Ano ang Audius (AUDIO)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Audius (AUDIO)?

Ano ang Audius (AUDIO)?

Baguhan
Na-publish Dec 24, 2021Na-update Feb 21, 2022
7m

TL;DR

Ang Audius (AUDIO) ay isang blockchain-based na desentralisadong platform ng music streaming. Layunin ng proyekto na bigyan ang mga artist at curator ng mas malaking kontrol sa mga gawa nilang musika. Kapag nag-upload ng content sa Audius ang mga user, puwede silang gumawa ng mga hindi mababagong record para sa gawa nila, na ise-secure ng isang desentralisadong network ng mga node.

Inaalis ng Audius ang mga tagapamagitan sa tradisyonal na industriya ng musika sa pamamagitan ng direktang pagkonekta ng mga artist sa kanilang mga fan. Ang mga artist ang tanging nagmamay-ari ng kanilang musika at mapagpapasyahan nila kung paano ima-monetize ang mga iyon sa platform. Puwede nilang ipamahagi ang kanilang musika nang libre o puwede silang magtakda ng custom na bayarin para makapag-unlock ng eksklusibong content ang mga fan. 

Hindi tulad ng iba pang serbisyo ng music streaming, hindi nagkakaltas ang Audius sa kita ng mga artist. Matatanggap ng mga curator ng musika ang 90% ng kita sa AUDIO, ang native na cryptocurrency ng Audius. Ibibigay ang natitirang 10% sa mga staker na sumusuporta sa network ng Audius. 

Ang AUDIO ay isang ERC-20 token na nagsisilbi rin bilang governance token sa Audius. Puwedeng i-stake ng mga may-hawak ang AUDIO nila para makatulong na i-secure ang network, lumahok sa pamamahala sa Audius, at mag-access ng eksklusibong content. Makakakuha rin sila ng mga reward na AUDIO mula sa pag-stake.


Panimula

Sa pagdami ng mga platform ng music streaming, mas accessible na ngayon ang pakikinig ng musika. Gayunpaman, laging may kinakaharap na mga hamon sa tradisyonal na industriya ng musika ang mga artist, gaya ng mababang kita at transparency at kaunting kontrol sa kung paano ipinapamahagi o ibinebenta ang content nila. Layunin ng Audius na solusyunan ang mga hamong ito sa pamamagitan ng pagbibigay-kakayahan sa mga creator ng musika at pagtulong sa kanilang i-monetize ang content nila gamit ang native na cryptocurrency nito, ang AUDIO.


Ano ang Audius?

Ang Audius ay isang ganap na desentralisadong platform ng music streaming na nagbibigay-daan sa mga tagapakinig na suportahan nang direkta ang mga artist sa pamamagitan ng native na cryptocurrency nito, ang AUDIO. Mula Disyembre 2021, may halos 6 na milyong buwanang natatanging user ang Audius at nagho-host ito ng mahigit sa 100,000 artist.

Binago ng Audius, na magkasamang itinatag noong 2018 nina Forrest Browning at Roneil Rumburg, ang modelo ng tradisyonal na industriya ng musika sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga tagapamagitan at balakid ng record label. Hindi tulad ng iba pang platform ng streaming, ang kita ng mga artist ay hindi tinutukoy ng dami ng beses na na-play ang isang kanta. Nagbibigay ang Audius sa mga artist ng eksklusibong pagmamay-ari sa musika nila, at mapagpapasyahan nila kung paano ima-monetize ang kanilang gawa. Ayon sa Audius, matatanggap ng mga curator ng musika ang 90% ng kita sa mga AUDIO token, habang ang natitirang 10% ay mapupunta sa mga node operator (staker) na sumusuporta sa network ng Audius.

Ang Audius ay isang layer 2 na protocol ng blockchain na unang binuo sa isang Ethereum sidechain na tinatawag na POA Network. Dahil sa lumalaking demand na mag-stream ng content, may mga kinaharap na isyu sa pagpapalawak ang Audius at nagpasya itong ilipat ang system nito ng pamamahala ng content sa blockchain ng Solana noong 2020 para mapaganda ang performance nito. Pero nasa blockchain pa rin ng Ethereum ang katutubong cryptocurrency nito, ang AUDIO. Ang AUDIO ay isang ERC-20 governance token na nagbibigay-daan sa mga staker na bumoto sa mga panukalang nauugnay sa mga pagbabago at pag-upgrade sa network. Puwede rin silang mag-unlock ng mga eksklusibong feature sa pamamagitan ng pag-stake ng mga AUDIO coin.


Larawan mula sa website ng Audius

Paano gumagana ang Audius?

