TL;DR
Ang Hooked Protocol ay isang gamified social learning platform sa Web3 na nagbibigay ng mga iniangkop na produkto ng Matuto at Kumita. Una itong idinisenyo para makabuo ng mabilis na lumalagong komunidad at sa paglaon ay nagbago ito para bumili ng mga imprastruktura para sa onboarding at mga decentralized application (DApp) para matulungan ang mas marami pang negosyo na makapasok sa Web3, na sa huli ay bumubuo ng ecosystem ng economics na pagmamay-ari ng komunidad.
Panimula
Ang Web3 ay ang susunod na henerasyon ng teknolohiya sa Internet. Bagama't bago-bago pa ang termino, marami nang proyekto sa mundo ng blockchain ang nagsisikap na makagamit ng Web3 dahil sa mga benepisyo nito, kung saan kasama ang pagbabalik ng kontrol sa mga user. Gayunpaman, matagal pa bago magamit nang malawakan ang Web3.
Gustong tugunan ng Hooked Protocol ang tatlong malalaking hamon na kinakaharap ng paggamit sa Web3: ang kawalan ng motibasyon ng mga user, matataas na hadlang sa pagpasok, at hindi sapat na edukasyon sa Web3.
Gumagamit ang Hooked ng diskarte sa pagtuturo para matugunan ang mga problemang ito at mahikayat ang mas maraming user na simulan ang kanilang pakikipagsapalaran sa Web3. Sa pamamagitan ng gamified na karanasan sa pag-aaral at mga modelo ng pagbibigay ng insentibo, umaasa ang protocol na makakatulong itong magkatotoo ang malawakang paggamit sa Web3.
Kasabay nito, bumubuo ang Hooked ng isang hanay ng mga produktong para sa user na may mga insentibong token para sa onboarding ng bagong user.
Paano Ito Gumagana?
May tatlong elemento sa diskarte sa pagtuturo ng Hooked Protocol: mga makabagong produkto na nakatuon sa edukasyon, isang mekanismo ng social referral, at mga solusyon sa onboarding para sa mga negosyo.
Makabagong pamamaraan sa edukasyon
Bilang 30 segundong Meme Video Portal para sa Pag-aaral sa Web3, nagbibigay ang Hooked Academy ng madaling scheme para sa edukasyon ng user ng Web3. Patuloy na magpapakilala ang Hooked ng mas marami pang inisyatiba sa edukasyon para isulong ang malawakang paggamit ng user.
Mga social referral
Gumagamit ang team ng mga social referral, na tinatawag na ‘social graph expansion’ ng Hooked Protocol, para palaguin ang komunidad nito. Makakapagtatag at makakapag-monetize ang mga user ng bagong social graph ng Web3 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng imbitasyon.
Mga solusyon sa onboarding para sa mga negosyo
Gamit ang mga naka-integrate na imprastruktura nito, plano ng Hooked na magbigay ng mga walang kaproble-problemang solusyon sa onboarding sa Web3 para sa mga negosyo. Kasama sa integration na ito, na gumagana bilang isang hanay ng mga application para lumutas ng anumang isyu, ang isang login sa imprastruktura ng DID ng Hooked, mga naka-built in na solusyon sa wallet, mga social graph, at isang engine ng paglago ng user.
Ano na ang Nakamit ng Hooked Protocol sa Ngayon?
Ang unang DApp ng Hooked Protocol, ang Wild Cash, na inilunsad noong huling bahagi ng 2022, ay ang pinakamalaki sa blockchain sa ngayon. Sa mahigit sa tatlong milyong buwanang aktibong user, ang app ay isang gateway sa mga resource ng Web3 sa mga umuusbong na merkado.
Idinisenyo ang Wild Cash para hikayatin ang onboarding ng user sa pamamagitan ng mga gamified na karanasan, gaya ng:
Quiz to Earn
Laro sa Pagmimina na Proof of Work and Time (PoWT)
Mga social referral
Pag-stake at pag-swap sa pamamagitan ng Hooked Wallet
Sa pamamagitan ng pagsali sa mga aktibidad na ito, puwedeng lumahok ang mga user sa pamilyar na mechanics ng Web3 at puwede silang matuto pa habang nakakakuha ng mga reward na crypto.
Ano ang Hooked Token (HOOK)?
May dalawang token na ginagamit ang Hooked Protocol: Hooked Gold Token (HGT), ang utility token nito, at HOOK, sa governance token nito. Ginagamit ang HOOK para sa mga sumusunod na layunin:
Mga desisyon sa pagboto para sa Hooked ecosystem
Pag-access sa mga pribilehiyo sa event ng komunidad
Pag-access ng mga eksklusibong pag-mint ng NFT
Mga reward para sa pag-stake
Currency para sa ilang partikular na in-app na pagbili
Sa hinaharap, gagamitin din ang HOOK bilang gas token para sa lahat ng pang-ekonomiyang aktibidad sa Hooked Application Rollup Infrastructure. Higit pa rito, gagamit din ng mga gas token para sa mga transaksyon sa chain ang lahat ng DApp sa ecosystem na binuo batay sa platform.
Paano Bumili ng Hook sa Binance
Available na bilhin at i-trade ang governance token ng Hooked Protocol, ang HOOK, sa Binance Launchpad. Magrehistro at kumuha ng iyong HOOK gamit ang direktang link na ito.
Ano ang Susunod para sa Hooked Protocol?
May mga plano ang Hooked Protocol na palawakin ang merkado, komunidad, at ecosystem nito. Sa pamamagitan ng pagpapahusay ng content at platform pati na rin inobasyon sa socialFi, umaasa ang team ng Hooked na mapapalawak at mapapahusay nito ang karanasan nito sa gamified na pag-aaral para sa mga pandaigdigang user. Kasama rito ang modelo ng SocialFi ng Hooked, kung saan magagamit nang mas mabuti ng mga miyembro ng komunidad ang kanilang mga social na koneksyon at makakapag-ambag sila sa paglago ng ecosystem.
Bumubuo rin ang Hooked ng self-sustaining at flywheel-based na ecosystem sa pamamagitan ng mga bilateral na pagtutulungan ng mga ekonomiya, kung saan ang mga app na iniaalok ng Hooked Protocol ay makakabuo ng mas maraming trapiko at makakapagpalago ng komunidad ng mga ito.
Mga Pangwakas na Pananaw
Sumisikat ang modelo ng Matuto para Kumita bilang paraan para isulong ang kaalaman at paggamit sa crypto. Bagama't hindi natatangi ang diskarte ng Hooked Protocol sa paggamit ng Web3, may potensyal itong malayo ang marating, dahil sa lumalaking interes sa susunod na henerasyon ng Internet.