Pangunahing prayoridad sa
Binance ang seguridad. Habang ginagawa namin ang lahat para panatilihing ligtas ang iyong account, mayroon ka ring kapangyarihan para dagdagan nang malaki ang seguridad ng iyong Binance account.
Sa artikulong ito, ilalarawan natin ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin para tiyakin ang seguridad ng iyong account, kasama ng ilang mga pangkalahatang magandang gawain na dapat mong isaisip. Tulad mo, nais din naming panatilihing ligtas ang iyong account. Mabilis na lumalago ang industriya ng
blockchain, kaya lahat tayo ay makikinabang sa ligtas na kapaligiran.
Ano ngayon ang mga hakbang na dapat mong gawin para dagdagan ang seguridad ng iyong
Binanceaccount?
Tila hindi na kailangang sabihin pa, ngunit mahalagang hakbang ito para sa seguridad ng iyong
Binance account. Dapat kang gumamit ng malakas at naiibang password para sa bawat account mo sa Internet. Mahalaga ito lalo na sa mga may pinanghahawakang halaga – tulad ng iyong
cryptocurrency exchange account. Maganda sana kung ang mga password na ito ay higit sa walong karakter ang haba, may malalaki at maliliit na letra, numero, at mga espesyal na karakter.
Isa sa mga pinakamagandang paraan para lumikha, mangasiwa, at magtago ng ligtas na password ay ang mga password manager. Sa ganitong paraan, maaari mong hawakan at pangasiwaan ang iba’t ibang mong password sa ligtas at madaling paraan, sa iisang lugar lamang. Karamihan sa mga password manager ay gumagamit ng mga sopistikadong
encryption na mekanismo para maglagay ng karagdagang patong ng protekson. Tiyakin na gagamit lamang ng pinagkakatiwalaang password manager software, at syempre, lumikha ng malakas na master password.
Ang pagkakaroon ng malakas na password ay isang mahusay na unang hakbang, ngunit hindi ito nangangahulugan na pangmatagalan ito. Mahalaga ring gawain ang regular na pagpapalit ng password dahil may paraan ang mga attacker na makuha ang iyong password sa kabila nito. Hindi lamang ito totoo para sa iyong
Binance account, ngunit maging sa iyong email na kaugnay ng iyong Binance account.
Habang pinag-uusapan natin ang iyong email - ito pa ang isang mahalagang puntong dapat isaalang-alang – makabubuti na gumamit ng magkakaibang mga email address para sa magkakaibang mga account. Sa ganitong paraan, mapipigilan mo ang mga potensyal na nakapipinsalang epekto ng mga data breach. Lalo na kapag gumagamit ka ng lumang email account, mataas ang tiyansa na bahagi na ito ng breach sa nakaraan. Ganunpaman, kung gumagamit ka ng itinalagang email address para sa bawat serbisyo, may mas maliit na tiyansa na ang breach ay makaapekto sa iyong mga account. Ang website na
Have I Been Pwned ay isang magandang paraan para tingnan kung ang iyong mga account ay naging biktima ng data breach.
Tandaan na oras na nagpalit ka ng password sa iyong
Binance account, hindi ka makakapagwithdraw ng iyong pondo sa susunod na 24 na oras. Ito’y para maiwasan ang mga potensyal na attacker na pigilan kang pumasok sa iyong account habang inilalabas nila ang iyong mga pondo.
Ang pagiging aktibo ng
Two-Factor Authentication (2FA)ay isa sa mga dapat na una mong ginagawa pagkatapos lumikha ng
Binance account. Sinusuportahan ng Binance ang dalawang tipo ng 2FA: SMS at Google Authentication. Sa dalawang ito, inirerekomenda namin ang Google Authenticator. Tiyakin lamang na isulat ang iyong reset key sakaling kailangang mong ilipat ang iyong mga 2FA code sa bagong mobile phone.
Bagamat mas madaling gamitin ang SMS authentication, nakikitang mas hindi ito ligtas kaysa sa Google Authenticator. Ang
SIM swapping ay isang tunay na banta, at ilang mga account ng mga kilalang personalidad na ang nabiktima ng paraang ito. Noong 2019, na-hack sa ganitong paraang CEO ng Twitter na si Jack Dorsey, kaya nagkaroon ng malayang kontrol ang mga attacker sa kanyang Twitter account na may milyon-milyong mga follower.
Hindi lang ito ang mga paraan para tiyakin ang seguridad ng iyong account gamit ang 2FA. Tatalakayin din natin ang isa pang paraan na tinatawag na Universal 2nd Factor authentication. May kinalaman ito sa isang ligtas na hardware device na pumoprotekta sa iyong account. Ang magandang balita, sinusuportahan din ito ng
Binance!
Maaari mong i-check ang mga device na awtorisadong mag-access ng iyong
Binance account sa
Pangangasiwa sa Device na opsyon. Kapag gumagamit ng Binance na app, makikita mo ang opsyon na ito sa ilalim ng “Account” na opsyon.
