Ang Iyong Gabay sa SushiSwap
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang SushiSwap?
Uniswap kumpara sa SushiSwap
Paano isinasagawa ang distribusyon ng SUSHI rewards?
Paano magbigay ng liquidity sa SushiSwap
Ligtas ba ang SushiSwap?
Pangwakas na ideya
Ang Iyong Gabay sa SushiSwap
HomeMga Artikulo
Ang Iyong Gabay sa SushiSwap

Ang Iyong Gabay sa SushiSwap

Intermediya
Published Sep 1, 2020Updated May 10, 2021
7m
TL;DR: DeFi, ang tanging lugar kung saan naghaharap ang mga unicorn at cartoon sushi para paglabanan ang liquidity.

Ang Uniswap ang isa sa mga pinaka matagumpay na DeFi protocol para sa token swapping sa Ethereum. Ginawa ito ng isang maliit na grupo ng builders na ginawang open-source ang code at abot-kamay ng sinuman para i-fork. Eksaktong ganito ang ginawa ng SushiSwap!

Ang Sushiswap ay isang fork ng Uniswap na nagdadagdag ng nakakatakam na SUSHI token. Nagbibigay ito sa holder ng kontrol sa protocol at nagbabayad ng bahagi ng singil sa kanila. Tingnan natin kung paano ka mag-uumpisa dito!


Panimula

Habang nagbabago ang espasyo ng Decentralized Finance (or DeFi), patuloy na tumataas ang bilang ng mga umuusbong na bagong plataporma sa pananalapi. Nakita natin kung paano nagagamit ng mga investor ang flash loans at yield farming (o liquidity mining) para kumita pa mula sa kanilang pera.
Pinatatag ng Uniswap ang kanyang posisyon bilang isa sa mga sentro ng DeFi protocols. Ganunpaman, sa kabilang ng kanyang decentralized na ethos at mabigat na pagdepende sa smart contracts, walang masyadong papel ang mga user pagdating sa direskyon ng pag-unlad.

Ang SushiSwap, isang bagong-pasok sa larangan, ay nangakong baguhin iyon. At ang higit $1 billion na halaga na ang naka-lock sa protocol – ilang araw lamang matapos itong ilunsad – ay indikasyon na marami ang interesado sa pagbabagong ito.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang Uniswap fork na parang bagyong dumating sa mundo ng crypto.


Ano ang SushiSwap?

Bago tayo magsimula, mahalagang banggitin na kung hindi pa alam kung ano ang Uniswap at kung paano ito gumagana, mahihirapan kang itindihin kung ano ang SushiSwap. 
Kung susumahin, ang Uniswap ay isang decentralized na exchange protocol na tumatakbo nang walang libro ng order. Sa halip na libro ng order, gumagamit ito ng modelong tinatawag na automated market-making (AMM), kung saan nagdadagdag ng pondo ang mga liquidity provider sa mga liquidity pool. Bago maakit bigla sa pagbibigay ng liquidity sa Sushiswap, inirerekomenda naming basahin ang aming artikulo sa Uniswap para maintindihan ang lahat ng detalye.

Ang SushiSwap ay isang fork ng Uniswap na may ilang pagkakaiba – lalo na ang SUSHI token. May dalawang tungkulin ang token noong inilunsad: pagbibigay ng karapatan sa pamamahala sa mga holder at ng bahagi ng singil na ibinabayad sa protocol. Sa simpleng paglalarawan, ang SUSHI holders ang “may-ari” ng protocol.

Bakit marami ang nagkainteres dito? Ang pamamahala sa komunidad ay kaugnay ng DeFi ethos. Ang paglago ng liquidity mining (yield farming) bilang isang mabisang paraan para sa distribusyon ng token ay nagbigay-daan sa pag-uumapaw ng mga bangong-lunsad na token. Layon nito na gawing patas ang laro para sa lahat ng kalahok nang walang nauunang na-mine, maliit o walang founder allocation, at patas na distribusyon base sa halaga ng pondong ibinigay. Ang mga token na ipinakalat sa pamamagitan ng mga insentibo sa liquidity na ito ang siya namang nagkakaloob ng karapatan sa pamamahala sa mga token holder. Dagdag pa rito, alam na natin na ang mga SUSHI holder ay may karapatan din sa bahagi ng singil na ibinabayad ng mga trader sa protocol.

