TL;DR
Ang Internet ay isang tuloy-tuloy na nagbabagong teknolohiya na patuloy na gumagawa ng inobasyon. Sa ngayon, naranasan na natin ang Web 1.0 at 2.0, at maraming pag-uusapan tungkol sa dapat asahan sa Web 3.0. Nagbigay ang Web 1.0 ng static na karanasan para sa mga user nang walang kakayahang gumawa ng mga site na puno ng content na mayroon tayo ngayon. Pinagbuklod tayo ng Web 2.0 gamit ang social media at mga dynamic na website, pero kapalit ng sentralisasyon.
Layunin ng Web 3.0 na bigyan tayo ng kontrol sa ating online na impormasyon at gumawa rin ng semantic web. Ibig sabihin nito, madaling mababasa at maipoproseso ng mga machine ang content na mula sa user. Blockchain ang magbibigay ng kapangyarihan para sa desentralisasyon, mga libreng digital na pagkakakilanlan na may mga crypto wallet, at mga bukas na digital na ekonomiya.
Ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa net ay magiging mas immersive dahil sa mga available na 3D na opsyon. Kasama rin sa mga benepisyo para sa user ang mahusay na pag-browse, nauugnay na pag-advertise, at mas magaling na suporta sa customer. Makikita ang ilan sa mga pinakaginagamit na teknolohiya ng Web 3.0 sa mga virtual assistant gaya nina Siri at Alexa at mga nakakonektang smart home.
Panimula
Sa loob ng nakaraang dalawampung taon o higit pa, malaki ang ipinagbago ng internet. Mula Internet Relay Chat (IRC), nagkaroon na tayo ng mga modernong social media platform. Mga basic na digital na pagbabayad hanggang sa mga kumplikadong online na serbisyo sa pagbabangko. Nakaranas pa tayo ng mga bagong-bagong Internet-based na teknolohiya gaya ng crypto at blockchain. Ang Internet ay naging mahalagang bahagi ng mga pakikipag-ugnayan at pagkonekta ng tao - at patuloy itong nagbabago. Sa ngayon, nakita na natin ang Web 1.0 at 2.0, pero ano ba mismo ang dapat nating asahan sa Web 3.0? Talakayin natin ang mga detalye at alamin natin ang naghihintay sa atin.
Ano ang Web 3.0?
Layunin ng pagkilos na gumawa ng mga bukas, nakakonekta, at matatalinong website at web app na may pinahusay na machine-based na pag-unawa sa data. May mahalagang tungkulin din sa Web 3.0 ang desentralisasyon at mga digital na ekonomiya, dahil sa pamamagitan nito, nabibigyan natin ng halaga ang content na ginagawa sa net. Mahalaga ring maunawaan na isang nagbabagong konsepto ang Web 3.0. Walang iisang kahulugan, at puwedeng mag-iba sa bawat tao ang eksaktong ibig sabihin nito.
Paano gumagana ang Web 3.0?
Ang mga kasalukuyang website ay karaniwang nagpapakita ng static na impormasyon o content na nagmumula sa user, gaya ng mga forum o social media. Bagama't dahil dito, napa-publish ang data sa masa, hindi nito tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga partikular na user. Dapat iangkop ng isang website ang impormasyong ibinibigay nito sa bawat user, katulad ng pagiging dynamic ng pakikipag-ugnayan ng tao sa totoong buhay. Sa Web 2.0, kapag online na ang impormasyong ito, mawawalan ng pagmamay-ari at kontrol ang mga user.
Isa pang pangunahing tao sa konsepto ng Web 3.0 ang computer scientist na si Tim Berners-Lee, ang nag-imbento ng World Wide Web. Ibinigay niya ang ideya niya sa hinaharap ng web noong 1999:
Mayroon akong pangarap para sa Web [kung saan ang mga computer] ay may kakayahang pag-aralan ang lahat ng data sa Web – ang nilalaman, mga link, at mga transaksyon sa pagitan ng mga tao at computer. Ang isang "Semantic Web," na ginagawang posible ito, ay hindi pa lumalabas, pero kapag nangyari ito, ang pang-araw-araw na mekanismo ng trade, burukrasya, at pang-araw-araw nating buhay ay hahawakan ng mga makina na nakikipag-usap sa mga makina.
