SafePal S1 – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022
Home
Mga Artikulo
SafePal S1 – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

SafePal S1 – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

Baguhan
Na-publish Mar 9, 2020Na-update Apr 21, 2023
3m

Mga Nilalaman


Mga detalye ng SafePal S1

Mga Dimensyon (cm)

8.6 x 5.4 x 0.6

Screen

1.3” na IPS screen

Input

D-Pad at camera

Koneksyon

N/A

Pinapagana ng baterya?

Oo

Compatibility

Android, iOS

Mga sinusuportahang coin at token

1000+

GitHub

https://github.com/safepal



Ano ang nasa kahon?

  • SafePal S1
  • USB-A to Micro-USB na cable
  • Tatlong recovery sheet
  • Mga Sticker
  • Mabilisang gabay sa pagsisimula
  • Telang panlinis


Pangkalahatang-ideya ng SafePal S1

Ang SafePal ay isang bagong pasok sa larangan ng hardware wallet, at talagang natatangi ito. Ang SafePal, na sinusuportahan ng mga tulad ng Binance Labs, Trust Wallet, at Litecoin Foundation, ay isang mura at portable na opsyon sa cold storage.

Ang device ay mukhang MP3 player. Ang D-pad sa ibaba ng color screen nito ay ginagamit para mag-navigate sa iba't ibang menu, at may camera na ginagamit sa pag-scan ng mga QR code kapag lumalagda ng mga transaksyon. Wala itong wired na koneksyon (maliban sa ginagamit para i-charge ang baterya at makatanggap ng mga update). Halos naka-air gap ang SafePal – pagkatapos ng mga update, ang komunikasyon lang nito sa labas ay sa pamamagitan ng impormasyong ipinapakita sa screen.

Dahil halos hindi kailanman naisaksak ang device sa isang machine na nakakonekta sa internet, naaalis ang maraming vector ng pag-atake. Gayunpaman, puwedeng makompromiso ang kakayahang magamit nito, dahil hindi gaanong mahusay ang proseso ng paggastos ng mga pondo. Ipapares ng mga user ang wallet sa isang smartphone app at magbibigayan ang dalawang ito ng impormasyon sa pamamagitan ng mga QR code.

Dahil compatible ang SafePal sa smartphone at wala ito gaanong cable, portable ito at madaling gamitin on the go. Gaya ng karamihan (kung hindi lahat) ng hardware wallet ngayon, kailangang maglagay ng PIN code sa device. Puwedeng piliin ng mga user na bumuo ng seed na may 12 salita, o 24 na salita.

Ang pinakamalaking disbentahe ng SafePal ay ang pakiramdam na parang madali itong masira. Pero muli, isa ito sa pinakamurang hardware wallet na available.



Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Mga kalakasan at kahinaan ng SafePal S1

Mga Bentahe

  • Puwedeng mag-store ng 1000+ na asset
  • Binubura ang laman ng device kung pisikal na pinakialaman.
  • Abot-kayang presyo
  • Wireless

Mga Kahinaan

  • Parang madaling masira
  • Hindi ganap na naka-air gap (kailangang isaksak sa computer para sa mga pag-upgrade ng firmware)
  • Kumplikadong pakikipagtransaksyon
  • Sumusuporta ng maraming token, pero ang mga blockchain na sinusuportahan nito ay hindi kasing dami ng sa iba pang hardware wallet.


Presyo ng SafePal S1

Mula noong Pebrero 2020, $39.99 ang presyo ng SafePal S1. 

Ipinapayong laging bumili ng mga hardware wallet mula mismo sa manufacturer o mga opisyal na reseller. Sa pagbili ng mga segunda manong hardware wallet, may panganib na makompromiso ang mga pribadong key.


Mga pangwakas na pananaw

May natatanging lugar ang SafePal S1 sa lineup ng hardware wallet. Simple lang itong patakbuhin at may ilang magandang feature, sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakamurang alok. Siyempre pa, parang hindi ito kasing tibay ng mga tulad ng Ledger o Cobo Vault, kaya dapat tiyakin ng mga user na i-back up nang maingat ang kanilang mga seed.

Gayunpaman, magandang produkto ito para sa mga user na nagsasagawa ng unang hakbang sa paglipat mula sa hot o custodial wallet. Para sa mga walang planong gumawa ng transaksyon nang madalas, isa itong magandang portable na solusyon na walang cable.