3 nangungunang proyekto ng NFT sa Binance Smart Chain
Home
Mga Artikulo
3 nangungunang proyekto ng NFT sa Binance Smart Chain

3 nangungunang proyekto ng NFT sa Binance Smart Chain

Baguhan
Na-publish Apr 15, 2021Na-update Jan 12, 2023
5m

TL;DR

Pataas nang pataas ang demand sa mga non-fungible token (NFT) sa Binance Smart Chain (BSC). Dahil sa bilis ng blockchain at mababang bayarin dito, talagang nakakaengganyo ito para sa mga user at developer.
Sa BSC, nilampasan ng Battle Pets, PancakeSwap, at BakerySwap ang mga limitasyon ng kung ano ang magagawa ng NFT. Isinasama ng Battle Pets at BakerySwap ang mga collectible sa Decentralized Finance (DeFi) staking para sa mga token ng mga ito. Nag-eeksperimento rin ang PancakeSwap sa mga NFT na pinagsasama-sama ang pagiging nakokolekta, pinansyal na paggamit, at gamification.
Malayo na ang narating natin mula sa CryptoKitties, at sa BSC, makikinabang ang mga proyekto sa mataas na performance at mababang bayarin para gumawa ng mga inobasyon sa NFT.

Panimula

Napakaraming NFT ang puwedeng bilhin at i-trade, mula sa CryptoPunks ng mundo ng sining hanggang sa mga collectible na nilalang sa Axie Infinity. Sa ngayon, ang karamihan sa aktibidad na ito ay nasa Ethereum, pero libo-libong user at proyekto na ang lumilipat sa Binance Smart Chain dahil sa mataas nitong performance at mababang bayarin.
Ito man ay mga palitan, laro, o pananalapi ng NFT, may mga proyekto ang BSC na mas nagpapalawak sa kung ano ang magagawa ng mga NFT. Tingnan natin ang mga nangungunang Decentralized Application (DApps) sa bawat larangan at alamin natin kung bakit lubos na nagtatagumpay sa BSC ang mga proyekto ng NFT.

BakerySwap: Mga Collectible na NFT

Matagal nang nariyan ang mga pamilihan ng NFT para bigyang-daan ang mga tao na i-trade ang kanilang crypto art at mga collectible. Pagkatapos itago ang iyong mga NFT sa isang compatible na wallet gaya ng Trust Wallet, magtatakda ka lang ng presyo at maghihintay ka lang na dumating ang mga mamimili.
Madaling gamitin ang karamihan sa mga palitan, pero hindi naglalaan ng malaking pondo ang mga ito pagdating sa mga kapana-panabik na pag-unlad ng NFT. Gayunpaman, medyo iba ang diskarte ng BakerySwap.

Gaya ng inaasahan, binubuo ang pamilihan ng DApp ng karaniwang koleksyon ng sining at mga mabalahibong crypto monster. Ang halagang inilalagay sa mga NFT na ito ay nakadepende sa kanilang collectibilty at posibleng paggamit sa mga ito. Mas malakas bumenta ang isang makapangyarihang monster kaysa sa mahina. Mas mataas din ang presyo ng bihira at in-demand na sining. Nasa ibaba ang isang halimbawa ng BakerySwap art NFT.

Kung magba-browse ka nang mabuti sa mga kategorya ng NFT sa BakerySwap, may makikita kang ilang interesanteng NFT na iniaalok. Higit pa ang maibibigay sa iyo ng mga token na ito kumpara sa mga karapatan sa isang PNG na larawan o kanta.



Bilang karagdagan, binibigyang-daan ng BakerySwap ang paggawa ng Mga NFT Bakery Combo. Ang masasarap na NFT na ito na parang mga meryenda ay hindi lang basta mga collectible na item, puwede ring gamitin ang mga ito bilang mga tool para mag-farm ng BAKE, ang katutubong token ng platform. Bagama't walang naka-attach na cute na larawan sa mga ito, ang tunay na halaga ng mga ito ay mula sa kanilang mga pinansyal na pakinabang.

May kakayahang magamit sa pag-stake ang bawat combo ng NFT, at puwedeng i-stake ang mga ito para makakuha ng mga BAKE token. Medyo random kung gaano kataas ang kakayahan ng bawat combo para magamit sa pag-stake. Mas marami na ngayong nakalagay sa NFT Supermarket na ito kaysa sa iilang ibinebentang painting noon.


Battle Pets: NFT ng Gaming

Ang isa pang classic na pinaggagamitan ng NFT ay ang kumbinasyon ng mga NFT at gaming. Noong nagsisimula pa lang ang CryptoKitties, naging matagumpay na ang gamification sa pagtanggap at paggamit ng NFT. Ngayon, marami nang mga panlaban at mabalahibong NFT na nilalang sa BSC na magagamit mo hindi lang para sa pag-trade at pakikipaglaban.

