Paliwanag Tungkol sa Mga Pagbabayad ng Crypto
Home
Mga Artikulo
Paliwanag Tungkol sa Mga Pagbabayad ng Crypto

Paliwanag Tungkol sa Mga Pagbabayad ng Crypto

Baguhan
Na-publish Feb 11, 2022Na-update Feb 9, 2023
7m

TL;DR

Dumarami na ang mga retailer, indibidwal, at negosyo na tumatanggap ng mga pagbabayad ng crypto. Bagama't makakapaglipat ka ng mga pondo nang manu-mano, nagbibigay ang mga gateway ng pagbabayad ng mas simpleng paraan para tumanggap ng mga pagbabayad ng crypto. Sa pamamagitan nito, hindi mo na kailangang kumopya ng mga address nang manu-mano at magkamali. Puwede ka ring gumamit ng crypto debit o credit card para magbayad ng fiat gamit ang crypto na mayroon ka sa isang naka-link na account.

Ang mga pagbabayad ng crypto ay nagbibigay ng mura, madali, at mabilis na paraan para maglipat ng mga pondo. Hindi kailangang gumamit ng mga lokal na fiat currency para sa mga internasyonal na paglilipat. Kadalasan, mas madaling gamitin ang isang serbisyo sa pagbabayad kaysa sa isang wallet at mayroon din itong suporta sa customer. Sa kabilang banda, ang isang gateway ng pagbabayad ay nagbibigay ng mas kaunting kontrol, puwedeng maningil ng bayarin, at mas matagal i-set up kaysa sa karaniwang wallet.

Puwede kang magsimulang magbayad ng crypto gamit ang Binance Pay. Available ang serbisyo sa lahat ng user ng Binance na may crypto wallet at hindi ito naniningil ng bayad. Kapag handa ka na, puwede ka nang magsimulang magbayad sa sinupamang user ng Binance Pay o sinusuportahang retailer. Puwede ka ring mag-order ng libreng Binance Card kung mas gusto mong magbayad gamit ang credit o debit card.


Panimula

Bagama't sikat ang crypto sa ispekulasyon at pamumuhunan, may isa pa itong gamit: ang mga pagbabayad. Madaling makalimutan na gumagamit ang mga tao ng mga cryptocurrency gaya ng BNB, BTC, at BUSD para maglipat ng halaga. Ang malalaking retailer, gaya ng Microsoft at Starbucks, at maliliit na negosyo ay nagsimula nang tumanggap ng mga pagbabayad ng crypto para sa kanilang mga produkto at serbisyo. 

Karaniwan itong ginagawa sa pamamagitan ng isang gateway ng pagbabayad para pasimplehin ang proseso. Puwede ka pa ngang gumamit ng crypto para magbayad ng mga item sa fiat currency gamit ang crypto card. Kaya gusto mo mang magbayad sa isang kaibigan o bumili ng isang item, maraming opsyong gumagamit ng teknolohiya ng blockchain.


Paano gumagana ang mga pagbabayad ng crypto?

Sa pinakasimpleng antas nito, ang pagbabayad ng crypto ay naglilipat ng mga cryptocurrency mula sa isang wallet papunta sa isa pa. Para magawa ito nang manu-mano, kakailanganin mo ang pampublikong address ng tatanggap. Gamit ang iyong wallet, kokopyahin mo ang address at ipapadala mo ang mga pondo. Bagama't mukha itong madali, puwedeng maging mahirap at nakakatakot ang proseso para sa mga baguhan. Hindi bihirang makagawa ng mga permanenteng pagkakamali ang user, gaya ng pagpapadala ng maling uri ng crypto sa isang partikular na address o pagpili sa maling network ng blockchain. Dahil walang paraan para magbalik ng transaksyon sa crypto, kadalasang humahantong ito sa malalaking pagkalugi.

