Ano ang Teknolohiyang Blockchain? Isang Komprehensibong Gabay
Home
Mga Artikulo
Ano ang Teknolohiyang Blockchain? Isang Komprehensibong Gabay

Ano ang Teknolohiyang Blockchain? Isang Komprehensibong Gabay

Intermediya
Na-publish Dec 30, 2019Na-update May 15, 2023
33m

Mga Kabanata

  1. Blockchain 101
  2. Paano gumagana ang blockchain?
  3. Saan ginagamit ang blockchain?


Kabanata 1 - Blockchain 101

Mga nilalaman


Ano ang blockchain?

Ang blockchain ay isang espesyal na uri ng database. Maaaring narinig mo na din ang distributed ledger na teknolohiya (o DLT) – sa maraming kaso, pwedeng parehas lang ang pinag-usapan.

May mga natatanging mga katangian ang blockchain. Merong mga alituntunin sa kung paanong magdagdag ng datos at kapag naitago na ang datos, halos imposible ang pagbabago o pagbura dito.

Ang datos na nadadagdag sa paglipas ng panahon ay tinatawag na blocks. Ang bawat block ay ginagawa sa ibabaw ng huling ginawang block at nilalaman nito ang piraso ng impormasyon na nakakonekta sa nakaraang block. Kapag tinignan ang pinakahuling block, pwedeng makita na ginawa ito pagkatapos ng nauna dito. Kaya kung susuriin ang “chain”, makikita ang pinakaunang block – tinatawag itong genesis block.

Upang lalo itong maintindihan, isipin na meron kang isang spreadsheet na may dalawang column. Sa unang cell sa unang row, maglagay ka ng kahit anong datos na gusto mong i-hold.

Ang data sa unang cell ay pinapalitan ng dalawang alpabeto na gagamiting parte ng susunod na input. Sa halimbawa na ito ang dalawang alpabeto na KP ay dapat gamitin sa pagpuna ng susunod na cell sa pangalawang row (defKP). Ibig sabihin nito, kung baguhin mo ang unang na-input na datos (abcAA), ang makukuha mo ay ibang kumbinasyon ng alpabeto sa lahat ng cell.


Isang database kung saan ang bawat entry ay nakakonekta sa huli.


Kung titignan ang row 4, ang pinakahuling identifier ay TH. Tandaan ang aming sinabi na hindi ka pwedeng bumalik para magtanggal o magbura ng mga entry? Yan ay dahil magiging madali para sa lahat na malaman na ginawa iyon at hindi papansinin ang iyong tangka ng pagbabago.
Sabihin nating binago mo ang datos sa pinaka-unang cell – magkakaroon ng panibagong identifier, ibig sabihin ang pangalawang block ay magkakaroon ng panibagong datos kaya magiging iba din ang identifier sa row 2, at pati ang susunod dito. Ang TH ay produkto ng lahat ng impormasyon bago ito.


Paano konektado ang mga block?

Ang tinalakay natin sa itaas – gamit ang mga identifier na may dalawang letra – ay napakasimpleng paraan para maintindihan kung paano ginagamit ng blockchain ang hash functions. Ang hashing ay ang pandikit ng mga block. Binubuo ito ng pagkuha ng datos ng kahit anong laki at pagdaan nito sa mathematical function para gumawa ng output (ang hash) na laging may parehong haba.

Ang mga hash na ginagamit sa blockchain ay nakakawili dahil ang tsansa na makahanap ka ng 2 piraso ng datos na may parehong output at masyadong mababa. Tulad ng mga identifiers sa itaas, ang anumang maliit na pagkakaiba sa input ay magbibigay ng ibang output.

Ilarawan natin gamit ang SHA256, isang function na laging ginagamit sa Bitcoin. Kung titingnan mo, kahit ang pagpapalit ng capitalization ng mga letra ay sapat na para lubos na mabago ang output.


Input na datosSHA256 na output

Binance Academy

886c5fd21b403a139d24f2ea1554ff5c0df42d5f873a56d04dc480808c155af3

Binance academy

4733a0602ade574551bf6d977d94e091d571dc2fcfd8e39767d38301d2c459a7

binance academy

a780cd8a625deb767e999c6bec34bc86e883acc3cf8b7971138f5b25682ab181


Dahil walang kilalang SHA256 na collisions (i.e. dalawang magkaibang input na magbibigay ng parehong output) ay lubos na mahalaga sa konteksto ng mga blockchain. Ibig sabihin, ang bawat block ay pwedeng maituro ang naunang block sa pagsama ng hash nito at ang kahit anong tangka na baguhin ang naunang mga block ay mahahalata.


Ang bawat block ay naglalaman ng fingerprint ng nakaraan.


Blockchains at decentralization

Na-explain ang pangunahing istraktura ng isang blockchain. Ngunit kapag naririnig mo ang ibang tao na pag-usapan ang teknolohiyang blockchain, maaaring hindi nila pinag-uusapan lang ang database mismo, ngunit pati na rin ang mga ecosystem na ginawa sa paligid ng blockchain. 

Bilang malayang istraktura ng datos, kapaki-pakinabang lang ang mga blockchain sa niche na mga application. Nagiging interesante ito kapag ginagamit ito bilang tool para sa mga taong hindi magkakakilala para makipag-ugnayan sila sa isa't-isa. Kapag pinagsama ito sa ibang uri ng teknolohiya at ang ilang game theory, pwedeng kumilos bilang isang distributed ledger na walang nag-iisang namamahala.
Ibig sabihin nito, walang nagmamay-ari ng kontrol sa pagbabago ng mga entry sa labas ng alituntunin ng sistema (higit pa sa mga alituntunin sa ilang sandali). Sa ideya na iyon pwede mong sabihin na ang ledger ay sabay na pinagmamay-ari ng lahat: ang mga kalahok ay may kasunduan.


Ang Problema ng Byzantine Generals

Ang totoong pagsubok para sa isang sistema na tulad ng tinutukoy sa itaas ay tinatawag na Problema ng Byzantine Generals. Unang nakilala noong 1980s, ito ay tumutukoy sa isang problema kung saan ang mga nakabukod na kalahok ay dapat makapag-usap para sa magkakaugnay na mga aksyon. Ang ispesipikong problema ay maraming heneral ng hukbo na nakapalibot sa isang siyudad at magpapasya kung dapat salakayin ito. Pwede lang makipag-usap ang mga heneral sa pamamagitan ng messenger. 

