng transaksyon na hindi nangangailangan ng tiwala (trustless cross-chain transaction channel) sa pagitan ng Polygon at Ethereum. Nagbibigay-daan ito sa mga user na makapaglipat ng mga ERC token at non-fungible token (NFT) sa Polygon sidechain, sa pamamagitan lang ng paggamit ng mga smart contract.
Paano gumagana ang Polygon Bridge?
Gumagamit ang Polygon Bridge ng dual-consensus na architecture para i-optimize ang bilis at decentralization. Nakakasuporta rin ito sa mga arbitrary state transition sa mga sidechain, na compatible sa Ethereum Virtual Machine (EVM). Maisasagawa agad ang mga cross-chain na paglilipat ng token nang walang panganib sa third-party o mga limitasyon sa liquidity ng merkado.
Kapag nagtatawid ng mga token gamit ang Polygon Bridge, walang magiging pagbabago sa supply ng token na nasa sirkulasyon. Ila-lock ang mga token na lalabas sa Ethereum network, at imi-mint ang parehong dami ng token sa Polygon network bilang mga naka-peg na token sa 1:1 na batayan. Kapag itatawid ang mga token pabalik sa Ethereum, ibu-burn ang mga naka-peg na token sa Polygon, at sabay na ia-unlock ang mga nasa Ethereum.
Paano magtawid ng mga token mula Ethereum papuntang Polygon gamit ang PoS Bridge?

2. Pagkatapos, kailangan mong ikonekta ang iyong crypto wallet. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang Metamask.

3. Hihilingin sa iyo na pirmahan ang isang mensahe para ikonekta ang iyong MetaMask wallet sa Polygon wallet mo. Walang anumang babayaran sa pagpirmang ito. I-double check ang URL para matiyak na nasa tama kang website at i-click ang [Pirmahan] para magpatuloy.

4. Ire-redirect ka sa interface ng Polygon Bridge. Kung hindi, i-click ang [Bridge] sa menu bar sa kaliwa.

5. Para ipadala ang iyong mga token mula sa Ethereum mainnet papunta sa Polygon, pumunta sa tab na [Deposito]. Mag-click sa pangalan ng token para piliin ang token na itatawid. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang ether (ETH). Ilagay ang halaga at i-click ang [Ilipat].

6. Basahin ang mahahalagang paalala at i-click ang [Magpatuloy] kapag handa ka na.


8. Basahin ulit ang mga detalye ng transaksyon mo, kabilang ang dami ng token at ang tinatayang bayad sa transaksyon, bago i-click ang [Magpatuloy].
Tandaan na sine-secure ng mga validator ang PoS bridge. Kung magpapasya kang ilipat ang mga pondo pabalik sa Ethereum network, puwede itong umabot nang hanggang 3 oras.

9. Pagkatapos, ipo-prompt kang pirmahan at aprubahan ang paglilipat sa iyong MetaMask wallet. Tingnan kung tama ang mga detalye at i-click ang [Kumpirmahin].

10. Kapag nakumpirma na, hintaying dumating ang mga token sa Polygon wallet mo. Puwede mong i-click ang [Tingnan sa Etherscan] para tingnan ang status ng transaksyon.

Paano magtawid ng mga token mula Polygon papunta sa Ethereum gamit ang PoS Bridge?
Puwede mong gamitin ang Polygon Bridge para maglipat ng mga token mula Polygon papuntang Ethereum. Kailangan mo rin dito ng compatible na crypto wallet, gaya ng MetaMask.
Tingnan natin kung paano maglipat mula Polygon papuntang Ethereum gamit ang PoS Bridge.
1. I-click ang [Pag-withdraw] sa interface ng [Bridge]. Piliin ang mga token na gusto mong ilipat sa Ethereum network.

2. Malamang na mapansin mo ang button na [MAGPALIT NG BRIDGE] sa tabi ng [Mode ng Paglilipat]. Awtomatikong pipiliin ng platform ang compatible na bridge para sa paglilipat mo batay sa pipiliin mong token.

3. Pagkapili ng token, ilagay ang dami na gusto mong ipadala at i-click ang [Ilipat].

4. Basahin ang mahahalagang paalala at i-click ang [Magpatuloy] kapag handa ka na.

5. Makikita mo rin ang pop-up na [Pangkalahatang-ideya sa Paglilipat] na naglalaman ng tinatayang bayad sa gas para sa transaksyong ito. Kung ayos sa iyo ang gastos sa gas, i-click ang [Magpatuloy] para magpatuloy.