Para makatulong na gawing walang palya ang proseso, gumawa ang mga crypto service provider gaya ng Binance ng mga mas madaling gamiting paraan ng pagbabayad ng crypto. Sa pamamagitan ng mga gateway na ito, ang kumplikadong proseso ay nagiging isang prosesong puwedeng gawin sa loob lang ng ilang segundo. Nag-iiba-iba ang mga eksaktong hakbang depende sa magpoproseso ng pagbabayad, pero ganito ang karaniwang paraan:

1. May customer na nagpasyang magbayad ng produkto o serbisyo, o may gustong magbayad sa isang kaibigan.

2. Gagawa ang tatanggap ng digital na invoice na babayaran gamit ang gateway ng pagbabayad niya. Karaniwang isa itong QR code na naglalaman ng tatanggap na address ng wallet at ng halagang kailangan. Halimbawa, sa pagbili ng $10 (US dollar) na pagkain, kailangan ng $10 ng isang partikular na cryptocurrency sa kasalukuyang rate ng merkado.

3. Isa-scan ng magbabayad ang QR code gamit ang app at kukumpirmahin niya ang pagbabayad. 

4. Ililipat ang crypto sa account o digital wallet ng babayaran.

Puwedeng makumpleto ang buong prosesong ito sa ilang pag-click lang. Mas ligtas at mas kumbinyente rin ito kaysa sa pagsubok na gawin ang lahat ng hakbang nang manu-mano.


Mga crypto card para sa mga pagbabayad

Isa pang opsyon para sa mga pagbabayad ng crypto ang paggamit ng isang credit o debit card na naka-link sa crypto. Sa ganitong paraan, makakapagbayad ka gamit ang mga cryptocurrency kahit na fiat lang ang tinatanggap ng babayaran. Para makagamit ng crypto card, kakailanganin mong mag-store ng mga coin at token sa iyong card provider. Kapag may binili ka, ibebenta ng palitan ng cryptocurrency ang iyong mga digital asset para sa kinakailangang fiat at ipapadala nito ito sa babayaran. Sa ilang sitwasyon, posible ring binabayaran mo ang iyong buwanang credit gamit ang crypto. Magbabago ang mga eksaktong tuntunin depende sa nag-isyu o institusyon sa pananalapi.

Puwede kang gumamit ng mga crypto card sa mas maraming lugar kaysa sa mga gateway ng pagbabayad ng crypto. Gayunpaman, mas mahirap magbayad sa isang kaibigan nang direkta maliban na lang kung tumatanggap siya ng pagbabayad gamit ang card. Kung gusto ng babayaran na mabayaran siya gamit ang crypto, hindi rin angkop ang card. Sa kasalukuyan, parehong nag-aalok ang Visa at Mastercard ng mga opsyong crypto card sa pamamagitan ng iba't ibang provider ng serbisyong pampinansyal.


Ano ang mga bentahe ng pagbabayad ng crypto?

May mga bentahe ang pagbabayad sa isang tao gamit ang crypto kahit hindi gumamit ng gateway ng pagbabayad o crypto card. Kapag isinama ito sa isang sistema ng pagbabayad, nasa karanasan ang pinakamagagandang aspekto ng dalawang opsyon:

1. Magagamit ang Bitcoin (BTC) at iba pang cryptocurrency sa halos kahit saang bansa. Sa pamamagitan nito, hindi mo na kailangang mag-convert sa lokal na fiat currency kapag nagsasagawa ka ng mga internasyonal na pagbabayad.

2. Depende sa provider ng mga pagbabayad ng crypto, puwedeng pumasok halos agad-agad ang iyong mga transaksyon. Karaniwan itong nangyayari kapag pareho ninyong ginagamit ang iisang serbisyo. Kahit na hindi agaran ang iyong transaksyon, kadalasan, puwede itong maging mas mabilis kaysa sa paglilipat sa bank account at mas mura dahil sa mas kaunting bayarin sa transaksyon.

3. Ang isang serbisyo sa mga pagbabayad ng crypto ay may customer support team na tutulong sa iyo sa anumang teknikal na isyu. Karaniwang hindi ganito ang sitwasyon kapag manu-mano kang naglipat ng mga pondo gamit ang isang custodial na crypto wallet.

4. Para sa maraming tao, ang gateway ng mga pagbabayad ng crypto ay mas simpleng gamitin kaysa sa pag-set up ng wallet nang sila mismo at pamamahala rito.


Ano ang mga kahinaan ng mga pagbabayad ng cryptocurrency?

