Top 6 na Diskarte sa Pag-trade sa Dual na Pamumuhunan
Talaan ng Nilalaman
Panimula
1. Pagkuha ng mga kita
2. Pagbili ng mga dip
3. Pagpapalago ng hino-HODL mong crypto
4. Pagpapalago ng iyong mga hawak na stablecoin
5. Compound na pagkita sa panandaliang volatile na merkado
6. Mga double-sided na posisyon
Mga pangwakas na pananaw
Top 6 na Diskarte sa Pag-trade sa Dual na Pamumuhunan
Home
Mga Artikulo
Top 6 na Diskarte sa Pag-trade sa Dual na Pamumuhunan

Top 6 na Diskarte sa Pag-trade sa Dual na Pamumuhunan

Intermediya
Na-publish May 6, 2022Na-update Dec 28, 2022
7m

TL;DR

  • Sa Dual na Pamumuhunan, may pagkakataong gumamit ng iba't ibang diskarte depende sa iyong pananaw sa merkado. 

  • Para sa mga mamumuhunang hindi pa masyadong sanay, madali kayong makakakuha ng mga kita, makakabili ng mga dip, at kikita ng interes sa inyong mga hawak na crypto at stablecoin. 
  • Para sa mga sanay nang mamumuhunan, posibleng pumasok sa maraming posisyon sa Dual na Pamumuhunan at sulitin ang panandaliang volatile na merkado.


Panimula

Para sa mga user na gustong i-diversify ang kanilang mga pamumuhunan, magandang pagsimulan ang mga produkto ng Binance Earn. Isa ang Dual na Pamumuhunan sa mga mas advanced na paraan para kumita, at nagbibigay ito ng paraan para makabili o makapagbenta ng cryptocurrency sa gusto mong presyo sa gusto mong petsa sa hinaharap. Anuman ang iyong posisyon, magkakaroon ka ng kitang may mataas na interes saanmang direksyon pumunta ang merkado.

Ngayong nauunawaan na natin ang pangunahing konsepto, paano nga ba tayo magsisimulang kumita? Sa katunayan, maraming paraan ng paggamit sa Dual na Pamumuhunan. Bawat isa ay puwedeng makatulong sa iyong mga diskarte sa pag-trade at hula sa merkado. Magsimula na tayo!


1. Pagkuha ng mga kita

Bagama't puwedeng maging madaling madala, laging magandang kumuha ng ilang kita kapag kaya mo. Sa partikular na diskarteng ito sa Dual na Pamumuhunan, puwede kang makinabang sa mga karagdagang return at puwede mong i-realize ang ilan sa iyong mga kita sa crypto sa hinaharap.
1. Piliin ang produktong Magbenta nang Mataas sa Dual na Pamumuhunan sa Binance Earn. Sa halimbawang ito, titingnan natin ang isang produkto ng Ether (ETH). $2,900 ang kasalukuyang presyo ng ETH (nasa BUSD ang lahat ng presyo).

2. Magtatakda tayo ng Target Price na $3,500 at itatakda natin ang Petsa ng Settlement nang isang linggo. 

3. Pagkatapos, magkakaroon tayo ng tsansang ibenta ang idinepositong ETH sa Target Price kung maaabot ito sa Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo. Kung ang ETH ay 3,500 BUSD o mas mataas sa Petsa ng Settlement, ibebenta ito kapalit ng BUSD.

Dahil dito, hindi mo makakalimutang kunin ang iyong mga kita o maiiwasan mong hindi kunin ang iyong kita dahil sa pagkagahaman! Kasabay nito, kikita ka rin ng APY.

4. Kung hindi maaabot ang iyong Target Price sa Petsa ng Settlement, kikita ka pa rin ng APY sa idinepositong ETH at matatanggap mo ulit ang ETH.

 

2. Pagbili ng mga dip

Ang pagbili ng dip ay isa pang karaniwang diskarte sa pag-trade na magbibigay-daan sa iyong sulitin ang downturn ng merkado. Sa pamamagitan ng pagbili sa mas mababang presyo, inaasahan mong magkakaroon ng upturn sa merkado sa ibang pagkakataon kung kailan ka makakapagbenta nang may tubo. Sa Dual na Pamumuhunan, simpleng magplano para sa mga potensyal na dip sa hinaharap habang nakakakuha ng karagdagang kita mula sa interes.

1. Piliin ang produktong Bumili nang Mababa sa Dual na Pamumuhunan sa Binance Earn. Sa halimbawang ito, titingnan natin ang isang produkto ng BTC, na mabibili gamit ang Tether (USDT) . $39,000 ang kasalukuyang presyo ng BTC.