6. Puwede mong basahin ulit ang mga detalye ng iyong transaksyon, kabilang ang dami ng token, ang bridge na gagamitin mo, at ang tinatayang bayad sa gas, bago mo i-click ang [Magpatuloy].

7. Kailangan mong pirmahan at aprubahan ang paglilipat sa iyong MetaMask wallet. Tingnan kung tama ang mga detalye at i-click ang [Kumpirmahin].
Kapag nakumpirma na, hintaying dumating ang mga token sa Polygon wallet mo. Puwede mong i-click ang [Tingnan sa Etherscan] para tingnan ang status ng transaksyon.

9. Kapag na-validate na ang transaksyon mo, kailangan mong i-claim ang mga token sa iyong MetaMask wallet. I-click ang [Magpatuloy], at makikita mo ang mga asset kapag nakumpleto na ang pag-withdraw.

Paano magtawid ng mga token mula Polygon papuntang Ethereum gamit ang Plasma Bridge?
Kung gusto mong maglipat ng MATIC o iba pang token ng Polygon papuntang Ethereum, puwede mo itong gawin gamit ang Plasma Bridge. Tandaan na ang sinusuportahan lang ng Plasma Bridge ay ang paglilipat ng mga ERC-20 at ERC-721 token, na kinabibilangan ng ETH at MATIC.
Hakbang 1: Pagdaragdag ng Polygon sa MetaMask
1. Para gawin ito, i-click ang button na [Lumipat sa Polygon] sa itaas. Tiyaking nakakonekta ka na sa iyong MetaMask wallet.

2. Makakakita ka ng pop-up mula sa iyong MetaMask extension na naglalaman ng mga detalye ng Polygon network. I-click ang [Aprubahan].

3. Tapos na. Naidagdag na ang Polygon network sa iyong MetaMask. Ngayon, kailangan mo nang ilipat ang iyong MetaMask mula Ethereum Mainnet papuntang Polygon network. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-click sa [Lumipat ng network].

4. Makikita mo na ang MATIC sa iyong MetaMask wallet.

Hakbang 2: Pagtatawid ng MATIC sa Ethereum gamit ang MetaMask
1. Pumunta sa interface ng [Bridge] at i-click ang [Pag-withdraw]. Piliin ang [Matic Token] mula sa listahan ng token, ilagay ang halaga, at i-click ang [Ilipat].
Awtomatikong pipiliin ng system ang [Plasma Bridge] bilang mode ng paglilipat.

2. Basahin ang mahahalagang paalala at i-click ang [Magpatuloy] kapag handa ka na.

3. Makikita mo rin ang tinatayang bayad sa gas para sa transaksyong ito. Kung ayos sa iyo ang gastos sa gas, i-click ang [Magpatuloy] para magpatuloy.

4. Basahin ulit ang mga detalye ng transaksyon mo bago i-click ang [Magpatuloy].

5. May lalabas na pop-up ng MetaMask para makumpirma mo ang transaksyon. I-click ang [Kumpirmahin], at makikita mong pinoproseso na ang iyong paglilipat.
Kailangan mong manu-manong magkumpirma ng tatlong transaksyon para sa isang paglilipat gamit ang Plasma Bridge. Ang una ay para simulan ang iyong pag-withdraw mula sa Polygon wallet, na puwedeng umabot nang hanggang 3 oras.

6. Kapag dumating na ang checkpoint, nangangahulugan ito na na-validate na ang iyong transaksyon sa Ethereum blockchain. Kailangan mong magkumpirma ng pangalawang transaksyon para simulan ang challenge period. Isa itong hakbang para paigtingin ang seguridad ng mga transaksyon sa pag-withdraw.

7. Pagkatapos ng challenge period, ang kailangan mo lang gawin ay i-click ang [Magpatuloy] para ipadala ang mga MATIC token sa iyong MetaMask wallet.


Mga pangwakas na pananaw
Sa pamamagitan ng interoperability ng Polygon Bridge, naililipat-lipat ng mga user ang kanilang mga asset sa Ethereum at Polygon blockchain. Nagbibigay ng alternatibo ang Polygon Bridge sa mga user na gustong gumamit ng iba't ibang DeFi platform at DApp na available sa Polygon network.