Ano ang Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang ecosystem ng Alpine F1® Team Fan Token?
Ano ang ALPINE?
Ano ang magagawa ng mga ALPINE token?
Paano bumili ng ALPINE sa Binance?
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE)?

Ano ang Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE)?

Intermediya
Na-publish Apr 19, 2022Na-update Sep 23, 2022
5m

TL;DR

Ang Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE) ay isang BEP-20 utility token ng BWT Alpine F1® Team. Ang mga fan ng BWT Alpine F1® Team ay puwedeng bumili ng mga ALPINE Fan Token para makakuha ng mga eksklusibong benepisyo at mapaganda ang kanilang personal na karanasan bilang fan. Sa pamamagitan ng pag-isyu ng token, tumutuklas ang Alpine F1® ng mga bagong paraan ng engagement ng fan na pinapagana ng teknolohiya ng blockchain.


Panimula

Nag-debut ang BWT Alpine F1® Team noong umpisa ng 2021 Formula One World Championship sa Formula 1 Gulf Air Bahrain Grand Prix. Ang team, na pinapamunuan ni CEO Laurent Rossi, ay ang spiritual successor ng Renault F1® Team. Pino-promote ng bagong pakikipagsapalarang ito ang classic racing at sports car brand ng Renault Group, ang Alpine. 

Nakikipagkumpitensya ang team sa F1® Formula One World Championship kasama ang nanalo sa karera na si Estaban Ocon at two-time world champion na si Fernando Alonso. Ipinagdiwang din ng Alpine ang maiden win nito sa Formula 1 Rolex Magyar Nagydij 2021. Puwedeng gamitin ng mga racing fan ng BWT Alpine F1® Team ang mga ALPINE Fan Token na inilunsad sa Binance Launchpad para makisali sa masaya at nakakahimok na ecosystem at makatanggap ng reward habang isinasagawa ito.

Ano ang ecosystem ng Alpine F1® Team Fan Token?

Sa kasalukuyan, lampas 6 na milyon ang digital fan base ng BWT F1® Team sa iba't ibang platform ng social media. Ang pagkakakilanlan ng brand ng BWT Alpine F1® Team, na pinapagana ng Alpine F1® Team Fan Token, ay puwedeng i-boost sa pamamagitan ng nadagdagang engagement mula sa mga fan na pinapangasiwaan ng fan token. Sa madaling sabi, nagbibigay-daan ang mga ALPINE Fan Token sa milyong-milyong fan na sumali sa mga eksklusibong karanasan at mag-access ng eksklusibong merchandise. Sa modelo ng fan token, lalago ang ecosystem sa lumalaking fan base at dumaraming alok sa mga fan.


Ano ang ALPINE?

Unang inilunsad ang ALPINE, na ipinangalan mula sa racing team, sa Binance Launchpad noong Pebrero 2022 bilang pangatlong proyekto sa Launchpad ng Fan Token ng Binance. 40 milyon ang kabuuang supply ng token ng ALPINE, kung saan 10% ng supply ang naibenta noong Bentahan sa Binance Launchpad.

Ang mga ALPINE Fan Token ay mga native na BEP-20 token na iniisyu sa BNB Smart Chain (dating BSC). Ibig sabihin nito, makakakonekta ang mga BEP-20 ALPINE token sa iba pang BSC-based na decentralized exchange (DEX) at decentralized application (dApp). Bilang BEP-20 token, nagbibigay-daan ang ALPINE sa mga user na magkaroon ng mababang bayarin sa transaksyon at 3 segundong oras ng block.
Hindi tulad ng mga NFT, lahat ng Fan token sa Binance, kasama na ang ALPINE, ay fungible. Ibig sabihin nito, maipapapalit ang mga ito sa ibang bagay na may kaparehong halaga. Idinisenyo ang ALPINE para maging fungible para maipapalit ito ng mga fan para sa mga merchandise at karanasan. Gayunpaman, puwede ring ipapalit ang ALPINE sa mga eksklusibong NFT.


Ano ang magagawa ng mga ALPINE token?

Puwedeng lumahok ang mga may hawak ng ALPINE token sa mga session ng botohan kaugnay ng engagement ng fan sa platform ng Fan Token sa Binance. Nagbibigay-daan ang mga session ng botohan na ito sa mga user na impluwensyahan ang mga desisyon ng sinusuportahan nilang team. Kasama sa mga dating session ng botohan ang pagboto sa Esports jersey ng Alpine sa 2022 na isinuot ng mga driver gaya ni Nicolas Longuet at pagboto sa Binance Alpine Esports livery at circuit na ginamit sa simulator ng team.

Nakolekta rin ng mga may hawak ang eksklusibong Slipstream sa Future Mystery Box na available kapalit ng 3 ALPINE. Ang Mystery Box na ito ay may kasamang isang serye ng mga poster na puwedeng kolektahin, na nagbigay-daan sa mga may hawak na mag-stake sa ibang pagkakataon sa NFT PowerStation para sa mga eksklusibong presyo.

May access din ang mga may hawak ng token ng ALPINE sa iba pang anyo ng engagement sa BWT Alpine F1® Team sa Platform ng Fan Token sa Binance, kasama na ang pagtanggap ng pirmadong merchandise, mga meet-and-greet session kasama ng mga team driver, at iba pang event na nauugnay sa mga fan.

Maliban sa mga pagkakataon nito sa engagement at pagboto, puwede ring i-stake ng mga may hawak ang ALPINE sa NFT PowerStation. Sa pamamagitan ng pag-stake, makakapag-access sila ng mga digital collectible at reward para sa mga fan.

Sa hinaharap, makakapag-access din ang mga may hawak ng ALPINE token ng maraming feature ng gamification sa Platform ng Fan Token ng Binance. May nakapila ring feature ng donasyon, kung saan direktang makakapag-donate sa team ang mga may hawak ng ALPINE bilang kapalit ng Proof-of-Loyalty badge.

Puwedeng i-access ang ALPINE ng fan base ng BWT Alpine F1® Team at ng kalakhang user base ng Binance. Dahil dito, ang ALPINE ay puwedeng i-withdraw mula sa Binance gaya ng iba pang BEP-20 token.


Paano bumili ng ALPINE sa Binance?

Makakabili ka ng Alpine F1® Team Fan Token (ALPINE) sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para magsimula.

2. I-type ang “ALPINE” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang ALPINE/BUSD bilang halimbawa.
3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng ALPINE na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng ALPINE] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling ALPINE.

Mga pangwakas na pananaw

Ang Alpine F1® Team Fan Token ay ang unang F1® Fan Token ng Binance. Habang lumalaki ang fan base nito, makakaasa ang komunidad na kasama sa pagpapalawak ng ALPINE ang mga sumusunod: Mga Donasyon sa ALPINE, Mga Laro ng Koponan, currency para sa mga ticket at merchandise pagkatapos ng paglulunsad ng Fan Shop, at pag-integrate pa ng Mga Fan Token sa ecosystem ng BWT Alpine F1® Team sa iba't ibang anyo kasama na ang membership at isang platform ng e-commerce.