Ano ang BitTorrent (BTTC)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang BitTorrent (BTTC)?

Ano ang BitTorrent (BTTC)?

Intermediya
Na-publish Aug 29, 2022Na-update Dec 23, 2022
5m




TL;DR

Ang BitTorrent ay isa sa pinakamalalaking desentralisadong platform para sa peer-to-peer (P2P) na pagbabahagi ng file. Pinapagana ito ng blockchain ng Tron at BTTC, isang TRC-10 utility token. Ginagamit ang BTTC para bigyan ng insentibo ang mga user sa network na ibigay ang mga resource ng kanilang lokal na computer para sa mabilis na pag-download at secure na desentralisadong storage. Nagtatampok din ang ecosystem ng BitTorrent ng platform para sa live streaming na nakabase sa komunidad, kung saan puwedeng makakuha at mag-stake ng mga reward na BTTC ang mga creator ng content at viewer.

Panimula

Noong 2000s, isang karaniwang paraan ng pag-download ng mga kanta at pelikula sa Internet nang libre ay ang paggamit ng mga peer-to-peer (P2P) na platform gaya ng BitTorrent. Sa kabila ng kasikatan nito, isa sa pinakamalalaking hamon para sa mga user ang tagal ng paghahanap at pag-download ng gusto nilang content, dahil hindi nabibigyan ng insentibo ang karamihan ng mga user para ituloy ang pagbabahagi ng mga file sa network kapag natanggap na nila ang kanilang content. 

Ano ang BitTorrent? 

Ang BitTorrent ay isa sa pinakamalalaki at pinakamatatagal nang platform ng P2P para sa pagbabahagi ng data at file. Unang ni-release ang BitTorrent noong 2001 noong nagsisimula pa lang sumikat ang Internet, at binago nito ang paraan ng mga user para mag-download at makakuha ng entertainment media at iba pang malalaking file at data. 

Sa paglaon noong 2018, na-acquire ng Tron Foundation ang BitTorrent. Inilunsad ito ulit bilang desentralisadong P2P platform sa blockchain ng Tron, na nagtatampok ng iba't ibang bagong tool at may naka-integrate na TRC-10 token, ang BitTorrent (BTTC), para bigyan ng insentibo ang mga kalahok sa network nito.

Paano gumagana ang BitTorrent?

Ang orihinal na platform ng BitTorrent ay itinatag nina Bram Cohen at David Harrison para mapangasiwaan ang palitan ng entertainment media, gaya ng mga pelikula at kanta, sa mga user ng Internet. Hindi nagso-store ng content sa iisang server ang BitTorrent. Sa halip, ipinapamahagi at hino-host ang mga file at data sa mga computer ng kanilang mga user. Kapag may user na nag-download ng file, makakatanggap siya ng mga piraso ng file na iyon (ang torrent) mula sa iba't ibang provider sa network, at pagkatapos noon, puwede siyang manatiling nakakonekta sa network ng BitTorrent at puwede niyang “i-seed” ang file sa iba pang user.

Sa network ng BitTorrent, kahit sinong mayroon ng kumpletong file ay puwedeng maging seeder. Kung mas maraming seeder na sumusuporta sa isang file, mas mabilis itong mada-download. Gayunpaman, wala masyadong insentibo para manatiling nakakonekta sa network ang mga user pagkatapos mag-download ng file. Para mapabilis ang paglilipat ng file, naglunsad ang BitTorrent ng na-upgrade na bersyon ng protocol ng BitTorrent na gumagamit sa native cryptocurrency na BTTC.

BitTorrent Speed

Nagbibigay-daan ang BitTorrent Speed, na pinapagana ng teknolohiya ng blockchain, sa mas mabilis na pag-download sa pamamagitan ng sistema ng insentibo. Para humiling ng file, kailangang magsumite ng bid ang mga user (“mga humihiling ng serbisyo”) para tukuyin kung ilang BTTC token ang handa silang ialok sa mga nagsi-seed ng file. Kapag tinanggap ng iba pang partido (“mga service provider”) ang kanilang bid, kailangang ilipat ng humihiling ng serbisyo ang napagkasunduang halaga ng BTTC sa escrow sa isang channel ng pagbabayad sa blockchain ng Tron. Ike-credit ang BTTC sa mga provider pagkatapos mailipat ang file, at ila-log ang transaksyon sa blockchain ng Tron.

