Paano Mamuhunan sa Bitcoin at Mga Cryptocurrency
Home
Mga Artikulo
Paano Mamuhunan sa Bitcoin at Mga Cryptocurrency

Paano Mamuhunan sa Bitcoin at Mga Cryptocurrency

Baguhan
Na-publish May 13, 2021Na-update Jan 31, 2023
7m


TL;DR

Posibleng isa ang bitcoin sa mga pinakasikat na coin kung saan puwedeng mamuhunan, pero hindi ito ang nag-iisa. Nagbibigay ang mga altcoin ng napakagandang alternatibo kapag bumibili ng crypto na i-diversify ang iyong portfolio.

Sa pagpili mo ng crypto, dapat mo ring isaalang-alang kung mamumuhunan o magte-trade ka, pati na rin ang iyong profile sa risk at ang uri ng analysis na gusto mong gawin. Puwede mong piliin ang fundamental o technical analysis o kahit kumbinasyon ng dalawa. Kapag naisaalang-alang ang lahat ng ito, magiging handa ka nang magsimulang mamuhunan o mag-trade sa Binance.


Panimula

Ang pamumuhunan sa Bitcoin at iba pang cryptocurrency ay isang napakagandang paraan para ma-diversify ang mga pamumuhunan mo, pero malaki rin ang kaakibat nitong panganib. Kaya bago ka sumuong, mahalagang maunawaan ang ilang pangunahing konsepto at prinsipyo. Hindi lang ito pagbili ng ilang crypto at pag-asa na maganda ang kahihinatnan nito. 

Kailangan ng maingat na pananaliksik at pagsusuri para makapagpasya nang mahusay sa pamumuhunan. Mainam kung mayroon kang diskarteng nakabatay sa iyong profile sa panganib, at hinding-hindi ka dapat mamuhunan nang higit pa sa kaya mong mawala sa iyo.


Bitcoin o mga altcoin?

Para sa mga baguhan sa crypto, kadalasang Bitcoin ang unang pinipili pagdating sa pamumuhunan. Ito ang pinakasikat na proyektong blockchain at ang pinakamalaking cryptocurrency ayon sa market capitalization.
Gayunpaman, may libo-libong iba't ibang cryptocurrency (altcoin). May sariling blockchain ang ilang altcoin, habang ang iba naman ay gumagamit ng dati nang network (gaya ng Binance Smart Chain o Ethereum). May iba't ibang alok ang bawat proyekto, at bawat isa ay may sarili nitong mga potensyal na panganib at benepisyo. 

Ikaw ang bahala kung sa BTC lang o sa maraming crypto asset mo gustong mamuhunan. BTC lang ang pinipili ng ilan; gusto namang i-diversify ng iba ang mga hawak nila gamit ang mga altcoin.

Sa isang banda, sa pag-iiba-iba ng asset, nawawala ang mga panganib ng pamumuhunan sa iisang proyekto lang. Kung marami kang asset, mas maliit ang posibilidad na mawalan ka ng malaking halaga kung papalya ang isa sa mga ito. Sa kabilang banda, puwedeng maging delikado ang pamumuhunan sa mga altcoin, at, sa kasamaang-palad, maraming kumakalat na scam. Kaya napakahalagang magsagawa ng iyong sariling pananaliksik bago ka makipagsapalaran.
Sa napakaraming coin na available, mahirap malaman kung saan dapat magsimula. Tingnan ang Anong Crypto ang Dapat Kong Bilhin Maliban sa Bitcoin? para sa higit pang impormasyon tungkol sa ilan sa iba't ibang uri ng mga cryptocurrency.


Dapat ba akong mag-trade o mamuhunan?

Sa pagpapasya kung ano ang bibilhin, kailangan ding isaalang-alang kung mamumuhunan o magte-trade ka. Madaling malito sa dalawa, pero may pagkakaiba. Sa madaling sabi, sa pamumuhunan, pipili ka ng mga asset na pinaniniwalaan mo at hahawakan mo sa loob ng mas mahabang panahon. Sa ganitong diskarte, hindi masyadong kailangang gumugol ng panahon para maging aktibo at kadalasang hindi ito masyadong mapanganib.
Sa kabaliktaran, ang layunin sa pag-trade ay kumita nang panandalian o sa loob ng katamtamang tagal sa pamamagitan ng regular na pagbili at pagbebenta. Kailangan ng maraming oras at pagsasanay para maging magaling na trader. Kailangan ng isang trader na bumuo ng mga mas kumplikadong diskarte, maglaan ng mas maraming oras sa pagsusuri sa mga merkado at platform para sa pag-trade, at humarap sa mas maraming panganib. Kailangan din niyang isaalang-alang ang perang ginagastos sa pag-trade at bayarin sa transaksyon.
Tandaan na sa mga merkado ng cryptocurrency, kung minsan ay mas mataas ang volatility kaysa sa mga tradisyunal na merkado. Bagama't kailangan ng mga trader ng volatility para kumita, posibleng malaking panganib din ang dala ng matataas na antas ng volatility.
Para sa mga baguhan, ang pamumuhunan ang pinakamadali at pinakaligtas na opsyon sa ngayon. Karaniwang taon ang isinasaalang-alang ng mga namumuhunan, kaya hindi masyadong mahalaga ang mga panandaliang pagbabago sa presyo. Mas nakabatay ang desisyong mamuhunan sa mga pangunahing prinsipyo ng isang coin (kung gaano katibay ang proyekto at kung gaano kalaki ang posibilidad na magtagumpay ito sa katagalan).

