Ang Pinakamahusay na Gabay sa Pagkita ng Crypto gamit ang Binance Lending
Ang Pinakamahusay na Gabay sa Pagkita ng Crypto gamit ang Binance Lending
HomeMga Artikulo

Ang Pinakamahusay na Gabay sa Pagkita ng Crypto gamit ang Binance Lending

Baguhan
Published Mar 15, 2020Updated Jun 21, 2021
5m

Abiso: Inilipat ang Binance Lending sa Binance Earn. Sumangguni sa Ang Iyong Gabay sa Binance Earn para sa isang updated na gabay.

Panimula

Isa ka mang crypto HODLer o trader, marami kang mapagpipiliang paraan para magkaroon ng passive na kita sa larangan ng cryptocurrency. Ang isa sa mga paraang ito ay ang pagpapahiram – at magandang balita; napakadali nitong gawin sa Binance! Maginhawa ang pagpapahiram dahil kikita ka anuman ang performance ng mas malawak na merkado
Sa artikulong ito, tatalakayin namin kung paano gumagana ang Binance Lending, ang mga uri ng mga produkto ng pagpapahiram na puwede mong pagpilian, at kung paano ka kikita sa iyong mga pondo!
Kung mayroon ka nang account sa Binance account, napakadali lang na sumali. Kung wala pa, magrehistro na para maging bahagi ka ng bagong pampinansyal na rebolusyong ito! 


Ano ang Binance Lending at paano ito gumagana?

Sa Binance Lending, madali mong mapapalago ang iyong pera sa pamamagitan ng pagkita ng mga interes sa iyong mga pondo. Sa pangkalahatan, ipinapahiram mo ang iyong mga asset sa mga margin trader na nasa platform, at binabayaran ka nila ng interes kapalit ng paghiram ng mga pondo mo. Marami kang opsyong mapagpipilian, kabilang ang Bitcoin (BTC), Ethereum (ETH), Binance USD (BUSD), Tether (USDT), at higit pa. 
May dalawang uri ng produkto ng pagpapahiram sa Binance Lending: Mga Naka-fix na Deposito at Flexible na Deposito. Sa mga Naka-fix na Deposito, sinu-subscribe (nila-lock) mo ang iyong mga pondo sa loob ng paunang tinukoy na tagal ng oras at interes. Sa mga Flexible na Deposito naman, puwede mong i-withdraw ang iyong mga pondo anumang oras, at nagbabago ang rate ng interes sa paglipas ng panahon. Dahil may flexibility kang ma-access ang iyong mga pondo, mas magiging mababa ang mga rate ng interes para sa mga produkto ng Flexible na Deposito. 

Gumagana ang Binance Lending sa first-come, first-served na batayan, ibig sabihin, kung sino ang unang magsu-subscribe ng kanilang pondo sa isang produkto, sila ang unang kikita ng interes. Ipapamahagi ang interes araw-araw para sa mga Flexible na Deposito, o sa petsa ng pag-redeem para sa mga Naka-fix na Deposito. 

Patuloy na nagsusuri ang Binance Lending ng mga bagong crypto asset na susuportahan bilang mga produkto ng pagpapahiram. Mahigpit na sumusunod ang Binance sa mga pamantayan sa pagpili, pero sa pangkalahatan, ang mga lehitimong produktong na may demand at nakakapaghatid ng pinakamagandang halaga sa mga user ang malamang na masuportahan.


Paano gamitin ang Binance Lending

Napakadali ng paggamit sa Binance Lending; ilang beses ka lang magki-click! 
  1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Kung wala kang account, magrehistro para makagawa nito sa loob lang ng ilang minuto.
  2. Mag-hover sa Kumita sa bar sa itaas, at mag-click sa Pagpapahiram; o pumunta sa page ng Binance Lending gamit ang link na ito.

  3. Mag-click sa Mga Produkto. 
  4. Piliin ang uri ng produkto ng pagpapahiram na gusto mong gamitin: Mga Flexible na Deposito o Mga Naka-fix na Deposito.
  5. Piliin ang produkto kung saan mo gustong i-subscribe ang iyong crypto, at mag-click sa Mag-subscribe. Tapos na!
Mahalagang tandaan na ang BNB na na-subscribe mo sa anumang produkto ng Binance Lending ay isasama pa rin sa mga pagkalkula ng snapshot para sa Binance Launchpad. Ibig sabihin, puwede kang sumali sa mga Initial Exchange Offering (IEO) habang kumikita ng interes sa iyong mga hawak!


Mga Naka-fix na Deposito

Sa produkto ng pagpapahiram na Naka-fix na Deposito, isu-subscribe mo ang iyong mga pondo sa loob ng paunang tinukoy na tagal at interes. Mas mainam ang opsyong ito kung namumuhunan ka nang pangmatagalan, at handa mong hawakan ang iyong crypto. Humahawak ka na rin lang nang pangmatagalan, kumita ka na rin sa interes!