Dapat magdesisyon ang bawat isa kung lulusob o magreretiro. Hindi importante kung anong magiging desisyon ng bawat isa basta't magkaisa sila sa iisang desisyon. Kung magkasundo sila na umatake, mas magiging matagumpay kung sabay sabay silang lulusong. Paano kaya masisiguro na kaya nila itong gawin? 

Tiyak na kaya nilang makipag-usap sa pamamagitan ng messenger. Ngunit paano kung hinarang ang messenger ng isang mensahe na nagsasabing “kami ay lulusob sa bukang liwayway” at pinalitan ang mensaheng iyon ng “kami ay lulusob ngayong gabi”? Paano kung malisyoso ang isang heneral at sadya niyang inilihis ang iba para sila ay matalo?


Matagumpay ang lahat ng heneral kung aatake sila (kaliwa). Kung ang ilan ay uurong habang ang iba ay aatake, matatalo sila (kanan).


Kailangan natin ng istratehiya kung saan may pagkakasunduan kahit na may masamang hangarin ang ilang kalahok o maharang ang mga mensahe. Hindi naman usapan ng buhay at kamatayan kung hindi mapanatili ang database tulad ng pag-atake ng isang siyudad nang walang dagdag na armas o hukbo, ngunit magagamit ang parehong prinsipyo dito. Kung walang mangangasiwa sa blokchain para bigyan ng “tamang” impormasyon ang mga user, dapat kaya ng mga user ang makipag-usap sa isa't-isa.

Para mapagtagumpayan ang potensyal na pagkabigo ng isa (o ng maraming) mga user, dapat dumaan sa masusing engineering ang mga mekanismo sa blockchain para maging malaya ito mula sa mga nasabing sagabal. Ang sistema na kayang gawin ito ay tinatawag na Byzantine fault-tolerant. Makikita natin mamaya na ang consensus algorithms ay ginagamit para maisakatuparan ang mga matatag na mga alituntuning ito.


Bakit kailangang maging decentralized ang mga blockchain?

Pwede kang magpatakbo ng sarili mong blockchain. Ngunit uuwi ka sa isang database na hindi sintatag ng mga mas mahusay na mga alternatibo. Ang totoong potensyal nito ay pwedeng magamit sa isang decentralized na paligid – yun ay, kapag pantay ang lahat ng user. Sa ganong paraan, hindi pwedeng mabura ang blockchain o masakop ng mga may masamang hangarin. Ito ay matuturing na nag-iisang mapagkukunan ng katotohanan na kahit sino ay pwedeng makakita.


Ano ang peer-to-peer na network?

Ang peer-to-peer (P2P) na network ay ang aming layer ng mga user (ang ang mga heneral base sa nakaraang halimbawa). Walang tagapamahala kaya sa halip na tatawag ka sa isang central server kapag gusto mong makipagpalitan ng impormasyon sa isa pang user, pwedeng ipadala ng user nang direkta sa kanyang kapwa-user. 

Tingnan ang pagpapaliwanag sa ibaba. Sa kaliwang larawan, kailangang ipadala ni A ang kanyang mensahe sa server papunta kay F. Pero sa kanang bahagi, konektado sila nang walang tagapamagitan.


Isang centralized na network (kaliwa) vs isang decentralized na network (kanan).


Karaniwang hawak ng server ang lahat ng impormasyon na kakailanganin ng mga user. Kapag inaccess mo ang Binance Academy, hinihiling mo sa kanilang mga server na ibigay sa'yo ang lahat ng mga artikulo. Kung nag-offline ang website, hindi mo makikita ang mga ito. Ngunit kung odownload mo ang lahat ng laman nito pwede mong i-load ito sa'yong computer nang hindi nagtatanong sa Binance Academy. 

Sumakatuwid, ganyan ang ginagawa ng bawat peer sa blockchain: nakataga ang buong database sa kanilang computer. Kung may umalis sa network, pwede pa ding i-access na mga natirang user ang blockchain at ipamahagi anf impormasyon sa isa't-isa. Kapag may bagong block na dumagdag sa chain, ang datos ay pinapalaganap sa buong network para pwedeng mag-update ang lahat ng kanilang sariling kopya ng ledger.

Siguraduhing tingnan ang Pagpapaliwanag sa Peer-to-Peer Networks para sa mas malalim na diskusyon sa ganitong uri ng network.


Ano ang mga blockchain nodes?

Ang nodes ay ang tawag sa mga machine na nakakonekta sa network – ang mga ito ang naghahawak ng mga kopya ng blockchain at nagpapamahagi ng impormasyon sa ibang machine. Hindi kailangang mano-manong gawin ng mga user ito. Sa pangkalahatan, ang tangi nilang dapat gawin ay i-download at patakbuhin ang blockchain software at ang mga natira ay gagawin nang awtomatiko.

Ang pagpapaliwanag ng node sa itaas any aang pinaka-simpleng paglalarawan, ngunit pwede ding isama ang pakikipag-ugnayan ng ibang user sa network sa kahit anong paraan. Sa cryptocurrency, halimbawa, ang isang simpleng aplikasyon sa iyong smartphone tulad ng wallet ay itinuturing na light node


Pampubliko vs pribadong blockchains

Tulad ng alam mo na, Bitcoin ang naglatag ng pundasyon para lumago ang industriya ng blockchain sa kung ano ito ngayon. Mula noong napatunayan ng Bitcoin na isa itong lehtimong asset ng pananalapi, maraming mga innovator ang nag-iisip ng potensyall ng underlying na teknolohiya para sa ibang larangan. Nagbungad ito ng pananaliksik sa blockchain sa napakaraming use case sa labas ng pananalapi.
Ang Bitcoin ay itinuturing na isang pampublikong blockchain. Ibig sabihin nito, pwedeng makita ang mga transaksyon dito nang kahit na sino sa pamamagitan lamang ng koneksyon sa internet at ang kinakailangan na software. Dahil wala nang iba pang kailangan para makilahok, pwede nating tawagin itong permissionless na kapaligiran.
May iba ding uri ng mga blockchain na tinatawag na pribadong blockchains. Ang mga sistema nito ay may mga alituntunin kung sino lamang ang pwedeng makakita at makipag-ugnayan sa blockchain. Dahil dito, tinuturing silang permissioned na mga kapaligiran. Bagaman mukhang pag-uulit sa una ang mga pribadong blockchain, may mga importante silang mga aplikasyon –na karamihan ay nasa setting ng mga negosyo.
Para sa higit pang kaalaman sa paksang ito, basahin ang Pampubliko, Pribado at Mga Consortium na Blockchain - Ano ang Pinagkaiba?



