Ano ang COTI?
Home
Mga Artikulo
Ano ang COTI?

Ano ang COTI?

Intermediya
Na-publish Mar 11, 2022Na-update Feb 13, 2024
7m

TL;DR

Ang COTI ay isang layer-1 blockchain ecosystem na idinisenyo para sa mga pagbabayad. Hindi tulad ng mga tradisyonal na blockchain, hindi umaasa ang COTI sa Proof of Work (PoW) o Proof of Stake (PoS) para mag-validate ng mga transaksyon. Gumagamit ito ng natatanging consensus algorithm na tinatawag na Proof of Trust (PoT), kung saan pinagsasama ang istruktura ng data na directed acyclic graph (DAG) at ang PoW. Napapababa ng PoT ang gastusin sa transaksyon at napapataas nito ang throughput sa hanggang 100,000 TPS.

Ang native token nitong COTI ay isang cryptocurrency na tumatakbo sa tatlong magkakaibang mainnet. Ginagamit ang COTI para sa pagbabayad ng bayarin sa transaksyon at puwede itong i-stake para makakuha ng mga reward sa Treasury. Puwede ka ring gumamit ng COTI at iba pang cryptocurrency para magbayad ng mga produkto at serbisyo gamit ang COTI Visa debit card. Gamit ang COTI MultiDAG 2.0, ang mga developer, merchant, at enterprise ay makakapag-isyu ng mga token na nakakakuha ng mga kakayahan ng Trustchain, gaya ng scalability, mataas na throughput, mababang gastos, at mga madaling gamiting tool sa pagbabayad gaya ng COTI Pay Business.


Panimula

Ang COTI ay isang ecosystem ng blockchain na nangangasiwa sa mga mabilis at secure na transaksyon nang may mababang bayarin. Layunin nitong baguhin ang tradisyonal na pananalapi sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga tagapamagitan at pagbibigay-kakayahan sa mga organisasyon na bumuo ng mga sarili nilang solusyon sa pagbabayad at digital currency o stablecoin batay sa protocol ng Trustchain.


Ano ang COTI?

Ang COTI ay isang layer-1 fintech blockchain ecosystem na partikular na idinisenyo para sa mga pagbabayad. Tinutugunan ng COTI ang mga hamon sa centralized at decentralized finance (CeFi at DeFi) sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong DAG-based na protocol at imprastraktura na mababa ang gastos, mabilis, puwedeng i-scale, pribado, at inklusibo. Gumagamit ito ng Proof of Trust (PoT) - na isang kumbinasyon ng PoW at DAG - para magkaroon ng consensus.


Paano gumagana ang COTI?

Layunin ng COTI na buuin ang susunod na henerasyon ng mga pampinansyal at digital na produkto na sumasaklaw sa iba't ibang aspekto ng bagong digital na ekonomiya. Binuo ito mula sa umpisa, mula sa Layer 1 hanggang sa mga App, at magsisilbi itong lubos na panlahat na ecosystem.

Isang hamon ang scalability para sa mga pangunahing blockchain, gaya ng Bitcoin (BTC) at Ethereum (ETH). Nagpoproseso ang mga ito ng mga transaksyon gamit ang mga block, na pana-panahong idinaragdag sa mga lumalagong chain ng mga block. Gayunpaman, may panahon ng paghihintay bago tanggapin ang mga block, na puwedeng matagalan bago makumpirma ang mga transaksyon. Halimbawa, nasa 20 transaksyon lang ang kayang asikasuhin ng Bitcoin kada segundo, kumpara sa 65,000 TPS ng Visa.

Binuo ang network ng COTI sa Trustchain, na isang layer-1 blockchain protocol na may istruktura ng data na directed acyclic graph (DAG). Malaki ang maibabawas nito sa gastusin sa transaksyon at mapapataas nito ang throughput sa hanggang 100,000 transaksyon kada segundo (transactions per second o TPS).


Proof of Trust (PoT)

Para matugunan ang mga isyu sa scalability, pinagsasama-sama ng COTI ang Trustchain, isang DAG-based na istruktura ng data, at Proof of Work (PoW) para gawin ang Proof of Trust na mekanismo ng consensus.

Ang DAG ng COTI ay tinatawag na “Cluster,” na isang distributed ledger para sa pagtatala ng mga transaksyon sa network. Sa halip na pagsama-samahin ang mga transaksyon sa mga block, inilalagay ang mga transaksyon nang sunod-sunod. Para makumpirma ang isang bagong transaksyon, dapat itong i-link ng mga taga-validate na node sa dalawang naunang transaksyon.

