Paano Mag-trade Gamit ang Mga Hammer Candlestick Pattern
Home
Mga Artikulo
Paano Mag-trade Gamit ang Mga Hammer Candlestick Pattern

Paano Mag-trade Gamit ang Mga Hammer Candlestick Pattern

Intermediya
Na-publish Mar 25, 2022Na-update Dec 28, 2022
5m

TL;DR

Ang mga hammer candlestick pattern ay isa sa mga pinakaginagamit na pattern sa technical analysis. Hindi lang sa crypto, kundi pati na rin sa pag-trade ng mga stock, index, bond, at forex. Makakatulong ang mga hammer candle sa mga trader ng pagkilos ng presyo na makita ang mga posibleng reversal pagkatapos ng mga bullish o bearish na trend. Depende sa konteksto at timeframe, puwedeng magmungkahi ang mga candle pattern na ito ng bullish reversal sa pagtatapos ng downtrend o bearish reversal pagkatapos ng uptrend. Kapag isinama sa mga teknikal na indicator, puwedeng makapagbigay ang mga hammer candle sa mga trader ng magagandang entry point para sa long at short na posisyon.

Kasama sa mga bullish na hammer candle ang hammer at pabaligtad na hammer, na lumalabas pagkatapos ng isang downtrend. Kasama sa mga bearish na variation ng mga hammer candle ang hanging man at shooting star, na nangyayari pagkatapos ng isang uptrend.


Panimula 

Ang hammer candlestick ay isang pattern na gumagana nang maayos sa iba't ibang pampinansyal na merkado. Isa ito sa mga pinakasikat na candlestick pattern na ginagamit ng mga trader para sukatin ang posibilidad ng mga resulta kapag tinitingnan ang pagkilos ng presyo.

Kapag isinama ang iba pang paraan ng pag-trade tulad ng fundamental analysis at iba pang tool sa market analysis, posibleng makapagbigay ang hammer candlestick pattern ng mga insight sa mga pagkakataon sa pag-trade. Tatalakayin sa iyo ng artikulong ito kung ano ang mga hammer candlestick at kung paano babasahin ang mga iyon.



Paano gumagana ang mga candlestick?

Sa isang chart ng candlestick, nauugnay ang bawat candle sa isang yugto ng panahon, ayon sa timeframe na pipiliin mo. Kung titingnan mo ang isang pang-araw-araw na chart, kumakatawan ang bawat candle sa isang araw ng aktibidad sa pag-trade. Kung titingnan mo ang isang 4 na oras na chart, kumakatawan ang bawat candle sa 4 na oras na pag-trade.

Ang bawat candlestick ay may open price at close price na bumubuo sa candle body. Mayroon ding wick (o shadow) ang mga ito, na nagsasaad sa  pinakamataas at pinakamababang presyo sa loob ng yugto ng panahong iyon.
Kung bago ka sa mga chart ng candlestick, inirerekomenda naming basahin mo muna ang aming Gabay sa Baguhan para sa Mga Chart ng Candlestick.


Ano ang hammer candlestick pattern?

Nabubuo ang isang hammer candlestick kapag nagpakita ang isang candle ng maliit na body na may mahabang wick sa ibaba. Dapat na kahit man lang doble ng laki ng candle body ang wick (o shadow). Ipinapahiwatig ng mahabang shadow sa ibaba na ibinaba ng mga nagbebenta ang presyo bago ito itinaas ng mga mamimili nang lampas sa open price.

Makikita mo sa ibaba ang opening price (1), ang closing price (2), at ang pataas at pababa na bumubuo sa wick o shadow (3).


Mga bullish hammer

Hammer candlestick pattern

Nabubuo ang bullish na candlestick hammer kapag mas mataas ang closing price kaysa sa opening price, na nagmumungkahing may kontrol ang mga mamimili sa merkado bago ang pagtatapos ng yugto ng panahon ng pag-trade na iyon.


Pabaligtad na hammer candlestick pattern

Nabubuo ang isang pabaligtad na hammer kapag mas mababa ang opening price sa closing price. Iminumungkahi ng mahabang wick sa itaas ng body na may pressure sa pagbili na sumusubok na pataasin ang presyo, pero sa huli ay nahila ito pababa bago nagsara ang candle. Bagama't hindi ito kasing-bullish ng regular na hammer candle, bullish reversal pattern din ang pabaligtad na hammer na lumalabas pagkatapos ng downtrend.


Mga bearish hammer

Hanging man candlestick

Kilala ang bearish na hammer candlestick bilang hanging man. Nangyayari ito kapag mas mataas ang opening price kaysa sa closing price, na nagreresulta sa pulang candle. Isinasaad ng wick sa bearish hammer na nakaranas ang merkado ng pressure sa pagbebenta, na nagmumungkahi ng posibleng pagbaba.


