Paano Mag-trade ng Crypto sa Responsableng Paraan
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang responsableng pag-trade?
Paano nakakatulong ang Binance sa mga tao na mag-trade sa responsableng paraan?
8 tip para matulungan kang mag-trade ng crypto sa responsableng paraan
Gawing secure ang iyong account at wallet sa pag-trade
Gumawa ng plano sa pag-trade
Gumamit ng mga stop-limit order
Magsagawa ng sarili mong pananaliksik
I-diversify ang iyong portfolio
Iwasan ang FOMO
Maunawaan ang leverage
Gumamit ng Panahon ng Pahinga
Mga pangwakas na pananaw
Paano Mag-trade ng Crypto sa Responsableng Paraan
HomeMga Artikulo
Paano Mag-trade ng Crypto sa Responsableng Paraan

Paano Mag-trade ng Crypto sa Responsableng Paraan

Baguhan
Published Aug 6, 2021Updated Oct 14, 2021
9m

TL;DR

Ang pag-trade sa responsableng paraan ang dapat na nangunguna mong priyoridad kapag bumibili o nagbebenta ng crypto. Malaking bahagi ng pag-trade sa responsableng paraan ang nagmumula sa pagpaplano nang maayos. Makakatulong kung gagawa ka ng plano sa pag-trade para manatili kang responsable sa mga pagkilos mo sa paglaon.

Sa pamamagitan ng pagdedesisyon nang hindi magulo ang isip, maiiwasan mong maapektuhan ng emosyon ang iyong mga trade. Dapat mo ring pag-isipang magsagawa ng sarili mong pananaliksik, mag-diversify, gumamit ng mga stop-limit order, at umiwas sa FOMO kapag posible. 

Kung nagte-trade ka gamit ang leverage, siguraduhing naiintindihan mo nang mabuti ang mga sangkot na panganib. Nagsama rin ang Binance ng mga feature para bigyan ka ng dagdag na kontrol sa halagang tine-trade mo, gaya ng Panahon ng Pahinga. Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na i-lock ang futures account mo sa loob ng nakatakdang yugto ng panahon.


Panimula

Kahit magkano pa ang tine-trade mo, pinakamahusay na kagawiang siguraduhin na ginagawa mo iyon sa responsableng paraan. Sa pamamagitan ng mga simpleng tip at paraan, mababawasan mo ang mga hindi kinakailangang panganib at masisigurado mo na ang ite-trade mo lang ay ang kaya mong mawala sa iyo. Para sa ilang tao, puwedeng madali silang madala at mawalan ng kontrol. Kung gusto mong malaman kung paano mo mapapamahalaan nang mas mabuti ang iyong pag-trade, basahin ang aming gabay para matukoy ang iyong mga tamang limitasyon at mapahusay ang pangkalahatang responsibilidad mo.


Ano ang responsableng pag-trade?

Ang pag-trade ng crypto sa responsableng paraan ay hindi lang pagbabantay kung magkano ang binibili at ibinebenta mo. Dapat kontrolado mo ang iyong gawi sa pag-trade sa halip na kumilos ka batay sa emosyon. Dapat mo ring akuin ang responsibilidad at maintindihan kung angkop ba talaga sa iyo ang ginagawa mong aktibidad sa pag-trade.

Maraming iba't ibang paraan para magawa mong mamuhunan o mag-trade sa mga cryptocurrency. Ang mga alternatibo gaya ng futures at margin trading ay makakapagbigay ng malalaking kita sa pamamagitan ng leverage pero mas delikado ang mga ito. Posibleng mahirapan ang ilang trader na gamitin ang mga ito sa responsableng paraan. Mas ligtas na opsyon ang pagbili ng crypto sa spot market at pag-HODL at posibleng mas angkop ang mga ito para sa iyong profile ng panganib.

