Ano ang Immutable X (IMX)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Immutable X (IMX)?

Ano ang Immutable X (IMX)?

Intermediya
Na-publish Apr 12, 2022Na-update Dec 28, 2022
5m

TL;DR

Ang Immutable X ay isang layer-2 na solusyon sa pag-scale para sa mga NFT na nasa Ethereum. Nag-aalok ito ng mabilis na kumpirmasyon ng trade at halos zero na bayarin sa gas para sa pag-mint at pag-trade ng mga NFT. Mabilis na makakagawa at makakapag-trade ng mga NFT ang mga user nang hindi kinokompromiso ang seguridad ng kanilang mga asset.

Gumagamit ang Immutable X ng engine na tinatawag na Zero-Knowledge Rollup para maabot ang scalability. Puwede itong makapangasiwa ng hanggang 9,000 transaksyon bawat segundo. Sa pamamagitan ng nakabahaging pandaigdigang order book ng NFT ng Immutable X, napapahusay ang liquidity ng NFT at napapataas ang dami ng pag-trade nito. Puwedeng bumili at magbenta ng mga NFT sa anumang marketplace na ginawa sa Immutable X.

Ang IMX ay isang ERC-20 na utility at governance token. Ginagamit ito bilang pambayad ng bayarin sa transaksyon at insentibo sa mga user at developer sa Immutable X. Puwedeng kumita ng mga reward ang mga may hawak ng token sa pamamagitan ng pag-stake at pagsali sa pamamahala ng platform.


Panimula

Posibleng mahal ang pag-trade at pag-mint ng mga NFT sa Ethereum, lalo na kapag mabigat ang trapiko. Kailangang magbayad ang mga user ng mas mataas na bayarin sa gas para mabilis na makumpirma ang kanilang mga transaksyon. Madalas ding pumapalya ang mga transaksyon sa pag-mint, na nagreresulta sa malalaking pagkalugi.

Ano ang Immutable X?

Ang Immutable X ay isang layer-2 na solusyon sa pag-scale para sa mga non-fungible token (NFT) sa Ethereum. Layunin nitong mapahusay ang scalability at mapaganda ang karanasan ng user sa Ethereum.

Itinatag ang Immutable X noong 2018 ni James Ferguson, Robbie Ferguson, at Alex Connolly. Nag-aalok ito ng mabilis na kumpirmasyon ng transaksyon at halos zero na bayarin sa gas para sa pag-mint at pag-trade ng mga NFT. Mabilis na makakagawa at makakapag-trade ng mga ERC-721 at ERC-20 na token ang mga user sa mas mabababang halaga nang hindi kinokompromiso ang seguridad ng kanilang mga asset.


Paano ito gumagana?

Sentro ng Immutable X ang isang teknolohiya ng pag-scale na tinatawag na Zero-Knowledge Rollup (ZK-Rollup), na isang layer-2 na protocol sa pag-validate ng mga transaksyon sa blockchain ng Ethereum.

Sa halip na idagdag ang bawat data ng transaksyon sa blockchain, pinagsasama-sama ng ZK-Rollup ang daan-daang transaksyon sa iisang zero-knowledge proof na kilala bilang zk-STARK proof. Ang ibig sabihin ng Zk-STARK ay zero-knowledge succinct transparent arguments of knowledge. Isa itong paraan ng pag-verify na ginagamit para patunayan ang pag-aari sa ilang partikular na knowledge nang hindi isinisiwalat ang anumang impormasyon tungkol dito. Puwede itong makapagbigay ng pinataas na antas ng privacy at seguridad sa mga Immutable X na transaksyon. 

Pagkatapos pagsama-samahin ang mga transaksyon, isusumite ang proof sa blockchain at ive-verify ito ng smart contract. Pinapanatili ng smart contract ng ZK-Rollup ang lahat ng detalye ng transaksyon sa layer 2, para mabilis ma-verify ang proof dahil hindi naglalaman ang mga ito ng kumpletong data ng bawat transaksyon. Magiging mas mababa rin ang mga kinakailangang resource sa pag-compute at pag-store para sa pag-validate ng isang block. Ito ang dahilan kung bakit nakakapangasiwa ang Immutable X ng hanggang 9,000 transaksyon kada segundo (Transactions Per Second o TPS) sa lubos na mas mababang bayarin sa gas. Para sa mga end-user, walang bayarin sa gas ang mga Immutable X na transaksyon.