Layunin ng Audius na lutasin ang mga hamong kinakaharap ng mga artist sa industriya ng musika, kasama na ang mga karapatan, royalty, at pagmamay-ari sa musika sa pamamagitan ng pagbibigay sa lahat ng kalayaang magpamahagi, mag-monetize, at mag-stream ng musika. Inaalis nito ang mga tagapamitan sa gitna ng mga artist at ng audience nila, na nagbibigay-daan sa kanila na direktang makapag-ugnayan sa platform. 

Hindi tulad ng mga tradisyonal na channel ng industriya ng musika, hindi binabayaran ng Audius ang mga artist batay lang sa dami ng beses na na-play ang kanilang mga track. Isinasaalang-alang din nito ang aktibidad ng mga artist sa platform, ang paraan ng pakikipag-interact nila sa mga fan, at ang pangkalahatang pakikipag-ugnayan mula sa mga user.

Sa Audius, puwedeng i-upload at ipamahagi ng mga artist ang kanilang mga kanta sa pamamagitan ng mga desentralisadong node. May ilang paraan para kumita ang mga artist mula sa kanilang audio content nang hindi isinasakripisyo ang pagmamay-ari nila. Makakakuha sila ng AUDIO sa pamamagitan ng pag-abot sa Top 5 Lingguhang Trending na Track, Top 5 Lingguhang Trending na Playlist, Top 10 Buwanang API App, at unang pag-upload ng track pagkatapos i-verify ang mga social media account nila.

Sa Audius, puwede ring makipag-ugnayan ang mga artist sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng mga artist token. Nagbibigay ang mga artist token sa mga may-hawak ng eksklusibong access sa content na pinaghihigpitan ng token, gaya ng mga hindi pa naire-release na track, kumpetisyon sa remix, atbp. Paminsan-minsan, nagpaplano ang Audius na mag-airdrop ng mga AUDIO token sa mga artist batay sa kanilang antas ng social na pakikipag-ugnayan sa mga fan at sa dami ng mga pakikinig.

Sa hinaharap, plano ng Audius na magdagdag ng suporta para sa USDT at iba pang stablecoin para makapag-unlock ng may bayad na content ang mga fan.


Ano ang AUDIO?

Ang Audius token (AUDIO) ay ang katutubong cryptocurrency na nagpapagana sa protocol ng Audius. Mayroon itong tatlong pangunahing function sa ecosystem ng Audius: 

  • I-secure ang network.
  • Magsilbing governance token.
  • Magbigay ng access sa mga eksklusibong feature at content.

Ang AUDIO ay isang ERC-20 token na may inisyal na kabuuang supply na 1 bilyon at walang maximum na supply. Mula Disyembre 2021, mahigit 500 milyong AUDIO na ang nasa sirkulasyon.


Seguridad

Ginagawang secure ng mga desentralisadong node ang network ng Audius. Kahit sino ay puwedeng maging node operator sa pamamagitan ng paghawak at pag-stake ng mga AUDIO token. Kung mas malaki ang kanilang stake, mas malaki ang tsansang magamit ng mga fan ang mga node nila para tumuklas ng content na musika. Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga pagpapatakbo ng protocol, puwede silang kumita ng AUDIO mula sa tuloy-tuloy na pag-isyu ng token at mga pool ng pinagsama-samang bayarin.

May dalawang uri ng mga node sa Audius: ang mga content node at mga discovery node. Ang mga content node ay nagho-host, nagse-secure, at namamahala ng content para sa mga artist. Puwede ring magsilbi ang mga artist bilang mga content node para makapag-host ng sarili nilang content, pero opsyonal ito. Ini-index ng mga discovery node ang metadata at musikang ina-upload sa ledger ng content ng Audius para mabigyang-daan ang mga fan na mabilis na makapaghanap ng mga artist o kanta. 

Ang mga node sa network ay tuloy-tuloy na magsusumite ng mga snapshot ng gawa ng mga artist sa blockchain. Makakabuo ang mga ito ng mga hindi mababagong record na may time stamp para sa content.


Pamamahala

Nagsisilbi rin ang AUDIO bilang governance token. Gaya ng nabanggit, puwedeng lumahok ang mga staker ng AUDIO sa mga pagpapatakbo ng network bilang mga content node o discovery node. Kung gustong bumoto ng mga user sa mga panukala para sa mga paparating na update sa network, puwede silang magkaroon ng kapangyarihan sa pamamahala sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paggawa ng value para sa network.

