TL;DR
Narinig mo na ba ang Axie Infinity? Isa itong trending na laro sa blockchain na binuo ng Sky Mavis. Gumagana ito sa Ethereum at nagbibigay-daan sa mga player na mag-breed, mangolekta, at mag-trade ng mga cute na cute na NFT character na tinatawag na Mga Axie.
Ang Ronin Wallet ay ang crypto wallet na binuo para sa Axie Infinity. Tumatakbo ito sa Ronin blockchain, na gumagana bilang sidechain sa network ng Ethereum. Dahil sa network ng Ronin, nagiging mas mura ang pag-trade at pag-breed ng mga Axie at nababawasan nang malaki ang gastos sa paglalaro ng Axie Infinity. Compatible rin ang Ronin Wallet sa iba pang NFT game sa blockchain ng Ronin.
Panimula
Puwedeng mag-breed, mangolekta, at mag-trade ang mga player ng mga cute na nilalang na tinatawag na mga Axie, pati na rin ng mga virtual na lupa at item - lahat sa isang marketplace na batay sa blockchain. Puwede rin silang bumuo ng mga team para makipaglaban sa mga monster ng laro o makipagkumpitensya sa iba pang player. Bilang reward, binibigyan ng Axie Infinity ang mga player nito ng mga Smooth Love Potion (SLP) token, na mga cryptocurrency na puwedeng i-trade sa mga palitan ng crypto tulad ng Binance.
Ano ang Ronin Wallet?
Puwede mo ring gamitin ang Ronin Wallet para magpadala at tumanggap ng mga cryptocurrency at NFT nang hindi nagbabayad ng malaking bayarin sa gas. Sa kasalukuyan, puwedeng i-store sa iyong Ronin Wallet ang Wrapped Ether (WETH), Axie Infinity Shard (AXS), USDC, at Smooth Love Potion (SLP).
Ang AXS at SLP ay mga ERC-20 token na makukuha ng mga manlalaro sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest at pakikipaglaban sa iba pang manlalaro sa Axie Infinity. Simula Nobyembre 2021, magagamit mo ang AXS at SLP sa pag-breed ng mga bagong Axie. Gayunpaman, sa hinaharap, inaasahang aalisin ang mga kinakailangan sa pag-breed sa AXS dahil gagamitin na lang ang token bilang governance token. Puwede ka ring mag-trade ng SLP sa mga palitan ng crypto tulad ng Binance. Dahil naka-integrate na ang Ronin Wallet sa Binance, puwedeng direktang ilipat ng mga user ang kanilang mga NFT, nang may maliit na bayarin sa gas.
Para gumawa ng Ronin Wallet, puwede mong i-install ang extension sa Chrome o Firefox. Puwede mo ring i-download ang mobile app sa Apple Store o Google Play. Mag-ingat sa mga pekeng app.
Paano gumawa ng Ronin Wallet?
Available ang Ronin Wallet bilang mobile app o bilang browser extension. Ang browser extension ang gagamitin ng gabay na ito.
2. Buksan ang extension at i-click ang [Magsimula]. Mare-redirect ka sa page ng pag-set up ng Ronin Wallet. Ngayon, i-click ang [Bago ako. Mag-set up na tayo!].

3. Gumawa ng malakas na password para sa iyong wallet at pindutin ang [Gumawa ng Wallet].

4. Makikita mong naka-mask ang iyong seed phrase. I-click ang [Ipakita ang Seed Phrase] at isulat ito. Dapat mo itong itabi sa isang ligtas na lugar kung sakaling kailangan mong i-recover ang iyong wallet sa hinaharap. Huwag na huwag ibahagi ang iyong seed phrase kahit kanino.

5. Ngayon, kailangan mong ilagay ang seed phrase na kaka-back up mo lang. Sumunod, i-click ang [Magpatuloy] at magiging handa nang gamitin ang iyong Ronin Wallet!

6. Ngayong nakagawa ka na ng Ronin Wallet, i-click ang browser extension para buksan ang interface ng iyong wallet.

Sa itaas, makikita mo ang pangalan ng wallet [Account #], na sinusundan ng address ng iyong Ronin Wallet. Kakailanganin mong ibigay ang address na ito kapag nagdedeposito o tumatanggap ng mga asset. Ipinapakita ng seksyong [Mga Asset] ang kasalukuyang balanse ng iyong mga ERC-20 token at ERC-721 NFT token. Para tingnan ang kasaysayan ng iyong transaksyon, i-click ang [Mga Aktibidad].
Paano gumawa ng account sa Axie Infinity gamit ang Ronin Wallet?
Para gumawa ng account sa Axie Infinity:
2. Piliin ang [Mag-log in gamit ang Ronin Wallet] at i-click ang [Kumpirmahin] para payagan ang laro na kumonekta sa iyong Ronin Wallet.

3. Ngayon, pumili ng username at i-click ang [I-save]. Para kumpletuhin ang pag-set up, idagdag ang iyong email at gumawa ng password para protektahan ang account mo. Handa na ngayon ang iyong account sa Axie Infinity.