Maikling kasaysayan ng ebolusyon ng web
Para maunawaan nang mas mabuti ang Web 3.0, tingnan natin kung nasaan tayo ngayon at kung ano ang pinanggalingan natin. Sa loob ng dalawang dekada, malalaking pagbabago na ang nakita natin:
Web 1.0
Ang orihinal na Internet ay nagbigay ng karanasang kilala na ngayon bilang Web 1.0. Binuo ang termino noong 1999 ng may-akda at web designer na si Darci DiNucci noong pinag-iba ang Web 1.0 at Web 2.0. Noong umpisa ng 1990s, binubuo ang mga website gamit ang mga static na HTML page na puwede lang magpakita ng impormasyon. Walang paraan para mabago ng mga user ang data o makapag-upload sila ng sarili nilang data. Limitado ang mga pakikisalamuha sa mga simpleng chat messenger at forum.
Web 2.0
Noong huling bahagi ng 1990s, nagsimulang magkaroon ng pagbabago tungo sa mas interactive na Internet. Sa Web 2.0, kayang makipag-interact ng mga user sa mga website sa pamamagitan ng mga database, pagproseso sa panig ng server, mga form, at social media. Binago ng mga tool na ito ang karanasan sa web mula sa pagiging static para maging dynamic ito.
Ang hinaharap at Web 3.0
Para makita ang mga pangunahing pinagkaiba-iba ng Web 1.0, 2.0, at 3.0 sa isang sulyap, sumangguni sa aming talahanayan sa ibaba:
Web 1.0 | Web 2.0 | Web 3.0 | |
Nilalaman | Passive na interaction para sa user | Mga platform ng komunidad at content na mula sa user | Pagmamay-ari ng user para sa mga creator ng content |
Mga Teknolohiya | HTML | Dynamic HTML, Javascript, | Blockchain, AI, machine learning |
Mga virtual environment | Wala | Kaunting basic na paggamit ng 3D | 3D, VR, AR |
Pag-advertise | Nakakaabala (mga banner, atbp.) | Interactive | Naka-target batay sa gawi ng user |
Storage ng data | Naka-store sa mga server ng mga indibidwal na website | Pagmamay-ari ng malalaking tech giant | Ipinapamahagi sa mga user |
Audience | Mga indibidwal na user | Mga partikular na komunidad ng mga user | Magkakakonektang user sa maraming platform at device |
Mga pangunahing feature ng Web 3.0
Matagal pa bago gamitin ng lahat ang Web 3.0, pero halos lubos nang natukoy ang mga pangunahing konsepto nito. Karaniwang nakalista ang apat na paksa sa ibaba bilang pinakamahahalagang aspekto ng hinaharap ng Web 3.0.
Semantic markup
Sa paglipas ng panahon, humusay na ang mga machine sa pag-unawa sa data at content na ginagawa ng mga user. Gayunpaman, matagal pa bago makagawa ng tuloy-tuloy na karanasan kung saan lubos na nauunawaan ang semantics. Halimbawa, sa ilang sitwasyon, posible na ang ibig sabihin ng paggamit sa salitang "bad" ay "good." Posibleng maging napakahirap na maunawaan ito ng machine. Gayunpaman, sa Big Data at higit pang impormasyong mapag-aaralan, nagsisimula na ang AI na mas maunawaan kung ano ang isinusulat natin sa web at likas itong ipakita.
Blockchain at mga cryptocurrency
Ang pagmamay-ari ng data, mga online na ekonomiya, at desentralisasyon ay mahahalagang aspekto ng hinaharap ng Web3 ni Gavin Wood. Tatalakayin natin ang paksa nang mas detalyado mamaya, pero nagbibigay ang blockchain ng subok nang sistema para makamit ang marami sa mga layuning ito. Ang kakayahan ng kahit sino na mag-tokenize ng mga asset, maglagay ng impormasyon sa chain, at gumawa ng digital na pagkakakilanlan ay isang malaking inobasyong magagamit sa Web 3.0.