Tandaan na kung isu-subscribe mo ang iyong crypto sa isang produkto ng Naka-fix na Deposito, hindi mo maa-access ang iyong mga pondo sa buong tagal ng subskripsyon. Gayunpaman, kung nakapag-subscribe ka na pero kailangang-kailangan mo na talagang i-access ang iyong mga pondo, puwede kang maglipat ng bahagi nito sa mga Flexible na Deposito.

Nagsu-subscribe ka sa isang produkto ng Naka-fix na Deposito sa mga partikular na halaga na tinatawag na mga lot. Ang bawat lot ay kumakatawan sa isang takdang halaga ng mga cryptocurrency na kikita ng interes batay sa isang paunang tinukoy na rate. Bilang karagdagan, para maiwasan ang pagbili sa buong pool ng iilang malaking may hawak, may indibidwal na cap sa bawat account para sa dami ng lot na puwede nilang bilhin.

Sa pangkaraniwan, tumatagal ang pagpapahiram nang 14 o 30 araw. Sa araw ng subskripsyon, ibabawas ng Binance Lending ang mga pondo mula sa iyong wallet ng palitan at idaragdag ito sa iyong wallet ng subskripsyon para sa produkto. 

Para sa mga Naka-fix na Deposito, makikita mo ang mga sumusunod na impormasyon sa platform:



  • Taunang Rate ng Interes – Ang porsyentong kita na makukuha mo kung magsu-subscribe ka sa produktong ito sa loob ng 12 buwan.
  • Tagal - Ang tagal ng panahong ila-lock at kikita ng interes ang iyong mga pondo.
  • Laki ng Lot - Ang halaga ng crypto na nasa isang lot. Halimbawa, 1 lot = 100 BUSD.
  • Maximum na Subskripsyon - Ang maximum na halagang puwedeng mabili ng isang indibidwal account mula sa produktong ito.
  • Simula ng Subskripsyon – Ang petsa kung kailan ka makakapagsimulang mag-subscribe ng mga pondo sa produktong ito.
  • Katapusan ng Subskripsyon - Ang petsa kung kailan magtatapos ang panahon ng subskripsyon. Tandaan na puwedeng matapos ang panahon ng subskripsyon nang mas maaga kaysa sa petsang ito kung naabot na ang kabuuang cap.
  • Petsa ng Value - Ang petsa kung kailan magsisimulang kumita ng interes ang iyong mga pondo.
  • Petsa ng Pag-redeem - Petsa kung kailan maa-unlock ang iyong mga pondo, at kung kailan babayaran ang interes mo.


Mag-click dito para magsimula sa Binance Lending!


Mga Flexible na Deposito

Sa madaling salita, ang mga Flexible na Deposito ay ang iyong crypto savings account. Isu-subscribe mo ang iyong mga pondo para kumita ng interes, habang may flexibility kang i-redeem ito anumang oras. Dahil dito, mas maliliit ang kita sa mga Flexible na Deposito kumpara sa mga Naka-Fix na Deposito. 

Mahalagang tandaan na kapag nag-subscribe ka ng iyong mga pondo sa isang produkto ng Flexible na Deposito, ila-lock ito sa araw na iyon. Ibig sabihin, hindi ito kikita ng interes, at hindi mo ito mawi-withdraw hanggang sa susunod na araw sa pinakamaaga. Mula sa araw pagkatapos ng iyong subskripsyon, ia-unlock ang pondo mo, kikita ito ng interes, at puwede itong i-redeem anumang oras mula sa puntong iyon. Ito ay para maiwasang masamantala ang system.

Kapag nag-redeem ka, puwede mong piliin ang karaniwan o mabilis na pag-redeem. Kapag pinili mo ang mabilis na pag-redeem, agad na magiging available ang iyong mga pondo, pero hindi babayaran sa iyo ang interes para sa araw na iyon. Kung pipiliin mo ang karaniwang pag-redeem, maa-unlock ang iyong mga pondo sa susunod na araw, at makukuha mo kahit ang interes para sa araw kung kailan mo sinimulan ang pag-redeem.

Araw-araw ipinapamahagi ang interes para sa mga produkto ng Flexible na Deposito. Tandaan na ang mga produkto ng Flexible na Deposito ay sarado para sa subskripsyon mula  23:50-00:10 UTC. Nire-reset din ang mga quota sa subskripsyon sa mga oras na ito. Ibig sabihin, kung puno na ang pang-araw-araw na quota para sa isang produkto ng pagpapahiram, pinakamaganda kung papasok ka nang maaga kinabukasan.


Pangwakas na mga pananaw

Ang Binance Lending ay isang napakasimpleng paraan para kumita ng mga reward gamit ang iyong cryptocurrency, mainam para sa mga baguhan at mga matagal nang beterano. I-subscribe na ang iyong mga pondo sa alinman sa mga available na produkto ng pagpapahiram at simulang kumita ng interes dito kinabukasan!
Kung gusto mong matuto pa tungkol sa mga paraan kung paano magkaroon ng passive na kita, basahin ang Gabay para sa Mga Baguhan sa Pagkakaroon ng Passive na Kita sa Crypto.