Mga Nilalaman
- Mga detalye ng KeepKey
- Ano ang nasa kahon?
- Pangkalahatang-ideya ng KeepKey
- Mga kalakasan at kahinaan ng KeepKey
- Presyo ng KeepKey
- Mga pangwakas na pananaw
Mga detalye ng KeepKey
Mga Dimensyon (cm) | 3.8 x 9.3 x 1.2 |
Timbang | 54 g |
Screen | OLED |
Input | Isang button |
Koneksyon | Micro-USB |
Baterya | Hindi |
Compatibility | 64-bit na desktop computer (Windows 8+, macOS 10.8+, Linux). Compatible din sa mga Android smartphone. |
Mga sinusuportahang coin at token | 1200+ |
GitHub |

Ano ang nasa kahon?
- KeepKey
- Woven nylon na USB cable
- Backup card para sa recovery sentence
Pangkalahatang-ideya ng KeepKey
Matibay ang disenyo ng KeepKey na may na-anodize na aluminum sa likod, kaya portable at madali itong hawakan.
Ang isa sa mga pangunahing pagbabago sa KeepKey ay ang direktang integration nito sa platform ng pag-trade na nakabatay sa web na ShapeShift. Mahalagang tandaan na bagama't pinakamalalim na naka-integrate ang KeepKey sa ShapeShift, puwede mo pa ring gamitin ito sa iba pang wallet software.
Simple at madaling sundan ang unang pag-set up. Sa buong pagsubok namin, nagkaroon kami ng ilang isyu sa pagpapares ng device sa ShapeShift. Palaging nawawala ang koneksyon ng device, pero nalutas ang isyu sa pamamagitan ng ilang pag-restart.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Mga kalakasan at kahinaan ng KeepKey
Mga Bentahe
- Abot-kayang presyo.
- Portable.
Mga Kahinaan
- Kinakailangan mong gumawa ng account sa ShapeShift.
- Limitadong suporta sa mobile.
- Bagama't sumusuporta ng maraming token ang KeepKey, ang mga indibidwal na blockchain na sinusuportahan nito ay hindi kasing dami ng sa ilan sa mga kakumpitensya nito.
Presyo ng KeepKey
Mula noong Enero 2020, ipinagbibili ang KeepKey sa halagang $49.
Ipinapayong laging bumili ng mga hardware wallet mula mismo sa manufacturer. Sa pagbili ng mga segunda manong hardware wallet, may panganib na makompromiso ang mga pribadong key. Kapag binili mo ang device mula sa ShapeShift, mayroon itong holographic na seal.
Mga pangwakas na pananaw
Ang KeepKey ay isang hardware wallet na ginawa ng kumpanyang may parehong pangalan, na kinuha ng ShapeShift na isang platform sa pag-trade na nakabatay sa web noong 2017. Dahil dito, ang pangunahing feature ng KeepKey ay ang integration nito sa ShapeShift. Kaya, para sa mga ayaw talagang gumamit ng ShapeShift, baka mas magandang humanap ng ibang solusyon sa hardware wallet.
Bilang buod, ang KeepKey ay isang wallet na maganda ang disenyo at madaling gamitin na may ilang limitasyon sa compatibility, pero angkop para sa mga baguhan.