Ano ang Multichain (MULTI)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Multichain?
Paano gumagana ang Multichain?
Bakit natatangi ang Multichain?
Ano ang MULTI token?
Saan ako makakabili ng MULTI?
Paano ko gagamitin ang Multichain?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Multichain (MULTI)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Multichain (MULTI)?

Ano ang Multichain (MULTI)?

Intermediya
Na-publish Apr 12, 2022Na-update Nov 24, 2022
6m

TL;DR

Ang Multichain ay isang platform sa pag-bridge para sa mga cryptocurrency at NFT sa iba't ibang blockchain. Ang Multichain, na dating kilala bilang Anyswap, ay nagbibigay-daan sa mga user na mag-bridge sa pamamagitan ng mga naka-peg na token o liquidity pool. Tutukuyin ng Router ng Multichain ang pinakamagandang paraan para sa coin na gusto mong i-bridge. 

Para sa mga coin na may mga native token sa maraming chain, magsa-swap ang Multichain ng mga cryptocurrency sa iba't ibang chain gamit ang mga liquidity pool. Kung walang native coin, ila-lock ng Multichain ang token sa isang smart contract at magmi-mint ito ng naka-peg na token sa target na chain.

May sariling token ang Multichain, ang MULTI, na gagana bilang governance token sa nalalapit na hinaharap. Ang mga may hawak ng ANY, ang dati nitong governance token bilang Anyswap, ay puwedeng magpa-convert nito sa MULTI nang 1:1.


Panimula

Kung naghahabol ka ng mga pamumuhunan o yield sa iba't ibang blockchain, malamang na pamilyar sa iyo ang Multichain. Isa ito sa mga pinakasikat na proyekto para sa pag-bridge ng mga token na available. Kung wala ito, wala ang simpleng karanasan sa kasalukuyan kapag tumatawid ng chain. Hangga't hindi nagsisimulang mag-alok ng mga sariling multi-chain na kakayahan ang mga proyekto, patuloy na magiging mahalaga ang mga serbisyong tulad ng Multichain. Tingnan natin kung paano naiiba ang Multichain sa iba pang bridge at ang mechanics kung paano ito gumagana.


Ano ang Multichain?

Ang Multichain ay isang open-source na cross-chain router protocol (CRP) na nagbibigay-daan sa mga user na mag-bridge ng mga token sa iba't ibang blockchain. Itinatag ang proyekto noong Hulyo 2020 at, mula noon, naging Multichain na ang brand nito. Nagbigay rin ang Binance ng $350,000 sa Multichain bilang bahagi ng accelerator program nito, at pinamunuan ng Binance Labs ang isang round ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng $60,000,000. Kasama sa round na ito ang Tron Foundation, Sequoia Capital, at IDG Capital.

Sinusuportahan ng Multichain ang mahigit sa 42 chain, kasama na ang BNB Smart Chain, Fantom, at Harmony. Madaling maililipat ng mga user ang kanilang mga asset sa iba't ibang blockchain sa pamamagitan ng mga Cross-Chain Bridge at Cross-Chain Router nito. Mayroon ding governance token ang Multichain, ang MULTI, para mabigyang-daan ang mga may hawak na makalahok sa nalalapit na mekanismo sa pamamahala ng proyekto.


Paano gumagana ang Multichain?

Sa pangunahing antas, gumagamit ang Multichain ng dalawang paraan para mag-bridge ng mga token. Una, gumagamit ito ng mga smart contract para mag-lock ng mga token sa isang blockchain at mag-mint ng mga wrapped token sa isa pang blockchain. Kapag hindi ito posible, gumagamit ito ng network ng mga liquidity pool sa iba't ibang chain para mag-trade ng mga naka-bridge na token. Karaniwang magagawa ang lahat ng ito nang wala pang 30 minuto nang walang slippage. 
Sinusuportahan ng Multichain ang mga Ethereum Virtual Machine (EVM) network at ilang network ng blockchain na gumagamit ng ibang teknolohiya gaya ng Cosmos at Terra. Nag-aalok din ang Multichain ng katulad na serbisyo sa pag-bridge para sa mga NFT (Non-Fungible Token). Ang mga proyektong gustong mag-bridge ng kanilang mga token ay puwedeng makipagtulungan sa Multichain sa pag-isyu ng mga ito sa mga bagong blockchain. Libre ang serbisyong ito at puwede itong makumpleto nang wala pang isang linggo.