OK, ngunit ano ang magagawa ng mga token holder sa mga karapatan sa pamamahala? Kahit sino ay maaaring magsumite ng SushiSwap Improvement Proposal (SIP) na pagbobotohan ng mga SUSHI holder gamit ang kanilang token. Maaaring maliit o malaking pagbabago ang mga ito sa SushiSwap protocol. Sa halip na ang mas tradisyonal na grupo tulad ng Uniswap, ang pagpapaunlad ng SushiSwap ay nasa kamay ng mga SUSHI token holder. Ang isang malakas na komunidad ay maaaring maging makapangyarihang asset sa anumang proyektong token, ngunit pinakatotoo ito sa DeFi protocol.


Uniswap kumpara sa SushiSwap

Hindi sikreto na ang crypto ay malalim ang pinag-ugatan sa diwa ng pagigingopen-source. Marami ang naniniwala na ang Bitcoin at ang lumalaking bilang ng DeFi protocols na hindi nangangailangan ng pahintulot ay nagsisilbi bilang mga bagong klase ng public goods sa software na anyo. Dahil madaling nakokopya ang mga proyektong ito at paulit-ulit inilulunsad kasama ng maliit na pagbabago, natural lamang na hahantong ito sa kompetisyon sa pagitan ng mga parehong produkto. Ganunpaman, maaari nating isipin na ang lahat ng ito ay para sa pinakamagandang produkto para sa end-user.

Hindi maipagkakaila na utang ng DeFi ang kanyang mga malaking pag-unlad sa grupo ng Uniswap. Ngunit nakikita natin ang hinaharap kung saan ang parehong Uniswap at Sushiswap (o ibang forks) ay mamumukadkad. Maaaring manatili ang Unsiwap na nangunguna sa pag-unlad sa mundo ng AMM, habang ang SushiSwap ay maaaring magbigay ng alternatibo na nakatuon sa mga katangiang gustong makita ng komunidad.

Dahil dito, ang paggawa ng liquidity sa pagitan ng magkaparehong protocol ay hindi mainam. Kung nabasa mo na ang aming artikulo sa Uniswap, alam mo na pinakamaayos ang takbo ng AMM kung mas may liquidity sa mga pool. Kung ang maraming liquidity sa DeFi ay hinati sa pagitan ng maraming AMM protocols, maaari itong humantong sa hindi magandang karanasan ng mga end-user.


Paano isinasagawa ang distribusyon ng SUSHI rewards?

Ginagawa ang distribusyon ng SUSHI sa pamamagitan ng liquidity mining. Kung hindi alam ang ibig sabihin nito, basahin muna ang aming artikulo sa yield farming para maging pamilyar sa pangunahing ideya.

Ang SUSHI ay ikinakalat sa mga nagbibigay ng liquidity sa mga partikular na Uniswap pool. Saka maaari na nilang ideposito ang kanilang Uniswap LP tokens sa SushiSwap staking contracts para magsimulang kumita ng SUSHI.

Noong una, ang mga Uniswap pool ay ang mga sumusunod.

  • USDT-ETH
  • USDC-ETH
  • DAI-ETH
  • sUSD-ETH
  • COMP-ETH
  • LEND-ETH
  • SNX-ETH
  • UMA-ETH
  • LINK-ETH
  • BAND-ETH
  • AMPL-ETH
  • YFI-ETH
  • SUSHI-ETH


Parang mabigyan ng insentibo ang pagbibigay ng liquidity sa merkado ng SUSHI, doble ang ibinabayad na gantimpala ng SUSHI-ETH pool. Hindi nagtagal pagkatapos ilunsad, ang mga SUSHI voter ay bumoto sa paglalagay ng karagdagang pool para maging karapat-dapat sa distribusyon. Ito ang kapangyarihan ng pamamahala ng komunidad!

Ang distribusyon ng SUSHI reward ay nagsimula sa Ethereum block 10,750,000. Ang mga gantimpala ay pinababa pagkatapos ng 100,000 na block (o matapos ang dalawang linggo). Pagkatapos ang dalawang linggo ng inisyal na distribusyon, ang mga liquidity token sa staking contract ay ililipat sa SushiSwap contracts. Ibig sabihin nito na ang lahat ng Uniswap LP token na naka-stake sa SushiSwap ay makukuha sa Uniswap para sa token na kanilang kinakatawan, ang bagong mga liquidity pool ang magagawa sa kanila sa SushiSwap. Epektibo nito ngayong minamarkahan ang simula ng SushiSwap exchange.


Paano magbigay ng liquidity sa SushiSwap

Pagkuha sa mga token

Nakapagpasya ka na ngayong i-stake ang Uniswap tokens kapalit ng SUSHI. Ang unang hakbang ay ang pagkuha ng mga token na ito. Magbibigay tayo ng liquidity sa UMA-ETH, ngunit maaari ka namang sumunod gamit ang anumang pares na nais (basta’t maaaring gamiting ang LP tokens sa SushiSwap).