Paano bumili ng mga Axie
Hindi sinusuportahan ng Ronin Wallet ang ETH, Wrapped ETH (WETH) lang ang sinusuportahan nito. Para makabili ng mga Axie, kakailanganin mong magdagdag ng WETH sa iyong Ronin Wallet. Mayroon kang dalawang opsyon:
Opsyon 1. Personal na wallet (ETH) → Ronin Bridge → Ronin Wallet (WETH).
Opsyon 2. Binance (WETH) → Ronin Wallet (WETH).
Kung mayroon ka nang Wrapped ETH (WETH) sa iyong account sa Binance, puwede mo itong ipadala nang direkta mula sa Binance papunta sa iyong Ronin wallet sa pamamagitan ng network ng Ronin (RON). Sa ganitong sitwasyon, hindi mo kakailanganing gumamit ng MetaMask o Binance Chain Wallet. Mas mainam ang opsyong ito dahil hindi mo kakailanganing magbayad ng bayarin sa gas ng Ethereum. Gayunpaman, hindi available ang mga merkado ng WETH sa Binance. Kaya kung ETH lang ang mayroon ka at wala kang WETH, kakailanganin mong piliin ang opsyon 1.
Paano bumili ng ETH sa Binance
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance, buksan ang tab na [Mag-trade] at piliin ang [Advanced] na interface sa pag-trade.

2. Mag-hover sa pares sa pag-trade na ipinapakita sa kaliwang bahagi ng screen at i-type ang ETH sa search bar. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang [ETH/BUSD].

3. Piliin ang uri ng order at ilagay ang halaga. I-click ang [Bumili ng BNB] para isumite ang order.

Ngayong mayroon ka nang ETH, tingnan natin kung paano mo ito maipapadala sa iyong Ronin wallet.
Paano iugnay ang ETH gamit ang Ronin Bridge
1. Kakailanganin mo ng crypto wallet tulad ng MetaMask o Binance Chain Wallet.
2. Mag-hover sa tab ng menu ng [Wallet] at piliin ang [Fiat at Spot].

3. Hanapin ang ETH at i-click ang [Mag-withdraw].

4. I-paste ang address ng Ethereum ERC-20 kung saan mo gustong magdeposito. Ito ang magiging address ng pagdeposito para sa iyong external wallet (hal., MetaMask).

5. I-click ang [Network] at piliin ang [Ethereum (ERC-20)].

6. Tingnan ang mga detalye ng transaksyon at i-click ang [I-withdraw] para ipadala ang iyong ETH.


8. I-click ang [Susunod] at tapusin ang pagkonekta ng iyong wallet.

9. Mag-log in sa iyong Ronin wallet at kopyahin ang address ng Ronin wallet mo sa field na [Address ng Ronin]. Kung wala ka pang Ronin wallet, mag-scroll pataas sa seksyong Paano gumawa ng Ronin Wallet?.

10. Piliin ang asset na gusto mong ideposito sa pamamagitan ng pag-click sa [Asset]. Sa ating halimbawa, ETH ang idedeposito natin.

12. Bago ka makapaglaro, kakailanganin mong bumili ng iyong mga Axie para makagawa ng team. Mag-log in sa Axie marketplace at piliin ang opsyong Ronin wallet. Kakailanganin mo itong gawin kung hindi ka pa nakakagawa ng account sa Axie dati. Kung ito ang unang beses mong mag-log in, makakakita ka ng mga tagubilin kung paano magbukas nito.

Paano maglipat mula sa Binance papunta sa Ronin wallet (network ng RON)
Simula Nobyembre 2021, makakapag-withdraw ka ng AXS, SLP, o WETH mula sa Binance papunta sa iyong Ronin wallet. Hindi kinakailangan ng MetaMask o iba pang external wallet para sa paraang ito, kaya hindi ka magbabayad ng bayarin sa gas ng Ethereum.
1. Pumunta sa [Wallet] at piliin ang [Fiat at Spot].

2. Hanapin ang WETH at i-click ang [Mag-withdraw].

3. I-paste ang address ng Ronin kung saan mo gustong magdeposito. Ito ang magiging address ng pagdeposito mula sa iyong Ronin wallet. Tandaan na kailangan mong palitan ang prefix na ronin: ng 0x.

4. Susunod, piliin ang network ng RON, ilagay ang halaga, at i-click ang [I-withdraw].

5. Kumpirmahin ang pag-withdraw at hintaying makatanggap ka ng WETH sa iyong Ronin wallet.
Paano gumawa ng transaksyon sa Ronin Wallet
1. Buksan ang iyong Ronin wallet extension at i-click ang [Magpadala].

2. I-paste ang address ng destinasyon at piliin ang asset (WETH, AXS, O SLP). Pagkatapos, ilagay ang halaga at i-click ang [Susunod].

3. Panghuli, i-double check ang mga detalye at i-click ang [Kumpirmahin]. Pinapayagan ng Ronin ang 100 libreng transaksyon bawat araw, ibig sabihin, hindi mo kailangang magbayad para sa bayarin sa transaksyon.

Mga pangwakas na pananaw
Ang Ronin Wallet ay hindi lang para masiyahan ka sa mundo ng Axie Infinity. Puwede kang maglipat, mag-trade ng mga Axie, o makipagtransaksyon para sa iba pang NFT nang napakadali. Bilang sidechain, nagbibigay-daan ang network ng Ronin sa halos agaran at libreng transaksyon sa virtual na paraan. Bukod pa sa Axie Infinity, puwede mo ring gamitin ang Ronin para kumonekta sa iba pang proyekto ng DeFi at NFT game.