TL;DR
Ang WalletConnect ay isang protocol na ginagamit ng maraming crypto wallet na nagbibigay-daan sa iyong kumonekta nang madali sa maraming DApp ng decentralized finance (DeFi). Hanapin lang ang DApp kung saan mo gustong makipag-ugnayan, kumonekta sa pamamagitan ng QR code o deep link, at ayos na. Huwag kalimutang magdiskonekta sa pagtatapos ng anumang sesyon para sa maximum na seguridad.
Panimula
Ano ang WalletConnect?
Paano kumonekta sa mga DApp gamit ang WalletConnect
Ang proseso ng paggamit ng WalletConnect para kumonekta sa isang DApp ay magkaiba sa mga browser sa mobile at desktop. Gayunpaman, pareho itong simpleng gawin at hindi dapat gumugol ng maraming oras. Kung nagkakaproblema ka sa pagkonekta, na nangyayari paminsan-minsan, bumalik sa simula at subukan ulit ang lahat ng hakbang. Tiyaking sinusuportahan ng iyong wallet ang WalletConnect bago subukan ang mga tagubilin.

2. Kung gumagamit ka ng desktop browser para i-access ang website, i-click ang button na [Kumonekta]. Makakakita ka na ngayon ng pop-up na nagpapakita ng iba't ibang opsyon para sa pagkonekta ng iyong wallet. I-click ang [WalletConnect] para magpakita ng QR code.

3. Gagamitin natin ang QR code na ito para i-scan ang iyong mobile wallet kung saan naka-enable ang WalletConnect. Sa ating halimbawa, kokonekta tayo gamit ang Trust Wallet.

4. Sa Trust Wallet, pumunta sa [Mga Setting] at pagkatapos ay [WalletConnect]. Sa pagpipiliang ito, lalabas ang iyong camera para ma-scan mo ang QR code.

5. Kapag na-scan mo na ang QR code, may lalabas na pop-up sa iyong wallet. I-tap ang [Kumonekta] para bigyan ng pahintulot ang DApp na makipag-ugnayan sa iyong wallet. Matagumpay ka na ngayong ikokonekta at puwede kang magdiskonekta kung kinakailangan sa pamamagitan ng pag-tap sa [Kanselahin] sa kaliwang sulok sa itaas.

6. Baka gusto mo ring kumonekta sa isang DApp sa browser ng iyong mobile device. Sa sitwasyong ito, sundin ang mga hakbang 1 at 2 tulad ng dati. Gayunpaman, sa halip na makakita ng QR code, makakakita ka ng listahan ng mga mapagpipiliang wallet. Piliin ang iyong wallet, sa sitwasyon natin, ang opsyong Trust Wallet, at babalik ka sa hakbang 5.

7. Tingnan natin kung paano kumpirmahin ang mga transaksyon habang nakakonekta ka gamit ang WalletConnect. Nagsimula ako rito ng simpleng pag-swap para gawing BUSD ang BNB sa PancakeSwap. Pagkatapos kumpirmahin ang mga detalye, iki-click ko ang button na [Kumpirmahin ang Pag-swap].

8. Sa iyong wallet, may lalabas na pop-up na humihiling sa iyong kumpirmahin ang transaksyon mo. Tiyaking tama ang transaksyon mo, at pindutin ang iyong button sa pagkumpirma.

Manatiling ligtas sa WalletConnect
Laging magandang kasanayan ang pagtiyak na nadiskonekta mo ang iyong wallet mula sa isang DApp kapag tapos ka na. Dapat ding tiyaking mapagkakatiwalaan ang DApp kung saan ka kumokonekta at na-access mo ito gamit ang tamang URL. Panghuli, makakatulong din ang pag-restart sa iyong app at pag-refresh sa browser mo para mapaigting ang seguridad kapag kumokonekta sa DApp.
Mga pangwakas na pananaw
Ang WalletConnect ay isang sikat na tool sa mundo ng DeFi DApp. Ilang minuto lang ang kailangan para malaman kung paano ito gamitin, at nagbibigay ito sa iyo ng access sa maraming iba't ibang serbisyo. Habang nagiging mas pang-mobile ang mga cryptocurrency wallet, ang WalletConnect ay isang kapaki-pakinabang na tool para sa pag-access ng mga DApp on the go.