Mas gusto ng ilan na mamuhunan at huwag mag-alala sa mga panandaliang pagbabago. Mas gusto naman ng iba na mag-trade nang madalas sa pagsubok na mapalaki ang mga kita. Ang ilan naman ay ginagawa ang dalawa nang sabay. Depende ang lahat ng ito sa iyong diskarte, profile, at tolerance sa panganib.

Muli, ikaw ang magdedesisyon, pero hinding-hindi ka dapat mamuhunan o mag-trade gamit ang mga pondong hindi mo kayang mawala sa iyo.

Sa kabila ng lahat ng nasabi na, kung gusto mong alamin pa ang tungkol sa crypto day trading at swing trading, makakakita ka ng higit pang impormasyon sa aming Kumpletong Gabay sa Cryptocurrency Trading para sa Mga Baguhan.



Fundamental analysis kumpara sa technical analysis

Kailangan ng pagsusuri para sa pagpapasya kung ano ang maituturing na magandang pamumuhunan. Pangunahing nakasalalay ang uri ng pagsusuri sa pamumuhunan o pag-trade, pero parehong puwedeng maging kapaki-pakinabang ang fundamental at technical analysis.

Gaya ng nabanggit, hindi masyadong mahalaga ang mga pagbabago sa presyo na panandalian o may katamtamang tagal kapag namumuhunan (o HODLing). Sa pangkalahatan, mas nakatuon ang pangmatagalang pamumuhunan sa taglay na halaga ng isang coin o proyekto, na nauugnay sa fundamental analysis (FA).
Kasama sa fundamental analysis ang pagtatasa sa potensyal ng isang asset batay sa proyekto sa kabuuan, kasama na ang paggamit, team, whitepaper, pagbuo, marketing, pamamahala, reputasyon, mga pangmatagalang layunin, at iba pang salik.
Sa kabaliktaran, isinasaalang-alang sa technical analysis (TA) ang dating pagkilos ng presyo at data ng dami para subukang hulaan ang mga paggalaw ng presyo sa hinaharap. Kadalasang kasama sa diskarteng ito ang mga candlestick chart at tagasaad ng TA, gaya ng mga moving average at trend line.


Pagbili ng iyong unang bitcoin sa Binance

Madali kang makakabili ng bitcoin at iba pang altcoin sa palitan ng crypto ng Binance.

1. Gumawa ng account sa pamamagitan ng pagpunta sa homepage ng Binance at pag-click sa [Magrehistro] sa kanang sulok sa itaas.
2. Susunod, kakailanganin mong i-verify ang iyong account sa Binance. Nakakatulong sa amin ang prosesong ito ng KYC na siguraduhing ikaw nga ang pakilala mo at natutugunan mo ang aming mga legal na kinakailangan.
3. Ang pinakamadaling paraan ng pagbili ng ilang crypto ay gamitin ang iyong credit card o debit card sa pamamagitan ng feature na Mag-convert.

Puwede ka ring maglipat ng fiat currency mula sa iyong bank account para bumili ng mga digital asset sa trading view. Tingnan ang Gabay sa Baguhan sa Binance para sa mga kumpletong tagubilin sa dalawang paraan.


Pagbili ng iyong unang altcoin sa Binance

Puwede mong simulang i-diversify ang iyong portfolio sa pamamagitan ng pagbili ng altcoin gaya ng BNB, na isang utility token na maraming pinaggagamitan

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance, mag-hover sa button na [Bumili ng Crypto], at i-click ang [Credit/Debit Card].


2. Susunod, makakapili ka mula sa iba't ibang cryptocurrency. Siguraduhin din na pipiliin mo ang tamang fiat currency. Sa halimbawang ito, pinili naming bumili ng BNB gamit ang EUR.


3. Ilagay ang mga detalye ng iyong card para gawing pinal ang pagbili at hintaying ma-credit sa iyong account ang crypto.


Ano ang dapat kong gawin sa cryptocurrency ko?

Ang pagbili, pagbebenta, at paghawak ng crypto ay ilan sa mga diskarteng magagamit mo kapag namumuhunan o nagte-trade ka ng crypto. Pagdating sa pangmatagalang paghawak, mapipili mong panatilihin ang mga cryptocurrency mo sa iyong account sa Binance o ilipat ang mga iyon sa panlabas na cryptocurrency wallet
Kung pipiliin mong panatilihin ang iyong crypto sa account mo sa Binance, puwede mong pag-isipang tuklasin ang maraming opsyong ibinibigay ng Binance Earn. Puwede mo itong ituring na savings account na nagbibigay-daan sa iyong magkaroon ng passive na kita habang hinahawakan ang crypto mo.


Mga pangwakas na pananaw

Medyo matagal bago matutong mamuhunan o mag-trade ng mga cryptocurrency. Magandang paraan ang pagpapayaman ng iyong kaalaman para mabawasan ang pangkalahatang panganib mo sa pamumuhunan, na hahantong sa mga desisyong mas nakabatay sa kaalaman. Madaling mag-panic-sell ng asset batay sa emosyon, pero mas maliit ang tsansang mangyari ito kapag pinag-aralan mo ang pamumuhunan at pag-trade. Para sa higit pang impormasyon tungkol dito, tingnan ang Ang Sikolohiya ng Mga Market Cycle.