100% carbon-neutral ang mga pag-trade at pag-mint ng mga user ng NFT sa Immutable X. Halimbawa, ang pag-mint ng 8 milyong NFT trading card para sa play-to-earn na larong Gods Unchained ay kokonsumo ng humigit-kumulang 490 milyong kWh (490 MWh) sa Ethereum. Dahil kino-compress ng ZK-Rollup ang data na kailangan para sa pag-mint, gagamit lang ang Immutable X ng 1,030 kWh para i-mint ang parehong dami ng NFT, na 475,000 beses na mas mababa pagdating sa pagkonsumo ng enerhiya. Ang natitirang napakaliit na pagkonsumo ng enerhiya ay mao-offset ng mga carbon credit.

Ang isa pang natatanging feature ng Immutable X ay isang hanay ng mahuhusay na REST API na puwedeng magpasimple sa mga kumplikadong interaksyon sa blockchain. Mabilis na makakagawa at makakapaglipat ng mga NFT ang mga user sa pamamagitan ng mga API call nang hindi na kailangang makipag-interaksyon nang direkta sa mga smart contract. Kasama ng mga simpleng software development kit (SDK) ng Immutable X, mabilis mai-integrate ng mga developer ang mga API at Wallet sa kanilang mga platform. Sa pamamagitan nito, makakagawa sila ng mga NFT na proyekto, gaya ng mga play-to-earn na laro, sa loob lang ng ilang oras sa halip na ilang linggo. 

Para makapangasiwa ng ecosystem ng NFT marketplace ng third-party, may pandaigdigang order book ang Immutable X para mabili at maibenta ang mga NFT sa anumang marketplace na nagpapatupad ng kanilang mga solusyon sa pag-scale. Ibig sabihin, ang mga order na ginawa sa isang marketplace ay puwedeng mapunan sa iba, na lubos na magpapataas sa dami ng pag-trade at liquidity ng mga NFT. Nakakasuporta rin ang Immutable X sa lahat ng Ethereum wallet sa desktop. Tuloy-tuloy na makakapag-trade ang mga user ng mga NFT sa iba't ibang crypto wallet na puwede ang NFT nang hindi inililipat ang kanilang mga asset sa iba't ibang network.


Ano ang IMX?

Ang IMX ay ang native token ng Immutable X. Isa itong ERC-20 na utility at governance token na may 2 bilyong kabuuang supply. Ginagamit ang IMX bilang pambayad sa bayarin sa transaksyon at insentibo sa mga user at developer sa Immutable X. Puwede silang kumita ng mga IMX token sa pamamagitan ng pagtulong sa paglago ng platform, gaya ng pag-trade ng mga NFT at pagbuo ng mga application. 

Bilang utility token, nagbibigay-daan ang IMX na kumita ng mga reward ang mga may hawak ng token sa pamamagitan ng pag-stake sa mga pool ng reward. Puwede rin silang sumali sa pamamahala ng Immutable X sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga panukala sa komunidad at pagboto sa mga ito. Kung marami silang hawak na IMX coin, mas malaki ang kapangyarihan nilang bumoto. 


Paano bumili ng IMX sa Binance?

Puwede kang bumili ng Immutable X (IMX) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para magsimula.

2. Hanapin ang “IMX” para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin namin ang IMX/BUSD bilang halimbawa.

3. Pumunta sa kahon ng [Spot] at ilagay ang halaga ng IMX na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng IMX] para kumpirmahin, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling IMX.


Mga pangwakas na pananaw

Gumagamit ang Immutable X ng layer-2 na teknolohiya sa pag-scale para punan ang mga kakulangan sa pag-trade ng mga NFT sa Ethereum. Gumagawa ito ng platform para lumago ang mga negosyo ng NFT, kabilang ang mga play-to-earn na laro at marketplace. 

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.