Iniisip mo bang subukan ang cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Paano gumagana ang mga transaksyon?

Kung gustong bayaran ni Alice si Bob gamit ang bank transfer, sasabihan niya ang bangko. Ipagpalagay natin na parehas ang bangko nilang dalawa para maging simple ang halimbawa. Makikita ng bangko na may pondo si Alice para gawin ang transaksyon bago nito i-update ang database (e.g.  -$50 kay Alice, +$50 kay Bob).

Hindi ito nalalayo sa kung ano ang nangyayari sa isang blockchain sapagkat ito rin ay isang database. Ang pinaka-pagkakaiba ay walang iisang partido ang gumagawa ng pag-check at pag-update ng mga balanse. Dapat itong gawin ng lahat ng nodes. 

Kung gustong magpadala ni Alic ng 5 Bitcoins kay Bob, magpapadala siya ng mensahe na isinasaad ito sa network. Hindi ito madadagdag sa blockchain agad – makikita ito ng mga nodes ngunit may iba pang kailangang aksyon na dapat makumpleto bago makumpirma ang transaksyon. Tingnan ang Paano nagdadagdag ng blocks sa blockchain?
Kapag nadagdag na ang transaksyon na iyon sa blockchain, makikita ng lahat ng nodes ang pagbabagong ito. I-uupdate nila ang kani-kanilang kopya ng blockchain para maipakita ang pagbabagong ito. Ngayon, hindi pwedeng ipadala ni Alice ang parehong 5 units kay Carol (kaya double-spending) dahil alam na ng network na nagastos na niya ito sa nakaraang transaksyon.
Walang konsepto ng mga username at mga password – ginagamit ang public-key cryptography para mapatunayan ang pagmamay-ari ng pondo. Para makatanggap ng pondo, kailangang mag-generate ni Bob ng private key. ito ay napakahabang serye ng mga numero na halos imposibleng mahulaan ng kahit kanino kahit na may ilang daang taon sila para hulaan ito. Ngunit kung sasabihin ni Bob ang kanyang private key sa isang tao, pwedeng mapatunayan ng taong iyon na siya ang nagmamay-ari at pwede niya magamit ang pondo. Importante na si Bob lang ang nakaka-alam ng kanyang private key.
Ang pwedeng gawin ni Bob ay gumawa ng public key mula sa kanyang private key. Maaari niyang ipagsabi ang kanyang public key dahil halos imposible sa kahit kanino na i-reverse engineer ito para mahulaan ang private key. Sa maraming kaso, gagamit siya ng ibang operasyon (tulad ng hashing) sa public key para makuha ang public  na address.



Ibibigay niya kay Alice ang kanyang public address para alam ni Alice kung saan ipapadala ang pondo. Gagawa si Alice ng transaksyon na nagsasaad na ipadala ang pondong ito sa public address na ito. Ngayon, para mapatunayan ni Alice na hindi siya nakikipagtransaksyon gamit ang pondong wala sa kanya, gagawa siya ng digital signature gamit ang kanyang sariling private key. Kahit sino ay pwedeng kunin ang napirmahang mensahe ni Alice at ikumpara ito sa kanyang public key para masabi nang may kasiguruhan na may karapatan siyang ipadala ang pondong iyon kay Bob.


Paano makipag-transact ng Bitcoin

Para mailarawan kung paano makipag-transact ng Bitcoin, ipagpalagay na may dalawang senaryo. Ang unang senaryo ay magwi-withdraw ka ng bitcoin mo mula sa Binance at ang pangalawa ay magpapadala ka ng pondo mula sa iyong Trust Wallet papunta sa iyong Electrum wallet.


Paano mag-withdraw ng bitcoins mula sa Binance

1. Mag-log in sa iyong Binance account. Kung wala ka pang bitcoins, tingnan ang aming gabay kung paano bumili.
2. Itapat ang iyong mouse sa Wallet at piliin ang Spot Wallet.



3. I-click ang Withdraw sa sidebar sa kaliwa.
4. Piliin ang coin na gusto mong i-withdraw – sa kasong ito, BTC.
5. Kopyahin ang address kung saan mo gustong i-withdraw ang iyong bitcoins at i-paste ito sa BTC Address ng Tatanggap.



6. Tukuyin ang halaga na gusto mong i-withdraw.
7. I-click ang Isumite.
8. Makakatanggap ka ng kumpirmasyon na email sa ilang sandali lang. Tingnan mabuti kung tama ang address. Kung tama ito kumpirmahin ang transaksyon sa email.
9. Antayin na makapasok ang transaksyon sa blockchain. Pwede mong i-monitor anf estado nito sa Kasaysayan ng Deposito at Withdrawal na tab o sa paggamit ng block explorer.


Paano magpadala ng bitcoin mula sa Trust Wallet papunta sa Electrum

Sa halimbawa sa ibaba, magpapadala tayo ng konting bitcoin mula sa Trust Wallet papunta sa Electrum.


1. Buksan ang Trust Wallet na app.
2. I-tap ang iyong Bitcoin account.
3. I-tap ang Ipadala.
4. Buksan ang Electrum na wallet.
5. I-click ang Tumanggap na tab sa Electrum at kopyahin ang address.



Pwede ka ding bumalik sa Trust Wallet at i-tap ang [–] na icon para ma-scan ang QR code na pupunta sa iyong Electrum address.



6. I-paste ang iyong Bitcoin na address sa Tatanggap na Address sa Trust Wallet.
7. Tukuyin ang halaga.
8. Kung lahat ay tama, kumpirmahin ang transaksyon.
9. Tapos na! Antayin na makumpirma ang iyong transaksyon sa blockchain. Pwede mong makita ang estado sa pagkopya ng iyong address sa isang blockchain explorer.



Nais mo bang subukan ang cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Sino ang nag-imbento ng teknolohiyang blockchain?