Iiwasan ng mga responsableng trader ang mga gawi at aktibidad na puwedeng humantong sa mga iresponsableng pag-trade. Malaking bahagi ng responsableng pag-trade ng crypto ang pagkilala kapag posibleng may negatibong nakakaimpluwensya sa iyong pagpapasya. Kailangan ng panahon at karanasan para magkaroon ng ganitong kakayahan, at karaniwan para sa mga bagong trader na mag-trade nang pabigla-bigla o umasa sa kutob o pakiramdam. Kung mas iiwasan mo ito, mas mabuti.


Paano nakakatulong ang Binance sa mga tao na mag-trade sa responsableng paraan?

Sineseryoso ng Binance ang responsibilidad nitong turuan at gabayan ang mga user sa pinakamahuhusay na kagawian. Kasama sa paggawa ng mga responsableng produkto ng crypto, ang Binance din ang unang palitan ng cryptocurrency na nag-atas sa mga user na pumasa sa mga pagsusulit tungkol sa mga feature sa pag-trade. Nagbibigay rin ang Binance Academy ng libreng impormasyon na aktibong nagtuturo sa milyon-milyong mambabasa sa buong mundo tungkol sa mas ligtas na mga paraan para mamuhunan at mag-trade. Puwede ring basahin ng mga user na gustong mamuhunan sa cryptocurrency ang Binance Research para sa mga walang kinikilingan at detalyadong ulat.
Nagpapatupad din ang Binance ng ilang feature na pangontra sa adiksyon para matulungan ang mga trader na posibleng nanganganib. Halimbawa, puwedeng pansamantalang itigil ng Binance ang iyong aktibidad sa pag-trade kung magkakaroon ka ng maraming sunod-sunod na pagkalugi. Nakakatulong ang system na ito na labanan ang pabigla-biglang gawi sa pag-trade. Isang paraan lang ito kung paano Sineseryoso ng Binance ang Responsableng Pag-trade.
Puwede kang magbasa pa sa aming nakalaang page para sa Responsableng Pag-trade


8 tip para matulungan kang mag-trade ng crypto sa responsableng paraan

Sa pag-trade ng mga cryptocurrency, kinakailangan mong mamahala ng maraming aspekto ng iyong gawi sa pag-trade. Hindi ito nagsisimula at nagtatapos sa button na bumili o magbenta . Subukang magsama ng marami sa mga tip sa ibaba hangga't maaari sa iyong routine. Posibleng napakarami nitong payo, pero makakatulong ang mga ito na mapahusay ang iyong mga kakayahan sa pag-trade.


Gawing secure ang iyong account at wallet sa pag-trade

Bago ka pa magsimulang mag-trade, ang pinakamagandang magagawa mo ay gawing secure ang iyong account. Gaano mo man karesponsable planuhin ang iyong mga trade, wala itong saysay kung makokompromiso ang iyong mga pondo, account, at password. Maraming paraan para magawa ito, kasama na ang paggamit ng two-factor authentication (2FA), paggawa mg malakas na password, at pag-whitelist ng mga address sa pag-withdraw. Nag-ipon din kami ng 15 Tip para Mapaigting ang Seguridad para sa Iyong Account sa Binance para matiyak na SAFU ang crypto mo.
Kung gumagamit ka rin ng external na cryptocurrency wallet, nalalapat ang mga parehong panuntunan sa iyong pribadong key. Hinding-hindi mo dapat ibahagi ang iyong pribadong key o seed phrase sa ibang tao, tulad na lang ng mga detalye ng bank account mo. Depende sa iyong mga pangangailangan at antas ng seguridad, puwede kang pumili ng digital wallet sa aming listahan ng mga inirerekomendang wallet sa Binance Smart Chain. Kung available sa iyo ang opsyon, puwede kang mag-store ng mga dagdag na pondo sa isang hardware wallet para mapanatiling ligtas ang mga iyon.


Gumawa ng plano sa pag-trade

Ang pinakamainam na paraan para huwag hayaang makaapekto sa pag-trade mo ang iyong mga emosyon ay ang paggawa ng plano at pagsunod dito. Sa ganitong paraan, hindi magugulo ang iyong pagdedesisyon sa mga biglaang kita, pagkalugi, tsismis, o FUD. Ano ang nilalaman ng plano sa pag-trade?