2. Pipili tayo ng Target Price na $36,500 para sa BTC na may Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.

3. Kung ang Market Price ay $36,500 o mas mababa sa ating Petsa ng Settlement, halimbawa, $36,000, bibilhin ang BTC sa ating Target Price. Makukuha mo rin ang kinita mong interes. 

4. Kung hindi maaabot ang iyong Target Price ($36,500) sa Petsa ng Settlement, kikita ka pa rin ng APY sa idinepositong USDT bago mo ito matanggap ulit.

 

3. Pagpapalago ng hino-HODL mong crypto

Kapag papasok ka sa Dual na Pamumuhunan, hindi mo laging kailangang pumusta sa mga paggalaw ng merkado. Sa katunayan, magagamit mo ang produkto kahit kapag nanatiling may pagka-stable ang presyo o hindi ito umabot sa iyong Target Price. Dito, gusto lang nating makakuha ng mga return sa crypto sa pamamagitan ng interes.

1. Piliin ang produktong Magbenta nang Mataas sa Dual na Pamumuhunan sa Binance Earn. Sa halimbawang ito, titingnan natin ang isang produkto ng BTC. $39,000 ang kasalukuyang presyo ng BTC.

2. Pipili tayo ng Target Price na $40,000 para sa BTC na may Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.

2. Para kumita lang ng APY, umaasa tayong mananatiling stable ang presyo ng Bitcoin o bababa ito at hindi nito maaabot ang Target Price.

3. Sa Petsa ng Settlement, $38,000 ang presyo ng BTC. Ibig sabihin, maitatabi mo ang idineposito mong BTC at matatanggap mo ang lahat ng kinitang interes. Nagbibigay ito ng madaling paraan para kumita ng mataas na interes sa mga hawak mong crypto.

 

4. Pagpapalago ng iyong mga hawak na stablecoin

Marami sa atin ang nagpapanatili ng mga stablecoin bilang paraan para mapanatili ang mga kinita sa ecosystem ng blockchain. Pero hindi iyon nangangahulugan na hindi natin iyon puwedeng pagkakitaan din. Kapareho ng diskarteng ito ang nauna, dahil umaasa tayo na hindi maaabot ang Target Price.
1. Mag-subscribe sa isang produktong Bumili nang Mababa sa Dual na Pamumuhunan sa Binance Earn. Sa halimbawang ito, titingnan natin ang isang produkto ng MATIC, na mabibili gamit ang USDT . $1.20 ang kasalukuyang presyo ng MATIC.

2. Pipili tayo ng Target Price na $1.10 para sa MATIC na may Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.

2. Para kumita ng APY ng stablecoin, umaasa tayong mananatiling stable ang presyo ng MATIC o tataas ito at hindi nito maaabot ang Target Price.

3. Sa Petsa ng Settlement, $1.22 ang presyo ng MATIC. Ibig sabihin, maitatabi mo ang idineposito mong USDT at matatanggap mo ang lahat ng kinitang interes sa stablecoin. Nagbibigay ito ng simpleng paraan para kumita ng mataas na interes sa mga hawak mong stablecoin.


5. Compound na pagkita sa panandaliang volatile na merkado

Ang nakaraan nating apat na diskarte ay nagbigay ng mga simpleng paraan para kumita ng interes at bumili o magbenta sa mga paunang nakatakdang presyo ayon sa iyong diskarte. Gayunpaman, may pagkakataon din para sa mga advanced na diskarte sa Dual na Pamumuhunan.

Gaya ng nakasanayan, may likas na panganib sa pamumuhunan. Dapat lang gamitin ang diskarteng ito ng mga sanay nang mamumuhunan na kumportable sa mga volatile na merkado. Sa paggamit nito, inaasahan nating magkakaroon ng volatility sa merkado pero wala tayong malinaw na pananaw kung bullishbearish ang merkado.
Para masulit ang sitwasyong ito, kailangan nating gumamit ng kumbinasyon ng Bumili nang Mababa at Magbenta nang Mataas na mga produkto. Tumingin tayo ng halimbawa.
1. Piliin ang produktong Magbenta nang Mataas sa Dual na Pamumuhunan sa Binance Earn. Sa sitwasyong ito, titingnan natin ang isang produkto ng BNB. $395 ang kasalukuyang presyo ng BNB.

