TL;DR
Sa mas malawak na klase ng mga non-fungible token (NFT), may sub-category ng mga token na tinatawag na mga dynamic NFT. Sa pangkalahatan, naiiba ang mga NFT na ito sa mga static na katapat ng mga ito dahil kayang magbago ng mga ito, dahil sa mga smart contract at sa mga kondisyong na-encode ng mga creator ng mga ito.
Panimula
Ang mga NFT ay mga crypto asset sa blockchain na natatangi at hindi napapalitan. Ang mga walang katulad na asset na ito ay karaniwang ginagawa bilang alituntunin, na kilala rin bilang pamantayan ng token, na tumitiyak na bawat NFT ay may natatanging token ID.
Maliban sa mga crypto collectible at NFT art, puwedeng i-digitize ng mga static NFT ang mga asset sa totoong buhay gaya ng mga pasaporte, certificate, at real estate deed. Gayunpaman, ang mga pang-eksperimentong paggagamitan na ito ng mga NFT — bagama't totoo na — ay posibleng hindi ganap na kumatawan sa mga asset sa totong buhay na may dalang hindi static na impormasyon.
Kapag gumawa ng mga static NFT ang mga smart contract, mini-mint ang mga asset na ito gamit ang permanente at immutable na data ng token — sa madaling sabi, hindi mababago ang data na ito. Samakatuwid, anuman ang mga panlabas na sitwasyon, hindi magbabago ang mga static NFT at dahil dito, naluluma ang mga ito kapag nagkaroon ng pagbabago sa impormasyon.
Gayunpaman, matutugunan ng mga Dynamic NFT ang limitasyong ito. Bagama't ganoon pa rin ang mga token ID ng mga NFT na ito, may natatanging kakayahan ang mga dynamic NFT na magbago sa ilang partikular na kondisyon.
Ano ang Mga Dynamic NFT?
Ang mga dynamic NFT ay isang sub-category ng mga NFT na puwedeng baguhin ang mga katangian kapag natugunan ang ilang partikular na kondisyon. Bawat NFT ay naglalaman ng impormasyong tinatawag na metadata, na naglalarawan ng mga katangian nito.
Posibleng kasama sa metadata ang mga pangalan, paglalarawan, at maging mga partikular na feature ng NFT. Halimbawa, posibleng kasama sa metadata ng gaming NFT ang mga katangian ng isang avatar, gaya ng lakas o stamina. Para sa NFT art, posibleng kasama rito ang mga kulay o accessory ng artwork.
Posibleng pamilyar ka sa Ethereum-based na laro, ang CryptoKitties, na isa sa mga unang proyekto ng NFT na mabilis na sumikat noong lumabas ito noong 2017. Ang CryptoKitties ay isang blockchain game kung saan ang mga player ay puwedeng mangolekta, mag-breed, at magpalitan ng mga dynamic NFT sa anyo ng mga virtual na pusa.
Hindi tulad ng mga static NFT, puwedeng baguhin at visual na i-translate ang metadata ng mga dynamic NFT. Ito ay dahil bagama't karaniwang ginagawa ang mga static NFT gamit ang pamantayan ng token na ERC-721, idinisenyo ang mga dynamic NFT gamit ang pamantayan ng token na ERC-1155.
Ayon sa Ethereum, ang mga token na ginawa gamit ang pangalawang pamantayan ay may mga feature na katulad sa mga fungible na ERC-20 token at non-fungible na ERC-721 token. Samakatuwid, kung tutuusin, ang mga ERC-1155 token ay semi-fungible at puwedeng baguhin kung kinakailangan.
Paano Mababago ang Mga Dynamic NFT?
Ganito ito karaniwang gumagana:
Mini-mint ang isang dynamic NFT ng isang smart contract gamit ang isang hanay ng metadata.
Kumukuha ang smart contract ng data mula sa mga oracle. Ito ay mga third-party na serbisyo na nagbibigay ng external na impormasyon mula sa mga source ng data, gaya ng data ng Internet of Things (IoT) at mga application programming interface (API) sa web.