Pormal na naipakilala ang teknolohiyang blockchain noong 2009 noong lumabas ang Bitcoin – ang una at ang pinakatanyag na blockchain. Ngunit ang gumawa nito na may pseudonym na Satoshi Nakamoto ay kumuha ng inspirasyon mula sa naunang teknolohiya at mga proposal.
Mabigat ang paggamit ng blockchains sa hash functions at cryptography na umiiral na ng ilang dekada bago pa ilabas ang Bitcoin. Ang istraktura ng blockchain ay maaaring masundan noong unang parte ng 1900s, ngunit ginamit lang ito sa pag-timestamp ng mga dokumento para hindi sila mabago mamaya.
Para sa higit pang impormasyon sa paksang ito, tingnan ang Kasaysayan ng Blockchain.


Mga benepisyo at kahinaan ng teknolohiyang blockchain

Ang mga blockchain na dumaan sa maayos na engineering ay pwedeng makasagot ng mga problema ng mga stakeholder sa ilang mga industriya, mula sa pananalapi hanggang sa agrikultura. Nagpe-presenta ang distributed network ng maraming benepisyo laban sa mga tradisyunal na client-server na modelo ngunit meron din itong ilang mga trade-off.


Mga benepisyo

Isa sa mga benepisyong makikita agad sa Bitcoin white paper ay ang pagtanggal ng tagapamagitan sa pagpapadala ng bayad. Ang mga sumunod na mga blockchain ay pinalago pa ito sa pagbibigay kapangyarihan sa mga user na magpadala ng maraming uri ng impormasyon. Ang pagtanggal ng mga counterparties ay pagtanggal ng ilang peligro para sa mga user at may mas mababang bayarin dahil walang tagapamagitan na kailangang kumuha ng parte niya.

Tulad ng sinabi kanina, permissionless din ang pampublikong blockchain network – walang sagabal sa pagsali dahil walang tagapamahala. Kung ang user ay pwedeng kumonekta sa internet, kaya din nilang makipag-ugnayan sa ibang peers sa network.

Maraming pwedeng magtalo na ang pinakaimportantengkalidad ng mga blockchain ay meron silang mataas na antas ng censorship-resistance. Para mapatumba ang isang centralized na serbisyo, ang kailangan lang gawin ng isang malisyosong tao ay ang mag-target ng server. Pero sa isang peer-to-peer na network, ang bawat node ay gumaganap bilang isang server sa sarili nito. 

Ang isang sistema na tulad ng Bitcoin ay may 10,000 na nakikitang mga nodes na nakakalat sa iba't-ibang parte ng mundo, nagiging imposible kahit na sa isang attacker na madaming resources para ilagay sa kompromiso ang network. Dapat na malaman na maraming nakatagong nodes din na hindi nakikita sa mas malawak na network.

Narito ang ilan sa mga karaniwang mga benepisyo. May mga ispesipikong mga use case na maaaring pagserbisyuhan ng blockchains, tulad ng makikita mo sa Ano ang gamit ng blockchain?


Mga Kahinaan

Hindi silver bullet ang blockchain sa lahat ng problema. Sa pag-optimize nito para sa mga benepisyo na nakasaad sa nakaraang seksyon, nauuwi na nagkukulang ito sa ibang lugar. Ang pinakahalatang balakid sa mass adoption ng mga blockchain ay hindi sila makapag-scale ng maayos.

Totoo ito sa anumang distributed network. Dahil ang lahat ng kalahok ay dapat manatiling naka-sync, ang bagong impormasyon ay hindi pwedeng masyadong mabilis na madagdag at hindi makasabay ang mga nodes. Kung kaya nililimitahan ng mga developer nang sadya para makapag-update ang blockchain at masiguro na manatiling decentralized ang sistema.

Para sa mga user ng network, pwedeng makita ito sa mahabang pag-aantay kung masyadong maraming tao ang nagpoproseso na kani-kanilang mga transaksyon. May limitasyon ang datos na kayang hawakan ng bawat block at hidi sila nadaragdag sa chain agad. Kung may iba pang transaksyon na labas sa kasya lang sa isang block, kailangang maghintay para sa susunod na block.

Ang isa pang posibleng kahinaan ng decentralized blockchain na sistema ay hindi sila madaling ma-upgrade. Kung gumagawa ka ng sarili mong software pwede kang magdagdag ng mga bagong feature kung gusto mo mo. Hindi mo kailangang magtrabaho na kasama ang ibang tao o humingi ng permiso para gumawa ng mga pagbabago.

Sa isang kapaligiran na may potensyal sa milyong mga user, mas magiging mahirap ang paggawa ng mga pagbabago. Pwede kang magbago ng ilang parameters ng iyong node software, ngunit pwede kang maihiwalay mula sa network. Kung ang binagong software ay hindi akma sa bang nodes, makikita ito at pwedeng hindi sila makipag-ugnayan sa node mo.

Kunwari ay gusto mong baguhin ang isang alituntunin sa kung paanong mababago ang malalaking blocks (mula 1MB sa 2MB). Pwede mong subukang ipadala ang block na ito sa mga nodes na nakonektahan mo ngunit may alituntunin sila na nagsasabing “huwag tanggapin ang mga block na lagpas sa 1MB”. Kung nakatanggap sila ng kahit ano na mas malaki dito, hindi nila ito isasama sa kopya nila ng blockchain.

Ang tanging paraan para magbigay daan sa pagbabago ay kung ang karamihan sa ecosystem ay tatanggapin ang mga ito. Sa mga malalakng blockchain, pwedeng dumaan sa maraming buwan – o taon pa – ng mga diskusyon sa mga forum bago ma-coordinate ang mga pagbabago. Tingnan ang Hard Forks at Soft Forks para sa iba pang impormasyon tungkol dito.





Kabanata 2 - Paano gumagana ang blockchain?

Mga Nilalaman


Paano nadadagdag ang blocks sa blockchain?

Madami na tayong natalakay. Alam na natin na ang mga nodes ay magkakabit at nagtatago sila ng mga kopya ng blockchain. Nakikipag-ugnayan sila ng impormasyon tungkol sa mga transaksyon at mga bagong blocks sa isa't-isa. Natalakay na natin kung ano ang mga nodes pero baka nagtataka ka: paano nadadagdag ang bagong block sa blockchain?

Walang iisang pagkukunan ng impormasyon na magsasabi sa mga user kung ano ang dapat gawin. Dahil ma pantay na kapangyarihan ang lahat ng nodes kailangan pa din ng mekanismo para sa pantay na pagdedesisyon kung sino ang pwedeng magdagdag ng blocks sa blockchain. Kailangan natin ng sistema na gagawing mahal para sa mga user ang mandaya ngunit bibigyan sila ng pabuya kung sila ay aaksyon nang may katotohanan. Ang kahit sinong makatwiran na user ay gugustuhing umaksyon sa paraang magiging kapakiakinabang sa kanila.

