Pagbabalik-tanaw ng Binance Academy sa Taong 2022
Home
Mga Artikulo
Pagbabalik-tanaw ng Binance Academy sa Taong 2022

Pagbabalik-tanaw ng Binance Academy sa Taong 2022

Baguhan
Na-publish Dec 23, 2022Na-update Feb 9, 2023
6m

TL;DR

Habang nalalapit na ang katapusan ng 2022, magpapaalam tayo sa isang panahong maaalala bilang partikular na mahirap para sa maraming player sa mundo ng crypto at blockchain. Dumating na ang taglamig ng crypto, pero hindi nabawasan ang paggamit at pag-develop sa teknolohiya ng blockchain kahit na nagbago ang ihip ng hangin sa mga merkado ng pag-trade. Walang duda na nagkaroon ng mga pagsulong ang industriya mula 2021, kahit na may ilang nangingibabaw na boses na mas gustong tumuon sa panandaliang drama.

Pumasok ang merkado ng crypto sa taong 2022 mula sa isang all time high at lumaban ito para mapanatili ang antas nito hanggang sa bumagsak ang Terra noong Mayo, na siyang nagpababa ng mga presyo ng crypto. Nanatiling alanganin ang kumpyansa habang pinabagsak ng kinahinatnan nito ang hedge fund na Three Arrows Capital at ang crypto lender na Celsius Network. 

Pagkatapos, noong Nobyembre, nag-ulat ang Coindesk ng krisis sa liquidity sa FTX, na nag-trigger ng bentahan na nagtapos sa paghahain ng FTX para sa pagkabangkarote sa gitna ng mga ulat ng mga hindi mahigpit na kontrol sa pananalapi, mga kaduda-dudang pautang, at personal na paggamit ng mga deposito ng mga customer ng mga executive ng FTX. Sa pagkakataong ito, pinabagsak ng contagion ang mga crypto lender na BlockFi at Genesis Global Capital.

Mga Kurso

Sa Konteksto

Totoo na nagkaroon ng pagbaba mula sa mga all-time-high sa loob ng 12 buwan. Sa kabila noon, obserbasyon ng Chainalysis sa blog post nito tungkol sa 2022 Crypto Adoption Index na, “mahalagang tandaan na mas mataas pa rin kaysa sa mga antas bago ang bull market noong 2019 ang pandaigdigang paggamit.”

Mula sa pinakamataas na halos $190 bilyon, bumaba ang TVL sa DeFi sa $39 na bilyon, kung saan dulot ng pagbagsak ng Terra ang isahang pagbaba nang humigit-kumulang $75 bilyon. Gayunpaman, malaking bahagi ng pagkawala ng halaga na ito ang posibleng maiugnay sa pagbaba ng mga presyo ng crypto, kaya baka mamayagpag ulit ang DeFi kapag nakabawi na ang merkado.

Humina rin ang mga aktibidad sa pag-trade ng NFT, at bumalik sa mga antas noong 2021 ang mga dami ng pag-trade. Tumaas ang inaasahan dahil sa mga pinakamataas noong Abril at Mayo 2022, at mabilis na pinagkaguluhan ng mga journalist ang malaking pinagkaiba ng mga maaksyong linggong iyon at ng may kahinaang pag-trade sa bandang katapusan ng taon. Gayunpaman, puwedeng igiit na mayroon pa ring malalakas na paggagamitan at hindi pa natutuklasang application kaugnay ng NFT. Kung maisasakatuparan ang mga ito, may posibilidad pa ring magpatuloy ang paggamit ng NFT.  

Mga Punto ng Pag-asa

May ilang bagay na nakitaan ng pag-asa kahit sa mahihirap na bahagi ng taon. Sa wakas, lumipat na ang Ethereum mula sa Proof-of-Work na mekanismo ng pag-validate nito papunta sa Proof-of-Stake sa event na tinatawag na “The Merge”. Naging maayos ang paglipat, na nagdala ng bagong yugto ng mga transaksyong mas makakabuti sa kapaligiran at pag-asa para sa mas mababang bayarin sa network.