Pagkatapos, susuriin ang NFT ng smart contract gamit ang data na nakuha sa mga oracle para masuri ang NFT at ma-encode ang mga pagbabago sa proseso ng pag-mint.
Pagkatapos, ia-update ang mga katangian ng dynamic NFT kapag kinakailangan.
Mga Application ng Dynamic NFT
Pagkakakilanlan
Kung magkakatotoo ang blockchain-based na pagkakakilanlan, posibleng magamit na ang mga dynamic NFT para kumatawan sa mga digital na card ng pagkakakilanlan o pasaporte sa buong mundo. Ang flexibility ng mga NFT na ito ay magbibigay-daan para awtomatikong ma-update ang mga pagbabago nang hindi kinakailangang palitan ang mga dokumento ng digital na pagkakakilanlan. Puwedeng kasama rito ang mga detalye gaya ng lugar ng tirahan, marital status, at mga detalye sa pakikipag-ugnayan.
Gaming
Pangunahing ginagamit ang pamantayan ng token na ERC-1155 sa NFT gaming, kaya hindi na nakakagulat na pinakakaraniwang makikita ang mga dynamic NFT sa mga blockchain game. Puwedeng i-level up ng mga player ang kanilang mga avatar gamit ang mga dynamic NFT para kumatawan sa kanilang mga character sa laro, kaya naman napapaganda ang karanasan sa paglalaro. Habang nadaragdagan ang karanasan ng isang player, puwedeng makita ang paglago ng kanilang mga character sa nagbabagong hitsura o istatistika ng kanilang mga NFT avatar.
Mahalaga sa game design ang konsepto ng pag-usad sa mga laro para mahikayat ang mga player, at nagiging posible ito dahil sa mga dynamic NFT. Puwede ring pangasiwaan ng mga dynamic NFT ang mga larong choose-your-own-ending at iba pang karanasang nangangailangan ng paglahok at nangangailangan ng external na data para gumana.
Virtual na real estate
Bagama't matagal-tagal nang may pag-tokenize ng real estate, hindi maipapakita ng mga static NFT ang mga nagbabagong salik, gaya ng mga presyo, tagal, at pagmamay-ari ng ari-arian. Sa kabilang banda, nakukuha ng mga dynamic NFT ang mas maliliit na detalye ng real estate at mayroon itong flexibility na kinakailangan para sa mga partikular na update sa impormasyon.
Sining
Gaya ng ipinapakita ng tradisyonal na Japanese na aesthetic na anyo ng sining, ang wabi-sabi, na nakatuon sa pagiging panandalian sa halip na sa pagiging permanente, para sa maraming tao sa buong mundo, nakakatuwa ang sining na panandalian at nagbabago. Dahil sa mga dynamic NFT, puwedeng gumamit ng real-time na data ang mga digital artist para mag-encode ng mga pagbabago sa kanilang artwork para iparating ang pagiging pansamantala na ito, kaya naman nagiging mas natatangi ang kanilang mga obra. Halimbawa, may mga dynamic NFT na artwork na nagbabago ang hitsura batay sa kasalukuyang lagay ng panahon o season.
Puwede ring mas pagandahin pa ang NFT art sa pamamagitan ng paggaya sa mga art installation sa totoong buhay na nangangailangan ng pakikilahok ng audience para makita ang kagandahan nito. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng magbago ang isang dynamic NFT depende sa interaksyon ng may hawak ng token sa kanyang asset at sa pamamagitan ng paggawa noon, maisusulong ang pakikipag-ugnayan at mga digital art exhibition.
Mga Pangwakas na Pananaw
Ang mga dynamic NFT ay “mas matalinong” klase ng mga NFT kaysa sa mga static na katumbas ng mga ito, dahil puwedeng umayon ang mga ito sa at puwedeng ipakita ng mga ito ang impormasyon mula sa mundo sa labas nang real time. Bukod pa sa mga application na nabanggit sa artikulong ito, napakaraming paggagamitan ng mga dynamic NFT, na madaling makakatugon sa pangangailangan para sa pagbabago ng NFT.