Ano ang PAX Gold (PAXG)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang PAX Gold (PAXG)?
Paano gumagana ang PAXG?
Ano ang pinagkaiba ng PAXG at mga gintong ETF?
Paano bumili ng PAXG sa Binance?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang PAX Gold (PAXG)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang PAX Gold (PAXG)?

Ano ang PAX Gold (PAXG)?

Intermediya
Na-publish Jul 7, 2022Na-update Oct 18, 2022
4m



TL;DR

Ang PAX Gold (PAXG) ay isang ERC-20 stablecoin na sinusuportahan ng mga reserba ng pisikal na ginto na nasa mga naka-secure na vault sa London. Binababaan ng PAXG ang barrier sa pagpasok sa pamumuhunan sa ginto sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga user na magmay-ari ng maliliit na bahagi ng pisikal na ginto nang walang pasanin ng bayarin sa storage at transportasyon. Puwedeng i-trade ng mga user ang PAXG bilang digital asset sa mga sentralisadong palitan ng crypto at DEX. 

Panimula

Napanatili ng ginto ang status nito bilang mahalagang commodity sa loob ng libo-libong taon. Ginagamit ito para gumawa ng alahas, mag-store ng halaga, at kahit mag-hedge laban sa inflation. Gayunpaman, posibleng mahal at kumplikado ang bumili ng pisikal na ginto para sa average na namumuhunan sa retail. Una, kailangan ng ligtas na lokasyon, gaya ng vault sa bangko, para makapag-store ng ginto. Higit pa rito, puwede ring maging kumplikadong gawain ang paglilipat ng ginto mula sa isang lokasyon papunta sa iba dahil sa bigat nito.

Layunin ng Paxos Trust Company na tugunan ang mga hamong ito gamit ang PAX Gold (PAXG) — isang tokenized na ginto na nasa blockchain. 


Ano ang PAX Gold (PAXG)?

Ang PAX Gold (PAXG) ay isang ERC-20 stablecoin na sinusuportahan ng mga reserba ng pisikal na ginto, na nasa kustodiya ng Paxos Trust Company. Bawat PAX Gold token ay katumbas ng isang troy ounce ng 400-ounce na London Good Delivery gold bar na nasa mga naka-secure na vault ng ginto, gaya ng sa Brink. Dahil kumakatawan ang PAXG sa pisikal na ginto, direktang nauugnay ang halaga nito sa real-time na halaga sa merkado ng pisikal na gintong iyon.

Ang PAXG ay kontrolado at aprubado ng New York State Department of Financial Services. Para matiyak na mapapanatili ng Paxos ang mga reserba nito, isang third-party na kumpanya sa pag-audit ang nagsasagawa ng mga buwanang pagsusuri para ma-verify kung tugma ang reserba ng ginto ng Paxos sa supply ng mga PAXG token, at nire-release ang mga ulat ng pagpapatunay na ito sa opisyal na website ng Paxos. Nagsasagawa ang mga developer ng PAXG ng mga regular na pag-audit sa smart contract para matukoy ang mga potensyal na bug at kahinaan.

Dagdag pa rito, pinoprotektahan ang lahat ng asset ng mga customer ng Paxos, kasama na ang PAXG, laban sa pagkabangkarote at hinahawakan ito nang hiwalay sa mga asset ng kumpanya.

Paano gumagana ang PAXG?

Gumagana ang PAX Gold sa Ethereum blockchain. Bilang ERC-20 token, compatible ang PAXG sa mga Ethereum-based na wallet, puwede itong i-integrate sa mga DApp at DEX ng DeFi sa Ethereum, at puwede itong i-trade sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

Kumpara sa pagmamay-ari ng mga pisikal na gold bar, hindi kailangan ng anumang bayarin sa storage sa vault o kustodiya ang pagmamay-ari ng PAXG. Bawat transaksyon ng PAXG ay nagkakaroon lang ng maliit na bayad sa transaksyon na 0.02% at ilang ETH bilang bayarin sa gas. Binababaan nito ang barrier sa pagpasok sa pamumuhunan sa ginto sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga user na magmay-ari ng maliliit na bahagi ng pisikal na gold bar nang walang pasanin ng bayarin, storage, at gastos sa transportasyon. 

Ang mga PAXG token ay binibigyan ng mga serial number na tumutugma sa mga indibidwal na gold bar. Makikita ng mga may hawak ang serial number, halaga, at iba pang katangian ng kanilang pisikal na ginto sa pamamagitan ng paglalagay ng address ng wallet nila sa Ethereum sa tool sa paghahanap ng PAXG. Puwede rin nilang i-redeem ang PAXG nila anumang oras kapalit ng fiat currency, ibang crypto asset, o mga nakalaan at hindi nakalaang gold bullion bar mula sa mga retailer ng ginto sa kasalukuyang market price ng ginto.

Ano ang pinagkaiba ng PAXG at mga gintong ETF?

Sinusubaybayan ng mga gintong exchange-traded fund (ETF) ang halaga ng pinagbabatayang ginto. Nagbibigay lang ang mga ito sa mga namumuhunan ng exposure sa presyo ng ginto, pero hindi ng pagmamay-ari nito. Ang isang namumuhunang may mga share ng gintong ETF ay partido sa isang kontratang kumakatawan sa karapatan sa isang partikular na porsyento ng naka-pool na ginto. Hindi puwedeng ipalit ang mga gintong ETF sa buong pagmamay-ari ng ginto. Halimbawa, sa mga panahon ng krisis at volatility, puwedeng maging mas mababa ang halaga ng kontrata kaysa sa pinagbabatayang halaga ng gintong kinakatawan nito sa oras ng settlement.

Sa kabaliktaran, ang PAXG ay isang digital na representasyon ng ginto. Kumakatawan ang bawat PAXG token sa isang fine troy ounce ng gintong nasa mga naka-secure na vault sa London na matutukoy gamit ang mga serial number. Hindi inaabot ng ilang araw ang pag-settle ng pag-trade ng PAXG hindi tulad ng kapag nagte-trade ng mga pisikal na gold bar. Dahil nasa Ethereum ang PAXG bilang ERC-20 token, puwedeng i-trade ang PAXG nang may halos instant na settlement.


Paano bumili ng PAXG sa Binance?

Puwede kang bumili ng PAX Gold (PAXG) sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] - [Spot].

2. Hanapin ang “PAXG” para makita ang mga available na pares sa pag-trade, kasama na ang PAXG/BUSD, PAXG/USDT, PAXG/BNB, and PAXG/BTC.

3. Pumunta sa kahon ng [Spot] at ilagay ang halaga ng PAXG na bibilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng PAXG] at ike-credit ang nabiling PAXG sa iyong Spot Wallet.


Mga pangwakas na pananaw

Bagama't iba't ibang opsyon sa pamumuhunan sa crypto ang sumikat sa mga kamakailang taon, karaniwan pa rin ang mga pisikal na commodity sa mga portfolio ng mga tradisyonal na namumuhunan. Layunin ng PAXG na mag-alok ng alternatibong pinapagana ng blockchain sa kilala nang merkadong ito sa pamamagitan ng paggamit sa bilis at liquidity ng mga crypto asset.