Pero aling mga transaksyon ang dapat i-link ng mga ito? Depende sa Trust Score ng mga ito. Sa system ng PoT, pinipili ang mga validator batay sa pagiging mapagkakatiwalaan ng mga ito. Nire-rate ang bawat user at node sa Cluster ayon sa mga Trust Score ng mga ito, na kinakalkula gamit ang dating gawi at mga istatistika sa pagbabayad ng mga ito. Kapag mas mataas ang Trust Score, mas mabilis na mapoproseso ang mga transaksyon ng mga ito at mas mababa ang bayarin.

Kapag may user na nagpasimula ng transaksyon sa COTI, ang Source Selection Algorithm ay random na magtatalaga ng dalawang taga-validate na  node na may magkaparehong Trust Score. Bilang resulta, di-hamak na mas mabilis na makukumpirma ang mga transaksyon mula sa mga pinagkakatiwalaang user. Dahil sabay-sabay ipoproseso ang mga transaksyong may magkakaibang Trust Score, puwede itong magkaroon ng scalability at seguridad ng network.

Sa COTI, hindi ginagamit ang PoW sa paraang nakasanayan natin. Hindi ito umaasa sa pagmimina para makakuha ng tiwala. Ginagamit lang ang PoW para protektahan ang COTI laban sa mga pagtatangkang mang-spam at bigyan ng insentibo ang mga kalahok sa network. Sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain sa PoW, naia-attach ng mga validator ang kanilang mga transaksyon sa Cluster, pero hindi nito ginagarantiyahan na magagawa nila iyon. Nakadepende itong lahat sa mga Trust Score ng mga ito, na ginagamit din sa pagtatakda ng mga antas ng PoW na puwedeng magkaroon ng hindi direktang epekto sa mga antas ng bayad sa transaksyon. Dahil walang kinakailangang pagmimina, puwedeng tumakbo ang COTI nang may napakababang bayarin sa transaksyon.


Ang layer ng MultiDAG

Ang COTI MultiDAG ecosystem ay katulad ng sa Ethereum. May ilang independent na DAG sa network na may iba't ibang layunin. Bawat isa sa mga ito ay nagpapanatili ng mga ganap na naka-customize na token at application, pero lahat ng ito ay gumagana nang sabay-sabay sa iisang imprastraktura para gawing mas mahusay ang buong network.

Gamit ang COTI MultiDAG 2.0, ang mga developer, merchant, at enterprise ay makakapag-isyu ng mga token na nakakakuha ng mga kakayahan ng Trustchain, gaya ng scalability, mataas na throughput, mababang gastos, at mga madaling gamiting tool sa pagbabayad gaya ng COTI Pay Business.

Puwedeng gumawa ang mga user ng mga sarili nilang stablecoin na ginagamitan ng collateral na fiat, ginagamitan ng collateral na crypto, o kahit hindi ginagamitan ng collateral sa MultiDAG. Halimbawa, COTI ang opisyal na nag-isyu ng stablecoin ng Cardano (ADA) na Djed at ng system ng pagbabayad na ADA Pay.


Serbisyo sa Pag-isyu ng Coin

Pagkatapos ng release sa mainnet ng MultiDAG 2.0, maiaalok ng COTI sa mga kliyenteng enterprise ang kakayahang gamitin ang teknolohiyang MultiDAG ng COTI na mag-isyu ng mga stablecoin at iba pang digital currency ayon sa kanilang mga kondisyon. Kasama sa ilan sa mga benepisyo ng serbisyong ito ang mas mabababang gastusin sa transaksyon, imprastrakturang puwedeng i-scale, module sa privacy, at kumpletong teknikal na suporta mula sa COTI team. May flexibility rin ang mga kliyente na mag-isyu ng maraming token hangga't kailangan nang may limitadong gastusin.

Djed

Ang Djed ay pinapagana ng COTI at ito ang unang algorithmic stablecoin na binuo sa Cardano. Isa itong stablecoin na nakabatay sa isang algorithmic na disenyo. Gumagamit ito ng mga smart contract para matiyak ang stabilization ng presyo, at magiging kapaki-pakinabang ang coin para sa mga pagpapatakbo ng decentralized finance (DeFi). Hindi lang stablecoin na binuo sa chain ng Cardano ang Djed. Idinisenyo rin ito para maging pinakamahusay na coin na gagamitin sa pagbabayad ng bayarin sa transaksyon sa buong network ng Cardano.