Dahil permissionless ang network, dapat madaling ma-access ang paggawa ng block ng kahit na sino. Madalas ay sinisiguro ito ng mga protocol sa paghingi sa mga user na maglagay sila ng “skin in the game” –kailangan nilang gamitin ang sarili nilang pera. Sa paggawa nito, magkakaroon sila ng pagakakataon na sumali sa paggawa ng block at kung makagawa sila ng isang lehitimong block, mabibigyan sila ng reward.

Ngunit kung magtangka silang mandaya, malalaman ng iba sa network. Mawawala ang kahit anong stake na ginamit nila. Tinatawag namin ang mga mekanismong ito na consensus algorithms dahil hinahayaan nila ang mga kalahok sa network na umabot sa pagkakasundo sa kung anong block ang sunod na idaragdag.


Mining (Proof of Work)


Mining ang pinaka-ginagamit na consensus algorithm. Sa mining, ang Proof of Work (PoW) algorithm ay ginagamit. Kasama dito ang pagsasakripisyo ng computing power ng mga user para subukang malutas ang puzzle na itinakda ng protocol.

Kinakailangan ng puzzle na mag-hash ng mga transaksyon ang mga user at iba pang impormasyong kasama sa block. Ngunit para maituring na lahitimo ang hash na ito, dapat itong mahulog sa ibaba ng partikular na numero. Dahil walang paraan para mahulaan ang magiging output, kailangang mag-hash ng mga miner ng medyo binagong mga datos hanggang sa marating nila ang isang lehitimong solusyon.

Malinaw na napakamahal ang pault-ulit na pag-hash ng datos. Sa Proof of Work na mga blockchain, ang “stake” na ginagamit ng user ay pinamumuhunan sa mga mining computer at sa kuryente na ginagamiit para mapatakbo sila. Ginagawa nila ito sa pag-asang makakuha ng block reward

Tandaan na sinabi namin kanina na halos imposible ang pagbaliktad ng hash ngunit napakadali ang pag-check dito? Kapag nagpadala ang miner ng bagong block sa network, ginagamit ito ng mga nodes bilang input sa hash function. Kailangan lang nilang patakbuhin ito nang minsan para maberipika na ang block ay nasa ilalim ng mga alituntunin ng blockchain. Kung hindi hindi makakatanggap ang miner ng reward at sinayang nila ang kuryente para sa wala.

Ang unang Proof of Work na blockchain ay Bitcoin. Mula noong ginawa ito, maraming ibang blockchain ay ginamit ang PoW na mekanismo.


Mga Benepisyo ng Proof of Work

  • Nasubukan at napatunayan – hanggang ngayon, ang Proof of Work ay ang pinakamature na consensus algorithm at naka-secure na ito ng daang bilyong dolyar na halaga.
  • Permissionless – pwedeng umahok ang kahit sino sa kumpetisyon ng mining o magpatakbo ng validating node.
  • Decentralization – nakikipagkumpitensya ang mga miner sa isa't-isa para makagawa ng blocks. Ibig sabihin ay walang nag-isang nagkokotrol ng hash power.


Mga Kahinaan ng Proof of Work

  • Maaksaya – kumukunsumo ang mining ng matinding kuryente.
  • Pataas nang pataas na pagsubok sa pagpasok – sa pagdating ng mas marami pang miner, pinapataas ng protocols ang hirap ng mining puzzle. Para manatiling competitive, kailangang mamuhunan ang mga user sa mas magandang kagamitan. Maaaring maubos ang puhunan ng maraming miners.
  • 51% na mga attack – bagaman itinutulak pasulong ng mining ang decentralization, may posibilidad na may isang miner na makakuha ng karamihan sa hash power. Kung magawa nila ito, kaya nilang ipawalang bisa ang mga transaksyon at papanghinain ang seguridad ng blockchain.


Staking (Proof of Stake)

Sa mga sistema ng Proof of Work, ang magbibigay sa'yo ng insentibo para umaksyon nang may integridad ay ang pera na pinuhunan mo para sa mining computers at kuryente. Hindi mo makukuha ang balik sa iyong puhunan kung hindi tama ang pag-mine ng mga blocks.
Sa Proof of Stake (PoS), walang mga panlabas na gastos. Sa halip na mga miner, meron tayong mga validator na nagmumungkahi (o “gumagawa”) ng mga block. Pwede silang gumamit ng regular na computer para mag-generate ng bagong mga block, ngunit kailangan nilang maglaan ng malaking parte ng kanilang pondo para sa pribilehiyong ito. Ang staking ay ginagawa na may tinukoy na halaga ng native currency ng blockchain, ayon sa mga alituntunin ng mga protocol. 

Ang magkaibang implementasyon ay magdadala ng iba't-ibang pagkakaiba-iba, ngunit pag nag-stake ng kanyang unit ang isang validator, pwede silang random na piliin ng protocol para ianunsyo ang susunod na block. Sa tamang paggawa nito, makakatanggap sila ng premyo. Pwede ding maraming validator na sasang-ayon sa susunod na block at ang premyo ay ipapamahagi nang proporsyonal sa stake na inilahad ng bawat isa.

“Puro” na mga PoS blockchains ay hindi masyadong ginagamit kaysa sa mga DPos (Delegated Proof of Stake), na nangangailangan na bumoto sa nodes ang mga user (mga witness) para patunayan ang mga block para sa buong network.
Ethereum ang nangungunang smart contracts blockchain ay malapit na lumipat sa Proof of Stake sa pag-migrate nito sa ETH 2.0. 


Mga Benepisyo ng Proof of Stake

  • Maganda para sa Kapaligiran – maliit na bahagi lang ang carbon footprint ng PoS kaysa sa PoW mining. Tinatanggal ng staking ang pangangailangan ng mabigat na mga sangkap sa operasyon ng hashing.
  • Mas mabilis na mga transaksyon – dahil hindi kailangan ng paggastos ng mas maraming computing power sa mga arbitrary na mga puzzle na itinalaga ng protocol, may mga tagasuporta ng PoS na nagsasabing pwede nitong palakihin ang mga transaksyon na pwedeng magawa.
  • Mga staking reward at interes – sa halip na magpunta sa mga miner, binabayad nang direkta sa mga token holder ang mga rewards sa pagsisiguro ng network. Sa ilang kaso, pinapayagan ng PoS ang mga user na kumita ng passive income sa pamamagitan ng mga airdrop o interes sa simpleng paraang ng pag-stake ng kanilang pondo.