Dapat ibalangkas ng iyong plano ang uri ng mga trade na gusto mong gawin, ang mga kondisyon para sa pag-trade, at ang iyong mga layunin sa pag-trade. Tutukuyin ng iyong profile ng panganib at istilo ng pag-trade kung ano ang mga limitasyon mo. Dapat mong gawin ang iyong plano sa pag-trade nang hindi magulo ang iyong isip at dapat kang maging masayang sundin sa kalaunan ang napagdesisyunan mo. Puwedeng kabilang sa iyong plano sa pag-trade:

  • Kung gaano kalaking leverage ang gusto mong gamitin kung gagamit ka nga nito
  • Ang entry at exit price para sa mga partikular na trade

  • Ang maximum na halaga ng pamumuhunan bilang porsyento ng kabuuang kapital

  • Kung gaano  ka-diversified ang iyong portfolio
  • Ang alokasyon ng iyong crypto asset

  • Kung kailan titigil sa pag-trade (oras, dami, atbp.)

  • Ang mga maximum na pagkalugi

  • Ang mga produkto o asset na tine-trade mo


Gumamit ng mga stop-limit order

Madali kang makakagamit ng mga stop-limit order sa Binance para sa karagdagang kontrol sa iyong pag-trade. Hindi puwedeng 24/7 kang nakatutok sa screen, at dahil napaka-volatile ng crypto, puwede kang magkaroon ng mga hindi inaasahang pagkalugi. Hindi responsableng paraan ng pag-trade ang pag-iiwan ng malalaking halaga ng crypto nang walang anumang proteksyon laban sa volatility. Kapag nakapag-set up ka na ng plano sa pag-trade, madali kang makakagamit ng mga stop-limit order para sumunod dito.

Halimbawa, isiping bumili ka ng 1 Bitcoin (BTC) sa halagang $15,000 (US dollars), at $40,000 na ngayon ang presyo ng Bitcoin. Gusto mong matiyak na kung babagsak ang presyo, hindi ka magbebenta nang mas mababa kaysa sa $30,000. Magkakaroon ka ng $15,000 na kita dahil dito. Para i-automate ito, puwede kang magtakda ng sell stop-limit order.

Una mong itatakda ang stop price sa $32,000. Ito ang presyong magti-trigger sa iyong limit order. Pagkatapos, itatakda mo ang limit price sa $30,000, ibig sabihin, maibebenta ang iyong 1 BTC sa halagang $30,000 o mas mataas kung maaabot ang stop price.

Sa pamamagitan ng pag-iiwan ng agwat sa pagitan ng stop price at limit price, may pinakamalaking tsansang mapunan ang iyong stop-limit order. Kung walang agwat, posibleng maging mas mababa kaysa sa iyong limit price ang market price nang hindi napupunan ang iyong order.

Tandaan na hindi laging garantisadong mapupunan ang isang stop-limit order, pero kapag napunan iyon, lagi mong makukuha ang itinakda mong presyo o mas mataas pa. Para sa higit pang impormasyon kung paano gumamit ng mga stop-limit order, tingnan ang Ano ang Stop-Limit Order?.


Magsagawa ng sarili mong pananaliksik

Bagama't nag-aalok kami ng mga materyales para sa edukasyon at pananaliksik sa pamamagitan ng Binance Academy at Binance Research, simula lang dapat ito ng iyong pagsusuri. Do your own research (DYOR, magsagawa ng sarili mong pananaliksik) para ma-validate at ma-double check ang anumang impormasyong mahahanap mo.
Ang payong ito ay para sa pag-trade at pamumuhunan sa mga coin sa pamamagitan ng palitan at paggamit ng mga produkto ng Decentralized Finance (DeFi). Ikaw lang ang pinakanakakaalam sa iyong profile ng panganib at kung ano ang angkop sa portfolio mo. Bago ka magsimulang mamuhunan at mag-trade, siguraduhing naiintindihan mo nang mabuti kung saan mo ilalagay ang iyong pera.


