Kasaysayan ng Cryptography
Home
Mga Artikulo
Kasaysayan ng Cryptography

Kasaysayan ng Cryptography

Baguhan
Na-publish Jan 14, 2019Na-update Feb 10, 2023
5m
Ang cryptography, ang siyensiya ng pagsusulat ng mga code at ciphers para sa ligtas na komunikasyon, ay isa sa mga pinakamahalagang elemento na ginagawang posible ang modernong cryptocurrencies at blockchains. Ganunpaman, ang mga cryptographic technique na ginagamit ngayon ay resulta ng mahabang kasaysayan ng pagbuo. Mula pa noong sinaunang panahon, ginagamit na ng mga tao ang cryptography para magpadala ng impormasyon sa ligtas na paraan. Ang sumusunod ay ang nakamamanghang kasaysayan ng cryptography na humantong sa moderno at sopistikadong mga paraan na ginagamit sa modernong digital encryption.


Ang Sinaunang Pinagmulan ng Cryptography

Ang mga kauna-unahang cryptographic technique ay sinasabing ginagamit na noong pang sinaunang panahon, at ang mga pinakaunang sibilisasyon ay mukhang gumamit din ng cryptography. Ang symbol replacement na siyang pinakasimpleng anyo ng cryptography ay nakita sa parehong Egyptian at Mesopotamian na mga sulat. Ang pinakamatandang kilalang halimbawa ng ganitong uri ng cryptography ay nakita sa himlayan ng isang maharlikang Egyptian na si Khnumhotep II na nabuhay ng 3,900 na taon na ang nakaraan.

Ang layunin ng symbol replacement sa inskripsyon ni Khnumhotep ay hindi para magtago ng impormasyon, kundi para gawing kaaya-aya ang dating ng lenggwahe nito. Ang pinakamatandang kilalang halimbawa ng cryptography na ginamit para protektahan ang sensitibong impormasyon ay nangyari humigit kumulang 3,500 na taon na ang nakalipas nang gumamit ng cryptography ang isang Mesopotamian na manunulat para magtago ng listahan ng sangkap ng pampakitab ng palayok, na ginagamit sa mga luwad na sulatan.

Sa mga sumunod na yugto, malawakan nang ginamit ang cryptography para protektahan ang mga mahalagang impormasyong militar, isang sa mga gamit ng cryptography na nananatili pa rin ngayon. Sa Griyegong lungsod-estado ng Sparta, naka-encrypt ang mga mensahe sa pamamagitan ng pagsulat sa mga ito sa parchment na inilatag sa ibabaw ng partikular na sukat ng cylinder. Mahirap intindihin ang mensahe hanggat hindi ito ibinabalot sa mas maliit na cylinder ng tumanggap. Ganun din, ang mga espiya sa sinaunang India ay kilalang gumamit ng mga coded na mensahe simula pa noong 2nd century BC.

Marahil ang pinaka-maunlad na cryptography noong unang panahon ay nakamit ng mga Romano. Ang Caesar cipher na siyang kilalang halimbawa ng Roman cryptography ay may kaugnay na pag-usog ng mga letra ng isang encrypted na mensahe nang ilang bilang pasulong sa alpabetong Latin. Kapag may kaalaman sa sistemang ito at sa bilang ng pwesto ng pag-usog sa mga letra, ang tumanggap ng mensahe ay matagumpay na mabubuksan ang code ng mensaheng tila mahirap intindihin.


Pag-unlad sa Middle Ages at Renaissance

Sa kahabaan ng Middle Ages, naging lalong mahalaga ang cryptography, ngunit ang mga replacement cipher tulad ng Caesar cipher ay nanatiling batayan. Ang cryptanalysis na siyang siyensiya kung saan nilulutas ang mga code at cipher ay nagsimulang humabol hanggang sa mga unang yugto ng siyensa ng cryptography. Si Al-Kindi na kilalang Arabong mathematician ay nakabuo ng technique na kilala bilang frequency analysis noong 800 AD na siyang nagdulot sa mga substitution ciphers para maging madaling ma-decrypt. Sa unang pagkakataon, ang mga taong nagtangkang lumutas sa mga encrypted na mensahe ay nagkaroon ng access sa isang sistematikong paraan sa paggawa nito, kaya’t kinailangan ng cryptography na lalo pang umunlad para manatiling kapaki-pakinabang.