Para mapadali ang lahat ng gawaing ito, ang Multichain ay may network ng mga Secure Multi Party Computation (SMPC) node na pinapatakbo ng iba't ibang party. Tingnan natin nang mas mabuti ang lahat ng ito.

Pag-bridge

Kapag naglilipat ito sa iba't ibang chain, gumagamit ang Multichain ng karaniwang mekanismo sa pag-peg ng crypto para sa ilang coin at token. Isipin na gusto mong mag-bridge ng BNB mula sa BNB Smart Chain papunta sa Ethereum. Ila-lock ng Multichain ang iyong BNB sa isang smart contract sa BNB Smart Chain at pagkatapos ay magmi-mint ito ng naka-peg na BNB token sa Ethereum. Gagawin ito sa ratio na 1:1. Ang opsyong ito ang orihinal na serbisyong iniaalok ng Multichain noong tumatakbo ito bilang Anyswap.

Mga Liquidity Pool

Hindi lahat ng token ay puwedeng i-bridge gamit ang paraang MPC sa itaas. Ang ilang token, halimbawa ay ang USDC, ay nasa native na anyo na ng mga ito sa maraming blockchain. Para i-bridge dito ang mga asset mo, kakailanganin mong i-swap ang iyong mga coin. 

Gaya ng nakasanayan, kasama sa pag-swap ang pangangailangan sa liquidity. Kailangang may mag-trade sa iyo para sa coin na gusto mo, na puwedeng nasa anyo ng mga liquidity pool. Puwedeng ibigay ng ibang user ang kanilang mga token bilang liquidity kapalit ng isang bahagi ng bayarin sa paglilipat.

Mga Cross-Chain Router

Kinukuha ng Multichain Router ang kahilingan ng isang user at ginagamit nito ang naaangkop na paraan mula sa dalawang nakabalangkas sa itaas. Sini-streamline ng feature na ito ang karanasan sa pag-bridge ng user. Maililipat ang anumang sinusuportahang asset sa pagitan ng maraming chain, ito man ay mga native token o bini-bridge ng Multichain. Ang ilang proyektong may mga native token sa ilang chain, pero hindi sa iba, ay puwedeng mag-bridge gamit ang Multichain nang may hybrid na diskarte. 

Mga SMPC Node

Sine-secure ang Multichain ng isang network ng mga node na kilala bilang Secure Multi Party Computation (SMPC). Ang mga node na ito ay mga hiwalay na entity na puwedeng mag-sign ng mga transaksyon nang sama-sama. Gamit ang Distributed Key Generation algorithm, hiwalay na pagmamay-ari ng bawat node ang isang bahagi ng pribadong key. Hinding-hindi lalabas ang kumpletong set ng mga pribadong key, at lalo nang hindi ito mailalabas. Iniiwasan nito ang mga isahang punto ng pagpalya, na tumitiyak sa desentralisasyon at seguridad. Binubuo ang Multichain MPC network 2.0 ng mga bukas na node na pinapatakbo ng komunidad at mga partner. Tinitiyak nito na mas mahusay ang performance at madaragdagan ang desentralisasyon.


Bakit natatangi ang Multichain?

Marami na ngayong mapagpipiliang bridge. Kaya bakit mo dapat piliin ang Multichain? Kapag tiningnan mo ang proyekto, may ilan itong aspekto na dahilan kung bakit ito natatangi at nakakahikayat:

