Ano ang Pag-stake ng NFT at Paano Ito Gumagana?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Pag-stake ng NFT at Paano Ito Gumagana?

Ano ang Pag-stake ng NFT at Paano Ito Gumagana?

Baguhan
Na-publish Dec 13, 2021Na-update Sep 1, 2022
5m
Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anumang desisyon mo sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.
Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anumang desisyon mo sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.


TL;DR

Ang pag-stake ng NFT ay isang bagong paraan para magkaroon ng passive na kita sa mundo ng crypto. Nagbibigay-daan ito sa mga may-hawak ng NFT na i-lock ang kanilang mga asset sa mga DeFi platform para makatanggap ng mga reward. Puwedeng makuha ang lahat ng ito nang hindi ibinebenta ang kanilang mga koleksyon ng NFT.

Kagaya ng yield farming, umaasa ang pag-stake ng NFT sa mekanismong Proof of Stake (PoS) para bigyan ng reward ang mga kasali. Sa pamamagitan ng pag-lock ng mga NFT, puwedeng makatanggap ang mga user ng mga reward batay sa annual percentage yield (APY) at sa bilang ng mga NFT na na-stake.

Sa indibidwal na antas, puwedeng makinabang ang mga mamumuhunan sa pag-stake ng NFT, dahil mas malamang na mas mababa ang kabuuang supply. Pero sa mas malawak na konteksto, dahil sa pag-stake ng NFT, nadaragdagan ang paggagamitan ng mga NFT bukod pa sa ideya ng pangongolekta ng digital art.


Panimula

Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga non-fungible token (NFT), para sa karamihan ng mga tao, ito ay mga digital na representasyon ng mga art piece at collectible na puwedeng tumaas ang halaga sa paglipas ng panahon. Ibinabahagi ng ilang proyekto ng NFT ang kitang nakukuha nila sa komunidad ng mga may-hawak ng NFT. Kadalasan, nagmumula ito sa mga benta sa sekondaryang merkado at mga royalty.

Pero habang lumalago ang merkado ng NFT, nag-e-explore ang mga developer, artist, at kolektor ng mga bagong paggagamitan ng kanilang mga koleksyon ng NFT. Ang isa sa mga pinakabago ay ang paggamit sa mga NFT bilang mga utility token sa mga platform ng pag-stake. Halimbawa, sa ilang gaming metaverse, puwedeng i-stake ng mga kolektor ng NFT ang kanilang mga NFT para i-boost ang mga kakayahan ng kanilang character sa laro at makakuha ng mga karagdagang reward.


Ano ang pag-stake ng NFT at paano ito gumagana?

Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang pag-stake ng NFT ay tumutukoy sa pag-lock ng mga NFT sa isang platform o protocol para makatanggap ng mga reward sa pag-stake at iba pang pribilehiyo. Nagbibigay-daan ito sa mga may-hawak ng NFT na magkaroon ng passive na kita habang pagmamay-ari pa rin nila ang kanilang mga NFT.
Bagama't bago pa lang ang pag-stake ng NFT kumpara sa iba pang konsepto ng yield farming sa DeFi, gumagana ang mga ito sa parehong paraan. Sa pamamagitan ng pag-lock ng mga NFT sa isang platform, puwede kang makatanggap ng mga reward depende sa annual percentage yield (APY), tagal ng pag-stake, at bilang ng mga NFT na na-stake.
Dahil sa natatanging katangian ng mga NFT, mas gusto ng mga mamumuhunan at kolektor sa pangkalahatan na mag-HODL at gumawa ng mga ispekulasyon. Ang pag-stake ng NFT ay nagbubukas ng bagong pagkakataon para pagkakitaan nila ang kanilang mga asset, na puwedeng makahikayat ng mas maraming tao na sumali at mapataas ang demand sa merkado para sa mga nase-stake na NFT.

Ang pag-stake ng NFT ay parang pag-stake ng bitcoin (BTC) o ether (ETH) mo. Ang kailangan mo lang ay isang wallet ng cryptocurrency na may mga NFT. Gayunpaman, hindi lahat ng NFT ay puwedeng i-stake para makakuha ng mga reward. Nag-iiba-iba ang mga kinakailangan sa iba't ibang proyekto, kaya mas magandang tingnan ang mga gusto mong proyekto bago kunin ang mga NFT.


Saan ako makakapag-stake ng mga NFT?

Mula noong Disyembre 2021, karamihan sa mga pagkakataong mag-stake ng NFT ay mula sa mga play-to-earn na laro. Ang MOBOX at Zookeeper ay dalawang halimbawa. Nagde-develop din ang ilang proyketo ng kakayahang mag-stake ng NFT sa kanilang mga platform, tulad ng Platform ng Fan Token sa Binance at Doge Capital.