Noong 1465, binuo ni Leone Alberti ang polyalphabetic cipher na itinuturing na solusyon sa frequency analysis technique ni Al-Kindi. Sa isang polyalphabetic cipher, ine-encode ang isang mensahe gamit ang dalawang magkaibang alpabeto. Isa ang alpabeto na ginagamit sa pagsusulat ng orihinal na mensahe, habang ang isa ay ganap na ibang alpabeto kung saan nakikita ang mensahe pagkatapos ma-encode. Kasama ng tradisyunal na substitution ciphers, malaki ang idinagdag na seguridad ng mga polyalphabetic cipher sa encoded na impormasyon. Maliban lamang kung alam ng nagbabasa ang alpabeto kung saan orihinal na isinulat ang mensahe, hindi magagamit ang frequency analysis. 

Ang mga bagong paraan ng pag-encode sa mga impormasyon ay binuo rin noong Renaissance period, kabilang ang popular na sinaunang paraan ng binary encoding na inimbento ng kilalang polymath na si Sir Francis Bacon noong 1623.


Mga Pag-unlad sa Mga Nakaraang Huling Siglo

Ang siyensiya ng cryptography ay nagpatuloy sa pag-unlad sa paglipas ng mga siglo. Ang isang malaking tagumpay sa cryptography ay inilarawan, ngunit posibleng hindi nabuo, ni Thomas Jefferson noong 1970s. Ang kanyang imbensyong kilala bilang cipher wheel ay binubuo ng 36 na ring ng mga letra sa gumagalaw na gulong na maaaring magamit para makamit ang kumplikadong encoding. Masyadong moderno ang konseptong ito kaya naging basehan para sa cryptography ng Amerikanong militar hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nakita rin noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang isang perpektong halimbawa ng analog cryptography na kilala bilang Enigma machine. Tulad ng wheel cipher, ang device na ito na ginamit ng Axis powers ay gumagamit ng umiikot na mga gulong para ma-encode ang mensahe, kaya nagiging imposible itong mabasa nang walang tulong ng isa pang Enigma. Ang mga sinaunang teknolohiya ng kompyuter ay ginamit kalaunan para mabasag ang Enigma cipher, at ang matagumpay na decryption ng mga mensaheng Enigma ay itinuturing pa ring mahalagang bahagi ng makasaysayang Allied victory.


Cryptography sa Computer Age

Dahil sa pag-usbong ng mga kompyuter, malayong naging mas maunlad ang cryptography kaysa kung ano ito noong panahon ng analog. Ang 128-bit mathematical encryption, na malayong mas malakas kaysa sa mga sinauna o medieval cipher, ay batayan na ngayon para sa maraming mga sensitibong device at computer system. Simula noong 1990, isang ganap na bagong porma ng cryptography na tinawag na quantum cryptography ang pinaunlad ng mga computer scientist sa pag-asang muling iangat ang lebel ng proteksyon na iniaalok ng modernong encryption.

Kamakailan lamang, ginamit ang mga cryptography technique para gawing posible ang cryptocurrencies. Pinakinabangan ng mga cryptocurrency ang ilang mga maunlad na cryptographic technique, kabilang ang hash functions, public key cryptography, at digital signatures. Ang mga technique na ito ay pangunahing ginagamit para tiyakin ang seguridad ng mga datos na itinatago sa mga blockchain at para pagtibayin ang mga transaksyon. Pinalakas ng espesyal na uri ng cryptography na kilala bilang isang Elliptical Curve Digital Signature Algorithm (ECDSA) ang Bitcoin at iba pang sistema ng cryptocurrency bilang paraan sa pagbibigay ng dagdag na seguridad at pagtiyak na ang mga pondo ay magagamit lamang ng mga nararapat na nagmamay-ari.
Malayo na ang narating ng cryptography sa nakalipas na 4,000 taon, at malabong tumigil ito anumang oras. Hanggat nangangailangan ng proteskyon ang sensitibong mga datos, patuloy na uunlad ang cryptography. Bagamat ang mga sistema ng cryptography na ginagamit sa mga cryptocurrency blockchain ngayon ay kumakatawan sa ilan sa mga pinakamodernong anyo ng siyensiyang ito, bahagi rin sila ng isang tradisyon na mababakas sa kalakhan ng kasaysayan ng sangkatauhan.
Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.