I-diversify ang iyong portfolio

Kung magpapasya kang gumawa ng plano sa pag-trade, dapat mong i-diversify ang iyong portfolio para mabawasan ang panganib mo. Malamang na maging mas mapanganib ang paghawak ng isa o dalawang asset lang sa iyong portfolio. Dahil dito, puwede mong i-diversify ang iyong mga hawak sa pamamagitan ng pamumuhunan sa iba't ibang asset sa maraming klase ng asset.
Sa crypto, puwede kang magsimula sa pamamagitan ng pagtukoy sa alokasyon ng asset mo. Puwede mong ilaan ang iyong mga pamumuhunan sa mga liquidity poolpag-stake, mga derivative, mga stablecoin, at mga altcoin sa DeFi. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng iyong exposure sa iisang klase ng crypto, mas malabong makaranas ka ng malalaking pagkalugi. Halimbawa, puwede kang makaranas ng pansamantalang pagkalugi sa isang liquidity pool kung saan ka namuhunan pero io-offset mo ang iyong mga pagkalugi sa pamamagitan ng pag-stake ng mga kita.
Pagkatapos, puwede kang mag-diversify sa iba't ibang klase ng asset na ito. Para sa mga stablecoin, puwede kang humawak ng BUSDUSDT, at PAXG para mas mabawasan pa ang pangkalahatang panganib sa portfolio mo. Pero mga halimbawa lang ang mga ito. Maraming responsableng paraan para planuhin ang iyong portfolio ng crypto.


Iwasan ang FOMO

Ang Fear of Missing Out (FOMO, takot na may mapalampas) ay isang karaniwang pakiramdam sa maraming trader. Gayunpaman, kailangan mong mag-ingat sa kung paano ito nakakaapekto sa iyong mga pagkilos. Ang takot na mapalampas ang isang pagkakataon sa pamumuhunan ay puwedeng magtulak sa iyong talikuran ang lahat ng limitasyon at plano sa pag-trade mo at ipagpalit ang mga ito sa mga pabigla-biglang desisyon. May access na tayo ngayon sa napakaraming impormasyon sa internet, social media, at iba pang channel ng komunikasyon, kaya lahat tayo ay puwedeng makaranas nito.

Bagama't puwede kang magsaliksik at maghanap ng magagandang pagkakataon sa pamumuhunan online, dapat mong laging bantayan ang pag-shill. Ipo-promote ng mga user na may ibang motibong pinansyal ang kanilang mga coin o proyekto, anuman ang aktwal na halaga ng mga ito. Sasamantalahin ng mga shiller ang FOMO at mamanipulahin nila ang mga emosyon ng mga trader. Kung magsisimula kang makaramdam na para bang may napapalampas kang pagkakataong hindi mo pa naririnig noon, maglaan ng oras para manaliksik nang mabuti tungkol sa proyekto bago mo isugal ang iyong pera.

Maraming bagay na puwedeng magsanhi ng FOMO. Kung makikilala mo ang mga ito, maiisip mo ang mga trigger ng mga ito.

  • Social media: May mga tsismis, maling impormasyon, at shiller sa Twitter, Telegram, Reddit, at iba pang social platform. Lagi ka dapat mag-DYOR. Maraming influencer ang binabayaran para mag-promote ng mga proyekto at altcoin, at posibleng samantalahin ng mga scammer ang iyong FOMO para manakaw ang mga pondo mo.
  • Mga Kita: Kung sunod-sunod ang pagkapanalo mo, posibleng nakakatuksong magpadalos-dalos sa mga kinita mo. Posibleng sumobra ang kumpiyansa mo sa iyong mga kakayahan at hindi maging maganda ang mga pagpili mo. Kahit na malaki-laki ang kinita mo, puwedeng tumindi ang iyong FOMO sa iba pang “malalaking” pagkakataon sa pamumuhunan.
  • Mga Pagkalugi: Sa pagsubok na mabawi ang mga pagkalugi, puwedeng tumindi ang iyong FOMO. Puwede ka pa ngang pumasok sa isang posisyon, lumabas pagkatapos malugi, at pagkatapos ay pumasok ulit sa posisyon dahil sa FOMO. Parehong puwedeng humantong ang mga ito sa mas malalaking pagkalugi.
  • Mga sabi-sabi at tsismis: Kung makakarinig ka ng impormasyon mula sa iba pang trader o sa internet, puwedeng magmukhang nakakatukso ang isang pamumuhunan. Gayunpaman, hinding-hindi dapat pumalit sa matibay na pananaliksik at pagsusuri ang mga tsismis, payo sa pamumuhunan, o rekomendasyon para sa isang sikat na cryptocurrency.
  • Volatility: Sa malalaking pagbabago-bago ng presyo sa magkabilang direksyon, nagkakaroon ng mga pagkakataong kumita. Namumuhunan ka man at umaasang tataas ang presyo o magsho-short sa merkado ng cryptocurrency sa downturn, puwedeng maging madaling madala at mawalan ng kontrol. Posible ring ituring mo ang bearish market bilang magandang pagkakataong mamuhunan pero mauuwi ka lang sa  pagkakaroon ng falling knife.