Sa Battle Pets, para kang naglalaro ng pokemon gamit ang mga nate-trade na NFT na hayop. Isa na itong subok na formula, pero may mga dagdag na elemento ng pananalapi at gamification.


Kapag tiningnan natin ang mechanics ng Battle Pets sa labanan, dito na ito magiging kakaiba. Sa Tournament at Siege, direkta mong ise-stake ang iyong NFT na alagang hayop para mag-farm ng mga reward sa FRUIT, ang isa sa mga katutubo nitong cryptocurrency.

Puwede ka ring mag-forge ng mga armas na nagbibigay ng aktwal na kakayahan sa pag-stake, na magbibigay sa iyo ng mga pinansyal na pakinabang at hindi lang basta mas matataas na stat sa laro.


Madali lang ibenta ang mga na-forge mong armas at alagang hayop sa mga pamilihan ng NFT gaya ng BakerySwap, na magpaparami ng uri ng mga NFT na available. Nare-redeem din ang mga NFT kapalit ng partikular na halaga ng mga token, pero kailangan mong sirain ang item sa proseso.

PancakeSwap: Mga Pinansyal na NFT

Ang isa sa mga dahilan ng pagtatagumpay ng mga platform ng DeFi sa Binance Smart Chain ay ang mahusay na pagpapatupad ng NFT. Tumataas na ang mga benta ng NFT dahil sa mga NFT na may pinansyal na aspekto sa halip na purong creative na collectibility lang.

Ang pinaka-cute na proyekto ng DeFi sa BSC na may kunehong tema, ang PancakeSwap, ay nakagawa ng sarili nitong hanay ng mga NFT na character na puwedeng kolektahin. Ang bawat kuneho ay may katumbas na halagang puwedeng i-redeem sa CAKE, ang katutubong token ng proyekto. Gaya ng iba pang nate-trade na asset, tinatantya ng mga kolektor ang halaga ng mga NFT na ito habang nagbabago-bago ang presyo ng CAKE.


Gaya ng nabanggit, umuunlad ang mga collectible sa BSC pagdating sa kung ano ang maiaalok nila sa mga mamumuhunan maliban sa malikhaing halaga ng mga ito. Kung nakasali ka na dati sa lottery sa PancakeSwap, maging ang tiket mo ay isang BEP-721 NFT.

Binibili ng mga user ang mga tiket nila sa lottery gamit ang CAKE, at pinagsasama-sama ito bilang premyong pondo. Ang bawat NFT na tiket ay naglalaman ng apat na numerong kailangang tumugma sa draw sa tamang pagkakasunod-sunod. Ibu-burn ang isang bahagi ng premyong pondo, at ang matitira ay paghahatian ng mga nanalo. Isa itong perpektong halimbawa na hindi lang basta mga collectible ang mga NFT.


Bakit dapat piliin ang Binance Smart Chain para sa mga NFT?

Napakaraming proyektong gumagamit, gumagawa, at nagte-trade ng mga NFT sa BSC kumpara sa Ethereum. Ang pagiging scalable at ang mababang bayarin sa transaksyon ang dahilan kung bakit nakakaengganyong alternatibo ang BSC sa ibang blockchain. Madali ring mapo-port ng mga developer ang kanilang mga DApp na ginawa sa Ethereum, dahil compatible ang BSC sa Ethereum Virtual Machine (EVM).
Sa pananaw ng isang user, mas abot-kaya ang pagbili at pagbebenta ng mga NFT gamit ang BSC. Dahil sa mataas na bayarin sa mga transaksyon sa Ethereum, masyadong mahal ang pag-trade ng mga NFT para sa mas maliliit na mamumuhunan at kolektor.

Mga pangwakas na pananaw

Sa mga nakalipas na buwan, napakaraming naging pag-unlad at inobasyon sa mundo ng mga non-fungible token at smart contract, lalo na sa Binance Smart Chain at Ethereum blockchain. Mas marami nang maiaalok ang mga NFT bukod sa mga karapatan sa digital art at pag-aari, at malawak nang ginagamit ang mga ito sa iba pang application.

Mabilis na pinapalago ng Binance Smart Chain ang ecosystem ng NFT nito habang patuloy na dumarami ang mga proyektong nakikinabang sa pagiging mabilis at abot-kaya nito. Kung gusto mong makilahok sa mga bagong hanay ng NFT na ito o gusto mo lang i-trade ang mga collectible mo, makikita mo itong lahat sa Binance Smart Chain.