TL;DR
BNB ang nagpapagana sa Ecosystem ng Binance at ito ang native coin ng Binance Chain at Binance Smart Chain. Maraming puwedeng paggamitan ang BNB:
Pambayad ng bayarin sa pag-trade sa Binance DEX (Decentralized Exchange);
Pambayad ng bayarin sa transaksyon sa Binance Smart Chain;
Pambayad ng mga produkto at serbisyo para sa mga online at in-store na pagbili (hal., gamit ang Binance Card o
Binance Pay);
Pang-book ng mga hotel, flight, at higit pa sa Travala.com;
Utility token ng komunidad sa ecosystem ng Binance Smart Chain (gaya ng mga laro at DApp);
Para sa donasyon sa Binance Charity;
Para makapagbigay ng liquidity sa Liquid Swap ng Binance.
Inilunsad ang BNB sa pamamagitan ng isang
Initial Coin Offering (o ICO) na naganap mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 3, 2017 - 11 araw bago binuksan ang Palitan ng Binance para sa pag-trade. Ang presyo ng pag-isyu ay 1 ETH para sa 2,700 BNB o 1 BTC para sa 20,000 BNB. Bagama't inilunsad ang BNB sa pamamagitan ng ICO, ang BNB ay hindi nagbibigay ng claim sa mga user para sa mga kita ng Binance at wala itong kinakatawang pamumuhunan sa Binance.
Orihinal na ibinigay ang BNB bilang isang
ERC-20 token, na gumagana sa
Ethereum network, na may kabuuang supply na 200 milyong coin. 100 milyong BNB ang inialok sa ICO, pero ang kasalukuyang kabuuang supply ay mas mababa dahil sa mga pana-panahong burning event, kung saan sinisira ng Binance ang BNB na hawak nito sa treasury. Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa mga pag-burn ng coin, at kung bakit permanenteng nagsisira ng mga BNB, basahin ang
Ano ang Pag-burn ng Coin?.
Bagama't inisyal na nakabase sa Ethereum network, hindi nagtagal at na-swap ang mga ERC-20 BNB token sa
BEP-2 BNB sa 1:1 na ratio. Ang BEP-2 BNB ay ang native coin ng Binance Chain, at ang
mainnet na paglulunsad ay
inanunsyo noong Abril 18, 2019.
Noong Setyembre 2020, inilunsad ng Binance ang
Binance Smart Chain (BSC), isang blockchain network na gumagana kasabay ng Binance Chain. Ibig sabihin, makikita mo na ang BNB sa tatlong magkakaibang anyo:
BNB BEP-2 sa Binance Chain.
BNB BEP-20 sa Binance Smart Chain.
BNB ERC-20 sa Ethereum network.
Mag-click dito para tingnan ang mga pinakabagong presyo ng BNB.
Gaya ng nabanggit, maraming puwedeng paggamitan ang BNB sa loob ng ecosystem ng Binance at sa iba pa, kaya nasa sa iyo na kung paano mo gagamitin ang iyong BNB. Halimbawa, puwede kang gumamit ng BNB para bayaran ang iyong mga gastos sa biyahe, bumili ng mga birtwal na regalo, at
marami pa. Sa tantya namin, milyon-milyong BNB na ang nagamit ng mga user para sa mga gastos sa biyahe, pagbabayad para sa mga produkto, pagpapautang, para sa mga reward, para gumawa ng mga smart contract, at para sa iba pang transaksyon.
Marami ring tao ang gumagamit ng BNB para magbayad ng bayarin sa transaksyon. Sa mismong platform lang ng pag-trade, humigit-kumulang dalawang milyong user na ang nakagamit ng BNB para sa bayarin sa pag-trade sa kabuuang lampas 40 milyong BNB sa mahigit 127 bilyong trade. Tingnan natin kung paano ka matutulungan ng BNB sa bayarin sa transaksyon.
Kapag nagte-trade ng mga cryptocurrency sa
Palitan ng Binance, papatawan ng karaniwang bayarin na 0.1% ang bawat trade (ang
bayarin sa pag-trade ay nakadepende sa buwanang dami ng iyong pag-trade at mga hawak mo sa BNB). Puwede mong bayaran ang bayarin sa pag-trade gamit ang mga asset na tine-trade mo, o puwede mong bayaran ang mga ito gamit ang BNB. Kung pipiliin mong magbayad ng BNB, makakakuha ka ng espesyal na diskwento.
Ibig sabihin, kung madalas kang mag-trade sa Binance, dapat mong pag-isipang magkaroon ng BNB at gamitin ito para bayaran ang iyong bayarin. Tandaan na ang ibinabawas para sa bayarin sa pag-trade ay nakabatay sa isang partikular na iskedyul, kaya tiyaking tingnan ang kasalukuyang
Iskedyul ng Bayad sa pag-trade sa spot. Maganda ring tandaan na medyo iba ang sinusunod na
Iskedyul ng Bayad ng platform ng Binance Futures.
Bukod pa sa may diskwentong bayarin sa pag-trade, BNB rin ang nagpapagana sa Binance DEX (na nasa Binance Chain) at daan-daang application na gumagana sa Binance Smart Chain (BSC), ibig sabihin, puwede mo ring gamitin ang BNB sa labas ng platform ng pag-trade ng Binance. Sa katunayan, mahigit 180 digital asset na ang naibigay sa BSC, at milyon-milyong user na ang nakagamit ng BNB para sa mga layunin ng utility kaugnay ng BSC.
Silipin ang mga pinakabagong presyo ng BNB sa kasalukuyan.
Saan ako makakakuha ng BNB?
Ang karamihan sa mga pagbili ng BNB ay nagaganap sa mga sekondaryang merkado. Ibig sabihin, puwede kang bumili at magbenta ng BNB sa
Binance.com at iba pang platform ng crypto. Narito kung
paano bumili ng BNB sa mabilis na paraan!