Bagama't madaling makita ang mga bentahe, baka makahanap ang mga sanay nang user ng ilang limitasyon kapag nagbabayad sila gamit ang crypto:

1. Wala ka masyadong kontrol kaysa kung ikaw mismo ang magse-set up ng wallet. Maraming taong mas gusto ang tradisyonal na karanasan ng pagkakaroon ng buong kustodiya sa kanilang crypto. Epektibong nagdaragdag ng tagapamagitan sa proseso ang gateway ng pagbabayad.

2. Puwedeng makaranas ng mataas na volatility ang mga presyo ng crypto kung hindi ka gumagamit ng stablecoin. Dahil dito, puwedeng mahirapan ang babayaran na planuhin nang tumpak ang pera niya.
3. Baka kailangan mong dumaan sa mahabang proseso ng pag-sign up dahil sa mga pagsusuri ng KYC at AML. Bagama't pinapanatiling ligtas ng mga ito ang mga tao, mas matrabaho ito kaysa kung ikaw mismo ang gagawa ng wallet. 

4. Maniningil ng bayarin ang ilang network ng pagbabayad para sa iniaalok nilang serbisyo.

5. Hindi pa rin malawakang tinatanggap ang pagtanggap ng crypto bilang paraan ng pagbabayad.


Ano ang Binance Pay?

Ang Binance Pay ay isang serbisyo sa mga pagbabayad ng crypto na iniaalok sa lahat ng user ng Binance. Nag-aalok ito ng walang hangganan at walang contact na paraan para mabilis na makapaglipat at makatanggap ng mga cryptocurrency. Para makapagpadala ng crypto, ang kakailanganin mo lang ay ang email, mobile number, o ID ng pagbabayad ng isang tao. Puwede ka ring gumawa ng QR code na tumutukoy ng halaga, cryptocurrency, at mensaheng ipapadala sa magbabayad. Ang Binance Pay ay mayroon ding listahan ng Mga Tindahan ng Merchant na tumatanggap ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng serbisyo.


Paano ako makakagamit ng Binance Pay?

Kung mayroon ka nang Account sa Binance, pumunta sa tab na Binance Pay. Pagkatapos, aatasan kang gumawa ng alyas para sa serbisyo bago ka magsimulang magbayad at tumanggap ng bayad.


Sa tab na [Magpadala], makakapagbayad ka gamit ang email, mobile number, o ID. Ipapakita ng tab na [Tumanggap] ang iyong personal na QR code, at ang opsyong i-customize ito para sa partikular mong transaksyon. Para sa mga mas detalyadong tagubilin, tingnan ang aming FAQ na Paano Magpadala ng Cryptocurrency sa Isang Indibidwal gamit ang Binance Pay.


Gamit ang Binance Card

Kung interesado kang gamitin ang iyong crypto para magbayad ng mga pang-araw-araw na pagbili gamit ang fiat, crypto card ang pinakamagandang opsyon mo. Puwede kang mag-sign up para sa libreng Binance Visa Card gamit ang iyong account sa Binance, hangga't nakumpleto mo na ang mga kinakailangang pagsusuri ng KYC at AML. Para magamit ito, ilipat lang ang crypto na gusto mong gamitin sa card papunta sa iyong Funding Wallet. Kapag nagbayad ka gamit ang card, ibebenta ang crypto kapalit ng lokal na currency na gagamitin mo sa pagbabayad at ililipat ito sa vendor.



Mga pangwakas na pananaw

Mula noong unang sikat na pagbili ng pizza sa totoong buhay gamit ang Bitcoin sa halagang 10,000 BTC noong 2010, gumagamit na ng crypto ang mga tao para magbayad. Pagkalipas ng mahigit sampung taon, mula sa manual na proseso, umusad na tayo sa mga naka-integrate na gateway ng digital currency na iniaalok sa pamamagitan ng mga serbisyo sa pagbabangko at crypto ng FinTech. Kung gusto mong magsimulang mag-eksperimento sa mga pagbabayad ng crypto, tingnan sa iyong palitan ng crypto para malaman kung anong mga serbisyo ang iniaalok nila.