Mga Kahinaan ng Proof of Stake

  • Hindi pa gaanong subok – Ang mga PoS na protocol ay hindi pa gaanong nasubukan sa pangmaramihang sukat. Maaaring may hindi pa natatagpuang mga kahinaan sa pagpapatupad o cryptoeconomics.
  • Plutocracy – may mga pag-aalala na humimok ang PoS ng “lalong pagpapayaman” na ecosystem dahil ang validators na may malaking stake ay mas malaki din ang mga reward.
  • Ang problema ng nothing-at-stake – sa PoW, pwede lang “tumaya” ang mga user sa isang chain – nagma-mine sila sa chain na tingin nila ay may mataas ng posibilidad na magtagumpay. Sa hard fork, pwede silang tumaya sa marami gamit ang iisang hash power. Ngunit ang mga validator sa PoS ay pwedeng magtrabaho sa maraming chains na may maliit na dagdag puhunan lang at maaari itongmaging dahilan ng problemang ekonomiya.


Iba pang consensus algorithms

Ang Proof of Work at Proof of Sake ay ang pinaka-karaniwan na consensus algorithms ngunit marami pang iba. Ang ilan ay mga hybrid na piangsasama ang mga elemento ng parehong sistema habang ang iba ay iba-ibang paraan ang ginagamit. 

Hindi natin sila tatalakayin dito ngunit kung interesado ka, tingnan ang mga artikulong ito:


Pwede ko bang ibalik ang mga transaksyong blockchain?

Dinisenyo ang mga blockchain ng mga matatag na database. Ang kanilang mga napapaloob na mga katangian ay ginagawang napakahirap ang pagtanggal o pagbago sa datos ng blockchain pagkatapos nilang maitala.  Pagdating sa Bitcoin at iba pang malalaking network, halos imposible ito. Kaya kapag gumagawa ka ng transaksyon sa isang blockchain, mabuting isipin mong


Ano ang blockchain scalability?

Ang blockchain scalability ay madalas ginagamit na umbrella term na tumutukoy sa abilidad ng sistema ng blockchain na pagsilbihan ang lumalagong demand. Bagaman maraming magandang katangian ang mga blockchain (tulad ng decentralization, censorship-resistance, immutability), mahal ang mga ito.
Iba sa decentralized na sistema, mas kaya ng isang centralized na database ang gumana ng mas mabilis at mas madami itong magagawa. Mainam ito dahil hindi na kailangan ng libong nodes na nakakalat sa mundo para sumabay sa network tuwing nababago ang laman nito. Ngunit hindi parehas ang kaso pagdating sa usaping blockchain. Bunga nito, madalas na napagtatalunan ang scalability sa pagitan ng mga developer ng blockchain sa loob ng maraming taon.

May iba't-ibang mga solsuyon na pinanukala o isinagawa na para maibsan ang ilan sa mga kahinaan pagdating sa performance ng mga blockchain. Ngunit sa puntong ito, walang malinaw na pinakamainam na paraan. Marahil ay dapat maraming mga solusyon ang dapat subukan bago natin makuha ang mga sagot sa mga problema ng scalability.

May importanteng tanong tungkol sa scalability: Kailangan ba nating paigihin ang performance ng blockchain mismo (on-chain scaling) o dapat ba nating payagang maisagawa ang mga transaksyon nang hindi hinahayaang mag-bloat ang main blockchain (off-chain scaling)? 
May mga malinaw na kalamangan sa dalawa. Pwedeng magamit ang on-chain scaling para mapaliit ang laki ng mga transaksyon o kahit man lang ma-optimize kung paano itinatago ang datos sa mga block. Sa kabilang banda, ang mga off-chain solution ay may kasamang batching ng mga transaksyon mula sa main blockchain at maidadagdag na lang sila mamaya. Ilan sa mga tanyag na off-chain na mga solusyon ay tinatawag na sidechains at mga payment channel.
Kung gusto mong matuto nang higit pa sa paksang ito, basahin ang Blockchain Scalability - Mga Sidechain at Payment Channel.


Bakit kailangang mag-scale ng blockchain?

Kung makikipagkumpitensya ang mga blockchain na sistema sa kanilang centralized na katapat, kailangan nilang maging singhusay sa performance. Ngunit sa totoong buhay, kailangan nilang maging mas mahusay pa para maudyok ang mga developer na lumipat sa mga plataporma at mga application na base sa blockchain. 

Ibig sabihin nito na kapag kinumpara sa mga centralized na sistema, ang paggamit ng blockchain ay dapat mas mabilis, mas mura at mas madaling gamitin para sa mga developer at mga user. Hindi ito madaling magawa habang pinapanatili ang mga katangian ng mga blockchain na pinaliwanag kanina. 


Ano ang blockchain fork?

Tulad ng sa kahit anong software, kailangan ng upgrade ng mga blockchain para maayos ang mga isyu, magdagdag ng bagong mga rule o magtanggal ng mga luma. Dahil marami sa mga blockchain software ay open-source, sa teorya, pwedeng magmungkahi ang kahit sino ng mga bagong update na idadagdag sa software na namamahala sa network. 

Tandaan na ang mga blockchain ay mga distributed na mga network. Kapag nag-upgrade ang software, libong mga nodes na nakakalat sa buong mundo ay kailangang makapag-usap para maisakatuparan ang bagong bersyon. Ngunit anong mangyayari kung ang mga kalahok ay hindi magkasundo sa kung anong upgrade ang ipapatupad? Walang organisasyon na may itinakdang magpapasya. Kaya tayo hahantong sa hard fork at soft fork.


Mga soft fork

Kung may pangkalahatang kasunduan sa kung paano magmukha ang upgrade, simple lang ang bagay na ito. Sa senaryong ito, ina-update ang software ng pagbabagong backward compatible, ibig sabihin at ang mga nodes ay ina-update ay pwede pa ding makipag-ugnayan sa mga node na hindi ina-upgrade. Sa totoong buhay, inaasahan na ang halos lahat ng mga node ay dadaan sa upgrade paglipas ng panahon. Ang tawag dito ay soft fork. 


