TL;DR
Ang proseso ng pag-withdraw ng iyong mga pondo sa Binance ay nakadepende sa cryptocurrency o fiat currency na gusto mong ilipat. Puwedeng i-withdraw ang ilang crypto papunta sa maraming iba't ibang blockchain, kaya mag-ingat para mapili ang tamang blockchain.
Magkakaiba ang oras na itinatagal para mag-withdraw ng mga pondo depende sa paraang ginagamit mo. Para sa mga pag-withdraw ng crypto, mangangailangan ang bawat blockchain ng isang partikular na dami ng mga kumpirmasyon bago ito mapunta sa iyong wallet. Puwede mong tingnan ang status ng iyong transaksyon sa pamamagitan ng paggamit sa naaangkop na blockchain explorer.
Panimula
Kung gusto mong maglipat ng mga pondo sa iyong account sa Binance, kakailanganin mong dumaan sa proseso ng pag-withdraw. Magbabago ang proseso depende sa blockchain, cryptocurrency, o fiat na gusto mong i-withdraw. Sa kabuuan, napakasimple nito, pero dapat kang maging maingat na sundin nang maigi ang bawat hakbang para matiyak na hindi mo mawawala ang iyong mga pondo nang hindi sinasadya.
Paano mag-withdraw ng cryptocurrency sa Binance
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Kapag naka-log in ka na, itapat ang iyong mouse sa [Wallet], at i-click ang [Fiat at Spot].

2. Mag-click sa [Mag-withdraw].

3. Piliin ang tab na [Crypto] at piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw.

4. Kung inisyu ang cryptocurrency sa maraming network, piliin kung saan mo gustong mag-withdraw.

5. I-tap ang BNB sa iyong Trust Wallet.

6. I-tap ang [Tumanggap].

7. Kopyahin ang iyong address ng BNB.

8. I-paste ito sa [Address ng BNB ng Tatanggap] sa page ng pag-withdraw ng Binance. Kung mukhang maayos ang lahat, i-click ang [Isumite].

9. I-click ang [Ipadala ang Code], at ilagay ang anim na digit na code na natanggap mo sa iyong email.

Paano mag-withdraw ng fiat currency mula sa Binance
Sinusuportahan ng Binance ang higit sa 60 fiat currency at maraming iba't ibang paraan ng pagbabayad.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Kapag naka-log in ka na, itapat ang iyong mouse sa [Wallet], at i-click ang [Fiat at Spot].

2. Mag-click sa [Mag-withdraw].

3. Piliin ang tab na [Fiat].

4. Piliin ang fiat currency na gusto mong i-withdraw at ang paraan ng pagbabayad. Ang mga opsyon sa paraan ng pagbabayad ay batay sa iyong napiling currency at rehiyon.

5. Ilagay ang kinakailangang mga detalye at sundin ang mga tagubilin.

6. At ilagay ang iyong code sa pag-verify para kumpirmahin ang pag-withdraw.


Ano ang bayarin sa pag-withdraw ng crypto?
Ano ang minimum na halagang puwedeng i-withdraw sa Binance?
Gaano katagal ang aabutin ng pag-withdraw sa Binance?
Bakit naipit ang pagpoproseso ng pag-withdraw ko sa Binance?
Baka naipit ang iyong transaksyon dahil kailangan pang kumpirmahin ng blockchain ang iyong transaksyon o baka congested ito. Tulad ng nabanggit namin noon, kailangan ng ilang blockchain ng mas maraming kumpirmasyon ng network kaysa sa iba. Kapag mabigat ang trapiko, puwedeng mas tumagal kaysa sa inaasahan ang mga transaksyon.
Bakit hindi ako makapag-withdraw sa Binance?
May ilang posibleng dahilan kung bakit hindi ka makapag-withdraw sa Binance. Una, kung binago mo kamakailan ang iyong password o na-disable mo ang iyong SMS/Google authentication, sususpindihin ng Binance ang mga pag-withdraw sa loob ng 24 na oras. Kung gagawa ka ng kumpletong pag-reset ng iyong SMS/Google authentication, sususpindihin ng Binance ang mga pag-withdraw sa loob ng 48 oras.
Kung may matukoy ang Binance na anumang abnormal na aktibidad sa iyong account, baka pansamantala na namang masuspinde ang function ng pag-withdraw. Ang pagpapahintong ito ay para protektahan ang iyong account at mga pondo. Gayundin, nagpapatupad paminsan-minsan ang Binance ng mga pag-upgrade ng system na nangangailangan ng pagpapahinto sa pag-withdraw hanggang sa makumpleto ang pag-update.