Maunawaan ang leverage

Posibleng magmukhang nakakaaengganyo ang ideya ng paghiram ng mga pondo sa margin o futures para kumita nang mas malaki. Gayunpaman, kasama nito ang panganib na  ma-liquidate at mawala agad ang lahat ng iyong kapital, dahil lumalaki rin ang mga pagkalugi mo. Hindi naman masama ang liquidation kung hindi ka lalampas sa mga limitasyon mo. Gayunpaman, hindi responsableng pag-trade kung mas malaki ang mawawala sa iyo kaysa sa plinano mo o kung masyadong maraming pera ang isusugal mo. Bago ka magsimulang gumamit ng leverage, siguraduhing naiintindihan mo kung paano ito eksaktong gumagana.

Posibleng nakita mo na ang leverage bilang isang multiplier gaya ng 10x, na nagmu-multiply ng iyong inisyal na kapital sa 10. Ang $10,000 na na-leverage nang 10x ay magbibigay sa iyo ng $100,000 na puwedeng i-trade, at gagamitin ang iyong inisyal na kapital para masaklawan ang mga pagkalugi mo. Kapag naubos na ang iyong kapital, ili-liquidate ng palitan ang posisyon mo.

Puwedeng magamit ang leverage trading sa iresponsableng paraan. Di-hamak na mas malaki ang panganib nito, kaya siguraduhing pag-aralan nang mabuti ang Coin-Margined Futures at USDT-Margined Futures para maintindihan nang mabuti ang mga panganib. Pinoprotektahan din ng Binance ang mga bagong user sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang leverage para hikayatin ang responsableng pag-trade.


Gumamit ng Panahon ng Pahinga

Para matulungan ang mga trader na gumamit ng leverage sa responsableng paraan, may naka-built in na feature para sa Binance Futures ang Binance para matulungan kang kontrolin ang halagang ite-trade mo. Puwede mong gamitin ang Panahon ng Pahinga para makasunod sa iyong plano sa pag-trade at matiyak na magte-trade ka lang nang pasok sa kakayanan mo. Sa pamamagitan ng pag-enable sa feature, mapipili mong i-lock ang iyong account nang hanggang isang buwan. Kapag na-on mo na ang Panahon ng Pahinga, hindi ito mababawi hangga't hindi natatapos ang timer.


Mga pangwakas na pananaw

Dapat mag-trade ang lahat sa responsableng paraan, at kasama rin dito ang mga palitan. Sineseryoso ng Binance ang tungkulin nito sa pagtulong na gabayan ang mga trader na gawin ang mga tamang desisyon. Nagte-trade ka man ng mga digital asset, stock, o commodity, lagi ka dapat maglapat ng mga naaangkop na diskarte sa pamamahala ng panganib at magsagawa ng sarili mong pananaliksik. Kung nag-aalala ka sa iyong aktibidad sa pag-trade, masyado kang nase-stress, o mas maraming pera ang nalulugi sa iyo kaysa sa kaya mong mawala, makipag-ugnayan sa Suporta sa Customer ng Binance.