Mga hard fork

Mas kumplikado ang mga hard fork. Kapag ipinatupad, ang mga bagong rule ay magiging hindi sang-ayon sa lumang mga alituntunin. Kaya kung ang node na tumatakbo sa mga bagong alituntunin ay nakikipag-ugnayan sa isang node na tumatakbo sa lumang mga alituntunin, hindi sila maaaring makipag-ugnayan. Ang resulta nito sa blockchain at ang paghahati sa dalawa – sa isa, tumatakbo ang lumang software at sa pangalawa ang mga bagong mga alituntunin ay ipinatupad.

Pagkatapos ng hard fork, ang mga ito ay dalawang magkaibang network na tumatakbo sa dalawang magkaibang mga protocol na magkahilera. Dapat na tandaan na sa oras ng fork, ang balanse ng native chain ng blockchain ay dumadaan sa cloning mula sa lumang network. Kaya kung mayroon kang balanse sa lumang chain sa panahon ng fork, magkakaroon ka din ng balanse sa bago. 

Tingnan ang <0Hard Forks at Soft Forks para sa higit pang impormasyon tungkol dito.





Kabanata 3 - Saan ginagamit ang blockchain?


Mga Nilalaman


Ang teknolohiya ng blockchain ay pwedeng gamitin sa napakaraming mga use case. Tingnan natin ang ilan sa mga ito. 


Blockchain para sa mga supply chain

Supply chains: tampok sa maraming mga matagumpay na negosyo ang pagkakaroon ng mahusay na mga supply chain at pinagkakaabalahan nila ang pagasikaso ng kalakal mula sa supplier hanggang sa mamimili. Ngunit ang koordinasyon ng maraming stakeholders sa isang industriya ay hindi laging madali. Sa paggamit ng blockchain na teknolohiya, magagamit ang magkakaugnay na ecosystem na umiikot sa isang hindi nagbabagong database para sa pagdala ng ibang antas ng transparency sa maraming mga industriya.

Kung gusto mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Supply Chain.


Blockchain at ang industriya ng gaming

Ang industriyang ito ng gaming ay naging isa sa pinakamalaking industriya ng libangan sa buong mundo at maaaring maging malaki ang benepisyo nito mula sa teknolohiyang blockchain. Tipikal sa mga gamers ang umasa sa mga game developer. Madalas na pilit na umaasa ang mga gamers sa server space ng mga game developer at ang sumunod sa kanilang pabago-bagong mga hanay ng mga patakaran sa maraming online games. Sa kontekstong ito, pwedeng ma-decentralize ng blockchain ang pagmamay-ari, pangangasiwa at maintenance ng mga online games.

Pero ang pinakamalaking problema ay hindi pwedeng mailipat ang mga item ng games sa ibang mga title, tinatanggal ang tsansya ng magandang pagmamay-ari at mga secondary markets. Sa paggamit ng approach na base sa blockchain, magiging mas sustainable ang mga games sa pagtagal at ang mga items na nakuha in-game ay pwedeng ma-isyu bilang crypto-collectibles na may totoong halaga sa totoong buhay.
Kung gusto mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Gaming.



Blockchain para sa pangangalaga sa kalusugan

Ang pagtatago ng mga medikal rekord sa maaasahang paraan ay napakaimortante sa kahit anong sistema ng pangangalaga sa kalusugan at ang pag-asa sa mga centralized na mga server ay maaaring maglantad ng sensitibong impormasyon. Mainam ang transparency at seguridad ng teknolohiyang blockchain para sa pagtatago ng mga medikal na rekord.

Sa paniniguro ng seguridad ng mga rekord sa pamamaraan ng cryptography sa isang blockchain, maaaring mapanatili ng mga pasyente ang kanilang privacy habang may kakayanan pa rin sa pagbahagi ng kanilang madikal na impormasyon sa kahit anong institusyon ng pangangalaga ng kalusugan. Kung ang lahat ng kalahok ng kasalukuyang pira-pirasong sistema ng pangangalaga ng kalusugan ay magka-access sa isang ligtas na pandaigdigang database, ang pagdaloy ng impormasyon ay mas mabilis sa pagitan nila.

Kung gusto mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Pangangalaga sa Kalusugan.


Blockchain remittance

Mahirap ang internasyunal na pagpapadala ng pera sa tradisyunal na pagbabangko. Malaking bahagi ng problema ay nasa napakagulong network ng mga tagapamagitan, kaya mas mataas ang singil at mas mabagal ang pag-settle para sa mga apurahang transaksyon.

Tinatanggal ng mga cryptocurrency at ng mga blockchain ang problema ng ecosystem ng mga tagapamagitan na pwedeng magdulot ng mas mura at mas mabilis na mga transfer sa buong mundo. Bagaman sinasakripisyo ng mga blockchain ang performance para sa ibang mas magandang katangian, may mga proyektong ginagamit ang teknolohiya para sa mas mura at halos instant na mga transaksyon.

Kung gusto mo ng higit pang impormasyon, basahin ang Mga Use Case ng Blockchain: Remittance.



Iniisip mo bang mag-umpisa sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Blockchain at digital identity

Ang ligtas na pangangasiwa ng identity sa internet ay lubos na nangangailangan ng mabilis na solusyon. May napakalaking halaga ng personal na impormasyon ay nakatago sa centralized na mga server at sinusuri ng mga machine learning na algorithms nang hindi natin alam o walang pahintulot ng mga user. 
Nagbibigay daan ang teknolohiyang blockchain para makamit ang pagmamay-ari ng kanilang sariling datos at payagan ang piling pagbigay ng impormasyon sa mga third party kung kailangan ang mga ito. Ang uri ng cryptographic magic na ito ay magbibigay-daan sa mas makinis na online experience nang hindi isinasakripisyo ang privacy.
Kung gusto mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Digital Identity.



Blockchain at ang Internet of Things (IoT)

Napakaraming pisikal na mga device ay kinokonekta sa Internet at ang bilang nito ay lalaki lamang ng lalaki. May mga spekulasyon na ang pakikipag-usap at kooperasyon sa pagitan ng mga device na ito ay maaaring matulungan ng teknolohiya ng blockchain. Ang mga automated machine-to-machine (M2M) micropayment ay maaaring gumawa ng bagong ekonomiya na umaasa sa ligtas na solusyong may mataas na throughput ng database.
Kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol dito, basahin ang Mga Use Case ng Blockchain: Ang Internet of Things (IoT).