Kapag may nakita kang mga device na hindi mo makilala o hindi na ginagamit pa, tanggalin ito. Kapag natanggal mo na ang device, hindi na nito muling maa-access pa ang iyong account, maliban lamang kung muli mo itong payagan sa pamamagitan ng isang kumpirmasyon sa email. Tulad ng natalakay natin kanina, ito ang dahilan kung bakit malaking bagay ang seguridad ng iyong email account.
Maaari mo ring i-check ang aktibidad ng account. Ito ay kung anong IP address ang nag-access ng iyong account at kung kailan. Kapag may nakita kang kahina-hinala, agad na i-disable ang iyong account. Sususpendihin nito ang mga trading at withdrawal, buburahin ang iyong mga API key, at tatanggalin ang lahat ng mga device na may access sa iyong account.
May katangian na seguridad ang iyong
Binance account na tinatawag na
Pangangasiwa sa Address. Pinapayagan ka nitong limitahan ang mga wallet
address kung saan ka makakapaglagay ng nai-withdraw na pondo. Kapag naka-on ito, ang bawat bagong-dagdag na address ay mangangailangan ng kumpirmasyon sa email para maidagdag sa whitelist.
Para idiing muli, ito ang dahilan kung bakit mahalagang panatilihin ang seguridad ng iyong email account! Ito ang pundasyon ng iyong online na seguridad.
Hindi makapagpasya kung saang
crypto wallet ilalagay ang nai-withdraw na pondo? Maaari mong subukan ang
Trust Wallet, magandang opsyon ito kung naghahanap ng ligtas na software wallet para sa iyong mobile phone. Maaari ka ring mag-invest sa isang
hardware wallet para offline na maitago ang iyong
private keys.
Pinag-iisipang magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Ang
Phishing ay isang uri ng attack kung saan ang isang kahina-hinalang tao ay nagpapanggap na iba (halimbawa, bilang isang negosyo) para makuha ang iyong personal na impormasyon. Isa ito sa mga karaniwang attack ngayon at dapat kang maging maingat dito.
Bilang pangkalahatan na pamantayan, pinakamagandang bumisita lamang sa Binance mula sa isang bookmark imbes na laging i-type ang address. Kapag hindi mo pa ito nagawa, i-bookmark na ngayon ang link:
https://www.binance.com. Sa simpleng hakbang na ito, maaari ka nang makaiwas sa maraming mga pekeng Binance na website na layon lamang linlangin ka para ma-access ang impormasyon sa iyong account.
Ang Anti-Phishing Code na katangian ay pinahihintulutan kang magtakda ng katangi-tanging code para maisama sa lahat ng iyong mga Binance notification email. Kapag pinagana ang Anti-Phishing code, masasabi mo kung totoo ang mga notification email na natatanggap mula sa Binance. Kung nais pang matuto tungkol sa kung paano ito gamitin, tingnan ang aming Gabay sa
Anti-Phishing Code.
Nais mo bang matuto tungkol sa ibang mga paraan para makaiwas sa phishing? Tingnan ang
Ano Ang Phishing?
Ang
Binance API ay isang mahusay na paraan para malubos ng mga mas bihasang mga trader ang kanilang karanasan sa Binance trading engine. Pinahihintulutan ka ng Binance API na gumawa ng mga sadyang istratehiya sa trading.
Ganunpaman, ang paggamit ng mga API key ay may dalang ilang mga panganib dahil pinapayagan mong ibahagi ang iyong mga datos sa external na mga application. Kapag gumagamit ka ng Binance API, dapat mong isaalang-alang ang paglimita sa access base sa mga IP address. Sa ganitong paraan, ang mga IP address lamang na nasa whitelist ang mapapayagan. Dapat mo ring pag-isipan ang regular na pagpapalit ng iyong API keys, at iwasang ibigay ang iyong keys sa mga external na partido.
Sinusuportahan ng Binance ang mga authenticator na tugma sa U2F, tulad ng Yubico YubiKey. Ang mga device na ito ay nagbibigay lamang sa iyo ng access sa iyong account kung nakasaksak sa iyong kompyuter o nakakonekta sa wireless na paraan.
Maaari mong itulad ang device na ito na pareho sa iyong Google Authenticator, ngunit imbes na isang piraso ng software, isa itong hardware. Nangangahulugan ito na ang pag-access sa iyong account ay nangangailangan din ng pisikal na access sa hardware na ito.
Mahalagang pag-isipan ang pagpapanatili sa kaligtasan ng iyong
Binance account. Tinalakay natin ang ilan sa mga simpleng hakbang na maaari mong gawin para protektahan ang iyong account at pigilan ang mga hacker sa pag-access ng mga mahalaga mong
bitcoin at
altcoin.
Kung nais mong tingnan ang kasalukuyang lebel ng iyong seguridad, magtungo sa iyong
Seguridad na dashboard. Kung gumagamit ka ng Binance na app, magpunta sa “Seguridad” na bahagi ng iyong “Account” na tab.