2. Pipili tayo ng Target Price na $420 para sa BNB na may Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.

3. Volatile ang merkado, ibig sabihin, dalawang bagay ang puwedeng mangyari. 

  1. Kung hindi matutugunan ang Target Price, maitatabi mo ang iyong BNB at ang kinitang interes. Puwede kang gumawa ng bagong order na Magbenta nang Mataas, na magbibigay-daan sa iyong kumita ng mas malaking interes o magbenta sa mas mataas na presyo. 
  2. Kung maaabot ang Target Price, ibebenta mo ang iyong BNB sa halagang $420 kada unit at kikita ka ng interes. Puwede ka na ngayong maglagay ng order na Bumili nang Mababa, na magbibigay sa iyo ng tsansang bumili ng crypto sa mas mababang presyo. 

4. Sa tuwing maaabot ang iyong target na presyo, pumili ng mga produkto ng Dual na Pamumuhunan sa kabilang direksyon. Kung hindi maaabot ang Target Price, magpatuloy sa parehong direksyon hanggang sa maabot ang Target Price. 

4. Kung lalaro ka sa merkado sa ganitong paraan, patuloy kang makakabili nang mas mababa at makakapagbenta nang mas mataas, habang kino-compound ang iyong mga return.


6. Mga double-sided na posisyon

Ang ating huling diskarte ay may mga pagkakatulad sa nakaraang diskarte, pero sa sitwasyong ito, magbubukas tayo ng dalawang posisyon nang sabay. Para magawa ito, kakailanganin mong humawak ng dalawang uri ng mga token: isa sa crypto (gaya ng BNB) at isa sa stablecoin (gaya ng USDT). Tingnan natin kung paano ito gagana kung $390 ang presyo ng BNB sa kasalukuyan. 

1. Gumamit ng BNB para mag-subscribe sa isang produktong  Magbenta nang Mataas sa Dual na Pamumuhunan na may Target Price na $420 at Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.
2. Gumamit ng USDT para mag-subscribe sa isang produktong  Bumili nang Mababa sa Dual na Pamumuhunan sa BNB. Itakda ang iyong Target Price sa $360 na may Petsa ng Settlement sa loob ng isang linggo.

3. Volatile ang merkado na hahantong sa tatlong posibleng resulta: 

  1. Hindi maaabot ang Target Price ng dalawang posisyon dahil mananatili ang presyo sa pagitan ng $360 at $420. Sa ganitong sitwasyon, maitatabi mo ang iyong original na deposito sa BNB at USDT, pati na rin ang kinitang interes sa dalawang currency. 

  2. Aabot ang presyo ng BNB sa $420 o mas mataas pa, ibig sabihin, maaabot ang Target Price ng posisyon ng Magbenta nang Mataas. Ibebenta ang iyong BNB at naipong interes sa halagang $420 kada unit, at maitatabi mo rin ang iyong depositong USDT sa Bumili nang Mababa dagdag pa ang kinitang interes. Bilang buod, kikita ka mula sa pagbebenta ng BNB at makakaipon ka rin ng interes sa USDT.
  3. Aabot ang presyo ng BNB sa $360 o mas mataas pa, ibig sabihin, maaabot ang Target Price ng posisyon ng Bumili nang Mababa. Bibili ka ng BNB sa gusto mong presyo at matatanggap mo ang iyong interes, at maitatabi mo rin ang iyong depositong BNB sa Magbenta nang Mataas dagdag pa ang kinitang interes. Bilang buod, makakabili ka ng BNB sa mas mababang presyo habang nakakaipon ka rin ng interes sa BNB.


Mga pangwakas na pananaw

Marami pang magagawa sa Dual na Pamumuhunan, bukod pa sa kumita ng interes at bumili o magbenta. Puwede mong gamitin ang produkto bilang paraan ng pagpaplano ng iyong mga diskarte sa pag-trade na may dagdag na bonus ng APY. Kaya kung naghahanap ka ng paraan para i-diversify ang iyong mga pamumuhunan, magandang i-explore ang produktong Dual na Pamumuhunan.

Disclaimer: Ang Dual na Pamumuhunan ay hindi isang produkto kung saan garantisado ang prinsipal. Naka-lock ang mga naka-subscribe na asset at hindi makakapagkansela o makakapag-redeem ang mga user bago ang Petsa ng Settlement. Kung sobrang bababa ang market price kaysa sa iyong Target Price para bumili sa Petsa ng Settlement, bibili ka sa mas mataas na presyo kaysa sa market price, at kabaliktaran. Hindi umaako ng sagutin ang Binance sa anumang mawawala dahil sa mga pagbabago-bago ng presyo. Basahin nang mabuti ang mga tuntunin ng produkto bago mag-subscribe.