Ano ang MANTRA (OM)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang OMniverse?
Paano bumili ng OM sa Binance  
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang MANTRA (OM)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang MANTRA (OM)?

Ano ang MANTRA (OM)?

Intermediya
Na-publish Aug 31, 2022Na-update Oct 19, 2022
4m



TL;DR

Ang MANTRA ay isang vertically-integrated na ecosystem ng blockchain. Sumasaklaw ang MANTRA OMniverse sa DAO; MANTRA Nodes: isang negosyong infrastructure-as-a-service sa blockchain; MANTRA Chain: isang protocol para sa iba't ibang asset para sa ecosystem ng Cosmos; at MANTRA Finance: isang platform ng DeFi na nagdadala ng bilis at transparency ng DeFi sa mundo ng TradFi.

Panimula

Ang MANTRA, na inilunsad noong 2020, ay isang vertically-integrated na ecosystem ng blockchain. Dating kilala ang ecosystem bilang MANTRA DAO at may reputasyon ito ng pagiging bukas at matapat na diskarte sa pag-trade ng crypto, pagbuo ng pondo, at inobasyon, na lahat ay bahagi ng layunin nitong gawing personal, ligtas, at secure ang pangunguna sa crypto.

Ano ang OMniverse?

Kasama sa pagpapalit ng brand ng MANTRA ang pagbago sa istruktura ng MANTRA para maging ecosystem ng MANTRA na sumasaklaw sa lahat, na kilala rin bilang OMniverse. Ang OMniverse ay binubuo ng apat na stack na kinabibilangan ng maraming iba't ibang produkto at serbisyo na iniaalok ng MANTRA sa mga retail at institusyonal na namumuhunan. Ang apat na stack ay MANTRA Nodes, MANTRA Chain, MANTRA Finance, at MANTRA DAO, na bawat isa ay binubuo ng isang hanay ng mga makabagong produkto sa ecosystem ng MANTRA. 

MANTRA Nodes

Ang MANTRA Nodes ay ang haligi ng vertically integrated na stack na siyang pundasyon ng OMniverse. Ang pangunahing function ng mga pagpapatakbo ng node ay kumita para sa negosyo at palaguin ang mga hawak ng komunidad ng Sherpa sa pamamagitan ng mas maraming pagkakataong makakuha ng yield sa maraming blockchain. Dagdag pa rito, sinusuportahan ng mga node ng validator na ito ang MANTRA sa pagbuo ng presensya sa mga bago at paparating na network ng blockchain at pagpapalago nito para maging mas malaking institusyonal na espasyo bilang ecosystem. Nagbibigay rin ito ng mga pagkakataong palaguin ang multi-chain na ecosystem ng DeFi ng MANTRA.

Nag-aalok din ang MANTRA ng Infrastructure as a Service (IaaS), ibig sabihin, puwede itong mag-set up ng mga pagpapatakbo ng node ng validator para sa mga institusyon at indibidwal. Kasama rin sa hanay ng serbisyo ng MANTRA Nodes ang pamamahala ng node, pag-stake sa retail (sa loob at labas ng chain), mga institusyonal na node, at pag-develop at pag-deploy ng cloud / white-label node.

MANTRA Chain

Ang MANTRA Chain ay ang protocol para sa ecosystem ng Cosmos. Interoperable ito sa iba pang blockchain sa Cosmos sa pamamagitan ng module ng IBC, na nagbibigay ng mga tool ng developer at pagkakataong bumuo ng kahit ano mula sa mga laro at mga web3 application hanggang sa mga secure at desentralisadong palitan (decentralized exchange o DEX). Compatible din ang network sa EVM, kung saan pinagsasama ang pagiging flexible at pagiging maaasahan ng ecosystem ng Cosmos at Ethereum sa isang environment na angkop sa mga builder. 

Gumagamit din ang MANTRA Chain ng napakahusay na decentralized identify (DID) module para sa lahat ng pangangailangan sa KYC at AML. Pinapangasiwaan ng module ang pag-develop ng mga produktong gumagamit ng mga pinahusay na feature at ecosystem.

MANTRA Finance

Layunin ng MANTRA Finance na maging platform na nagdadala ng bilis at transparency ng DeFi sa kilala na pero hindi transparent na mundo ng TradFi. Magbibigay-daan ang platform para makapag-trade, makapag-isyu, at kumita ang mga user sa buong mundo mula sa mga digital asset sa paraang hindi custodial at hindi nangangailangan ng pahintulot.

MANTRA DAO

Mula noong nabuo ito, noon pa man ay nakatuon na ang MANTRA sa pagbibigay ng pagkakataon sa komunidad nito na maging bahagi ng bawat yugto, at ang transparent na mekanismo ng pamamahala ang sentrong nagbubuklod sa mga tao. Para maabot ang mas malawak na komunidad sa labas ng OMniverse at mga Sherpa, sinisikap ng M DAO na madala ang pilosopiya at istrukturang ito sa iba pang proyekto at sa maraming protocol ng mga ito.

Nag-aalok ang stack ng mga serbisyo sa DAO na secure na nagpapahusay sa iba't ibang function sa negosyo ng mga DAO, mula sa pananalapi hanggang sa pamamahala ng HR. Halimbawa, kasama sa ilang solusyon ng DAO ang pamamahala ng treasury, pag-isyu at mga launchpad ng DAO, at pamamahala at mga grant ng DAO, pati na rin ang pag-stake at DeFi sa DAO.

Kasama sa ilang matagumpay na partnership sa DAO ang HeliSwap, ang unang DEX at DAO sa network ng Hedera at ang ZENSTAR, ang unang money-market na batay sa substrate na binuo sa network ng Astar sa Polkadot.

Ang OM Token

OM ang native token ng OMniverse at mayroon itong iba't ibang gamit kasama na ang:

Pamamahala: Ang mga nagse-stake ng OM ay puwedeng mag-isyu ng mga mungkahi, lumahok sa mga botohan sa pamamahala, at magmungkahi ng mga pagpapahusay sa iba't ibang produkto sa OMniverse.

Pag-stake: Puwedeng i-stake ang OM sa mismong web app ng MANTRA o sa Binance para sa passive na pagkita ng yield.

Access sa Token ng DAO / Mga Insentibo sa Airdrop: Nakakakuha ang mga nagse-stake ng OM ng espesyal na access sa mga bagong isyung token ng DAO pati na rin sa mga nakikipag-partner na airdrop ng token ng DAO.

Ngayong pamilyar ka na sa mahahalagang stack na bumubuo sa MANTRA bilang ecosystem, tingnan natin kung paano ka makakabili ng mga token ng MANTRA, ang OM, sa Binance. 

Paano bumili ng OM sa Binance  

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] -> [Spot].

2. I-type ang “OM” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang OM/BUSD bilang halimbawa.

3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng OM na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng market order. I-click ang [Bumili ng OM] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling OM.

Paano mag-stake ng OM sa Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa ang [Earn] - [Binance Earn].

2. I-type ang “OM” sa search bar para makita ang mga available na tagal ng pag-trade (30, 60, o 90 araw) at i-click ang [Mag-stake Na].

3. Ilagay ang halaga ng OM na gusto mong i-stake at i-click ang [kumpirmahin].

Mga pangwakas na pananaw

Bagama't layunin ng MANTRA na gumawa ng secure, ligtas, at personal na ecosystem para sa mga user nito, laging mahalagang tandaan na may mga panganib din sa industriya ng crypto. Kapag naging pamilyar ka sa imprastraktura ng MANTRA, mauunawaan mo ang mga serbisyong ibinibigay sa OMniverse.