Bagama't nagtaas-baba ang mga aktibidad sa pag-trade ng NFT, mukhang patuloy na sumusulong ang paggamit ng NFT, lalo na sa mundo ng social. Sa Twitter, nagawa na ng mga user na mag-upload ng mga NFT bilang mga larawan sa profile. Sa Facebook at Instagram, nakapag-post at nakapagbahagi na ng mga NFT ang mga user. Ilang milyong user ng Reddit ang nag-sign up para sa mga NFT wallet at nag-mint ng NFT avatar dahil nakasama na ang mga koleksyon ng NFT ng social platform sa mga pinakasikat na koleksyon hanggang sa kasalukuyan.

Sa usapin naman ng regulasyon, ipinasa ng European Union ang Markets in Crypto Assets Regulation bill, na nagbigay-linaw sa regulasyon ng crypto sa EU. Bagama't sa 2024 pa magkakabisa ang batas, nagbibigay ito ng dagdag na gabay sa mga sentralisadong palitan tungkol sa mga kinakailangan sa kustodiya, at kung paano ina-assess at ipinapaalam sa mga user ang panganib. Sa pamamagitan ng regulasyong nagbibigay-proteksyon sa mga interes ng mga namumuhunan, makikinabang ang industriya sa kabuuan.

Nagsimula ng mga trial ang India para sa kanilang retail central bank digital currency (CBDC) sa 4 na lungsod, at aabot ang pilot program sa 9 pang lungsod sa hinaharap. Posible nitong mapaganda ang buhay ng mahigit 1 bilyong tao, kung saan marami ang hindi gumagamit ng bangko. Dahil dito, 11 na ang kabuuang bilang ng mga bansang naglunsad ng CBDC, habang mahigit 100 naman ang nasa isang yugto ng paglulunsad ng CBDC. 

Pinakamahalaga sa lahat, nagsisikap pa rin ang mga team sa kabila ng lahat ng kaguluhan sa merkado. Mas marami pang layer 1 protocol ang inilunsad para gumawa ng mas magagandang imprastruktura ng Web3. Umuusad ang mga bagong teknolohiyang may malaking potensyal gaya ng mga zero-knowledge (zk) proof. Inilunsad ng BNB Chain ang zero-knowledge nitong teknolohiya sa pag-scale, ang zkBNB testnet, ngayong taon, at nakaplanong ilunsad ang mga zk-EVM ng ilan pang ibang proyekto sa susunod na taon. Lubos nitong mapapahusay ang scalability at interoperability sa mga blockchain. Kadalasan, malalaking pag-usad ang nagaganap sa gitna ng pagbagsak, at hindi na nakakagulat kung patuloy na susulong ang teknolohiya ng blockchain anuman ang sentimyento ng merkado. 

Makikanlong sa Binance Academy Ngayong Crypto Winter

May mas magandang panahon pa ba kaysa sa taglamig para pagyamanin ang iyong kaalaman sa blockchain? Inilunsad namin ang una sa aming mga libreng kurso para sa pag-aaral ng crypto simula Nobyembre, at sa ngayon, 200,000 katao na ang namuhunan sa kanilang kaalaman sa blockchain at personal na paglago sa pamamagitan ng pagkumpleto ng pinagsama-samang 8.3 na taon na dami ng content ng kurso sa blockchain (sa average na 22 minuto kada user).

Pagdating ng Enero, magkakaroon na kami ng mahigit 120 minuto ng self-directed na video education na available para matutuhan ng lahat ang mga pangunahing kaalaman sa blockchain, Web3, at pag-trade. Sinumang may account sa Binance ay makakapag-claim din ng libreng NFT certificate kapag nakumpleto nila ang buong serye ng 6 na kurso para sa mga baguhan.

Tumanggap kami ng 26 na milyong natatanging bisita sa aming website noong 2022, at umani ng 25 milyong panonood ang aming mga video sa YouTube at Binance Live. Pinalaki rin namin ang aming knowledge base na naglalaman na ngayon ng halos 1000 artikulo at entry sa glossary. Namigay kami ng $7.3 na milyong halaga ng mga reward sa mahigit 6.5 na milyong bisita sa pamamagitan ng aming mga campaign na Matuto at Kumita, kung saan nalaman nila ang higit pa kung ano ang nagtutulak sa iba't ibang proyekto ng blockchain.

