Gabay sa Baguhan sa Binance
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula 
Paano gumawa ng account sa Binance
Paano bumili ng crypto sa Binance
Paano mag-trade ng crypto sa Binance
Paggamit sa Classic at Advanced na interface ng pag-trade
Paano gawing ligtas ang iyong account sa Binance
Mga pangwakas na pananaw
Gabay sa Baguhan sa Binance
HomeMga Artikulo
Gabay sa Baguhan sa Binance

Gabay sa Baguhan sa Binance

Baguhan
Published Apr 5, 2021Updated May 23, 2022
7m

Panimula 

Kung medyo nakakaranas ka ng FOMO sa crypto, puwede kang magbukas ng account sa Binance ngayon at magsimulang mamuhunan o mag-trade sa loob lang ng ilang minuto. Simple lang ang mga hakbang. Magbukas ng account, pumili ng paraan ng pagbabayad, at magsimulang mag-trade. Ituturo sa iyo ng gabay na ito kung paano magsimula sa palitan ng Binance. Kung naghahanap ka ng mas detalyadong gabay para sa baguhan tungkol sa Bitcoin at mga cryptocurrency, tingnan ang aming page na Magsimula Rito.


Paano gumawa ng account sa Binance

Ang isang account sa Binance ay nagsisilbing daan mo patungo sa crypto trading. Pero bago ka makabili ng iyong unang bitcoin o BNB, kailangan mong magbukas ng account.
1. Pumunta sa homepage ng Binance at i-click ang [Magrehistro] sa kanang sulok sa itaas.


2. Ilagay ang iyong email address at pumili ng secure na password. Kung gusto mo, puwede ka ring mag-sign up gamit ang iyong mobile number sa halip na email. Kung binigyan ka ng referral code ng iyong kaibigan, ngayon mo na rin iyon dapat ilagay.


3. Sundin ang mga tagubilin para ma-verify ang iyong account sa pamamagitan ng paglalagay ng code na ipinadala sa iyong email address o mobile number.

4. Kapag na-verify ka na, naka-set up na dapat ngayon ang iyong account sa Binance. Malapit ka nang makabili ng cryptocurrency, kaya pag-usapan na natin kung paano ka makakabili ng crypto sa unang pagkakataon.


Paano bumili ng crypto sa Binance

Bago ka makabili ng crypto sa Binance, kailangan mong kumpletuhin ang proseso ng pag-verify sa pagkakakilanlan na kilala bilang Know Your Customer (KYC). Nakakatulong sa amin ang KYC na siguraduhin na tama ang pakilala mo sa iyong sarili at tugunan ang aming mga legal na kinakailangan.

Kapag tapos ka na sa pag-verify sa pagkakakilanlan, makakabili ka na ng crypto sa iba't ibang paraan.

1. Credit/debit card: ang pinakamadaling opsyon para sa mga bagong user.
2. Magdeposito ng mga pondo sa iyong Fiat at Spot wallet: Maglipat ng fiat currency mula sa iyong bank account at gamitin ito sa palitan.
3. Binance P2P: Bumili ng crypto mula mismo sa iba pang user sa pamamagitan ng peer-to-peer na serbisyo ng Binance.


Pagbili ng crypto gamit ang credit/debit card

1. Kung nasa welcome screen ng Binance ka pa rin, piliin ang [Bumili ng crypto gamit ang iyong credit card]. Kung hindi, mag-hover sa [Bumili ng Crypto] at piliin ang [Credit/Debit Card] mula sa homepage ng Binance.


2. Piliin ang currency na ipambabayad mo at ang coin na gusto mong bilhin. Sa ating halimbawa, pinili natin ang £100 na halaga ng Bitcoin (BTC). Pindutin ang button na [Magpatuloy] para magpatuloy sa pagpili sa iyong card para sa pagbabayad. Gamit ang toggle na [Umuulit na Pagbili], makakapag-set up ka ng mga pana-panahong pagbili o pagbebenta kung gusto mo.


3. Kakailanganin mo na ngayong idagdag ang mga detalye ng iyong credit o debit card. Kumpirmahin ang halaga, at pagkatapos ay i-click ang [Magdagdag ng bagong card].


4. Ilagay ang mga detalye ng iyong card at i-click ang [Susunod]. Tandaan na ang magagamit mo lang ay credit o debit card na nasa pangalan mo.


5. Ilagay ang iyong address ng pagsingil at i-click ang [Magdagdag ng Card].


6. Babalik ka na ngayon sa page na [Bumili ng crypto sa pamamagitan ng card]. I-double check ang halaga at i-click ang [Magpatuloy].


