TL;DR
Ang Ankr ay isang provider ng desentralisadong imprastraktura ng Web3 na tumutulong sa mga developer, desentralisadong application, at staker na makipag-interact nang madali sa isang hanay ng mga blockchain. Puwede kang mag-access ng mga API at RPC para makabuo ng mga DApp sa madaling paraan, mag-stake sa Ankr Earn, at makakuha ng mga custom na solusyon para sa mga pangangailangan ng enterprise ng blockchain.
Pinapangasiwaan ng token ng proyekto na ANKR ang lahat ng aktibidad sa Protocol ng Ankr. Ginagamit ito para sa mga kahilingan sa mga blockchain, para bigyan ng reward ang mga independent na provider ng node para sa paghahatid ng mga kahilingan, at para bigyan ng reward ang mga may hawak ng ANKR para sa pag-stake ng kanilang ANKR sa mga full node. Puwede kang bumili ng ANKR sa Binance gamit ang credit o debit card sa palitan.
Panimula
Naging sobrang sikat sa mga namumuhunan at user ang mga pagkakataon sa cross-chain at multi-chain. Mas madali na ngayon ang dating kumplikadong aktibidad sa cross-chain gamit ang nade-develop na ecosystem ng Web3. Malaki ang bahagi ng Ankr sa pag-usad na ito at ginawa ito para sa mga user na naghahanap ng madaling paraan ng pakikipag-interact sa maraming blockchain. Developer ka man o namumuhunan sa crypto, may maibibigay ang Ankr.
Ano ang Ankr?
Kasalukuyang sinusuportahan ng Ankr ang pag-stake sa Polygon (MATIC), Ethereum (ETH), BNB Smart Chain (BNB), Avalanche (AVAX), Polkadot (DOT), at Kusama (KSM). Magagamit mo rin ang ANKR para magpagana ng mga Ethereum 2.0 node sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwanang bayarin para sa pinasimpleng karanasan ng validator.
Paano gumagana ang Ankr?
Mahalagang maunawaan na hindi blockchain ang Ankr. Gumagana ito bilang isang hanay ng mga tool para sa mga tagabuo, staker, at enterprise. Kasama sa mga pangunahing feature na ito ang:
Mga serbisyo ng desentralisadong imprastraktura ng node
Nakikinabang ang mga platform ng DeFi, proyekto ng NFT, laro sa blockchain, at lahat ng uri ng DApp sa desentralisadong imprastraktura ng Ankr. Kapag maraming mahuhusay na independent na node sa buong mundo na naghahatid ng mga kahilingan, ibig sabihin, makakatanggap ang lahat ng application na ito ng mas mabilis, mas scalable, at mas murang access sa mga blockchain.
Ang pag-set up ng node ng blockchain ay nangangailangan ng teknikal na kaalaman, oras, at pagsisikap. Hindi lahat ay may kakayahang mamahala ng pag-deploy ng node nang sila lang. Kung kailangan mo ng nakalaang node, puwedeng maglunsad ang Ankr ng isang node na maa-access mo nang hiwalay. Binubuo ang Protocol ng Ankr ng mga node na independent na gumagana sa buong mundo kung saan ka makakahiling ng data anumang oras.
Mga Premium na endpoint ng API at RPC para sa mga developer
Ang pagkakaroon ng mga nakalaang Application Programming Interface (API) at Remote Procedure Call (RPC) ay nangangahulugang makakapag-interact ka at ang iyong proyekto sa mga blockchain nang hindi nakikipag-agawan ng trapiko sa iba pang user sa mga nakabahaging server. Sa pamamagitan ng paggamit sa endpoint ng API sa Ankr, magkakaroon ka ng access sa buong data ng chain nang hindi ikaw ang nagse-set up. Bibigyan ng API ang DApp mo ng lahat ng impormasyong kailangan nito para gumana nang matagumpay at makapagbigay ng mas magandang karanasan ng user.
Liquid na pag-stake
Para simulan ang pag-stake, kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet sa platform. Dahil puwede kang mag-stake ng maraming cryptocurrency sa pamamagitan ng Ankr, sinusuportahan ng platform ang isang hanay ng mga wallet. Tingnan natin ang pag-stake ng ETH bilang halimbawa. Kapag dumaan ka sa proseso ng pag-stake (na tatalakayin natin sa huling bahagi ng gabay na ito), makakatanggap ka ng aETHB na nakakakuha ng reward, o aETHc token na nagbibigay ng reward bilang kapalit. Dahil naka-lock ang iyong ETH bilang paghahanda para sa Ethereum 2.0, nagbibigay ang aETHb at aETHc ng liquid na paraan para ma-access ang halaga ng iyong mga na-stake na asset.
Enterprise
Nag-aalok ang Ankr ng modelo ng Imprastraktura ng Web3 bilang Serbisyo para sa mga negosyong nangangailangan ng flexible at custom na solusyon. Magagamit ng mga organisasyong nangangasiwa ng maraming network ng blockchain ang mga serbisyo ng API at RPC ng Ankr na naa-access sa pamamagitan ng isang platform sa pagsubaybay. Dahil kadalasang naiiba ang mga pangangailangan ng negosyo sa mas maliliit na proyekto, DApp, at user, mas partikular na natutugunan ng solusyong ito sa enterprise ang mga paggagamitan para sa negosyo.
Ano ang ANKR?
1. Nagbabayad ang mga user ng Protocol ng Ankr para sa mga Premium na serbisyo gamit ang ANKR.
2. Nagse-stake ng ANKR ang mga independent na provider ng node at nagdadala ng trapiko para makakuha ng mga ANKR na reward.
3. Puwedeng mag-stake ng ANKR ang mga may hawak ng token para makatulong na i-secure ang protocol at magkaroon ng bahagi sa mga reward.
4. Magbayad ng ANKR para sa hiwalay na access sa sarili mong node na pinapagana ng Ankr.
5. Gamitin ang ANKR para bumoto sa mekanismo ng pamamahala ng Ankr.
Dahil dito, magagamit ang ANKR bilang utility token at token sa pamamahala sa network ng Ankr. Ang ANKR ay isang paraan ng pagbabayad para sa lahat ng produkto ng Ankr at isa itong mahalagang bahagi ng Protocol ng Ankr para sa mga user, provider, at staker. Dahil dito, nagiging mas katulad ng ANKR ang CAKE ng PancakeSwap kaysa sa mga native cryptocurrency na may kanya-kanyang network tulad ng BTC o ETH.
Saan ako makakabili ng ANKR?


Paano ako magse-stake gamit ang Ankr?

2. Ngayon, i-click ang malaking button na [Bigyan ng Access].

3. Piliin ang iyong account.

Mga pangwakas na pananaw
Anumang uri ka ng user sa blockchain, malamang na may serbisyo ang Ankr na magiging interesado ka. Puwedeng mag-stake ang mga user sa iba't ibang blockchain sa isang hanay na makakapamahala sa lahat ng pondo sa iisang lugar. Puwedeng ma-access ng mga tagabuo ang mga tool sa pag-develop ng desentralisadong multi-chain na may kakayahang lumawak nang mabilis sa iba pang network. At makakakuha ang mga enterprise ng anumang custom na solusyong kailangan nila para mag-integrate sa kanilang platform ng mga produkto sa pag-stake, imprastraktura, at higit pa. Sa ngayon, naiposisyon ng Ankr ang sarili nito sa pinakamabibilis lumagong provider ng desentralisadong imprastraktura, at patuloy itong nagdaragdag ng higit pang serbisyo para sa mga developer at user ng Web3.