Blockchain para sa pamamahala

Ang mga distributed na network ay maaaring humubog at magpatupad ng sarili nitong mga regulasyon na nsa porma ng computer code. Hindi na nakakagulat na may kakayahan ang blockchain na matanggal ang mga tagapamagitan sa iba't-ibang proseso ng pamamahala sa lokal, pambansa at pandaigdigang lebel. 

Higit pa, pwede nitong masolusyonan ang is sa mga pinakamalaking problema na kinakaharap ng mga open-source development environments – ang kawalan ng mapagkakatiwalaang mekanismo para sa distribusyon ng pagpopondo. Ang pamamahala sa pamamagitan ng blockchain ay magbibigay kasiguruhan na magiging parte ang lahat ng kalahok sa pagtatakda ng desisyon at nagbibigay ng malinaw na overview sa kung anong polisiya ang ipinapatupad.
Kung gusto mo ng higit pang impormasyon, basahin ang Mga Use Case ng Blockchain:Pamamahala.


Blockchain para sa pagkakawanggawa

Ang mga organisasyong pangkawanggawa ay madalas na hinaharang ng mga limitasyon sa kung papaano sila tatanggap ng pondo. Mas mahirap pa dito, ang pinaka-destinasyon ng mga natatanggap na donasyon ay maaaring mahirap na tiyak na matunton nang

Ang ”Crypto-philanthropy” ay may kinalaman sa paggamit ng teknolohiyang blockchain para maikutan ng mga limitasyong ito. Ang pag-asa sa mga likas na katangian ng teknolohiya para masiguro ang makabuluhang transparency, pandaigdigang partisipasyon at mas mababang gastos ang umuusbong na industriya ay naglalayong mapalago ang naitutulong ng mga charity. Isa sa mga organisasyong ito ay ang Blockchain Charity Foundation.
Kung nais mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Charity.


Blockchain para sa spekulasyon

Tiyak na isa sa mga pinakatanyag na gamit ng teknolohiyang blockchain ay nasa spekulasyon. Ang walang aberyang mga pag-transfer sa pagitan ng mga exchange, mga non-custodial na solusyon sa trading at ang lumalaki pang ecosystem ng mga derivatives products ay ginagawa itong magandang pagkakataon para sa lahat ng klase ng mga speculator.

Dahil sa likas nitong mga katangian, napakaganda ang blockchain na instrumento para sa mga nais sumabak sa papausbong na asset class. Sa tingin ng ilan, kapag nag-mature ang teknolohiyang ito at ang sumusuportang regulasyon dito, maaaring ma-tokenize sa blockchain ang pandaigdigang speculative markets.

Kung gusto mong magbasa ng higit pa, tingnan ang Mga Use Case ng Blockchain: Prediction Markets.



Crowdfunding sa blockchain

Ang mga plataporma ng crowdfunding ay gumagawa ng saligan para sa peer-to-peer na ekonomiya sa loob ng isang dekada na. Ang tagumpay ng mga site na ito ay nagpapakita na may makabuluhang interes mula sa publiko para sa crowdfunded na paggawa ng produkto. Ngunit habang gumaganapp na custodian ng mga pondo ang mga platapormang ito, maaari silang kumuha ng malaking parte nito para sa mga fees. Higit pa riyan, magkakaroon sila ng sari-sarili nilang mga patakaran para mapadali ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok.
Ang teknolohiyang blockchain, partikular na ang mga smart contract, ay maaaring magbigay-daan sa mas ligtas at automated na crowdfunding kung saan ang mga termino ng mga pagkakasunduan ay itinatakda sa computer code. 
Ang isa pang kagamitan ng crowdfunding sa blockchain ay ang mga Initial Coin Offering (mga ICO) at mga nitial Exchange Offering (mga IEO). Sa mga token sale na tulad nito, kumakalap ng pondo ang mga mamumuhunan sa pag-asang maging tagumpay ang network sa hinaharap at makakakuha sila ng balik sa kanilang puhunan.


Blockchain at mga distributed file na sistema

Ang pag-distribute ng file storage sa internet ay may mga taglay na benepisyo kumpara sa tradisyunal na centralized na mga alternatibo. Halos lahat ng datos na itiinatago sa cloud ay umaasa sa mga centralized na servers at mga service provider na maaaring sensitibo sa mga atake at pagkawala ng datos. Sa maraming kaso, pwedeng harapin ng mga user ang problema sa access dahil sa censorship mula sa mga centralized na mga server.

Sa perspektibo ng use, gumagana ang mga solusyon sa blockchain file storage tulad ng sa ibang solusyon sa cloud storage– pwede kang mag-upload, magtago at mag-access ng mga files. Ngnuit ang nangyayari sa background ay iba.

Kapag nag-upload ka ng file sa isang blockchain storage, ipinapamahagi ito at ginagaya sa maraming mga node. Sa ibang kaso, ang bawat node ay magtatago ng ibang bahagi ng iyong file. Walang masyadong magagawa sa hindi kumpletong datos pero pwede mong hilingin mamaya sa mga node na ibigay ang bawat parte para pwede mong pagsamahin ang mga ito upang mabuo ang file.

Ang laki ng storage ay kinukuha mula sa mga kalahok na nagbibigay ng storage at bandwidth sa network. Tipikal sa mga kalahok ay binibigyan ng incentive para magbigay sila ng mga resources na mga iyon ay pwede din silang maparusahan kung hindi sila sumunod sa mga altuntunin o kung mabigo sila sa pag-store at paglabas ng mga files.

Maaari mong tingnan ang uri ng network na ito na katulad ng sa Bitcoin. Ngunit sa kasong ito, ang pangunahing goal ay hindi para sa pagsuporta sa pag-transfer ng katumbas na halagang pera, ngunit para magbigay daan sa decentralized na file storage nang walang censorship.

Ang ibang open-source na mga protocol tulad ng InterPlanetary File System (IFPS) ay nagbibigay daan na para sa bago, mas permanente at distributed na Web na ito. Habang ang IPFS ay isang protocol at peer-to-peer na network, hindi ito tiyak na blockchain. Ngunit ginagamit nito ang parehong mga prinsipyo sa teknolohiyang blockchain para mapalago pa ang seguridad at kahusayan nito.