Gumagamit ng BTTC ang BitTorrent Speed para bigyan ng insentibo ang mga user nito na patuloy na mag-seed ng mga file, na lubos na makakapagpahusay sa pagbabahagi ng file at makakapagpabilis sa pag-download. Sa mga mas madaliang available na file sa P2P network, puwede ring makinabang dito ang mga user na gumagamit pa rin sa libreng BitTorrent client para mag-download ng mga file mula sa kanilang mga peer. 

BitTorrent File System (BTFS)

Higit pa sa pagbabahagi ng file, nagtatampok din ang BitTorrent ng desentralisadong P2P na file storage system na tinatawag na BitTorrent File System (BTFS). Layunin ng BTFS na mag-alok ng nase-scale, walang censorship, at sulit na alternatibo sa tradisyonal na sentralisadong cloud storage. 

Ang network ng BTFS ay binubuo ng milyon-milyong node ng BTFS na tinatawag na mga renter at host. Ang mga renter ay mga user na nagrerenta ng storage sa network at ang mga host ay mga user na nagbabahagi ng kanilang hindi ginagamit na disk space kapalit ng mga reward na BTTC. Kapag ginagamit ng mga renter ang serbisyo ng BTFS, isha-shard ang kanilang mga file at ipapamahagi ang mga ito sa maraming pinagkakatiwalaang host sa network. Sa pamamagitan ng mga advanced na paraan ng pag-encode at teknolohiya sa pag-repair ng file, magagarantiyahan ng BTFS ang pagiging kumpidensyal at ang seguridad ng mga file, at madaling maa-access ng mga user ang mga ito nang walang abala.

DLive

Noong 2020, na-acquire ng BitTorrent ang DLive, na isang platform ng live streaming sa blockchain na nakabase sa komunidad, para mag-alok ng higit pang desentralisadong serbisyo sa ecosystem ng BitTorrent. Salungat sa mga tradisyonal na platform, binibigyan ng reward ang mga creator at viewer para sa kanilang mga kontribusyon sa platform. Puwede ring makakuha ng mga reward na BTTC ang mga user na nanonood, nagcha-chat, nagreregalo, at nagbabahagi ng content. Dagdag pa rito, puwedeng i-stake ang BTTC para makakuha ng mas marami pang reward at ma-unlock ang mga premium na serbisyo sa DLive.

Ano ang BTTC?

Ang BTTC ay isang TRC-10 utility token ng ecosystem ng BitTorrent, na may kabuuang supply na 990 bilyon. Inilunsad ito para bumuo ng ekonomiyang nakabatay sa token para sa networking, pagbabahagi ng bandwidth, at mga resource ng storage sa network ng BitTorrent. 

Magagamit ang BTTC bilang bayad para sa mga serbisyo sa P2P sa network, kasama na ang pagbabayad para sa desentralisadong storage space, pag-bid para sa bandwidth sa pag-download ng file, pagbibigay ng reward sa mga nagbibigay ng mga ganitong serbisyo, at higit pa. Planong gamitin ng BitTorrent ang BTTC nang higit pa sa mga kasalukuyang mapaggagamitan, gaya ng pag-crowdfund ng paggawa ng bagong content, pagbili ng mga nada-download na asset mula mismo sa mga creator, at pagbibigay ng tip sa mga creator ng content para sa live streaming gamit ang mga regalong BTTC sa DLive.

Paano bumili ng BTTC sa Binance?

Puwede mong bilhin ang BitTorrent Chain token (BTTC) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] - [Spot].

2. Hanapin ang “BTTC” para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang BTTC/BUSD bilang halimbawa.

3. Pumunta sa kahon ng [Spot] at ilagay ang halaga ng BTTC na bibilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market Order. I-click ang [Bumili ng BTTC] at ike-credit ang mga nabiling token sa iyong Spot Wallet.

Mga pangwakas na pananaw

Ang BitTorrent ay isang natatanging proyekto na gumagamit ng teknolohiya ng blockchain at cryptocurrency para baguhin ang kasalukuyang platform nito para sa peer-to-peer na pagbabahagi ng file. Nag-aalok ito ng mas desentralisado, mahusay, at sulit na alternatibo sa tradisyonal na platform para P2P na pagbabahagi ng file. Sa hinaharap, gustong magdagdag ng team ng BitTorrent ng mas marami pang mapaggagamitan sa BTTC token at gusto nilang suportahan ang mas marami pang functionality ng DApp, na posibleng maging nakakahikayat na tool para sa mga developer na gustong maglunsad ng sarili nilang mga DApp na may mga kakayahan sa pagbabahagi at pag-store ng mga file.