Ano ang Jasmy (JASMY)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang isyu sa data at sa metaverse?
Ano ang Jasmy?
Paano gumagana ang Jasmy?
Ano ang Jasmy metaverse token?
Saan ako makakabili ng JASMY?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Jasmy (JASMY)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Jasmy (JASMY)?

Ano ang Jasmy (JASMY)?

Advanced
Na-publish May 10, 2022Na-update Jun 1, 2022
4m

TL;DR

Ang Jasmy ay isang platform ng blockchain na nakatuon sa pagbibigay ng mga serbisyo sa seguridad at pagbabahagi ng data sa panahon ng IoT. Nakatuon din ang team at blockchain sa pagprotekta sa data ng user at pagbuo ng desentralisadong mundo ng Metaverse. Lahat ng ito ay humahantong sa pagtaas ng halaga ng pagbabahagi ng data. 


Panimula

Ayon sa Bloomberg Industry Research Institute, aabot ang merkado ng metaverse sa napakalaking $800 bilyon sa loob ng susunod na dalawang taon. Sa napakalaking potensyal para sa paglago at pag-unlad, inihahanda ng Jasmy ang sarili nito para tulungan ang mga user sa metaverse na ariin ang kanilang data sa bagong trend na ito sa teknolohiya.


Ano ang isyu sa data at sa metaverse?

Napakasikat ng konsepto ng metaverse, pero gayundin, bago-bago ito. Malaki ang iniunlad ng paksa noong nakaraang taon at nakahimok ito ng napakalaking audience na nagkukumahog na tuklasin ito. 

Isang mahalagang bahagi ng metaverse ang kumbinasyon nito ng komersyal, pagbabayad, online, at iba pang digital na ekonomiya. Malamang na magkaroon ng napakalaking halaga ang content na mula sa user. Mayroon na ngayong napakalaking pagkakataon para matiyak ang seguridad at sirkulasyon ng data na ito sa teknolohiya ng blockchain. 

Gayunpaman, isang kapansin-pansing problema sa mga mundo ng metaverse at blockchain ay ang kawalan ng epektibong desentralisadong system para sa pag-store ng data. Puwede tayong mag-store ng simpleng impormasyon tungkol sa mga balanse sa account, pero mas mahirap mag-store ng malaki-laking data gaya ng mga video at larawan sa mga blockchain. 

Dahil kailangang magpanatili ng mga node ng buong kopya ng isang blockchain, hindi madaling magpatakbo ng mahusay na solusyon sa storage ng blockchain.


Ano ang Jasmy?

Ang Jasmy ay isang platform ng blockchain na itinatag sa Tokyo, Japan, noong 2016 ni Kazumasa Sato, isang dating empleyado ng Sony. Nakatuon ito sa pag-develop ng seguridad ng data at pagbibigay ng mga serbisyo sa pagbabahagi ng data sa panahon ng metaverse at Internet of Things (IoT). Sa mithiing ito, nagiging totoong pagmamay-ari ng mga user ang data nila at mapagkakakitaan nila ito kung gusto nila. 
Gamit ang teknolohiya ng Jasmy, ang mga application sa metaverse na binuo sa network ay makakapagtatag ng mga direktang bridge para sa palitan ng data sa pagitan ng mga ito. Humahantong ang application na ito sa isang desentralisadong solusyon na angkop sa mga application sa metaverse. Sa paglabas ng  Web 3.0 at pinahusay na demokrasya sa data, may potensyal ang Jasmy na gumawa ng isang bagay na natatangi sa mundo ng metaverse.


Paano gumagana ang Jasmy?

Ang Jasmy ay may ilang pangunahing feature at aspekto ng teknolohiya na tumutulong ditong makamit ang mga layunin nito:  

Pag-store ng metadata

Sa tulong ng IoT, teknolohiya sa pag-encrypt, at nakapamahaging storage, ligtas na makakapag-store ang mga user ng code, text, impormasyon, mga larawan, mga video, paggalaw, at audio para magamit sa metaverse. Nagagawa ito ng Jasmy sa pamamagitan ng personal data locker at pag-store ng mga file gamit ang InterPlanetary File System (IPFS). Ipinapamahagi ng mekanismong ito ang data sa mga user sa isang peer-to-peer na network.