MOBOX (MBOX)

Ang MOBOX ay isang play-to-earn na gaming metaverse kung saan pinagsasama ang yield farming sa De-Fi at mga NFT. Dahil binuo sa Binance Smart Chain, nagbibigay-daan ito sa mga manlalaro na mag-stake ng mga NFT para makakuha ng mga reward sa katutubong cryptocurrency nito, ang MBOX.

Tinatawag ang MOBOX metaverse na MOMOverse, at tinatawag namang mga MOMO ang mga NFT. Puwede kang mag-mint, kumita, o bumili ng mga MOMO mula sa marketplace ng NFT. May iba't ibang katangian at random na binuong hash power ang bawat MOMO. Sa pamamagitan ng pag-stake ng mga natatanging MOMO, puwede mong i-farm ang token sa pamamahala na MBOX. Kapag mas marami kang nakolektang MOMO, mas maraming reward na MBOX ang makukuha mo bawat araw. 

Magagamit din ang mga MOMO NFT na ito sa iba pang partner na platform ng MOBOX, at magagamit rin sa MOBOX ang mga NFT mula sa mga partner na proyekto. Halimbawa, puwede mong gamitin ang iyong mga na-stake na PancakeSwap Profile NFT sa MOMOverse nang hindi ina-unstake ang mga iyon sa PancakeSwap. Nagbibigay-daan ito sa iyong makapasok sa mga labanan ng team at makakuha ng mga reward sa pag-stake ng CAKE sa PancakeSwap, at kasabay nito, gamitin ang mga iyon sa mga laro sa MOBOX para makakuha ng mga reward na MBOX.


Zookeeper (ZOO)

Ang Zookeeper ay isang gamified na DApp sa yield farming. Nagbibigay ito ng pag-stake ng NFT sa mga liquidity pool na nagtatampok ng iba't ibang mascot. Ang lahat ng liquidity pool sa Zookeeper ay nagbibigay-daan sa dual farming, ibig sabihin, puwede kang makakuha ng utility token na ZOO at WanSwap Liquidity Provider (WASP) token bilang mga reward.

Para palakihin ang mga APY reward, puwede mong piliing i-lock ang iyong mga token sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon, na hanggang 180 araw. Puwede ka ring mag-stake ng mga NFT na tinatawag na ZooBooster para ma-maximize ang iyong mga reward at mabawasan ang panahon ng pag-lock para sa iyong WSLP. Ang mga ZooBooster ay mga NFT card na puwedeng makuha sa mga gold chest na binibili sa DApp o sa pamamagitan ng pag-stake ng mga ZOO token.


NFT PowerStation sa Platform ng Fan Token sa Binance

Ang Binance ang unang palitan ng crypto na nag-alok ng serbisyo sa pag-charge ng NFT. Sa Platform ng Fan Token sa Binance, puwedeng i-charge ng mga may-hawak ng token ang mga sinusuportahang NFT ng paborito nilang koponan para makakuha ng karagdagang reward na Fan Token sa Binance. Ang mga Fan token sa Binance ay mga utility token na ibinibigay ng mga sports club.

Binibigyang-daan ng mga Fan token sa Binance ang mga fan ng sports na ma-access ang mga espesyal na perk ng club, tulad ng mga eksklusibong diskwento sa mga ticket at limited-edition na merchandise, mga karapatan sa pagboto at paggawa ng desisyon sa mga usapin sa club, na eksklusibong nakareserba para sa mga may-hawak ng gayong mga token.

Ang NFT PowerStation ay isang makabagong gamification feature sa Platform ng Fan Token sa Binance. Sa pamamagitan ng pag-charge sa mga sinusuportahang NFT sa mga nauugnay na NFT PowerStation ng mga koponan, puwedeng mapalakas ng mga fan ang kanilang pagiging fan at makakuha ng mga karagdagang reward na Fan Token sa Binance. Kapag mas matagal na na-charge ang mga NFT, mas malaki ang mga reward ng fan na makukuha nila.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng mga reward sa pamamagitan ng pag-charge ng NFT sa Platform ng Fan Token sa Binance, pakitingnan ang gabay na ito.


Mga pangwakas na pananaw

Ang pag-stake ng NFT ay nagbibigay-daan sa mga kasali na magkaroon ng dagdag na kita mula sa mga hindi nagagamit na koleksyon ng NFT. Kasabay nito, ang pag-stake ng NFT ay isang panibagong paggagamitan ng mga NFT na hindi pa na-explore noon. Baka masyadong maaga pa para sabihin, pero mukhang makakakita tayo ng mga bagong pagkakataon sa pag-stake ng NFT na ginagawa. Hindi lang para sa mga kolektor ng NFT kundi sa loob din ng industriya ng Play-to-Earn na laro at iba pang bahaging pinapagana ng teknolohiya ng blockchain.


Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang desisyon mo sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.