Sa Audius, hindi naman kinakailangang magpatakbo ng node ang mga staker bago nila maipaabot ang kanilang opinyon. Hinihikayat ang komunidad na ibahagi ang kanilang mga saloobin tungkol sa protocol. Ang isang AUDIO ay nagbibigay sa kanila ng isang boto. Naaayon ang mga reward na AUDIO sa mga insentibo ng mga artist, fan, at node operator para magkaroon sila ng desentralisadong karanasan sa music streaming.


Access sa feature

Nagbibigay-daan ang AUDIO token sa mga fan at artist na mag-unlock ng mga eksklusibong feature sa platform. Puwedeng gamitin ng mga artist ang AUDIO para palakihin at mas hikayatin pa ang kanilang fan base. Sa pamamagitan ng pag-stake ng AUDIO, makakapag-access ang mga artist ng mga tool sa pamamahagi para maipamahagi ang kanilang mga artist token sa mga fan. Pagkatapos, ang mga fan na may mga hawak na artist token ay makakapag-unlock ng eksklusibong access sa kanilang content at mga natatanging karanasan, gaya ng pakikinig sa mga hindi pa naire-release na track, pagsali sa mga kumpetisyon sa remix, at higit pa.

Ang mga user na may hawak na partikular na dami ng AUDIO sa kanilang Audius wallet ay makakapag-unlock ng 4 na VIP tier para magkaroon ng mga karagdagang benepisyo. Kung mas marami silang AUDIO, mas mataas ang VIP tier. Pagkatapos maabot ang minimum na threshold para sa isang VIP tier, makakakuha ang mga user ng profile badge na nagbibigay ng access sa mga bagong feature pagka-release ng mga ito. Puwedeng baguhin ang mga kinakailangan at benepisyo ng bawat tier sa pamamagitan ng pamamahala ng komunidad.


Ano ang pagkakaiba ng Audius sa iba pang platform ng streaming?

Isa sa mga pangunahing pinagkaiba ng Audius at iba pang platform ng streaming gaya ng Spotify ay gumagamit ito ng teknolohiya ng blockchain para gumana sa desentralisadong paraan. Nagbibigay-daan ito sa mga artist at content creator na ibahagi ang kanilang musika nang may mas malaking kontrol sa kanilang content. 

Ayon sa mga co-founder, 90% ng kita ng platform ang direktang mapupunta sa mga artist. Kumpara sa mga pangkalahatang bilang sa tradisyonal na industriya ng musika, kung saan 12% lang ang napupunta sa mga artist, nagbibigay-daan sa kanila ang Audius na makatanggap ng mas makatuwirang bayad.

Isa pang pinagkaiba ay isinasama ng Audius ang mga may-hawak ng AUDIO token, mga artist man o mga fan, sa proseso ng pagpapasya para sa network. Sa paghawak ng isang AUDIO token, mayroon silang isang boto para makilahok sa pamamahala sa protocol. Puwede silang bumoto nang pabor o laban sa anumang iminumungkahing pagbabago sa platform, na isang bagay na hindi natin makikita sa iba pang serbisyo ng music streaming.

Ipinapakita rin ng Audius na may kakayahan itong tulungan ang mga artist na palaguin ang kanilang fan base at komunidad. Ito ang unang platform ng music streaming na nakipag-partner sa TikTok, isang platform ng social media para sa video streaming. Sa pakikipag-partner na ito, puwedeng direktang idagdag ng mga user ng TikTok sa mga video nila ang mga kanta sa platform ng Audius. Maliban sa TikTok, nag-integrate din ang Audius sa laro sa blockchain na DeFi Land sa anyo ng FM radio tower sa metaverse ng laro, na makakatulong na mag-promote ng mga artist.

Larawan mula sa website ng Audius

 Paano bumili ng AUDIO sa Binance?

Makakabili ka ng Audius (AUDIO) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] para piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para makapagsimula. Sa tutorial na ito, [Classic] ang pipiliin natin.

2. Susunod, i-type ang “AUDIO” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang AUDIO/BUSD bilang halimbawa. Mag-click dito para buksan ang page ng pag-trade ng AUDIO/BUSD.


3. Mag-scroll pababa sa kahon ng [Spot]. Ilagay ang halaga ng AUDIO na bibilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng AUDIO] para kumpirmahin ang order, at makikita mo ang nabiling AUDIO sa iyong Spot Wallet.



Mga pangwakas na pananaw

Posibleng mukhang isa na namang serbisyo ng music streaming ang Audius, pero nagbibigay ito ng mga bagong posibilidad para sa industriya ng musika at mga artist. Ipinapakita rin nito kung paano magagamit ang mga application sa blockchain sa maraming iba't ibang aspekto ng ating mga buhay, sa totoong buhay at sa metaverse.