TL;DR
Inilunsad ang Zilliqa noong 2017 bilang platform ng pampublikong blockchain na may mataas na throughput na idinisenyo para mag-scale ng libo-libong transaksyon kada segundo. Sa ngayon, layunin ng Zilliqa na magkaroon ng efficiency, tiwala, at transparency sa Web 3.0.
Panimula
Ang Zilliqa ay isang layer 1 blockchain at ang unang pampublikong blockchain na gumagamit ng shina-shard na arkitektura. Sa technique na ito ng pag-shard, napoproseso nang magkakasabay ang mga transaksyon, kaya nagiging mas mabilis ang rate ng transaksyon.
Ang Zilliqa, na itinatag noong 2017 batay sa pananaliksik na isinagawa sa NUS School of Computing sa National University of Singapore, ay hango sa trabahong nakatuon sa pagpapatupad ng arkitekturang nagbibigay-daan sa mga murang transaksyon na napakabilis sa malawakan. Sa ngayon, may mahigit 250 proyektong nakabatay sa Zilliqa, kasama na ang gaming, DeFi, at mga metaverse application.
Paano gumagana ang Zilliqa?
Pag-secure sa network
Puwedeng minahin ng mga minero ang native token ng Zilliqa na ZIL. Nagbibigay-daan ito sa kanilang makatipid sa gastusin sa enerhiya. Sa Zilliqa, puwedeng lumipat ang mga minero mula sa pagmimina ng iba pang token sa ZIL at makatanggap ng mataas na pinagsama-samang bayarin. Tinatawag itong Dual na Pagmimina.
Pagproseso ng mga transaksyon
Isang positibong epekto ng arkitektura ng pag-shard ay ang mas mababang gastusin sa transaksyon. Malamang na mas mataas ang bayarin sa mga legacy na blockchain dahil sa congestion ng network, mga backlog ng transaksyon, at mga isyu sa scalability. Nakatulong ang pag-shard sa Zilliqa na panatilihing mababa ang bayarin nito, sa karaniwang bayad sa transaksyon sa blockchain na 0.1 ZIL. Ang komunidad ng Zilliqa ang nagpapasya sa mga gastusing ito, batay sa dami ng transaksyon, demand ng user, at kasalukuyang presyo ng ZIL.
Pamamahala
Kumakatawan ang bawat gZIL sa isang boto, at kung mas maraming hawak ang isang user, mas malaki ang voting power niya. Hinihikayat nito ang mga matagal nang may hawak ng token na lumahok sa ecosystem ng Zilliqa.
Kahit sino ay makakabili ng gZIL sa mga sentralisadong palitan gaya ng Binance, o mga DEX gaya ng ZilSwap o XCAD DEX. Sa ecosystem, nagbibigay-daan ang mga protocol gaya ng Ignite DAO sa mga user na i-stake ang kanilang gZIL at maging stakeholder sa mga nasasaklawang ekonomiya na binibigyan ng insentibo.
Zilliqa sa mundo ng DeFi
Metaverse
Inilunsad ng Zilliqa ang ZRC-6 NFT standard, na nagbibigay ng suporta para sa mga pagbabayad ng royalty, maramihang pag-mint, at iba pang feature para mapaganda ang karanasan para sa mga creator at builder. Sa mga marketplace na pinapagana ng Zilliqa, puwedeng mag-mint ng mga item ang mga user at puwede nila itong gawing mga NFT na hindi napapakialamanan.
Metapolis at MaaS (Metaverse-as-a-Service)
Sinumang naghahanap ng mga solusyon sa pagbuo ng metaverse ay makakakita nito sa Metalopolis, na isang platform ng metaverse-as-a-service (MaaS) na inilunsad sa Zilliqa. Idinisenyo ang diskarteng MaaS ng Metapolis para lubos na mapaikli ang proseso mula ideya tungong pagpapatupad dahil handa nang magamit ang imprastraktura at naka-integrate na ito sa blockchain ng Zilliqa.
Gaming
Bumuo ang Zilliqa ng SDK na tumutulong na lubos na mapabilis ang pagbuo ng laro. Kaya ring paganahin ng platform ang pinakabagong teknolohiya sa paglalaro, kasama ng graphics at gameplay na maaasahan natin sa mga nangungunang platform.
Bakit natatangi ang Zilliqa?
Ang Zilliqa ay may mga feature na dahilan kaya ito napakadaling gamitin para sa mga developer. Kasama rito ang isang custom na programming language, ang Scilla, na isang ecosystem development arm, ang ZILHive, na siyang SDK nito na sumusuporta sa P2E gaming, at ang shina-shard nitong arkitektura – na lahat ay nanghihikayat sa tuloy-tuloy na pagbabago at pagtutulungan sa platform.
Scilla
Dahil ang mga smart contract ay mga hindi mababawing kasunduan na nangangasiwa at nagso-store ng mahahalagang digital asset, mahalagang siguraduhin na maayos ang pagkakadisenyo at ligtas gamitin ang mga ito. Gamit ang Scilla, mas madaling matutukoy ng mga developer ang mga kahinaan sa seguridad, kaya naman nagiging mas simple sa kanila ang pagsusulat ng mga mas ligtas na smart contract. Sa huli, layunin ng language na magtakda ng pundasyon para sa mas pinaigting na seguridad ng dApp sa buong network.
ZILHive
Nag-aalok ang ZILHive ng komprehensibong channel para mabigyang-daan ang nadagdagang accessibility at pagtanggap sa teknolohiya ng blockchain, mula sa paggawa ng ideya hanggang sa pagbuo ng kumpanya. Makakatulong sa mga startup ang pandaigdigang network nito ng mga partner at namumuhunan sa pamamagitan ng pag-aalok ng idinisenyong accelerator program para itugma ang mga layunin ng bawat proyekto sa mga tool para matulungan ang mga developer sa proseso.
Ano ang ZIL?
ZIL ang native token ng blockchain ng Zilliqa at ang default na paraan ng paggamit at pakikipag-interact sa mga dApp na binuo sa Zilliqa. Binabayaran ang bayarin sa transaksyon sa buong network gamit ang ZIL. Dahil gumagamit ang Zilliqa ng PoW para i-secure ang network nito, puwedeng minahin ang ZIL. Puwede ring gamitin ang ZIL para magbayad ng produkto at serbisyo na iniaalok sa blockchain. Kasama rito ang pagbili at pagbebenta ng mga NFT sa mga marketplace na pinapagana ng Zilliqa.
Pag-stake
Binibigyan ng insentibo ang mga may hawak ng token na i-stake ang kanilang ZIP para ma-secure ang network. Ang mga user na ito na tinatawag na mga delegator ay nagse-stake ng kanilang mga token gamit ang mga node para magbigay ng mga serbisyo sa network kapalit ng mga reward ng block. Nangangailangan ang network ng minimum na 10 ZIL na naka-stake at ipinapamahagi ang mga reward sa mga ZIL token. Nakadepende ang porsyento ng return (APR) para sa pag-stake sa kabuuang dami ng ZIL na nasa sirkulasyon sa anumang partikular na pagkakataon.
Paano bumili ng ZIL sa Binance?
Makakabili ka ng ZIL sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]-> [Spot].
2. I-type ang “ZIL” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang ZIL/BUSD bilang halimbawa.


Mga pangwakas na pananaw
Binibigyang-daan ng Zilliqa ang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng blockchain na napaka-scalable, sustainable sa kapaligiran, at madaling gamitin para sa mga developer. Dahil sa arkitektura at komunidad nito, ang Zilliqa ay isang sikat na protocol para makabuo ang mga developer ng sarili nilang mga application.