1. Nakakatulong ang Multichain sa mga proyekto na mag-isyu ng mga token sa iba't ibang chain. Ibig sabihin ng aspektong ito, pinapangasiwaan nito ang pag-bridge para sa mga proyekto ang mga user.
2. Hindi lang 1:1 cross-chain bridge ang iniaalok ng Multichain. Mayroon din itong pinagkakatiwalaang system para sa pag-access ng liquidity sa iba't ibang blockchain. Noon pa man, mahirap nang patakbuhin ang mekanismong ito sa secure at mapagkakatiwalaang paraan. Nag-aalok ang Multichain ng mahigit sa 2,000 bridge para sa mga crypto token at NFT sa libo-libong proyekto at DeFi protocol, kasama na ang SushiSwap at Curve Finance.
3. Sinusuportahan at pinopondohan ito ng mga pinagkakatiwalaang lider sa industriya at kumpanya ng VC. Mas pinapadali ng puntong ito na pagkatiwalaan ito kaysa sa mga anonymous na serbisyo sa pag-bridge.
4. Nag-aalok ito ng napakaraming iba't ibang token kung saan nahihirapang makipagsabayan ang iba pang bridge. Kasama rito ang suporta para sa mga cryptocurrency at NFT sa mahigit sa 42 network ng blockchain, kasama na ang mga EVM at hindi EVM.


Ano ang MULTI token?

Ang MULTI ay ang governance token ng Multichain. Dati, sa ilalim ng pangalang Anyswap, ni-release ng Multichain ang governance token na ANY. Puwede na ngayong i-convert ng mga user ang ANY sa MULTI nang 1:1 sa pamamagitan ng website ng Multichain. Ang ibig sabihin ng mekanismong ito, magkakaroon ang MULTI ng kabuuang supply na 100 milyon kung iko-convert ng lahat ng may hawak ng ANY ang kanilang mga token. Nasa Multichain din ang veMULTI, na nagbibigay-daan sa mga may hawak ng token na mag-stake ng MULTI para sa mga reward sa bayarin sa pag-bridge ng Multichain. Puwede ring bumoto ang mga may hawak sa mga panukala sa pamamahala sa pamamagitan ng framework ng veMULTI.


Saan ako makakabili ng MULTI?

Puwede kang bumili ng MULTI sa palitan ng Binance gamit ang Bitcoin (BTC), USDT, o BUSD. Pumunta sa view ng Palitan at i-type ang MULTI sa field para sa paghahanap para makakita ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paggamit sa view ng Palitan, pumunta sa Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance.


Paano ko gagamitin ang Multichain?

Puwede mong gamitin ang Multichain para mag-bridge ng mga token, karaniwang sa loob ng wala pang 30 minuto. Tingnan natin ang pag-bridge ng BUSD mula sa BNB Smart Chain papunta sa Polygon gamit ang Router.
1. Buksan ang website ng Multichain at pumunta sa  Router.

2. Ikonekta ang iyong wallet sa pamamagitan ng pag-click sa button na [Magkonekta ng Wallet] sa kanang sulok sa itaas. Siguraduhing nakakonekta ka gamit ang BNB Smart Chain.


3. Piliin ang mainnet ng BNB Chain bilang network kung saan magmumula ang pag-bridge sa field sa itaas.


4. Piliin ang BUSD - BUSDToken bilang token na gusto mong i-bridge sa field sa itaas.


5. Piliin ang Polygon bilang network kung saan papunta ang pag-bridge sa field sa ibaba. Dapat awtomatikong napili ang BUSD Binance-PegBUSDToken.


6. Ilagay ang halagang gusto mong i-bridge bago i-click ang button na [I-swap]. Kakailanganin mo na ngayong kumpirmahin ang mga transaksyon sa iyong wallet.


Mga pangwakas na pananaw

Iniaalok ng Multichain ang isa sa pinakamaraming mapagpipiliang token na puwedeng i-bridge sa mithiin nitong maging "pinakamagandang router sa Web3." Kung interesado ka sa DeFi at kailangan mong magpalipat-lipat sa mga network gaya ng Solana (SOL), Avalanche (AVAX), at Ethereum network (ETH), madali mo iyong magagawa sa Multichain. 

Sa pamamagitan ng pagpapaigting ng interoperability, mas pinapadali ng Multichain na magpalipat-lipat sa pagitan ng mga DApp at sa buong ecosystem ng teknolohiya ng blockchain. Dahil napakahalagang bahagi ng Web3 ang interoperability, mukhang magiging mahalagang bahagi ng pagsasakatuparan nito ang Multichain.