TL;DR
Ang Ledger Nano S at Ledger Nano X ay mga cold storage device na ginagamit para mag-store ng mga pribadong key at crypto sa secure na paraan. Hinding-hindi kumokonekta sa internet ang mga hardware wallet na ito kaya napapanatiling ligtas ang mga pribadong key laban sa mga hacker.
Compatible ang mga Ledger Nano device sa maraming blockchain, gaya ng Ethereum, Tron, Binance Chain, Solana, at Binance Smart Chain (BSC). Sa artikulong ito, ipapakita namin sa iyo kung paano magkonekta ng Ledger Nano sa BSC. Siguraduhing ida-download mo ang Ledger Live at mag-i-install ka ng MetaMask para sa iyong browser.
Panimula
Kung nagawa mo na ang hakbang para ma-secure ang iyong crypto at mga digital asset gamit ang Nano Ledger, kakailanganin mo itong i-set up para gumana ito sa Binance Smart Chain. Puwede kang mag-store ng anumang BEP-20 token sa iyong device, pero kung hindi nakikita ang mga token mo, baka kailangan mong manu-manong magdagdag ng suporta para dito para lumabas ito sa iyong mga transaksyon at UI.
Ano ang Ledger Nano?
Ano ang cold storage device?
Mag-set up ng account sa Binance Smart Chain sa Ledger Live
2. Pumunta sa tab na Mga Account at i-click ang [Magdagdag ng account]. Makikita mo ang opsyon para sa BSC. Piliin ang [Binance Smart Chain], at i-click ang [Magpatuloy].
3. Naigawa ka na dapat ngayon ng account sa BSC ng Ledger Live. Susunod, pumunta sa tab na [Tumanggap].
4. Piliin ang iyong account sa BSC bago i-click ang [Magpatuloy].
Sinusuportahan ba ng Ledger Live app ang bawat BEP-20 token?
Tatanggapin ng iyong Nano Ledger ang anumang BEP-20 token, pero baka hindi ito lumabas sa iyong balanse sa umpisa. Ligtas na maitatabi roon ang iyong token, at ang kailangan mo lang gawin ay magdagdag ng ilang teknikal na detalye para lumabas ito sa Ledger Live at sa iyong Ledger device.
Ipinapakita ng Ledger Live ang mga BEP-20 token sa tatlong iba't ibang paraan:
- Kasama ng halaga ng balanse at value nito sa fiat. Para ito sa mga token na may kumpletong suporta.
- Kasama lang ng halaga ng balanse pero walang value sa fiat. Para ito sa mga token na may hindi kumpletong suporta
- Walang halaga ng balanse at walang value sa fiat. Para ito sa mga hindi sinusuportahang token kung saan kailangang ikaw mismo ang magdagdag ng mga detalye nito.
Kung nakapagpadala ka na ng mga BEP-20 token sa BSC wallet ng iyong Nano Ledger pero hindi mo makita ang iyong balanse sa Ledger Live, puwede mo itong i-double check sa BscScan. Pumunta sa BscScan at kopyahin ito sa iyong BSC address sa Ledger Nano. I-click ang drop-down na kahong [Token] sa kaliwa para makita ang iyong balanse.
I-access ang aking balanse ng hindi sinusuportahang BEP-20 token
Kayang i-store ng iyong Ledger Nano ang anumang BEP-20 token, pero hindi lahat ng BEP-20 token sa ecosystem ng BSC ay native na ipinapakita sa Ledger Nano mo. Dahil dito, para mapamahalaan ang iyong mga hindi sinusuportahang BEP-20 token, kakailanganin mong gumamit ng wallet gaya ng MetaMask sa iyong Ledger Nano.
Mainnet
Pangalan ng Network: Smart Chain
URL ng Bagong RPC: https://bsc-dataseed.binance.org/
ChainID: 56
Simbolo: BNB
Kapag matagumpay mo nang nasunod ang tutorial, bumalik sa hakbang 4 dito.
4. Ikonekta ang iyong Nano Ledger sa computer mo at pagkatapos ay buksan ang Binance Smart Chain app ng iyong device. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paghahanap sa icon ng Binance Smart Chain at pagpindot nang sabay sa mga button ng iyong Nano Ledger.
5. Buksan ang Ledger Live app na nakakonekta sa iyong Nano Ledger.
6. Sa MetaMask, pumunta sa [Mga Setting] - [Advanced] at pagkatapos ay i-on ang [Gamitin ang Ledger Live]. Lalabas ang iyong Nano Ledger bilang isang account sa MetaMask.
7. Susunod, kakailanganin mong idagdag ang address ng kontrata ng iyong hindi sinusuportahang BEP-20 token sa MetaMask bilang custom na token.
8. Makikita mo ang kontrata ng iyong BEP-20 token sa pamamagitan ng paghahanap sa coin sa CoinMarketCap o CoinGecko. Makikita mo ang kahon sa ibaba na naglalaman ng impormasyong kailangan mong kopyahin. Siguraduhin din na tatandaan mo ang field na [Decimal].
9. Pagkatapos siguraduhin na ikaw ay nasa iyong Ledger Nano account sa MetaMask, at napili mo ang Binance Smart Chain, mag-click sa tab na [Mga Asset]. Mag-scroll sa ibaba at pagkatapos ay i-click ang [Idagdag ang Token].
Dapat ay matagumpay ka nang nakapagdagdag ng suporta para sa iyong BEP-20 token sa Nano Ledger mo. Kung magpapasya kang ilipat ang mga token sa iyong wallet, siguraduhing mayroon kang kaunting BEP-20 BNB para sa iyong bayarin sa transaksyon.