  1. Magpunta sa Uniswap
  2. Lumipat sa Pool na tab
  3. I-click ang Magdagdag ng liquidity
  4. Ang base ay dapat ETH, kung hindi, piliin ang ETH
  5. Sa ibaba, i-click ang Pumili ng token at hanapin ang UMA
  6. Ilagay ngayon ang halaga ng ETH at UMA na idadagdag mo sa liquidity pool
  7. Panghuli, idagdag ang liquidity sa pool at makatatanggap ka ng ETH-UMA UNI-V2 LP na mga token – maaari rin itong kunin kapag natapos ka nang magp-stake sa Sushiswap.


Tandaan: Dahil sa potensyal na pansamantalang pagkawala, maaari kang makatanggap ng ibang distribusyon ng token sa pagkuha ng mga ito kumpara sa una mong inilagay.


Kainan na!

Ngayon na hawak mo na ang ETH-UMA UNI-V2 LP tokens, bisitahin natin ang kainan sa sushiswap.org.


Ang nag-iisang alamat: Chef Nomi, ang sushi chef.


Tulad ng karamihan sa Web3 applications, kailangan nating ikonekta ang Ethereum wallet sa site para magkaroon ng interaksyon dito. May dalawang opsyon para rito: MetaMask, o WalletConnect. Piliin ang I-unlock ang Wallet sa kanang itaas na sulok, at piliin ang nais na wallet.


Ang pag-unlock sa iyong wallet ay magpapakita ng iyong balanseng SUSHI at kabuuang supply.


Oras na para sumangguni sa menu! I-click ang Menu na button sa itaas ng window para makita kung ano ang mayroon.


Kapag ikaw ay nagscroll down, makikita ang lahat ng mga pagpipilian mo.


Para sa bawat item, ikaw ay mag-iistake ng ibang token. Mukhang masarap ang Umami Squid, kaya ito ang pipiliin natin.


Sarap!


Kapag nabasa na ang aming gabay sa ERC-20, alam mong minsan ay kailangang pahintulutan ang hiling ng contract na magwithdraw. Sa pagpili ng pag-apruba na function, sinasabi natin sa network na ang SushiSwap ay maaaring kumuha ng UMA-ETH UNI-V2 LP para sa atin.



Pagkatapos niyan, maaari ka nang pumili ng halaga na gusto mong i-stake.



At ngayon, nagawa mo na lahat! Iluluto na ng chef ang iyong sushi. Sa anumang punto, maaari ka nang kumuha ng iyong SUSHI, magtanggal ng LP tokens, at ibalik ito sa Uniswap para makuha ang iyong ETH at UMA.


Ligtas ba ang SushiSwap?

Hangang sa ngayon, Setiyembre 1, 2020, nananatiling unaudited na proyekto ang SushiSwap. Ang pagdeposito ng pondo sa isang smart contract ay laging may dalang panganib ng mga bug, maging para sa mga na-audit ay may reputasyong mga proyekto. Ganunpaman, ginawa ang SushiSwap ng mga hindi nagpakilalang developer kaya nagiging mas mapanganib ang pagdeposito ng pondo sa kanila.

Masayang eksperimento ang SushiSwap, ngunit huwag magdedeposito ng higit sa kaya mong mawala. Dagdag pa rito, dahil sa masyadong mataas na gastos sa gas sa Ethereum, ang mga maliliit na deposit ay maaaring mangailangan ng maraming farming bago kumita.

Dahil dito, nag-imbita ang mga developer ng SushiSwap ng ilang mga auditing firm para i-audit ang kanilang mga contract. Magastos ang mga audit, ngunit nakita na natin sa ibang mga proyektong pagmamay-ari ng komunidad tulad ng YAM na payag ang mga user na pondohan ang mga audit para sa pinaniniwalaang proyekto.


Pangwakas na ideya

Ang SushiSwap ay isang nakawiwiling eksperimento na sumusubok sa mapagkumpitensyang kalamangan ng matagumpay nang DeFi protocol – Uniswap. Ang SushiSwap ay isang fork ng Uniswap na malaking pagkakaiba ang pamamahala ng komunidad.

Ang tunay na pagsubok sa SushiSwap ay magsisimula pagkatapos ng dalawang linggong inisyal na yugto ng distribusyon. Sisipsip ba ng malaking liquidity ang SushiSwap mula sa Uniswap? O naghahanap lang ng mabilis na kita ang mga SUSHI farmer?

Gaano man kalaki ang makamit na tagumpay ng SushiSwap, ipinapakita ito na walang produkto o serbisyo ang may hindi natatalong kalamangan sa DeFi.