Gabay sa Binance Chain Explorer
Gabay sa Binance Chain Explorer
Home
Mga Artikulo
Gabay sa Binance Chain Explorer

Gabay sa Binance Chain Explorer

Baguhan
Na-publish Feb 20, 2019Na-update Jan 31, 2023
3m

Mag-navigate papunta sa Binance Chain Explorer


Ano ang Binance Chain Explorer? 

Ang explorer ay isang graphic user interface na idinisenyo para mabigyang-daan ang mga user na makipag-interact sa blockchain. Sa pamamagitan ng interface na ito, ang isang user ay makakapag-browse ng impormasyon tungkol sa mga block na idinagdag sa blockchain, mga transaksyong nangyari sa blockchain, mga balanse ng wallet at impormasyon tungkol sa BNB.


Gabay sa Binance Chain Explorer


Pangkalahatang-ideya

Kung gusto mong maghanap ng partikular na block, transaksyon, order, asset, o address, magagawa mo iyon sa pamamagitan ng search bar sa banner ng Binance Chain Explorer. 

Puwede mo ring suriin ang latest price, market cap, at 24h na dami para sa BNB.

Gabay sa Binance Chain Explorer


Mga Transaksyon

Mula sa front page ng Binance Chain Explorer, may makikita kang buod ng 6 na pinakabagong transaksyon sa Binance Chain. Kung gusto mong tumingin ng higit pa, puwede mong i-click ang “Tingnan lahat >>”.

Gabay sa Binance Chain Explorer


Kapag tinitingnan ang lahat ng transaksyon, makikita mo ang TxHash (Hash ng Transaksyon, o ID ng Transaksyon), taas ng block, tagal ng transaksyon, kung anong uri ng transaksyon ito (paglalagay ng order, pagkansela ng order, o paglilipat), kung aling address ang nagpasimula ng transaksyon, at ang address na nakatanggap ng asset kung ‘paglilipat’ ang uri ng transaksyon. 

Gabay sa Binance Chain Explorer


Para tumingin pa ng mga detalye tungkol sa isang partikular na transaksyon, kapag na-click mo ang isang TxHash, mapupunta ka sa mas detalyadong pangkalahatang-ideya ng mga parameter ng partikular na transaksyong iyon. 

Gabay sa Binance Chain Explorer


Mga Block

Mula sa front page ng Binance Chain Explorer, may makikita kang buod ng 10 pinakabagong block na ginawa sa Binance Chain. Kung gusto mong tumingin ng higit pa, puwede mong i-click ang “Tingnan lahat >>”

Gabay sa Binance Chain Explorer

Kapag tinitingnan ang lahat ng block sa blockchain, makakakita ka ng impormasyon tungkol sa taas ng block, oras kung kailan ginawa ang block, tagal ng block, dami ng mga transaksyon sa block, node na gumawa ng block, at bayaring nauugnay sa block na iyon. 

Gabay sa Binance Chain Explorer

Para tumingin pa ng mga detalye tungkol sa isang partikular na block, kapag na-click mo ang isang taas ng block, mapupunta ka sa mas detalyadong pangkalahatang-ideya ng mga parameter ng partikular na block na iyon. 

Gabay sa Binance Chain Explorer


Mga Asset

Puwede mo ring tingnan ang lahat ng asset na inisyu sa Binance Chain sa pamamagitan ng pagpunta sa asset explorer. Makakakita ka rito ng impormasyon gaya ng pangalan ng asset, market capitalization, current price, kabuuang supply, at address ng creator.