Isang Mabilis na Gabay sa Pag-stake ng BNB sa Binance Smart Chain (BSC)
Home
Mga Artikulo
Isang Mabilis na Gabay sa Pag-stake ng BNB sa Binance Smart Chain (BSC)

Isang Mabilis na Gabay sa Pag-stake ng BNB sa Binance Smart Chain (BSC)

Baguhan
Na-publish Mar 23, 2021Na-update Dec 28, 2022
6m

TL;DR

Nagbibigay-daan ang Binance Smart Chain sa isang walang hangganang imprastraktura para sa mababang bayarin. Pinapatakbo ito ng isang hanay ng 21 validator ng komunidad na nagpoproseso ng mga transaksyon, nagbibigay ng computing power at hardware, at nagpapanatili ng seguridad ng network. Bilang kapalit, tatanggap sila ng mga reward mula sa bayarin sa transaksyon at pag-stake ng BNB.

Gusto mo rin bang mag-ambag sa paglago ng BSC at makakuha ng reward para dito? Ang sinumang may hawak ng BNB ay puwedeng mag-ambag sa pamamagitan lang ng pag-stake ng BNB bilang isang delegator. Tingnan natin kung paano ito gumagana at kung paano ka puwedeng makilahok.


Panimula

Patuloy ang pag-usbong ng mga aktibidad ng BSC. Matindi ang naging paglago ng mga DApp gaya ng PancakeSwap, Venus, at iba pa. Kung hindi mo pa nasusubukan ang ecosystem ng BSC, puwede kang mag-umpisa sa pagbabasa ng aming Mabilis na Gabay sa BSC.

Kaugnay nito, hindi madali ang pagbuo ng isang ecosystem at komunidad ng mga proyekto, mga imprastraktura, mga developer, kagamitan, at mga user. Ito ang dahilan kaya makapangyarihan ang crypto at ito rin ang dahilan kaya posibleng maging isang uri ng common good ang open-source software.

Sinusuportahan ang Binance Smart Chain (BSC) ng ilang validator ng komunidad at delegator na puwedeng mag-stake ng BNB para kumita ng reward. Kung bago ka sa BSC o hindi mo lubos na naiintindihan ang papel ng mga validator at delegator, basahin ang aming artikulong Isang Paglalakbay Patungong Desentralisasyon: Mga Validator at Delegator.

Layunin ng mga validator ng komunidad na palaguin pa ang BSC at gawin itong mas accessible na ecosystem. Ano nga ba ang ibig sabihin nito at paano ka puwedeng makilahok?


Ano ang Binance Smart Chain (BSC) validator?

Gumagamit ang Binance Smart Chain ng isang modelo ng consensus na tinatawag na Proof of Staked Authority (PoSA). Ito ay pagsasama ng Proof of Authority (PoA) at Delegated Proof of Stake (DPoS). Kayang suportahan ng modelo ng consensus na ito ang maikling oras ng block at mababang bayarin, at nangangailangan lang ito ng 21 validator para tumakbo.

Nagpapalitan ang mga validator sa paggawa ng mga block. Mayroon silang kakayahang patakbuhin ang network ng BSC sa pamamagitan ng pagproseso ng mga transaksyon at pagpirma ng mga block. Kapalit ng kanilang serbisyo, kikita sila ng reward na mga BNB token. Samantala, nangangailangan din sila ng mga pang-araw-araw na pagboto sa pamamagitan ng pamamahala ng pag-stake para tuloy-tuloy silang maging bahagi ng pangkat ng mga validator.

Ano ang mga kinakailangan para maging isang validator? Kinakailangan ng isang validator na mag-spin up ng isang hardware node na may kinakailangang specs, magpatakbo ng isang buong BSC node at mag-stake ng minimum na 10,000 BNB. Pero hindi lang iyan. Ang mga kinakailangang ito ay para lang maging isang napiling kandidato.
Para talagang makapagsimula silang gumawa ng mga block, ang kandidato sa pagka-validator ay kailangang maging isang naihalal na validator. Ang mga naihalal na validator ay ang nangungunang 21 kandidato sa pagka-validator na may pinakamataas na kapangyarihan sa pagboto. Nababango ang mga ito tuwing 24 na oras sa pamamagitan ng isang patuloy na proseso ng eleksyon at puwede mong makita ito sa listahan ng mga nangungunang validator sa Binance.org.


Ano ang Binance Smart Chain (BSC) delegator?

Hindi para sa lahat ang pagiging isang validator, kaya paano ka puwedeng lumahok bilang isang regular na user? 

Puwede kang maging isang delegator at mag-stake ng iyong BNB sa mga kandidato sa pagka-validator sa isa sa mga sinusuportahang wallet. Sa pamamagitan ng pag-stake, puwede mong piliin ang iyong gustong validator at tulungan silang makamit ang minimum stake na hinihingi ng protocol. 

