Ano ang BurgerCities (BURGER)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang BurgerCities (BURGER)?

Ano ang BurgerCities (BURGER)?

Intermediya
Na-publish Sep 14, 2022Na-update Feb 16, 2023
6m

TL;DR

Ang BurgerCities ay isang one-stop MetaFi platform na nagtatampok ng isang malawak na hanay ng mga feature, kabilang ang native token nito na BURGER, isang decentralized exchange (DEX), at mga non-fungible token (NFT). Sa loob ng ecosystem ng BurgerCities, puwedeng sumali ang mga user sa mga pang-araw-araw na aktibidad, gaya ng pakikisalamuha at paglalaro, habang ine-explore ang mga feature sa DeFi at NFT. 

Puwedeng gamitin ang token na BURGER para sa pagbibigay ng liquidity, single-token na pagmimina, at pagte-trade sa laro. Makakakuha ang mga user ng BURGER sa pamamagitan ng paglalaro sa BurgerCities o pagbili nito sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.

Panimula

Gumawa ng marka ang Metaverse sa industriya ng crypto dahil pinalago nito nang matindi ang merkado ng cryptocurrency. Ngayong 2022, mas naging accessible pa ito, at marami sa mga tao ang naniniwalang posibleng ito na ang hinaharap. 

Kaugnay ng paglagong ito, maraming proyekto ang nag-isip ng mga paraan para ma-access ang mga imprastrukturang kailangan para mapatakbo ang mga virtual na ekonomiyang gumagana kasabay ng totoong mundo. Dito na papasok ang MetaFi, na sa huli ay dahilan ng patuloy na presensya ng BurgerCities sa mundo ng crypto.

Ano ang BurgerCities? 

Bagama't katunog ito ng isang bagong burger chain, mas interesante pa riyan ang BurgerCities. Nag-evolve mula sa Burgerswap, isang DeFi na produktong unang nakita sa BNB Chain, pinagsasama nito ang DeFi at NFT bilang bahagi ng layunin nitong gumawa ng isang magkakatugma at standardized na Web3 metaverse.

Sa mundo ng BurgerCities, puwedeng sumali ang mga user sa mga pang-araw-araw na aktibidad, gaya ng pakikisalamuha at paglalaro, para ma-enjoy ang iba't ibang feature sa DeFi at NFT gamit ang kanilang mga sariling online na avatar.

Sa bagong ecosystem na ito, nakatakda ang BurgerCities na maisulong ang dynamic na pagpapaunlad sa metaverse, na nagbibigay ng bagong sigla sa Web3.

Ang Ecosystem ng BurgerCities

Binubuo ang Ecosystem ng BurgerCities ng dalawang magkaibang feature gaya ng: 

BURGER token: Ang BurgerCities ay pinapagana ng native nitong token na BURGER. May kabuuan itong supply na 63,000,000 token, na puwedeng magamit sa pagbibigay ng liquidity, single-token na pagmimina, at pagte-trade ng mga item sa laro gaya ng mga Hero NFT. 

Ang Aggregator (Black Market): Nag-i-integrate ang BurgerCities ng isang aggregation protocol na kumukuha ng liquidity mula sa iba't ibang DEX at CEX, at nagagawa nitong i-reroute ang mga trade ng mga user para matiyak na nakukuha nila ang pinakamagandang presyo.

Ang Pool (Energy Plant): Puwedeng makakuha ng mga benepisyo ang mga user sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity sa Energy Plant. Puwede nilang i-withdraw ang kanilang mga reward anumang oras.

Ang Bangko (Central Bank): Ang Central Bank ang single-coin dual-mining revenue aggregator ng BurgerCities, na puwedeng mag-maximize sa mga kita ng mga user sa single-coin na pagmimina. Ipinapamahagi naman ng BurgerCities ang mga kita sa pagmimina sa mga user sa anyo ng USDT.

Ang Hero (Dining Room): Ang Mga Hero ay mga natatanging NFT asset na may iba't ibang pakinabang, kung saan ang isa sa mga ito ay ang core gameplay ng BurgerCities. Puwedeng pataasin ng mga user ang level ng mga ito at puwede nila itong gamitin para kumita ng BURGER sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga gawain sa laro. Puwede ring ibenta ang Mga Hero sa Dining Room para kumita ng mga reward.

Ang Lupa at Building: Ang Lupa at Building ay bahagi ng gameplay ng BurgerCities kung saan puwedeng gumawa at magpanatili ng kanya-kanyang bayan ang mga user. Puwedeng magpahinga ang mga user sa mga building pagkatapos kumumpleto ng mga gawain, o puwede nila itong iparenta sa ibang user o proyekto.

Paano ito gumagana?

Para maunawaan kung paano gumagana ang BurgerCities, narito ang ilan sa mga pangunahing termino at protocol sa BurgerCities na dapat mong malaman para matulungan kang makapagsimula.

Swapper: Puwedeng pumunta sa Black Market sa BurgerCities ang mga user na naghahanap ng pinakamagandang presyo kapag nagsa-swap ng mga token. May mga nakalatag na aggregation protocol ang Black Market na kumukuha ng liquidity mula sa marami pang ibang palitan, na tumitiyak sa pinakamagandang presyo sa iba't ibang DEX. 

Liquidity Provider: Puwedeng kumita nang malaki ang mga namumuhunan sa pagbibigay ng liquidity sa BurgerCities. Nagbibigay ng insentibo ang BurgerCities sa mga liquidity provider gamit ang mga token na reward. 

