Ano ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto?

Ano ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto?

Baguhan
Na-publish Feb 28, 2022Na-update Dec 28, 2022
4m

TL;DR

Ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto ay BEP-20 na utility token para sa FC Porto football club. Inilunsad ang PORTO noong 2021 sa pamamagitan ng bentahan sa Binance Launchpad, at nagbibigay ito sa mga fan at may-hawak ng token ng mga eksklusibong karanasan at pribilehiyo. 

Puwedeng sumali ang mga may-hawak ng PORTO sa mga poll sa pagboto para sa mga desisyong nauugnay sa club, tulad ng pagpili sa kantang pang-warm up at pambungad na mensahe na ipapakita sa susunod na laban. Magagamit din ang PORTO sa pagbili ng Mga NFT Mystery Box ng FC Porto, at magagamit naman ang mga NFT para sa pag-stake para makakuha ng karagdagang reward na PORTO sa Platform ng Fan Token sa Binance.


Panimula

Ang mga dedikadong fan ay puwede na ngayong makipag-ugnayan sa kanilang mga paboritong koponan sa sports at celebrity sa isang mas makabago at direktang paraan sa mundo ng crypto. Ang mga fan token ay ang pinakabagong trend na gumagamit sa teknolohiya ng blockchain para gumawa ng mga eksklusibong karanasan para sa mahihilig sa sports at sa mga fan nito.


Ano ang Mga Fan Token sa Binance?

Ang Mga Fan Token ng Binance ay mga utility token na nauugnay sa mga sports club, koponan, celebrity, o brand na may malaking fan base. Mae-enjoy ng mga may-hawak ng fan token ang mga natatanging pribilehiyo para sa fan, tulad ng pag-access sa mga eksklusibong pre-sale para sa mga ticket sa event at pangongolekta ng mga espesyal na Non-Fungible Token (NFT). Sa ilang sitwasyon, puwede rin nilang impluwensyahan ang mga desisyong nauugnay sa club, tulad ng pagpili ng mga bagong uniporme ng koponan, musika sa pagpasok, at higit pa. Ang Platform ng Fan Token sa Binance ay ang opisyal na partner ng ilang koponan sa football, kasama ang S.S. Lazio (LAZIO), FC Porto (PORTO), at Santos FC (SANTOS).

Hindi tulad ng mga NFT, ganap na fungible token ang Mga Fan Token sa Binance. Tulad ng BNB, Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), at iba pang cryptocurrency. Kapag sinabing fungible, ibig sabihin, pareho ang halaga at gamit ng bawat unit ng token.


Ano ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto at paano ito gumagana?

Itinatag noong 1893, ang FC Porto football club ang may pinakamaraming internasyonal na titulong napanalunan sa Portuguese Premier League at marami pa itong kahanga-hangang tagumpay sa buong Europe, tulad ng UEFA Champions League. Para bigyan ng insentibo ang mga tagasuporta nito sa buong mundo, nakipag-partner ang club sa Binance noong 2021 para ilabas ang Fan Token (PORTO) ng FC Porto.

Ang PORTO ang pangalawang fan token ng sports na inilabas sa pamamagitan ng bentahan ng token sa Binance Launchpad. Isa itong BEP-20 na utility token sa BNB Chain (dating Binance Smart Chain, BSC), na may kabuuang supply ng token na 40 milyon.

May ilang pinaggagamitan para sa pakikipag-ugnayan ng fan ang PORTO sa ecosystem ng Binance. Bilang utility token, binibigyan ng PORTO ang mga may-hawak nito ng mga karapatan sa pamamahala para sumali sa mga poll sa pagboto na nauugnay sa Portuguese football club. Kapag mas marami silang hawak na fan token, mas malaki ang impluwensya ng kanilang boto sa mga desisyong ito na nauugnay sa fan. Halimbawa, puwedeng piliin ng mga may-hawak ng PORTO ang kantang pang-warm up ng koponan para sa paparating na laban, pati na rin ang pambungad na mensaheng ipapakita sa panahon ng laban.
Bukod pa sa mga karapatan sa pamamahala, puwedeng gamitin ng mga may-hawak ng token ang kanilang PORTO para bumili ng Mga NFT Mystery Box ng FC Porto. Naglalaman ang mga mystery box na ito ng mga neutral, rare, o super rare na NFT mula sa isang natatanging koleksyon. Halimbawa, itinampok ng unang koleksyon ng NFT ng PORTO ang mga legendary na goalkeeper ng koponan.

Ang Mga NFT ng PORTO ay hindi lang mga digital na collectible. Magagamit din ang mga iyon para sa pag-stake sa NFT PowerStation, isang makabagong gamification feature sa Platform ng Fan Token sa Binance. Sa pamamagitan ng pag-charge sa mga kinakailangang NFT, puwedeng mapalakas ng mga fan ang kanilang pagiging fan at makakuha ng mga karagdagang reward na PORTO. Kapag mas matagal na na-charge ang kanilang mga NFT, mas malaki ang mga reward ng fan na makukuha nila. Puwede ring i-trade ang mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT.

Sa hinaharap, magagamit ng mga may-hawak ng token ang kanilang PORTO para sa mga subscription para sa loyalty, tulad ng pagkakaroon ng mga espesyal na reward at fan badge, pagpunta sa mga “meet and greet” na event kasama ang mga manlalaro sa koponan, at pagtanggap ng libreng merchandise. Magagamit din ng mga fan ang PORTO para bumili ng mga ticket sa laban at magbayad para sa mga membership sa platform ng e-commerce ng FC Porto sa pamamagitan ng Binance Pay.


Paano bumili ng PORTO sa Binance?

Puwede kang bumili ng PORTO sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] para piliin ang [Classic] o [Advanced] na trading mode.

2. I-click ang [BTC/USDT] para buksan ang search bar. Ilagay ang “PORTO'' para tingnan ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang PORTO/USDT para sa halimbawang ito.

3. Pumunta sa kahong [Spot] sa kanan at piliin ang uri ng iyong order. Halimbawa, isang market order. Ilagay ang halaga ng PORTO na gusto mong bilhin, pagkatapos ay i-click ang [Bumili ng PORTO] para ilagay ang order. Ike-credit sa iyong Spot Wallet ang binili mong PORTO.



Mga pangwakas na pananaw

Sinusuportahan ng mga fan token ang isang bagong panahon para sa mga karanasan ng fan sa pamamagitan ng pag-aalok ng makabagong paraan para makaugnayan ng mga fan ang kanilang mga paboritong koponan. Habang nagdaragdag ang Platform ng Fan Token sa Binance ng mga bagong paggagamitan ng mga fan token, inaasahang maghahatid ang PORTO ng mas marami pang kapana-panabik na karanasan sa mga may-hawak nito sa hinaharap.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.