3D visualization at presentasyon ng pakikipag-ugnayan
Sa madaling salita, malaki ang ipagbabago ng hitsura ng web. Nakakakita na tayo ng paglipat sa mga 3D na environment na gumagamit pa nga ng virtual reality. Ang metaverse ay isang larangang nangunguna sa paggawa ng mga ganitong karanasan, at pamilyar na tayo sa pakikisalamuha sa pamamagitan ng mga 3D video game. Nagsisikap din ang mga larangan ng UI at UX na makapagpakita ng impormasyon sa mas madadaling paraan para sa mga web user.
Artificial intelligence
Artificial intelligence ang susi para maging data na nababasa ng machine ang content na ginawa ng tao. Pamilyar na tayo sa mga customer service bot, pero umpisa pa lang ito. Parehong kaya ng AI na pakitaan tayo ng data at isaayos ito, kaya naman isa itong versatile na tool para sa Web 3.0. Ang pinakamaganda sa lahat, matututo ang AI at papahusayin nito ang sarili nito, na makakabawas sa trabahong kailangan para sa pag-develop ng tao sa hinaharap.
Ano ang ginagawa sa Web 3.0 na mas superyor kaysa sa mga nauna dito?
Ang kumbinasyon ng mga pangunahing feature ng Web 3.0 ay hahantong sa iba't ibang benepisyo ayon sa teorya. Huwag kalimutan na nakadepende ang lahat ng ito sa tagumpay ng pinagbabatayang teknolohiya:
Paano naging angkop ang crypto sa Web 3.0?
Malaki ang potensyal ng blockchain at crypto pagdating sa Web 3.0. Ang mga desentralisadong network ay matagumpay na nakakagawa ng mga insentibo para sa mas responsableng pagmamay-ari ng data, pamamahala, at paggawa ng content. Kasama sa ilan sa pinakaangkop na aspekto nito para sa Web 3.0 ang:
Mga gamit ng Web 3.0
Bagama't dine-develop pa ang Web 3.0, mayroon tayong ilang halimbawa na ginagamit na sa kasalukuyan:
Mga virtual assistant na Siri at Alexa
Parehong nag-aalok ang Siri ng Apple at Alexa ng Amazon ng mga virtual assistant na pasok sa marami sa mga katangian ng Web3.0. Nakakatulong ang AI at natural language processing sa dalawang serbisyo na mas maunawaan ang mga command na boses ng tao. Kung mas gagamitin ng mga tao ang Siri at Alexa, mas mapapahusay ng AI ng mga ito ang mga rekomendasyon at pakikipag-ugnayan ng mga ito. Kaya naman isa itong perpektong halimbawa ng isang semantically-intelligent na web app na nabibilang sa mundo ng Web 3.0.
Mga nakakonektang smart home
Isang pangunahing feature ng Web 3.0 ang pagiging laganap. Ibig sabihin, puwede nating i-access ang ating data at mga online na serbisyo sa maraming device. Magagawa na iyon ngayon ng mga system na nagkokontrol sa heating, air conditioning, at iba pang utility ng iyong bahay sa matalino at nakakonektang paraan. Alam ng smart home mo kung kailan ka aalis, darating, at kung gaano kainit o kalamig mo gusto sa iyong bahay. Magagamit nito ang impormasyong ito, at higit pa, para gumawa ng nakakonektang karanasan. Pagkatapos, puwede mong i-access ang serbisyong ito mula sa iyong telepono o iba pang online device, nasaan ka man.
Mga pangwakas na pananaw
Ang ebolusyon ng Internet ay isang mahabang pakikipagsapalaran at tiyak na magpapatuloy para magkaroon ng higit pang bersyon. Sa malawakang paglaganap ng available na data, nagkakaroon na ang mga website at application ng mas immersive na karanasan sa web. Bagama't wala pang kongkretong paglalarawan ang Web 3.0, kumikilos na ang mga inobasyon. Madaling makita ang direksyong tinatahak natin, at siyempre, mukhang pangunahing bahagi ng hinaharap ng Web 3.0 ang blockchain.