Staker: Pinapayagan ng BurgerCities ang mga user nito na kumita ng yield sa pamamagitan ng pag-stake ng mga token sa Central Bank, kung saan ang lahat ng asset sa pag-stake ay tinatapatan nito ng mga pool na mataas ang yield. Sa pamamagitan nito, nama-maximize ang mga reward ng single-token na pag-stake, ibig sabihin, kung mas maraming asset ang mga user sa vault, mas marami ang matatanggap nilang reward. 

Gamer: Pinagsasama ng BurgerCities ang gameplay at pagkita, kaya naman hindi lang basta kumikita ng mga reward ang mga user sa pamamagitan ng gameplay, nae-enjoy rin nila ang iba't ibang opsyon sa gaming, mula sa mga quest hanggang sa pamamahala ng lupa. 

Central NFT — Mga Hero: Ang Mga Hero ang isa sa mga natatanging NFT asset ng BurgerCities at pangunahin itong bahagi ng kanilang gameplay. Bagama't hindi kailangan ng mga gamer ang Mga Hero para mag-swap, mag-stake, o magbigay ng liquidity sa BurgerCities, puwede nilang gamitin ang mga asset na ito para sumali sa mga quest, lumaban sa mga PvP battle, at pumasok sa mga propesyon. 

Simulation ng Negosyo: Binibigyan ang mga gamer ng isang metaverse scenario kung saan puwede silang gumawa ng sarili nilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagdedesisyon sa laro. Kumpara sa mga tradisyonal na simulation game tungkol sa ekonomiya, nagbibigay-daan ang BurgerCities na magrenta, mag-upgrade, at mag-trade ng mga NFT asset ang mga gamer, lahat ng ito habang binibigyan sila ng oportunidad na makatanggap ng mga reward sa labas ng laro. 

Taktikal na Pakikipaglaban: Dahil mahalagang mautakan sa taktikal na antas ang mga katunggali pagdating sa mga laban, dapat maisahan ng mga gamer ang kanilang mga kalaban sa pamamagitan ng pag-summon ng malalakas na Hero at paggamit ng mga taktika sa pakikipaglaban.

PvP at PvE: May iba't ibang opsyon sa PvP at PvE gameplay na available sa isang laban kapag nagsimula na ang mga PvP at PvE na laro sa BurgerCities. 

Pamamahala ng Lupa: Bukod pa sa pagbebenta ng mga asset gaya ng mga NFT, puwede ring kumita ng pera ang mga gamer sa pamamagitan ng pag-aari at pagbebenta ng lupa sa BurgerCities para sa iba't ibang dahilan. Ang isa sa mga dahilang ito ay advertising, dahil posibleng maging interesado ang mga proyekto na maglagay ng mga advertisement sa mga property sa naturang lupa.

Ano ang BURGER token?

Ang pinakamahalagang aspekto ng BurgerCities ay ang native token nito, ang BURGER, na native sa BNB Chain. May kabuuang 63,000,000 BURGER token.

Bilang isang BEP-20 token standard, talagang kapaki-pakinabang ang BURGER sa ecosystem ng BurgerSwap, dahil binibigyan nito ng karapatang bumoto sa mga update at proposal sa protocol ang mga may hawak nito. Puwede rin itong gamitin para sa mga reward ng liquidity, single-token na pagmimina, at pagte-trade sa laro. Ginagamit din ito para bigyan ng reward ang mga user para sa pagkumpleto ng mga aktibidad sa laro.

Bukod pa rito, nakabahagi ang kabuuang supply ng BURGER sa iba't ibang utility, kung saan ang 50% ay nakalaan para sa mga insentibo, 10% para sa team ng proyekto, 10% para sa madiskarteng pagpipinansya, 10% para sa pagpapatakbo ng proyekto at pamamahala sa liquidity, at 20% para sa pagpapaunlad sa ecology at paglago sa hinaharap.

Paano Bumili ng BURGER sa Binance

Malamang na ang pinakamalaking tanong na naiisip mo ay kung paano ka bibili ng BURGER para maging bahagi ng BurgerCities. Puwede kang bumili ng BURGER dito mismo sa Binance sa dalawang paraan: 

  1. Puwede kang gumamit ng credit / debit card gamit ang mga piling fiat currency. Pumunta muna sa page na Bumili ng Crypto gamit ang Debit/Credit Card ng Binance, piliin ang currency na gusto mong gamitin, at piliin ang BURGER sa ibabang field. Pagkatapos, i-click ang [Magpatuloy] para kumpirmahin ang iyong pagbili.

  1. Puwede ka ring mag-trade ng iba pang cryptocurrency gaya ng USDT, BUSD, BNB, at ETH, para sa BURGER. Pumunta muna sa View ng Palitan sa Binance, pagkatapos ay i-type ang BURGER sa field para sa paghahanap ng pares sa pag-trade na magpapakita ng lahat ng available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon sa View ng Palitan, bisitahin ang aming gabay na Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance.  

Ano ang susunod para sa BurgerCities

Walang duda, maganda ang kinabukasan ng Metaverse, at kasama na rito ang BurgerCities. Malapit nang i-release ang isang bagong bersyon ng BurgerCities, na magbibigay ng mga bagong gameplay function sa mga user. Ganap ding papahusayin ang landscape ng lupa at bahay sa Metaverse. 

Mga pangwakas na pananaw

Habang patuloy na lumalago ang MetaFi, itutuon ng BurgerCities ang inobasyon nito sa MetaFi sa pamamagitan ng kumbinasyon nito ng pagkita at paglalaro. Sa BurgerCities, makakapaglaro ang mga player habang ina-access ang mundo ng crypto sa paraang bago at kapana-panabik.