COTI Pay Business

Sa pamamagitan ng produktong COTI Pay Business, makakagamit ang mga merchant ng mga bagong Native asset ng COTI bilang mga paraan ng pagbabayad para sa mga transaksyon sa retail at merchant. Magbibigay-daan ang secure at makabagong imprastraktura ng Trustchain at MultiDAG ng COTI sa lahat ng sukat ng merchant at negosyo na sulitin ang teknolohiya ng COTI sa limitadong gastusin.

Ang Treasury ng COTI: Magdeposito at Kumita

Ang Treasury ng COTI ay isang algorithmic at desentralisadong pool ng $COTI na nagbibigay-daan sa mga tao na magdeposito ng $COTI at makatanggap ng mga reward para sa paglahok nila. Lumalaki ang pool sa paglipas ng panahon habang nagbabayad ang buong ecosystem ng bayarin, nang direkta o hindi direkta, sa Treasury. Sini-streamline sa Treasury ang bayarin mula sa lahat ng produkto ng COTI at ipinapamahagi ang mga ito bilang mga reward sa mga user nito. Magpapakilala rin ng governance token ang COTI ngayong taon. Ipapamahagi ang governance token sa mga user ng Treasury at sa mga tuloy-tuloy na nag-aambag sa paglago ng Treasury. Magbibigay-daan ito sa mga may hawak nito na magdebate, magmungkahi, at bumoto sa mga pagbabago sa protocol.



Ano ang COTI token?

Ang COTI coin ay ang native token ng ecosystem ng COTI. Isa itong DAG-based na cryptocurrency na may kabuuang supply na 2 bilyon. Hindi nangangailangan ng PoW na pagmimina ang COTI para i-secure ang network. Tumatakbo ang COTI sa tatlong magkakaibang mainnet: ang Trustchain, Ethereum, at BNB Chain.

  • Trustchain: Ang native mainnet ng COTI.

  • Ethereum: Nasa network din ng Ethereum ang COTI bilang ERC-20 token. Tine-trade ito sa ilang palitan ng crypto at ginagamit ito sa mga DeFi DApp.
  • BNB Chain (dating Binance Chain at Binance Smart Chain): BEP-2 at BEP-20 na bersyon ng COTI.
Magagamit ng mga may hawak ng COTI token ang COTI Bridge para mag-interoperate sa iba't ibang network (mga mainnet). Maliban sa pagbabayad ng mga serbisyo sa ecosystem, puwedeng ideposito ang COTI sa Treasury ng COTI para sa DeFi staking. Pagkatapos, ipapamahagi ng Treasury ang mga reward na COTI sa mga user nito. 


Paano bumili ng COTI sa Binance?

Makakabili ka ng COTI sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na trading mode.

2. Mag-click sa [BTC/USDT] sa kaliwang bahagi sa itaas at hanapin ang “COTI.” Ipapakita nito ang lahat ng available na pares sa pag-trade, gaya ng COTI/BUSD.

3. Pumunta sa kahong [Spot] sa kanan at ilagay ang halaga ng COTI na bibilhin. Puwede kang gumamit ng iba't ibang uri ng order, gaya ng Market order. I-click ang [Bumili ng COTI], at ike-credit ang mga token sa iyong Spot Wallet.



Mga pangwakas na pananaw

Nangangailangan ang crypto ng Layer 1 na angkop sa mga natatanging pangangailangan ng mga pagbabayad ng consumer at merchant, at ibinibigay iyon ng COTI gamit ang DAG-based na Trustchain nito. Ayon sa team, 2022 ang taon kung kailan malaki ang ilalago ng network ng COTI mula sa isang coin tungo sa maraming token: mga enterprise token, merchant token, governance token, Djed, at higit pa. Dagdag pa rito, gustong palawakin ng COTI ang mga pakikipagtulungan sa mas maraming proyekto at merchant at inaasahang magdadala ito ng mas maraming mapaggagamitan sa platform sa nalalapit na hinaharap. Isi-streamline sa Treasury ang lahat ng bayarin sa buong ecosystem ng COTI at ipapamahagi ito bilang mga reward sa mga user nito.