Shooting star candlestick

Ang bearish inverted hammer ay tinatawag na shooting star candlestick. Mukha itong regular na pabaligtad na hammer, pero nagpapahiwatig ito ng posibleng bearish reversal sa halip na bullish reversal. Sa ibang salita, ang mga shooting star candlestick ay parang mga pabaligtad na hammer na nangyayari pagkatapos ng uptrend. Nabubuo ang mga iyon kapag mas mataas ang opening price kaysa sa closing price, at iminumungkahi ng wick na posibleng matapos na ang pataas na paggalaw ng merkado.


Paano gamitin ang mga hammer candlestick pattern para makita ang mga posibleng reversal ng trend

Lumalabas ang mga bullish hammer candle sa panahon ng mga bearish na trend at nagpapahiwatig ng posibleng reversal ng presyo, na nagmamarka sa pagtatapos ng downtrend. Sa halimbawa sa ibaba, mayroon tayong bullish hammer candlestick (larawan mula sa TradingView).


Ang bearish hammer candlestick ay posibleng isang hanging manshooting star. Lumalabas ang mga ito pagkatapos ng mga bullish na trend at nagpapahiwatig ng posibleng pagbaba. Sa halimbawa sa ibaba, mayroon tayong shooting star (larawan mula sa TradingView).

Dahil dito, para magamit ang mga hammer candlestick sa pag-trade, kailangan mong pag-isipan ang posisyon ng mga ito kaugnay ng mga dati at susunod na candle. Posibleng i-discard o kumpirmahin ang pattern ng reversal depende sa konteksto. Tingnan natin ang bawat uri ng hammer.


Ang mga kalakasan at kahinaan ng mga hammer candlestick pattern

May sariling mga kalakasan at kahinaan ang bawat candlestick pattern. Kung sabagay, walang tool o indicator ng technical analysis ang makakagarantiya ng 100% kita sa anumang pampinansyal na merkado. Mas malamang na gumana nang mas mahusay ang hammer candlestick kapag isinama sa iba pang diskarte sa pag-trade, tulad ng mga moving average, trendline, RSI, MACD, at Fibonacci.

Mga Kalakasan

  • Puwedeng magamit ang hammer candlestick pattern para makita ang mga reversal ng trend sa anumang pampinansyal na merkado.

  • Puwedeng gamitin ng mga trader ang mga hammer pattern sa maraming timeframe, para maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa swing trading at day trading.

Kahinaan

  • Nakadepende sa konteksto ang mga hammer candlestick pattern. Walang garantiya na mangyayari ang mga reversal ng trend.

  • Hindi maaasahan ang mga hammer candlestick pattern kung gagamitin ang mga iyon nang walang kasama. Dapat palaging isama ng mga trader ang mga iyon sa iba pang diskarte at tool para pataasin ang pagkakataong magtagumpay.


Hammer candlestick vs Doji: ano ang pagkakaiba

Ang mga doji ay parang mga hammer na walang body. Nagbubukas at nagsasara sa parehong presyo ang Doji candlestick. Bagama't nagpapahiwatig ang hammer candlestick ng posibleng reversal ng presyo, kadalasang nagmumungkahi ang Doji ng konsolidasyon, pagpapatuloy, o pag-aalinlangan ng merkado. Ang mga Doji candle ay madalas na mga neutral na pattern, pero puwedeng sundan ang mga ito ng mga bullish o bearish na trend sa ilang sitwasyon.

Ang Dragonfly Doji ay mukhang hammer o hanging man na walang body. 


Ang Gravestone Doji ay katulad ng isang pabaligtad na hammer o shooting star.

Pero kaunti pa rin ang masasabi ng mga hammer at Doji kung gagamitin ang mga iyon nang walang kasama. Dapat palagi mong isaalang-alang ang konteksto, tulad ng trend ng merkado, mga nakapaligid na candle, dami ng pag-trade, at iba pang sukatan.


Mga pangwakas na pananaw

Bagama't isang kapaki-pakinabang na tool ang hammer candlestick pattern na tumutulong sa mga trader na makita ang mga posibleng reversal ng trend, kapag walang kasama ang mga pattern na ito, hindi masasabing mga signal ang mga ito sa pagbili o pagbebenta. Katulad ng iba pang diskarte sa pag-trade, mas kapaki-pakinabang ang mga hammer candle kapag isinama sa iba pang analysis tool at teknikal na indicator.

Dapat ka ring gumamit ng tamang pamamahala sa panganib, para suriin ang ratio ng reward ng iyong mga pag-trade. Dapat ka ring gumamit ng mga stop-loss order para maiwasan ang malalaking pagkalugi sa mga panahong mataas ang volatility.