TL;DR
Pinamamahalaan ang APE ng ApeCoin DAO at sinusuportahan ito ng APE Foundation. Sa pamamagitan ng APE, makakaboto ang mga may hawak ng token sa mga panukala sa pamamahala sa DAO at makaka-access sila ng mga eksklusibong feature ng APE ecosystem, gaya ng mga laro, event, at serbisyo.
Ginagamit na rin ng Yuga Labs, ang creator ng mga sikat na NFT na koleksyon na Bored Ape Yacht Club (BAYC), ang APE bilang pangunahing token para sa lahat ng bagong produkto at serbisyo.
Panimula
Ano ang ApeCoin (APE)?
Ang APE ay isang ERC-20 na token na may kabuuang supply na 1 bilyong token. Kontrolado at binubuo ito ng komunidad. Ang ApeCoin DAO ay isang desentralisadong organisasyong nagbibigay-daan sa lahat ng may hawak ng APE na bumoto sa mga desisyon sa pamamahala na nauugnay sa token.
Bilang karagdagan, ginagamit din ng Yuga Labs ang APE bilang pangunahing token para sa lahat ng bagong produkto at serbisyo. Ang Yuga Labs ang creator ng trending na Bored Ape Yacht Club (BAYC) na mga NFT na koleksyon. Pag-aari din nito ang IP ng dalawa pang sikat na NFT na proyekto, ang CryptoPunks at Meebits.
Paano gumagana ang APE work?
Ginawa ang APE para magamit sa lumalaking APE ecosystem. Pinamamahalaan ito ng ApeCoin DAO at sinusuportahan ng APE Foundation.
Ang APE Foundation ang legal na tagapagbantay ng DAO. Pinangangasiwaan nito ang paglago at pag-unlad ng APE ecosystem sa paraang patas at inklusibo. Sa Foundation, may espesyal na konsehong tinatawag na Board. May tungkulin ito na tiyaking maipapatupad ang mga adhikain ng komunidad. Ang Board ay binubuo ng 5 miyembro mula sa komunidad ng tech at crypto, kabilang ang co-founder ng Reddit na si Alexis Ohanian. Bilang isang desentralisadong Board, magsisilbi ang mga inisyal na Board member sa loob ng 6 na buwan bago bumoto ng mga bagong miyembro ng Board ang mga may hawak ng APE kada taon.
Ano ang APE ecosystem?
Ang APE ecosystem ay binubuo ng komunidad ng mga may hawak ng ApeCoin, at lahat ng produkto at serbisyong gumagamit ng APE.
Ang Yuga Labs ay isang web3 na kumpanyang kilalang-kilala dahil sa paggawa sa Bored Ape Yacht Club. Magiging miyembro ito ng komunidad sa ApeCoin DAO at gagamit ito ng APE bilang pangunahing token sa lahat ng bagong proyekto. Noong inilunsad ang ApeCoin, nagkaroon ng pagkakataong sama-samang makapag-claim ng 15% ng supply ng ApeCoin (150 milyong token sa 1 bilyong kabuuang supply na token) ang mga may hawak ng mga Bored Ape Yacht Club at Mutant Ape Yacht Club na NFT.
Tingnan natin ang mga NFT na koleksyong nauugnay sa APE ecosystem.
Bored Ape Yacht Club (BAYC)
Mutant Ape Yacht Club (MAYC)
Naging paraan din ang MAYC na makapaghikayat ng mas maraming miyembro sa komunidad ng APE. Kaya naman 10,000 mutant Ape din ang na-mint para maibenta sa publiko noong Agosto 2021 kasunod ng airdrop ng mutant serum.
Bored Ape Kennel Club (BAKC)
Ang Bored Ape Kennel Club (BAKC) ay isang koleksyon ng mga asong NFT na ginawang available sa bawat isang miyembro ng BAYC. Para sa bawat Bored Ape na NFT na hawak nila, puwedeng “mag-ampon” ang mga may hawak ng isang random na Club Dog na NFT nang libre, bayad sa gas lang ang dapat bayaran. Gaya ng mga Ape, may iba't ibang katangian at rarity ang 10,000 BAKC na NFT.
Ano ang magagawa ng mga APE token?
Maraming nagagawa ang ApeCoin token sa APE ecosystem. Nagbibigay-daan ito na makasali ang mga may hawak sa ApeCoin DAO bilang governance token. Makaka-access din ang mga may hawak ng APE ng mga eksklusibong feature ng APE ecosystem, kabilang ang mga laro, merch, event, at serbisyo.
Paano bumili ng APE sa Binance?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para magsimula.