7. I-double check ang mga detalye ng order at, kung nabasa mo na at sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Paggamit at Patakaran sa Privacy ng Binance, markahan ang checkbox. Pagkatapos ay i-click ang [Kumpirmahin] para tapusin ang iyong pagbabayad.



8. Kapag kumpleto na ang proseso, make-credit sa iyong [Fiat at Spot] wallet ang binili mong crypto. Kadalasan, makakapagbukas ng account at makakaabot sa puntong ito sa loob ng 10 minuto.


Paano mag-trade ng crypto sa Binance

Sa puntong ito, malamang na gusto mo nang magsimulang mag-trade ng mga cryptocurrency. Kung hindi ka sanay sa tradisyonal na interface ng pag-trade, inirerekomenda namin ang paggamit ng feature ng Pag-convert. Maa-access mo ito sa pamamagitan ng pag-hover sa [Mag-trade] at pagpili sa [Mag-convert] mula sa homepage ng Binance.


Gamit ang tool ng Pag-convert, puwede mong piliin ang pares ng cryptocurrency na gusto mong i-trade gamit ang simpleng interface. Available din ang mga fiat currency kung gusto mong mag-cash out o bumili ng crypto gamit ang fiat. 

Piliin ang coin na ipapapalit mo sa field sa itaas at ilagay ang halaga. Gamitin ang field sa ibaba para piliin ang gusto mong cryptocurrency o fiat currency. Sa halimbawa natin, magte-trade tayo ng BNB para sa BTC. Pagkatapos kumpirmahin ang napili mo at i-click ang [I-preview ang Conversion], makakakita ka rin ng buod ng trade na isasagawa mo.


Tandaan na [Market] ang default na setting, ibig sabihin, makukuha mo ang kasalukuyang market price, na kilala rin bilang spot price. Kapag ayos na sa iyo ang preview, puwede mo nang kumpirmahin ang iyong order, at mangyayari na ang trade. Isasama rin ang bayarin.
Kung gusto mong gumawa ng limit order, piliin ang opsyong [Limit] sa kaliwang bahagi ng screen. Sa limit order, puwede kang bumili o magbenta ng crypto sa partikular na presyo o mas maganda.


Sa halimbawa natin sa ibaba, itatakda ang isang order para magbenta ng 1 BTC sa halagang hindi bababa sa 60,000 BUSD o higit pa. Mag-e-expire din ang order sa loob ng isang araw kung hindi matutugunan ang presyong 60,000 BUSD o mas mataas. Siguraduhing alamin ang higit pa tungkol sa mga limit order bago mo subukang magtakda nito nang mag-isa.


Paggamit sa Classic at Advanced na interface ng pag-trade

Nag-aalok ang Classic at Advanced na view ng pag-trade ng Binance ng dalawang opsyon para i-set up ang iyong karanasan sa pag-trade.


Parehong nagbibigay ang mga ito ng pangunahing functionality, pero nag-aalok ang advanced na UI ng ilang dagdag na feature. Parehong puwedeng i-customize ang mga view, ibig sabihin, puwede kang gumawa ng view ng palitan na angkop sa iyo.

Tingnan natin nang detalyado ang page ng advanced na pag-trade at isa-isahin natin ang mga feature nito. Tatalakayin din sa paliwanag na ito ang lahat ng feature ng Classic na view.