ID ng Pagkakakilanlan

Nagbibigay ang Jasmy ng natatangi, immutable, at mag-isang kinokontrol na desentralisadong solusyon sa pagkakakilanlan. Nagbibigay ang alok na ito sa mga user ng diretsahang access sa kanilang data at sa isang virtual na pagkakakilanlan sa chain. Mahalaga ang isang blockchain-based na system para sa pagtatakda ng mga digital na pagkakakilanlan sa anumang protocol na sumeseryoso sa pag-store ng data.

Mga mundo ng mga immersive na laro

Nagbibigay-daan ang protocol ng Jasmy sa paggawa at pag-store ng mga character, equipment, skin, at iba pang asset sa laro sa metaverse sa anyo ng mga Non-Fungible Token (NFT). Puwedeng maging pagmamay-ari ng mga user ang mga asset na ito at puwede nilang i-trade ang mga ito sa mga sekondaryang merkado ng NFT at crypto, na gumagawa ng halaga sa sarili nilang data.  

Mga device at equipment ng IoT

Isang pangunahing aspekto ng metaverse ang immersive na katangian nito. Dahil dito, nagiging mahalaga ang IoT at virtual reality (VR) equipment sa karanasan ng user. Magagamit lahat ang mga teknolohiya ng IoT, module ng sensor, augmented reality (AR), at VR device sa protocol ng Jasmy.


Ano ang Jasmy metaverse token?

Ang JasmyCoin, JASMY, ay ang  ERC-20 governance at utility cryptocurrency token ng ecosystem ng Jasmy. Na-mint ang JASMY sa Ethereum at mayroon itong iba't ibang paggagamitan. May mahalaga itong tungkulin sa pagbibigay ng insentibo sa gawi at sa pamamahala sa laro at komunidad. Kasama sa mga paggagamitan ng JASMY ang:

1. Pagbibigay ng reward at motibasyon sa mga player sa mga laro ng Jasmy.

2. Pagbili ng mga Mystery Blind Box Foundry Hero.

3. Pagbili ng mga asset sa metaverse at laro gaya ng mga hero, sandata, consumable, at lupa.

4. Pag-stake sa mga liquidity pool para sa pagmimina ng liquidity at pagkuha ng mga reward na token.

5. Pag-access ng data na available sa mga data locker ng Jasmy sa pamamagitan ng paghawak ng JASMY.

6. Paglahok sa mekanismo ng pamamahala ng Jasmy sa pamamagitan ng pagboto sa mga panukala. Sa huli, magbibigay-daan ito sa komunidad nito na tumakbo bilang isang Decentralized Autonomous Organization (DAO).

Gagamitin din ang mga JASMY token para bigyan ng reward ang mga miyembro ng komunidad para sa kanilang mga gawa at kontribusyon sa ecosystem ng metaverse ng Jasmy.


Saan ako makakabili ng JASMY?

Makakabili ka ng JASMY sa palitan ng cryptocurrency ng Binance sa dalawang paraan. Una, makakabili ka ng JASMY gamit ang credit o debit card sa iba't ibang fiat currency, kasama na ang USD at EUR. Pumunta sa page na [Bumili ng Crypto gamit ang Debit/Credit Card] ng Binance, piliin ang currency na gusto mong gamitin, at piliin ang JASMY sa field sa ibaba. 

I-click ang [Magpatuloy] para kumpirmahin ang iyong kahilingan at sundin ang mga ibinigay na tagubilin.


Puwede ka ring mag-trade ng mga cryptocurrency gaya ng Bitcoin (BTC), Ether (ETH), BNB, at Tether (USDT) kapalit ng JASMY. Pumunta sa View ng spot ng Binance at i-type ang JASMY sa field para sa paghahanap ng pares sa pag-trade. Ipapakita nito ang lahat ng available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon sa View ng palitan, bisitahin ang gabay na Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance.




Mga pangwakas na pananaw

Nakatuon ang Jasmy sa dalawang mahalagang paggagamitan ng blockchain: ang metaverse at data sovereignty. May malaking crossover sa pagitan ng mga ito, at sa pamamagitan ng paggawa ng bagong platform ng blockchain at IoT na nakatuon sa mga paksang ito, puwede tayong magkaroon ng interesante at natatanging solusyon.