Bumuo ang Binance Academy ng mga partnership sa buong mundo, at dinala nito ang edukasyon sa crypto at web3 sa mahigit 75 unibersidad sa mahigit 20 bansa sa buong mundo. Mahigit 5,500 estudyante at panauhin ang dumalo sa mga pang-edukasyong event na ito, at nakatanggap kami ng halos isang libong kahilingan mula sa mga interesadong indibidwal sa mahigit 35 bansa (at dumarami pa), na gustong maging mga student ambassador.

Inilunsad ang aming programa ng Student Ambassador noong ika-4 na quarter ng 2022, na namumuhunan sa susunod na henerasyon ng mga pinuno sa industriya ng blockchain. Ang mga napili naming student ambassador ay tutulong na maghanda at mag-ambag sa mga aktibidad sa edukasyon at literasiya sa crypto sa kanilang mga campus, mangangasiwa sa mga interaksyon at pagkakataong magbahagi ng kaalaman sa mga komunidad ng blockchain, at magkaroon ng access sa mga network ng Binance Academy - at baka pati mga pagkakataon sa internship!

Pinalalim din namin ang aming pakikipagtulungan sa mga bansang tulad ng Kazakhstan, kung saan magbibigay kami ng mga pang-edukasyong materyales at susuporta kami para bumuo ng mga pang-edukasyong programa tungkol sa blockchain at pagsunod para sa mga Unibersidad sa buong bansa. 

Ano ang Naghihintay para sa 2023?

Umaasa kaming makakapagturo kami sa mas marami pang tao tungkol sa blockchain sa susunod na taon. Patuloy na madaragdagan ang aming mga partnership habang nakikipag-ugnayan kami sa mas marami pang paaralan, gobyerno, at institusyon para magbigay ng mga pagsasanay, hackathon, at workshop sa personal.

May mga niluluto kaming partnership sa ilan sa mga nangungunang provider ng edukasyon sa mundo para gawing available ang certified na edukasyon sa blockchain para sa mga gustong magkaroon ng karera sa industriya ng blockchain.

Para sa mga gusto lang magpatuloy sa pagtuklas sa kawili-wiling bagong teknolohiyang ito, patatagalin din namin ang aming alok na mga libreng online na Kurso sa 2023 sa pamamagitan ng paglalayong makapaghatid ng mahigit 20 oras na intermediate at advanced-level na video education sa aming produktong Mga Kurso. Gusto naming matiyak na lahat ay makakapag-access ng libreng edukasyon na magbibigay-daan sa kanilang makinabang sa isang desentralisadong hinaharap na pinapagana ng teknolohiya ng blockchain.

Para sa 2023 - kapit lang!

Mga Kurso

Mga Konklusyon

Kung babalikan ang 2022, malinaw na nakaranas ang ecosystem ng blockchain ng malaking paglago at pag-unlad. Sa kabila ng pagharap sa marami-raming problema, nagpatuloy ang komunidad ng crypto at sa huli ay lalabas itong mas malakas at mas bihasa. Masasabi rin na sa bawat cycle ng merkado, naaalis ang mga player sa merkado na may mga hindi sustainable na modelo ng negosyo, at baka hindi kaiba ang industriya ng crypto. 

Kaya bagama't totoo na naging volatile kamakailan ang merkado ng crypto, posible na ang patuloy na pagdami ng mga bagong protocol ng crypto at lumalawak na paggamit sa mainstream ng mga kasalukuyang protocol ay mga dahilan para manatili tayong positibo sa mga inaasahan sa industriyang ito. Anuman ang sitwasyon, laging mahalagang maging tuloy-tuloy ang panghabambuhay na pag-aaral tungkol sa mundo at mga teknolohiya sa paligid natin (anuman ang mga kondisyon sa merkado!), kaya patuloy na pag-aralan itong mabilis na nagbabagong industriya ng blockchain!  Sabik kaming umaasa sa mga darating na taon, at hindi na kami makapaghintay na makita kung ano ang naghihintay sa susunod na kabanata para sa industriyang ito.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.