1. Ipinapakita nitong bar sa itaas ng panel ng pag-chart ang pares ng crypto o fiat na tinitingnan mo, ang kasalukuyang market price, at ang pagbabago sa presyo at dami ng pag-trade sa loob ng 24 na oras. Sa halimbawang ito, titingnan natin ang pares na magbibigay-daan sa ating mag-trade ng BUSD para sa BTC at kabaliktaran.
2. Nagpapakita ang view ng pag-chart ng graphical na representasyon ng ugnayan ng presyo ng dalawang asset. Ibinibigay ng TradingView ang mga graphic tool. Puwede kang matuto pa tungkol sa mga tool sa pag-chart sa aming gabay sa TradingView.
3. Ipapakita ng panel ng mga order ang anumang order na hindi mo pa napupunan. Makikita mo rin ang iyong kasaysayan ng order, kasaysayan ng trade, at mga pondo.
4. Nagpapakita ang [Order Book] ng detalyadong listahan ng mga presyo at dami. Sa pula, makikita mo ang mga kasalukuyang sell order sa iba't ibang presyo (mga ask price). Sa ibaba, sa berde, makikita mo ang mga kasalukuyang buy order kasama ang mga kaukulang bid price ng mga ito. Ang mas malaking halaga sa gitna (57,140.92 sa halimbawa natin) ang huling na-trade na presyo.
5. Sa panel ng [Spot] ka gagawa ng mga order para makapag-trade ka sa spot market. Ang Spot ang pinakatradisyonal na paraan ng pagbili at pagbebenta, at nase-settle agad ang trade. Sa kanan, may link sa mga merkado ng [Margin], na nagbibigay sa iyo ng opsyong mag-trade nang may leverage (gamit ang mga hiniram na pondo). Sumangguni sa aming Gabay sa Margin Trading ng Binance para sa higit pang detalye.
Nagbibigay-daan din sa iyo ang seksyong ito na pumili sa iba't ibang market order, kasama na ang mga limit, market, at stop-limit order. Siguraduhing naiintindihan mo ang iba't ibang uri ng order bago ka magsimula.
6. Ipinapakita ng panel ng [Mga Trade] ang mga pinakabagong matagumpay na trade, kasama na ang presyo at dami ng mga ito. 
7. Bilang pangwakas, mayroon tayong tab na [Mga Asset]. Makikita mo rito ang crypto na available na gamitin para sa pag-trade sa iyong [Fiat at Spot] wallet. Puwede mo ring ilipat ang iyong mga pondo mula sa iba pang wallet, at puwede ka ring magdeposito at mag-withdraw ng crypto.

Ang susunod na kailangang gawin ng sinumang baguhan sa Binance ay pag-isipan ang pagpapaigting ng seguridad ng kanyang account. Pagkatapos bumili ng iyong unang crypto, dapat maging pangunahing priyoridad mo na siguraduhing ligtas ang iyong mga asset.


Paano gawing ligtas ang iyong account sa Binance

Ang paggamit ng malakas na password at ang aming mga panseguridad na feature ay makakatulong na panatilihing ligtas ang iyong mga pondo. Siguraduhing magsimula sa mga sumusunod na hakbang.


Gumamit ng malakas na password at regular itong palitan

Napakadali nitong intindihin, pero magugulat ka sa dami ng taong gumagamit ng mga password na simple at madaling tandaan. Ang password ay dapat na laging may malalaking titik at maliliit na titik, at may kasamang mga simbolo. At siyempre, siguraduhing ligtas ito at huwag itong sasabihin kahit kanino.


I-enable ang Two-Factor Authentication (2FA)

Lubos naming inirerekomenda na i-set up mo ang iyong account na may two-factor authentication (2FA). Nagbibigay ito ng dagdag na antas ng seguridad, ibig sabihin, kahit na manakaw ng mga hacker ang iyong password, kailangan pa rin nilang magkaroon ng access sa iyong pisikal na 2FA device para makapag-log in.

Magandang mag-umpisa sa Google Authenticator app o SMS authentication. Maipapaliwanag ng aming Gabay sa Binance 2FA ang prosesong ito nang mas detalyado.


I-enable ang Anti-Phishing Code ng Binance

Kapag nagdagdag ka ng anti-phising code sa iyong account sa Binance, ipapakita sa itaas ng bawat email na matatanggap mo mula sa Binance ang code na ito. Puwede mong manu-manong tukuyin kung anong code ito mula sa isang serye ng mga titik o numero.

Sa ganitong paraan, makakatiyak ka na ang mensaheng natanggap mo ay mula mismo sa Binance at hindi mula sa pekeng email address. Sa madaling salita, makakatulong ito sa iyo para makaiwas ka sa mga pag-atake ng phishing.


Para sa higit pang impormasyon tungkol sa seguridad ng account, tingnan ang I-secure ang Iyong Account sa Binance sa 7 Simpleng Hakbang.


Mga pangwakas na pananaw

Ang pagbubukas ng account at ang pagsasagawa ng iyong mga unang trade sa Binance ay panimula pa lang sa mundo ng mga cryptocurrency. Mas marami ka pang magagawa maliban sa pagbili at pagbebenta sa palitan. Kung hindi ka pa nakakakita ng view ng pag-trade, posibleng mukha itong nakakalito sa umpisa. Ang Binance Academy ay puno ng mga artikulo at gabay sa pag-trade na makakatulong sa iyong magsimula sa mga tool sa pag-trade, pati na rin gumawa ng mga sarili mong diskarte sa pag-trade.