Kumbaga, ilalagay mo ang iyong BNB sa gusto mong validator. Tulad ng alam na natin, natatanggap ng mga validator ang kanilang reward sa anyo ng BNB. Alam din natin na napakabisa ng mga network ng cryptocurrency sa paggawa ng mga insentibong pangkabuhayan. Alam mo na siguro kung saan ito papunta. Bilang kapalit ng boto sa pag-stake, ibinabahagi ng validator ang parte ng kanyang mga kita sa mga delegator nito. Panalo ang lahat sa sitwasyong ito.
Kaya ring gampanan ng mga delegator ang isang prosesong tinatawag na redelegation. Ibig sabihin nito, puwede silang maglipat ng parte ng kanilang stake mula sa isang validator papunta sa isa pang validator. Mahusay na paraan ang redelegation para masuportahan ang higit sa isang validator nang sabay.
Puwede ring tanggalin sa pagkaka-delegate ng mga delegator ang kanilang stake. Tulad ng iniisip mo, ang ibig sabihin nito ay titigil sila sa pag-delegate sa validator na kaugnay nila sa delegation. Tandaan na ang pagtanggal sa pagkaka-delegate ay may panahon ng unbonding na umaabot ng 7 araw kung saan matatanggap ng delegator ang kanilang naka-stake na BNB sa huling araw. Hindi makakatanggap ang delegator ng mga reward na BNB sa panahon ng unbonding.


Dapat ba akong maging delegator sa Binance Smart Chain (BSC)?

Nasa sa iyo ang desisyon. Sa pagiging isang delegator, dine-delegate mo ang iyong stake sa iyong napiling validator. Pagkakatiwalaan mo rin silang bumoto sa mga desisyon sa pamamahala para sa iyo. Sandali, mayroon din bang mga karapatan sa pamamahala sa BNB? Oo. Puwedeng mamahala ang mga validator ng ilang feature ng network ng BSC, gaya ng pagbago sa presyo ng gas, pagbago sa mga parameter ng system, at pati na rin ang pag-upgrade sa blockchain.

Sa pamamagitan ng pag-delegate, puwede mo ring pataasin ang stake ng validator sa pangkalahatang pool ng reward. Dahil parehas kayong makikinabang sa pagsasanib-puwersa, parehas kayong kikita ng reward. Noong Pebrero 2021, ang average na pang-araw-araw na reward sa pag-stake para sa isang BSC validator ay 134 BNB. Samantala, ang average na APR para sa mga BSC delegator ay 60%.

Habang ang mga insentibong pangkabuhayan ay mainam at napapaikot ang mundo, ang pagiging delegator ay hindi lang tungkol sa mga kita. Sa pagiging isang delegator, direkta mong sinusuportahan ang operasyon at seguridad ng BSC.


Paano ako magiging isang validator sa Binance Smart Chain (BSC)

Ngayon, nagdesisyon ka nang sundin ang gusto mo at maging isang BSC validator. Ano ang kailangan mong gawin?

Para maging isang BSC validator sa BSC, kailangan mong matugunan ang mga ito:

  1. Magkaroon ng mga kinakailangan sa hardware.
  2. Magpatakbo ng isang BSC full node.
  3. Mag-stake ng hindi bababa sa 10,000 BNB.


Nagbibigay-daan ito sa iyong makasali sa listahan ng mga kandidato sa pagka-validator at potensyal na makahimok ng higit pang delegator para mag-stake (mag-delegate) ng kanilang BNB sa iyong validator. 

Hanggang sa ngayon, March 2021, ang nangungunang 21 naihalal na validator ay may higit sa 150,000 BNB na naka-stake, kaya mas marami kang kakumpetisyon (na maganda sa pangkalahatang kalusugan ng network). 

Kung gusto mo ng mas detalyadong teknikal na gabay sa kung paano ito gawin, basahin ang Gabay sa BSC Validator.


Paano ako magiging isang delegator sa Binance Smart Chain (BSC)

Ang pagiging isang delegator ay isang mainam na opsyon para sa iyo kung ayaw mong dumaan sa lahat ng teknikal na detalye ng pagiging isang validator. Kung may hawak kang BNB, ang pag-delegate ng iyong stake ay isang napakadaling paraan para suportahan ang BSC at kumita mula rito.

Puwede mong tingnan ang mga gabay na ito sa kung paano mo puwedeng i-stake ang iyong BNB gamit ang ilan sa mga sikat na wallet:


Ang mga reward sa pag-stake ay ipinamamahagi sa mga delegator araw-araw tuwing 00:00 UTC. Kapag dinelegate mo ang iyong stake sa isang validator, makakatanggap ka na ng mga reward sa ikalawang araw pagkatapos mong mag-delegate.

Ano ang mga return na puwede mong asahan? Gamitin natin ang isa sa mga sikat na validator bilang halimbawa, ang Ankr. Hanggang sa ngayon, March 2021, ang validator na ito ay may yield na 27% APR. Puwede na; pero, huwag kalimutang puwedeng magpabago-bago ang mga reward.


Mga pangwakas na pananaw

Developer ka man, user, o interesado lang sa DeFi, maraming paraan para makilahok sa pagbuo ng ecosystem ng BSC. Gayunpaman, ang pag-stake ng BNB ay isang napakahusay na paraan para makilahok ang kahit sino sa BSC bilang isang direktang tagasuporta ng kalusugan at seguridad ng network.

Kung gusto mong magbasa ng higit pang detalye ng pag-stake ng BNB, tingnan ang mga dokumento ng Binance Chain.
May mga tanong ka pa ba tungkol sa mga validator at delegator ng Binance Smart Chain? Tingnan ang aming platform ng Q&A, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga tanong.